Nakita ni Irene at Leona ang lahat mula sa bintana.Napapikit si Leona at pinunasan ang sariling luha.“Hindi ko akalaing kaya niyang saktan si Fortuna ng ganito,” mahina niyang sabi.“Hindi mo siya pinalaking ganito, anak,” sagot ni Irene. “Pero ang galit na pinakain natin sa kanya, lumaki rin.”Napayuko si Leona.“Ngunit hindi pa huli ang lahat, Mama…” bulong niya. “Hindi ko hahayaan na tuluyang masira ang buhay ni Fortuna.”Ilang sandali pa, nagmadaling lumabas si Leona ng mansion, ramdam ang bigat sa dibdib habang hinahanap ang kanyang daughter-in-law na si Fortuna.Laman ng isip niya ang bawat patak ng luha na nakita sa mga mata ng dalaga, na tila bumabaon sa kanyang konsensya.Sa pag-ikot niya sa hardin, nakita niya si Fortuna — nakaluhod sa malamig na damuhan, umiiyak ng buong lakas, tila hindi na makahinga sa sakit at hinanakit.Lumapit siya at walang alinlangang niyakap ang dalaga mula sa likuran, dama ang panginginig ng katawan nito sa bawat hikbi."Anak, tama na..." mahinan
Terakhir Diperbarui : 2025-03-18 Baca selengkapnya