Beranda / Romance / Bon Appetit / Bab 11 - Bab 20

Semua Bab Bon Appetit: Bab 11 - Bab 20

123 Bab

Bon Appetit CHAPTER 11

Napatuwid ng tayo si John, nagngangalit ang panga. “Paki-ulit nga, Pa? So, gusto niyo sabihin na kung hindi ko pakakasalan si Fortuna, mawawalan tayo ng lahat?”Tumango si Luigi. “Oo.”Napasandal si John sa dingding, tila hindi makapaniwala. “This is insane,” pabulong niyang sabi. “You expect me to give up my freedom dahil lang sa isang kasunduan na ginawa decades ago?”“John—”“NO!” sigaw niya, na ikinagulat ng lahat. “Hindi ko ito matatanggap! Hindi ako puppet na basta niyo na lang gagalawin sa gusto niyo! Hindi ko siya mahal, okay? At lalo na pagkatapos ng ginawa niya sa akin!”Napatigil si Madam Irene. “Ano’ng ginawa niya sa’yo?”Natawa si John ng mapait. “She took advantage of me, Lola. She made sure I was drunk enough para may mangyari sa amin! Niloko niya ako! At ngayon, gusto niyo akong pilitin na pakasalan siya?”“Hindi natin alam ang buong kwento, John,” sabat ni Leona. “Baka naman may dahilan siya—”“Dahilan?” malakas na tawa ni John. “Anong klaseng dahilan ang sapat para s
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-03-06
Baca selengkapnya

Bon Appetit CHAPTER 12

Ramdam ang bigat ng mundo sa mga balikat ni John Tan habang nakaupo siya sa loob ng kanyang silid, walang ilaw kundi ang malamlam na liwanag mula sa lampshade sa tabi ng kanyang kama. Sa ibabaw ng mesa ay nagkalat ang ilang bote ng alak, karamihan ay halos ubos na. Ang kanyang kamay ay mahigpit na nakahawak sa isang basong puno ng whiskey, nanginginig sa galit, sa sakit, at sa matinding kawalang-kontrol sa kanyang sariling buhay.Nilagok niya ang alak sa isang iglap, nilasahan ang pait nito na parang lason sa kanyang lalamunan. Pero wala siyang pakialam. Mas mabuti nang maramdaman niya ang init ng alak kaysa sa lamig ng realidad na ipinilit sa kanya ng kanyang pamilya.Pilit niyang inabot ang cellphone sa gilid ng kama. Kailangan niyang makausap ang taong tanging nagpapatahan sa kanyang puso—si Senyora Abedida, ang babaeng tunay niyang mahal.Nanginginig ang kanyang daliri habang tinatap ang pangalan nito sa kanyang phone screen. Ilang sandali pa, narinig niya ang pamilyar na tono ng
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-03-07
Baca selengkapnya

Bon Appetit CHAPTER 13

Mabilis niyang ibinato ang cellphone sa kabilang dulo ng kama, sabay hinawakan ang kanyang buhok, pilit pinipigil ang namumuong galit at hinanakit sa dibdib. Ramdam niyang unti-unti siyang binabasag ng realidad.Muli niyang dinampot ang bote ng alak sa mesa, halos maubos na, pero wala siyang pakialam. Agad niya itong tinungga, hinayaan ang apoy ng alak na dumaloy sa kanyang lalamunan, na para bang kaya nitong sunugin ang lahat ng sakit na bumabalot sa kanya."Putang ina!" sigaw niya, sabay hampas ng bote sa sahig. Basag.Katulad ng kanyang puso.Katulad ng kanyang buhay.Wala siyang nagawa kundi humiga sa malamig na sahig ng kanyang silid. Muling bumalik sa kanyang isip ang sinabi ni Madam Irene kanina:"Sumunod ka na lang, John. Panagutan mo ang nangyari sa inyo ni Fortuna."Muli siyang napangisi, pero walang halong saya ang kanyang ekspresyon. Anong panagutan?! Hindi siya kailanman pumayag sa kung anong nangyari noong gabing iyon. Wala siyang maalala, wala siyang kontrol. Pero ngayo
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-03-07
Baca selengkapnya

Bon Appetit CHAPTER 14

Tahimik ang paligid, pero ramdam ang tensyon. Pumasok si John na halatang iritado, kasunod si Fortuna na halos hindi makatingin kaninuman. “Sige, ipaliwanag niyo nga sa akin ang kalokohang ito,” malamig na sabi ni John habang nakatayo sa gitna ng sala, hindi man lang naupo. “Narito na naman, puro kasal, kahapon pa itong usapan.” Nagkatinginan sina Madam Irene at Leona Tan bago nagsalita si Madam Irene. “Noong nabubuhay pa ang lolo’t lola ni Fortuna, may kasunduan kaming ginawa kasama ang lolo mo. Nakasaad sa kasunduan na ang apo ng Tan at Han ay ipapakasal para mapanatili ang pagsasama ng ating mga negosyo.” Napatawa si John, pero walang halong saya ang tunog noon. “Ano ‘to, arranged marriage na parang nasa medieval times? Come on, Lola, seryoso ka ba? Hindi ako makakapayag sa plano ninyo.” “Oo, John. Seryoso ako kahapon at ngayon.” Huminga nang malalim si John at napailing. “Teka lang. At paano kung hindi ako pumayag?” Napabuntong-hininga si Madam Irene. “Kung hindi ka papayag, ma
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-03-07
Baca selengkapnya

Bon Appetit CHAPTER 15

Napatingin siya kay Fortuna, hindi alintana ang masakit na ekspresyon nito. “Hindi kita ginusto. Hindi kita kailanman pinili.”Lalong namutla si Fortuna, ngunit hindi siya nagsalita.“John, hindi na ito tungkol sa gusto mo,” sabi ni Madam Irene, bakas sa tinig ang matinding pagkadismaya. “Ito ay tungkol sa pamilya natin. Sa legacy ng Tan at Han. Kung hindi mo gagawin ‘to, mawawala ang lahat.”Tumingin si John sa lola niya, kitang-kita ang galit at hinanakit sa kanyang mga mata. “Lahat?” bulong niya.“Oo,” sagot ni Madam Irene, mariin. “Kaya wala kang pagpipilian.”Natahimik si John.Wala siyang pagpipilian.Naramdaman niyang bumigat ang hangin sa loob ng silid. Parang unti-unting bumagsak ang dingding, tinatabunan siya, hanggang sa hindi na siya makahinga.Ito na ba ang katapusan ng buhay na gusto niya?“P*tang ina…” bulong niya, bago tumalikod."John—" tawag ni Luigi.Ngunit hindi na ito lumingon.Mabilis siyang lumabas ng sala, hindi inalintana ang mga kasambahay na nagtataka sa kany
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-03-07
Baca selengkapnya

Bon Appetit CHAPTER 16

Madilim na ang kalangitan nang magpaalam ang pamilya Tan sa pamilya Han matapos ang masinsinang pag-uusap tungkol sa napipintong kasal nina John at Fortuna. Wala nang ibang nagawa ang pamilya Han kundi sumang-ayon sa desisyon ni Madam Irene dahil ito ang tanging paraan upang mailigtas ang kanilang kayamanan.Tahimik na nakatayo si Fortuna sa labas ng kanilang mansyon, dinig niya pa ang huling pagmamano ng mga magulang ni John bago sumakay ng kanilang sasakyan.Habang papalayo ang itim na sasakyan, hindi mapigilan ni Fortuna ang mapatingin sa second floor ng Tan Mansion kung saan nandoon ang kwarto ni John. Nakabukas ang ilaw sa kwarto nito, pero ang masakit—hindi na siya lumabas pa upang magpaalam.Nagkulong si John.Durog ang pakiramdam ni Fortuna.Sagad sa buto ang sakit.Hindi niya inasahang magmimistulang bangungot ang pangarap niyang maging parte ng buhay ni John. Noong una, ipinangarap niya na sana’y makita siya nito bilang isang babaeng karapat-dapat mahalin… Pero ngayon, tila
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-03-08
Baca selengkapnya

Bon Appetit CHAPTER 17

Madilim na ang kalangitan nang magpaalam ang pamilya Tan sa pamilya Han matapos ang masinsinang pag-uusap tungkol sa napipintong kasal nina John at Fortuna. Wala nang ibang nagawa ang pamilya Han kundi sumang-ayon sa desisyon ni Madam Irene dahil ito ang tanging paraan upang mailigtas ang kanilang kayamanan.Tahimik na nakatayo si Fortuna sa labas ng kanilang mansyon, dinig niya pa ang huling pagmamano ng mga magulang ni John bago sumakay ng kanilang sasakyan.Habang papalayo ang itim na sasakyan, hindi mapigilan ni Fortuna ang mapatingin sa second floor ng Tan Mansion kung saan nandoon ang kwarto ni John. Nakabukas ang ilaw sa kwarto nito, pero ang masakit—hindi na siya lumabas pa upang magpaalam.Nagkulong si John.Durog ang pakiramdam ni Fortuna.Sagad sa buto ang sakit.Hindi niya inasahang magmimistulang bangungot ang pangarap niyang maging parte ng buhay ni John. Noong una, ipinangarap niya na sana’y makita siya nito bilang isang babaeng karapat-dapat mahalin… Pero ngayon, tila
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-03-09
Baca selengkapnya

Bon Appetit CHAPTER 18

Parang sinaksak si Senyora. “So… ibibigay mo ang sarili mo sa kanya?”“Oo.” Mahinang sagot ni John, ramdam ang pighati.Tuluyang bumagsak ang luha ni Senyora. “Hayop ka, John…”Samantala, sa hallway…Dali-daling naglakad si Fortuna papunta sa banyo, nanginginig at hindi makahinga.“Hindi totoo ‘yun…” bulong niya, pilit nilalabanan ang sakit.Biglang pumasok sa isip niya ang gabing may nangyari sa kanila ni John. Ang mga yakap, ang mga halik, ang mga bulong ng pagmamahal na nasabi ng binata habang lasing.“Sinamantala mo ako…” bulong ni John noong una silang mag-usap.Napahagulgol si Fortuna. “Pero mahal kita… bakit ayaw mong intindihin ‘yon?”Hawak niya ang dibdib, pilit pinipigilan ang pagkabasag ng puso niya.“John… patawarin mo ‘ko.”Pero alam niyang huli na ang lahat.Ang puso ni John ay hindi na kailanman mapupunta sa kanya.At mas masakit doon…Wala siyang ibang pwedeng sisihin kundi ang sarili niya.Samantala patuloy parin nasasaktan si Senyora at nilabas ang sama ng loob niya
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-03-09
Baca selengkapnya

Bon Appetit CHAPTER 19

“Sen…”“Tapos ngayon, gusto mong intindihin kita?” nanlilisik ang mga mata ni Senyora. “Gusto mong unawain kita, John?”Tahimik.“Tangina ka, John…” bulong ni Senyora habang nanginginig sa galit. “Hanggang huli, ako pa rin ang mahal mo… pero siya ang pipiliin mo.”“Sen…” halos mahulog si John sa sahig, humahagulhol. “Sorry… Please…”“Sorry?” Tumawa nang mapait si Senora habang pilit pinupunasan ang luha. “Walang sorry na makakapag-ayos nito, John. Alam mo kung bakit?”“Bakit…”“Dahil simula ngayon… patay ka na sa buhay ko.”Parang kinuyom ang puso ni John sa narinig. Napaluhod siya, parang mababaliw sa sakit.“Sen… Please… Huwag mong sabihin ‘yan…”Napahagulgol si Senyora pero pilit niyang pinunasan ang luha. “Masakit, John. Sobra. Pero pipilitin kong tanggapin. Dahil ikaw mismo ang pumili na mawala ako sa buhay mo.”Hindi na napigilan ni John ang sarili. Lumapit siya kay Senyora, mabilis na hinawakan ang mga braso nito at mahigpit na niyakap. Nanginginig ang katawan niya habang pumap
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-03-09
Baca selengkapnya

Bon Appetit CHAPTER 20

“Sen… Please…”“BITAWAN MO KO, JOHN! KADIRI KA! NAKAKASUKA KA! IKAW AT SI FORTUNA? ANONG GINAWA NIYO?! ANONG MERON KAYO?!”“WALA! WALANG KAMI, SEN! IKAW LANG! IKAW LANG TALAGA!” humagulgol si John, nanginginig na nakaluhod habang humahawak sa mga hita ni Senyora.“HAHAHAHAHA!” Halakhak ni Senyora na punong-puno ng hinanakit. “KUNG AKO LANG, BAKIT SIYA ANG PINANAGUTAN MO?!”Lupaypay si John, umiiyak ng husto habang patuloy na hinahabol si Senyora. “Sen, please… Huwag mo akong iwan… Ikaw lang ang mahal ko…”“BULLSHIT, JOHN! PATAY NA ANG PAGMAMAHAL KO SA’YO!”“Sen… Please… Mahal kita…”“E ANO NGAYON?! HA?! ANO NGAYON?! KAHIT ANONG SABIHIN MO, JOHN, TINRAYDOR MO AKO! SINIRA MO ‘YUNG BUHAY NA PINANGARAP NATIN! PATAY NA ANG PAGMAMAHAL KO SA’YO, JOHN! PATAY NA!”Napahawak sa dibdib si John, parang sasabog ang puso niya sa sakit. “Sen… Please… Mahal kita…”“PUNYETA KA, JOHN! KUNG MAHAL MO AKO, BAKIT HINDI MO AKO IPAGLABAN?!”“Diyos ko, gusto ko! Pero—”“PERO ANO?! HA?! PUTANGINA MO! GAGO KA!
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-03-09
Baca selengkapnya
Sebelumnya
123456
...
13
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status