Nakita ni Irene at Leona ang lahat mula sa bintana.Napapikit si Leona at pinunasan ang sariling luha.“Hindi ko akalaing kaya niyang saktan si Fortuna ng ganito,” mahina niyang sabi.“Hindi mo siya pinalaking ganito, anak,” sagot ni Irene. “Pero ang galit na pinakain natin sa kanya, lumaki rin.”Napayuko si Leona.“Ngunit hindi pa huli ang lahat, Mama…” bulong niya. “Hindi ko hahayaan na tuluyang masira ang buhay ni Fortuna.”Ilang sandali pa, nagmadaling lumabas si Leona ng mansion, ramdam ang bigat sa dibdib habang hinahanap ang kanyang daughter-in-law na si Fortuna.Laman ng isip niya ang bawat patak ng luha na nakita sa mga mata ng dalaga, na tila bumabaon sa kanyang konsensya.Sa pag-ikot niya sa hardin, nakita niya si Fortuna — nakaluhod sa malamig na damuhan, umiiyak ng buong lakas, tila hindi na makahinga sa sakit at hinanakit.Lumapit siya at walang alinlangang niyakap ang dalaga mula sa likuran, dama ang panginginig ng katawan nito sa bawat hikbi."Anak, tama na..." mahinan
Nanatili siyang nakatayo sa gitna ng malamig na hardin, nakatingala sa madilim na langit na parang walang pakialam sa sakit na gumugulo sa dibdib niya.Pinipigilan niyang umiyak. Pinipigilan niyang maramdaman ang kahit anong emosyon. Pero sa bawat paghinga niya, parang unti-unti siyang nauupos."Ano ba 'to?" bulong niya sa sarili. "Galit lang ba talaga? O... nagsisisi na rin ako?"Napayuko siya."Hindi. Hindi ako pwedeng madala ng awa. Hindi ko siya mahal. Hindi ko siya kailanman mamahalin."Pero sa likod ng isipan niya, paulit-ulit na bumabalik ang mga mata ni Fortuna. Yung tingin na puno ng pagmamahal, ng pag-asa, kahit ilang beses na niya itong itinulak palayo."Anong problema ko?" mahina niyang bulong sa hangin. "Bakit parang ako ang talo?"Biglang bumukas ang pinto sa terrace. Lumabas si Irene, ang lola niyang palaging nasa tabi niya, pero ngayong gabi ramdam niyang dala nito ang bigat ng pagkadismaya."John."Napalingon siya."Alam mo anak," mahina ang boses ng kanyang lola. "Mi
Sa likod ng mansiyon, sa dilim ng gabi, nakasandal si John sa pader. Ramdam niya ang bawat pintig ng puso niyang parang sumisigaw sa sakit. Ilang beses siyang huminga nang malalim, pinipilit kalmahin ang sarili… pero hindi na niya kaya."John," tawag ni Irene mula sa likod niya.Hindi siya kumilos."Anak," muli niyang sambit, mas malambot ang tinig ngayon. "Hindi mo kailangang takasan lahat.""Pero gusto kong takasan, La," garalgal ang boses ni John. "Gusto kong mawala na lang. Parang wala akong bigat na dala."Lumapit si Irene, marahan siyang hinawakan sa balikat."Hindi mo pwedeng takasan ang konsensiya mo. Kahit saan ka magtago, kakainin ka niyan."Napatingala si John. Dumaloy na ang luha sa kanyang pisngi."Alam ko, La… alam kong mali ako… Pero bakit parang hindi ko alam kung paano itama?""Anak… lahat ng sugat, may gamot. Pero hindi mo kailangang mag-isa.""Bata pa lang ako… ang bigat-bigat na ng mundo ko," tuluyang bumigay ang boses ni John. "Palagi akong pinipilit maging perpek
"Pero…" huminga siya nang malalim. "Fortuna, kung sa loob ng dalawang taon… kahit anong gawin ko… kahit anong subok… hindi kita kayang mahalin…"Naglakas-loob siya, kahit ramdam niyang dudurugin niya ang puso ng babaeng nasa harap niya."Sana… palayain mo ako."Napalunok si Fortuna, nanginginig ang labi, pero wala siyang maisagot."Pakawalan mo ako… kung wala na talagang pag-asa. Kaya mo bang gawin iyon, Fortuna?"Tumulo ang mga luha niya, isa-isa. "Kaya ko…" mahina niyang sagot, halos hindi marinig.Pero hindi pa doon nagtapos si John. Mas matapang pa siyang nagpatuloy."Kaya mo bang huwag akong pakialaman sa lahat ng gagawin ko? Kaya mo bang hayaan akong… maging ako, kahit hindi mo gusto? Kaya mo bang manahimik kung minsan hindi ako uuwi? Kung minsan… hindi ikaw ang pipiliin kong kasama?"Napapikit si Fortuna. Parang pinupunit ang puso niya. Gusto niyang sumigaw. Gusto niyang itanong kung bakit ganun kabigat ang hinihingi nito. Pero sa halip, tumango siya habang tumutulo ang luha."
Lumipas ang ilang minuto, bumaba si John. May dala siyang maliit na kahon."Ito… mga gamit mo. Sa kwarto sa kanan ka.""Ano naman ang kwarto mo?" mahinang tanong ni Fortuna."Sa kaliwa."Parang sinaksak ang dibdib niya. Magkaibang kwarto. Magkaibang mundo."Sige…" tangi niyang nasabi."Fortuna," tawag ni John bago siya umakyat ulit.Napalingon siya, umaasang may mabuting sasabihin."Huwag mo akong hintayin sa hapunan. Madalas akong gabi na kung umuwi. Gawin mo lang kung anong gusto mong gawin. Ayokong may umaalipin sa akin sa bahay na ‘to."Tumango siya, kahit hindi niya kaya.Pag-akyat ni John, durog na durog ang puso ni Fortuna.pakiramdam ni Fortuna ay tila sinaraduhan na siya ng mundo. Wala siyang ibang kasama sa loob ng malaking bahay na iyon kundi ang sarili niyang pangungulila at tahimik na pag-iyak.Samantala, pagpasok ni John sa kwarto, nag-ring ang telepono niya.Si Senyora.Napapikit si John, saglit na nagdalawang-isip, pero sa huli — sinagot niya ito."John," malamig na ti
Kinabukasan, mas maaga kaysa dati nagising si Fortuna. Kahit halos hindi siya nakatulog mula sa pag-aalala sa hindi pag-uwi ni John, pinilit niyang bumangon. Dumiretso siya sa kusina at nagsimulang magluto.Inihanda niya ang lahat—ang paborito nitong tapa, itlog na maalat na may kamatis, mainit na sinangag, at kape na matamis. Sinubukan niyang gawing maaliwalas ang buong bahay. Nilinis niya ang mesa, inayos ang mga bulaklak sa plorera, at inilagay pa ang paboritong tasa ni John sa tabi ng kanyang plato."Tulad ng dati," mahina niyang bulong, pilit na ngumiti sa sarili.Ngunit dumating ang umaga… tanghali… hanggang hapon… wala pa rin si John na bumaba o nagpakita.Sinilip niya ang pinto ng kwarto nito. Nakalock. Walang boses.Huminga siya nang malalim at bumalik sa kusina. Ininit niya muli ang pagkain. Naghintay.Hanggang sa dumilim na ang paligid.Pagdating ng gabi, saka pa lang niya narinig ang pagbukas ng pinto sa labas.Dumating na si John.Narinig niya ang mabigat na yapak nito, p
Maya-maya, bumukas ang pinto.Humarap si John, malamig ang mga mata."Fortuna… hanggang kailan ka magpapakatanga? Hanggang kailan ka magpapaka-martir?"Napakurap siya."Ako ang asawa mo, John.""Sa papel… oo. Pero sa puso ko… iba.""Pwede mo ba akong bigyan ng pagkakataon kahit paano? Kahit kaunti lang na pagtingin?""Hindi ko kayang mahalin ka alam mo yan Fortuna, wala ka lugar sa puso ko yun ang totoo, ang kasal natin ay walang kahulugan."Tumulo ang luha ni Fortuna."May gusto akong sabihin.""Ano?""Alam kong hindi mo pa ako kayang mahalin maghihintay ako John."Nanahimik si John."Pero hindi ako aalis. Hindi ako susuko. Hanggat hindi mo sinasabi sa akin mismo na wala na akong karapatang magmahal sa’yo… mananatili ako dito."Hindi siya sinagot ni John.Isinara nito muli ang pinto.Kinabukasan, habang nag-aayos si John para pumasok sa opisina, dumating ang isang mensahe na nagpabigat sa dibdib niya."John, gusto na kitang angkinin ng buong-buo. Ayoko na ng tago-tago. Iwan mo na siy
Hanggang sa mapunta siya sa isang parking area ng isang kilalang condo building.Hindi… hindi pwede…Nakilala niya ang sasakyan ni John. Nandito siya.Dahan-dahan siyang pumasok sa lobby, nanginginig ang katawan.Nagtanong siya sa guard."Sir… andito ba si John Tan?""Ah ma’am… umakyat na po siya kanina sa unit 2704."Naglakad siya papunta sa elevator na parang robot.Sa bawat paghinga niya, parang naglalakad siya sa dulo ng bangin.Pagsapit sa 27th floor, ilang hakbang na lang… narinig niya ang mga tawa.Boses ni John. Boses ng isang babae.Hindi… hindi…Nanginginig ang kanyang kamay nang kumatok siya sa pinto.Tumahimik ang loob.Bumukas ang pinto. Si Senyora… nakasuot ng pang-umagang robe, kita ang marka ng halik sa leeg.Nagkatitigan sila.Si John, lumabas mula sa loob. Nanlaki ang mga mata."Fortuna…"Tinakpan niya ang bibig niya."John… ito ba ang sinasabi mong trabaho?""Fortuna… hindi mo dapat nakita ‘to.""Ako ang asawa mo John at sana nirespeto mo ang ating kasal?"Tumulo an
Tahimik ang gabi, ngunit hindi matahimik ang loob ni John.Sa terrace ng condo ni Senyora, nakatayo siya, hawak ang baso ng wine. Tumititig sa malalayong ilaw ng siyudad na parang kumikindat sa kaniya—pero walang ningning na dumampi sa puso niya. Sa loob ng unit, maririnig ang malumanay na pagtawa ni Senyora habang nanonood ng TV. Ngunit ang bawat halakhak niya ay tila pumapaimbabaw sa katahimikang sinisikap ni John buuin sa kanyang sarili.“John, dito ka nga,” tawag ni Senyora mula sa loob. “May pinapanood akong comedy, gusto mo ‘to.”Ngunit hindi siya kumilos.Pinikit niya ang mga mata, malalim na huminga. Sa bawat bugso ng hangin na dumadampi sa mukha niya, may mga alaalang pumapait—hindi niya mapigilan. Larawan ni Fortuna habang naka-apron, nakatalikod sa kusina. Ang boses nito habang tinatawag siyang kumain. Ang paalala tuwing nalalasing siya. Ang mga mata nitong punô ng hinanakit—na noon ay binalewala lang niya.“Ang tahimik mo yata, John.” Niyakap siya ni Senyora mula sa likod.
Bumungad ang malamig na hangin ng gabi habang dahan-dahang bumababa si Fortuna sa sasakyan. Sa harap ng ancestral house ng pamilyang Han, isang tila tahimik at matatag na estruktura ang sumasalubong sa kanya—pero sa kabila ng katahimikang iyon, naroon ang mga alaala. Masasakit. Mabibigat. At ngayon, isang lihim na kailangan niyang itago.Si Jack Han ang unang lumapit sa kanya, binuksan ang pinto at marahang hinaplos ang kanyang likod. “Anak, dito ka na muna. Walang makakaabala sa’yo rito. Ligtas ka sa lahat… pati na kay Lola Irene.”Sumunod si Jinky, buhat ang ilang gamit ni Fortuna. Kita sa mga mata nito ang pagkabahala, pero mas nangingibabaw ang determinasyon.Pagpasok sa loob ng bahay, agad na naupo si Fortuna sa sofa. Bumuntong-hininga siya nang malalim. Napahawak sa tiyan—hindi pa halata, pero naroon na ang bigat. Hindi lang sa katawan, kundi sa puso.“Anak,” mahinang bungad ni Jinky, habang nauupo sa tapat niya. “Napag-usapan na namin ng papa mo. Hindi natin puwedeng ipaabot ka
Masiglang tinig ni Senyora sa kabilang linya, punong-puno ng tuwa—tila bang siya ang nagwagi sa isang laban na matagal na niyang kinikimkim.Pero si John, habang pinapakinggan iyon, ay tila nahulog sa isang balon ng katahimikan. Wala siyang masabi, kundi isang mahinang:“Hmm…”Pagkababa niya ng tawag, muling bumalik ang bigat. Ang katahimikan sa silid ay parang sumisigaw. Sumasalungat sa tinig ni Senyora na puno ng selebrasyon. Isang kalayaang hindi niya lubusang masayahan.Tumayo siya. Lumapit sa salamin. Tinitigan ang sarili—maputla, puyat, at walang ningning ang mga mata.“Kalayaan?” mahina niyang bulong sa sarili. “Kung ito ang kalayaan... bakit parang mas lalo akong nakakulong?”Tahimik ang loob ng sasakyan. Tanging tunog ng makina at mahinang hinga ni Fortuna ang maririnig. Nakatingin siya sa bintana habang lumilipas ang mga tanawin sa labas—mga punong tila naglalakad pabalik, mga alaalang pilit na iniiwan.Katabi niya si Jinky, habang si Jack ang nagmamaneho sa harapan. Sa gitn
Tahimik ang buong silid. Wala ni isang kaluskos. Tanging tunog ng malamig na aircon at ang unti-unting paglalim ng kanyang paghinga ang naririnig sa loob ng kwartong minsang naging saksi ng lahat ng kasinungalingan at pag-aalinlangan.Si John, nakahigang nakatingin sa kisame, suot pa rin ang parehong damit na sinuot niya kagabi. Nanatili siyang walang kilos. Walang tinig. Parang estatwang kinain ng liwanag ng madaling-araw. Hawak niya ang puting scrunchie ni Fortuna — nahulog ito kagabi, noong huli nilang pagkikita sa loob ng bakuran ng Tan.Ang scrunchie. Gamit na simpleng gamit, ngunit para sa kanya ngayon, mas mabigat pa sa alinmang kayamanan ng mga Tan o Han. Para itong huling alaala ng isang taong hindi na babalik. Huling hibla ng buhay na unti-unting lumayo sa kanya.Napapikit si John. Mahigpit ang pagkakapit niya sa scrunchie. Para bang sa bawat segundo ng katahimikan, unti-unting kinakain ng katotohanan ang kanyang pagkatao.Umalis na si Fortuna. At ang mas masakit, hindi na s
Tumingin si Irene sa anak. Sandaling nagtagpo ang kanilang mga mata—mata ng isang anak na nag-aalala hindi lang para sa yaman, kundi sa gulong maaaring sumunod.Mabigat ang buntong-hininga ni Irene bago siya sumagot.Mabigat ang buntong-hininga ni Irene bago siya sumagot. Dahan-dahan siyang umupo sa upuang minana pa niya sa kaniyang ama—isang lumang silyang kahoy, simbolo ng kapangyarihan at bigat ng pangalan ng Tan.“Ang kasunduan…” bulong ni Irene, halos hindi marinig. “May bisa pa rin ‘yon, Luigi. Ang mga papeles ay perpektong pinirmahan. Legal. Matibay. At nakatali pa rin sa pangalan ng anak ni Jack Han.”Napakunot ang noo ni Luigi. “Pero, Ma… hiwalay na sila. Hindi ba’t kapag napawalang-bisa ang kasal, nawawala rin ang bisa ng kasunduang iyon?”Napapikit si Irene, pinisil ang sariling sintido. “Hindi gano’n kasimple, anak. Hindi lang kasal ang tinutukoy sa kasunduang ‘yon. May clause doon na nagsasabing—anumang mangyari sa relasyon nina John at Fortuna, mananatili ang paghahati n
Pumirma agad si Fortuna. Walang alinlangan, walang pagdadalawang-isip. Isang linya lang ng tinta, ngunit parang itinali niya roon ang bawat sakit, bawat pasakit, bawat pangarap na kailanma’y hindi natupad.Nang inabot kay John ang papel, tumigil siya. Nanlalamig ang mga daliri niya. Tila ayaw kumilos ng kamay niya."John," bulong ni Irene, "kung hindi mo pipirmahan, lalong masasaktan ang lahat. Kung mahal mo talaga si Fortuna… hayaan mo na siyang maging malaya."Dahan-dahang gumalaw ang kamay ni John. At sa isang kisapmata, pumirma siya. Pero kasabay ng tinta sa papel ay ang pagdaloy ng luha mula sa kanyang mga mata. Hindi siya umiiyak ng malakas. Tahimik lang, pero mabigat. Para bang ang sarili niya ay unti-unting gumuho.Pagkalagda ni John, hindi na nagsalita si Fortuna. Tumayo siya, ni hindi tumingin sa paligid, at diretsong lumakad palabas ng bahay. Parang kaluluwa na binigyan ng bagong buhay—may kirot, may lungkot, pero malaya.“Fortuna!” sigaw ni John, pilit siyang sinundan.Ngu
Bumabalot pa rin ang malamig na hangin sa loob ng ancestral house ng mga Tan. Hindi ito dahil sa panahon, kundi dahil sa bigat ng damdamin ng bawat isa sa loob ng sala. Ang chandeliers ay tila ba ayaw magningning, ang marmol ay malamig sa talampakan, at ang bawat paghinga ay parang mabigat na buntong-hininga.Si Madam Irene Tan, nakaupo sa gitna ng antigong sofa na pinaglihan ng marami nang lahi, ay nakatingin sa kawalan. Sa harap niya ay ang kanyang anak na si Luigi Tan, at ang manugang niyang si Leona, ina ni John Tan.Sa tabi ni Luigi, nakatayo si John, namumutla at tila wala sa sarili. Nakayuko, nanginginig ang mga kamay. Katabi niya ang ina, si Leona, na paulit-ulit ang himas sa braso ng anak na tila pinipilit nitong mapanatag.At doon sa pintuan, tahimik ngunit matatag—si Fortuna, hawak-hawak ang kanyang bag na tila ba kasingbigat ng lahat ng sugat na iniwan ng relasyon nila ni John."Luigi," mahinang tawag niya.Agad na lumapit ang apo niyang si Luigi. “Yes, Ma?”"Pakitawagan a
Tahimik na nagmumuni-muni si John habang ang bawat salita na lumabas mula sa kanyang bibig ay patuloy na bumibigat sa kanya. Ang kanyang katawan, na minsang matibay at puno ng tapang, ngayon ay parang isang piraso ng kahoy na natutunaw sa ilalim ng init ng katotohanan.Sa kabila ng mabigat na katahimikan sa sala, ramdam ang bawat galos sa puso ni Jinky. Pinipilit niyang huwag ipakita ang sakit, ngunit ang mga luha na patak-patak ay masakit na patunay ng mga sugat na hindi kayang paghilumin ng mga salita."John..." ang mahinang tinig ni Jinky. "Bakit mo hinayaan mangyari 'to? Bakit hindi mo kami pinakinggan?" Ibinagsak ni Leona ang ulo, at tila ang mga tanong na iyon ay siyang nagtulak sa kanya para magdusa nang mag-isa. "Alam mo, kahit gaano mo kami kamahal, hindi ko na kayang tanggapin kung bakit ka naging ganito..."Si Jack, na kanina pa galit na galit, ay hindi na nakatiis. Tumayo siya at mabilis na lumapit kay John. "Wala ka nang ibang pwedeng sabihin pa! Huwag mong gawing dahilan
Madaling-araw. Kasunod ng matinding pag-uusap nila John at Madam Irene, agad siyang kumilos. Kinuha ni Madam Irene ang kanyang telepono at nagpadala ng mensahe kina Jinky at Jack Han. Isang pagpupulong ang itinakda para sa araw ding iyon—oras na upang pag-usapan ng bawat pamilya ang kinahinatnan ng kasal nina John at Fortuna.Sa loob ng isang pribadong function room sa isang lumang resthouse ng mga Tan, alas-diyes ng umaga.Naglalakad paikot sa mesa, halatang balisa si Jinky “Ano bang ibig sabihin nito, Madam Irene? Bakit mo kami pinatawag nang ganito kaaga? Hindi pa nga natutuyo ang luha ng anak ko, heto’t gusto mong mag-usap tayo?”Tahimik. Malumanay pero may bagsik sa tinig ni Madam Irene“Dahil oras na. Hindi na puwedeng patagalin. Kailangang pag-usapan natin ito, habang may natitira pang respeto sa pagitan ng dalawang pamilya.”“May respeto pa ba, Irene? Pagkatapos ng lahat ng ginawa ng apo mo sa anak namin?”Nanigas ang tinig ni Jack Han habang nakatitig sa matandang babae. Hin