Napatingin siya kay Fortuna, hindi alintana ang masakit na ekspresyon nito. “Hindi kita ginusto. Hindi kita kailanman pinili.”Lalong namutla si Fortuna, ngunit hindi siya nagsalita.“John, hindi na ito tungkol sa gusto mo,” sabi ni Madam Irene, bakas sa tinig ang matinding pagkadismaya. “Ito ay tungkol sa pamilya natin. Sa legacy ng Tan at Han. Kung hindi mo gagawin ‘to, mawawala ang lahat.”Tumingin si John sa lola niya, kitang-kita ang galit at hinanakit sa kanyang mga mata. “Lahat?” bulong niya.“Oo,” sagot ni Madam Irene, mariin. “Kaya wala kang pagpipilian.”Natahimik si John.Wala siyang pagpipilian.Naramdaman niyang bumigat ang hangin sa loob ng silid. Parang unti-unting bumagsak ang dingding, tinatabunan siya, hanggang sa hindi na siya makahinga.Ito na ba ang katapusan ng buhay na gusto niya?“P*tang ina…” bulong niya, bago tumalikod."John—" tawag ni Luigi.Ngunit hindi na ito lumingon.Mabilis siyang lumabas ng sala, hindi inalintana ang mga kasambahay na nagtataka sa kany
Madilim na ang kalangitan nang magpaalam ang pamilya Tan sa pamilya Han matapos ang masinsinang pag-uusap tungkol sa napipintong kasal nina John at Fortuna. Wala nang ibang nagawa ang pamilya Han kundi sumang-ayon sa desisyon ni Madam Irene dahil ito ang tanging paraan upang mailigtas ang kanilang kayamanan.Tahimik na nakatayo si Fortuna sa labas ng kanilang mansyon, dinig niya pa ang huling pagmamano ng mga magulang ni John bago sumakay ng kanilang sasakyan.Habang papalayo ang itim na sasakyan, hindi mapigilan ni Fortuna ang mapatingin sa second floor ng Tan Mansion kung saan nandoon ang kwarto ni John. Nakabukas ang ilaw sa kwarto nito, pero ang masakit—hindi na siya lumabas pa upang magpaalam.Nagkulong si John.Durog ang pakiramdam ni Fortuna.Sagad sa buto ang sakit.Hindi niya inasahang magmimistulang bangungot ang pangarap niyang maging parte ng buhay ni John. Noong una, ipinangarap niya na sana’y makita siya nito bilang isang babaeng karapat-dapat mahalin… Pero ngayon, tila
Madilim na ang kalangitan nang magpaalam ang pamilya Tan sa pamilya Han matapos ang masinsinang pag-uusap tungkol sa napipintong kasal nina John at Fortuna. Wala nang ibang nagawa ang pamilya Han kundi sumang-ayon sa desisyon ni Madam Irene dahil ito ang tanging paraan upang mailigtas ang kanilang kayamanan.Tahimik na nakatayo si Fortuna sa labas ng kanilang mansyon, dinig niya pa ang huling pagmamano ng mga magulang ni John bago sumakay ng kanilang sasakyan.Habang papalayo ang itim na sasakyan, hindi mapigilan ni Fortuna ang mapatingin sa second floor ng Tan Mansion kung saan nandoon ang kwarto ni John. Nakabukas ang ilaw sa kwarto nito, pero ang masakit—hindi na siya lumabas pa upang magpaalam.Nagkulong si John.Durog ang pakiramdam ni Fortuna.Sagad sa buto ang sakit.Hindi niya inasahang magmimistulang bangungot ang pangarap niyang maging parte ng buhay ni John. Noong una, ipinangarap niya na sana’y makita siya nito bilang isang babaeng karapat-dapat mahalin… Pero ngayon, tila
Parang sinaksak si Senyora. “So… ibibigay mo ang sarili mo sa kanya?”“Oo.” Mahinang sagot ni John, ramdam ang pighati.Tuluyang bumagsak ang luha ni Senyora. “Hayop ka, John…”Samantala, sa hallway…Dali-daling naglakad si Fortuna papunta sa banyo, nanginginig at hindi makahinga.“Hindi totoo ‘yun…” bulong niya, pilit nilalabanan ang sakit.Biglang pumasok sa isip niya ang gabing may nangyari sa kanila ni John. Ang mga yakap, ang mga halik, ang mga bulong ng pagmamahal na nasabi ng binata habang lasing.“Sinamantala mo ako…” bulong ni John noong una silang mag-usap.Napahagulgol si Fortuna. “Pero mahal kita… bakit ayaw mong intindihin ‘yon?”Hawak niya ang dibdib, pilit pinipigilan ang pagkabasag ng puso niya.“John… patawarin mo ‘ko.”Pero alam niyang huli na ang lahat.Ang puso ni John ay hindi na kailanman mapupunta sa kanya.At mas masakit doon…Wala siyang ibang pwedeng sisihin kundi ang sarili niya.Samantala patuloy parin nasasaktan si Senyora at nilabas ang sama ng loob niya
“Sen…”“Tapos ngayon, gusto mong intindihin kita?” nanlilisik ang mga mata ni Senyora. “Gusto mong unawain kita, John?”Tahimik.“Tangina ka, John…” bulong ni Senyora habang nanginginig sa galit. “Hanggang huli, ako pa rin ang mahal mo… pero siya ang pipiliin mo.”“Sen…” halos mahulog si John sa sahig, humahagulhol. “Sorry… Please…”“Sorry?” Tumawa nang mapait si Senora habang pilit pinupunasan ang luha. “Walang sorry na makakapag-ayos nito, John. Alam mo kung bakit?”“Bakit…”“Dahil simula ngayon… patay ka na sa buhay ko.”Parang kinuyom ang puso ni John sa narinig. Napaluhod siya, parang mababaliw sa sakit.“Sen… Please… Huwag mong sabihin ‘yan…”Napahagulgol si Senyora pero pilit niyang pinunasan ang luha. “Masakit, John. Sobra. Pero pipilitin kong tanggapin. Dahil ikaw mismo ang pumili na mawala ako sa buhay mo.”Hindi na napigilan ni John ang sarili. Lumapit siya kay Senyora, mabilis na hinawakan ang mga braso nito at mahigpit na niyakap. Nanginginig ang katawan niya habang pumap
“Sen… Please…”“BITAWAN MO KO, JOHN! KADIRI KA! NAKAKASUKA KA! IKAW AT SI FORTUNA? ANONG GINAWA NIYO?! ANONG MERON KAYO?!”“WALA! WALANG KAMI, SEN! IKAW LANG! IKAW LANG TALAGA!” humagulgol si John, nanginginig na nakaluhod habang humahawak sa mga hita ni Senyora.“HAHAHAHAHA!” Halakhak ni Senyora na punong-puno ng hinanakit. “KUNG AKO LANG, BAKIT SIYA ANG PINANAGUTAN MO?!”Lupaypay si John, umiiyak ng husto habang patuloy na hinahabol si Senyora. “Sen, please… Huwag mo akong iwan… Ikaw lang ang mahal ko…”“BULLSHIT, JOHN! PATAY NA ANG PAGMAMAHAL KO SA’YO!”“Sen… Please… Mahal kita…”“E ANO NGAYON?! HA?! ANO NGAYON?! KAHIT ANONG SABIHIN MO, JOHN, TINRAYDOR MO AKO! SINIRA MO ‘YUNG BUHAY NA PINANGARAP NATIN! PATAY NA ANG PAGMAMAHAL KO SA’YO, JOHN! PATAY NA!”Napahawak sa dibdib si John, parang sasabog ang puso niya sa sakit. “Sen… Please… Mahal kita…”“PUNYETA KA, JOHN! KUNG MAHAL MO AKO, BAKIT HINDI MO AKO IPAGLABAN?!”“Diyos ko, gusto ko! Pero—”“PERO ANO?! HA?! PUTANGINA MO! GAGO KA!
“GAGO KA, JOHN! INIWAN MO NA AKO NUNG GINULO MO ANG BUHAY KO! NGAYON, NAGHIHIKBI KA DIYAN AT GUSTO MO AKONG BALIKAN?!”“Sen… Please… Hindi ko ginusto ‘to… Mahal kita…”“MAHAL MO KO?! HAHAHA! ANO’NG GAGAWIN KO SA PAGMAMAHAL MO, JOHN?!”Napahagulhol nang tuluyan si John. “Please… Please… Mahal na mahal kita…”"BITAWAN MO NA AKO, JOHN! TAPOS NA TAYO!"“Sen, please… huwag kang ganyan…” nanlulumong sabi ni John habang mahigpit na yakap-yakap si Senyora, desperado, halos lumuhod na para lamang huwag itong mawala.Pero walang awa na hinampas siya ni Senyora ng malakas sa dibdib, paulit-ulit.“BITAWAN MO AKO, JOHN! TAPOS NA TAYO! TAPOS NA!” sigaw nito habang humahagulgol, halos mabaliw na sa sakit na nararamdaman.“Sen, please… Pakinggan mo ako… Huwag mong gawin ‘to…” nanginginig na bulong ni John, tinutukod ang noo sa balikat nito, habang ang mga kamay niya ay mahigpit na nakakapit sa katawan ng babae na mahal na mahal niya.“Pakinggan?!” tumawa si Senyora ng mapait habang pilit na itinutula
Nakatitig lang si John sa malawak na grandstand. Walang kulay ang mundo niya. Para siyang patay na humihinga. Ang puting polo shirt niya’y gusot-gusot na. Ang buhok niya’y magulo. Halatang ilang oras na siyang nakaupo doon — walang kibo, walang galaw, walang buhay.Paulit-ulit na bumabalik sa isipan niya ang eksena kaninang umaga.“BITAWAN MO NA AKO, JOHN! TAPOS NA TAYO!”“Huwag, Sen… Please… Mahal kita…”“PATAY KA NA SA’KIN, JOHN!”Kasabay ng alingawngaw ng boses ni Senyora ay ang tunog ng mga yapak na palapit sa likod niya. Unti-unting bumaling ang tingin niya, at doon niya nakita si Fortuna — tahimik, nag-aalalang nakatingin sa kanya.“John…” mahinang tawag ni Fortuna, nanginginig ang boses. “A-Ano’ng ginagawa mo rito?”Agad na sumabog ang init sa katawan ni John.Nakita niya si Fortuna.Ang babaeng dahilan kung bakit siya iniwan ni Senyora.Ang babaeng sumira sa buhay niya.Ang babaeng minahal niya noon bilang kaibigan, pero ngayo’y kinapopootan niya ng sukdulan.Mabilis siyang tu
Tahimik ang gabi, ngunit hindi matahimik ang loob ni John.Sa terrace ng condo ni Senyora, nakatayo siya, hawak ang baso ng wine. Tumititig sa malalayong ilaw ng siyudad na parang kumikindat sa kaniya—pero walang ningning na dumampi sa puso niya. Sa loob ng unit, maririnig ang malumanay na pagtawa ni Senyora habang nanonood ng TV. Ngunit ang bawat halakhak niya ay tila pumapaimbabaw sa katahimikang sinisikap ni John buuin sa kanyang sarili.“John, dito ka nga,” tawag ni Senyora mula sa loob. “May pinapanood akong comedy, gusto mo ‘to.”Ngunit hindi siya kumilos.Pinikit niya ang mga mata, malalim na huminga. Sa bawat bugso ng hangin na dumadampi sa mukha niya, may mga alaalang pumapait—hindi niya mapigilan. Larawan ni Fortuna habang naka-apron, nakatalikod sa kusina. Ang boses nito habang tinatawag siyang kumain. Ang paalala tuwing nalalasing siya. Ang mga mata nitong punô ng hinanakit—na noon ay binalewala lang niya.“Ang tahimik mo yata, John.” Niyakap siya ni Senyora mula sa likod.
Bumungad ang malamig na hangin ng gabi habang dahan-dahang bumababa si Fortuna sa sasakyan. Sa harap ng ancestral house ng pamilyang Han, isang tila tahimik at matatag na estruktura ang sumasalubong sa kanya—pero sa kabila ng katahimikang iyon, naroon ang mga alaala. Masasakit. Mabibigat. At ngayon, isang lihim na kailangan niyang itago.Si Jack Han ang unang lumapit sa kanya, binuksan ang pinto at marahang hinaplos ang kanyang likod. “Anak, dito ka na muna. Walang makakaabala sa’yo rito. Ligtas ka sa lahat… pati na kay Lola Irene.”Sumunod si Jinky, buhat ang ilang gamit ni Fortuna. Kita sa mga mata nito ang pagkabahala, pero mas nangingibabaw ang determinasyon.Pagpasok sa loob ng bahay, agad na naupo si Fortuna sa sofa. Bumuntong-hininga siya nang malalim. Napahawak sa tiyan—hindi pa halata, pero naroon na ang bigat. Hindi lang sa katawan, kundi sa puso.“Anak,” mahinang bungad ni Jinky, habang nauupo sa tapat niya. “Napag-usapan na namin ng papa mo. Hindi natin puwedeng ipaabot ka
Masiglang tinig ni Senyora sa kabilang linya, punong-puno ng tuwa—tila bang siya ang nagwagi sa isang laban na matagal na niyang kinikimkim.Pero si John, habang pinapakinggan iyon, ay tila nahulog sa isang balon ng katahimikan. Wala siyang masabi, kundi isang mahinang:“Hmm…”Pagkababa niya ng tawag, muling bumalik ang bigat. Ang katahimikan sa silid ay parang sumisigaw. Sumasalungat sa tinig ni Senyora na puno ng selebrasyon. Isang kalayaang hindi niya lubusang masayahan.Tumayo siya. Lumapit sa salamin. Tinitigan ang sarili—maputla, puyat, at walang ningning ang mga mata.“Kalayaan?” mahina niyang bulong sa sarili. “Kung ito ang kalayaan... bakit parang mas lalo akong nakakulong?”Tahimik ang loob ng sasakyan. Tanging tunog ng makina at mahinang hinga ni Fortuna ang maririnig. Nakatingin siya sa bintana habang lumilipas ang mga tanawin sa labas—mga punong tila naglalakad pabalik, mga alaalang pilit na iniiwan.Katabi niya si Jinky, habang si Jack ang nagmamaneho sa harapan. Sa gitn
Tahimik ang buong silid. Wala ni isang kaluskos. Tanging tunog ng malamig na aircon at ang unti-unting paglalim ng kanyang paghinga ang naririnig sa loob ng kwartong minsang naging saksi ng lahat ng kasinungalingan at pag-aalinlangan.Si John, nakahigang nakatingin sa kisame, suot pa rin ang parehong damit na sinuot niya kagabi. Nanatili siyang walang kilos. Walang tinig. Parang estatwang kinain ng liwanag ng madaling-araw. Hawak niya ang puting scrunchie ni Fortuna — nahulog ito kagabi, noong huli nilang pagkikita sa loob ng bakuran ng Tan.Ang scrunchie. Gamit na simpleng gamit, ngunit para sa kanya ngayon, mas mabigat pa sa alinmang kayamanan ng mga Tan o Han. Para itong huling alaala ng isang taong hindi na babalik. Huling hibla ng buhay na unti-unting lumayo sa kanya.Napapikit si John. Mahigpit ang pagkakapit niya sa scrunchie. Para bang sa bawat segundo ng katahimikan, unti-unting kinakain ng katotohanan ang kanyang pagkatao.Umalis na si Fortuna. At ang mas masakit, hindi na s
Tumingin si Irene sa anak. Sandaling nagtagpo ang kanilang mga mata—mata ng isang anak na nag-aalala hindi lang para sa yaman, kundi sa gulong maaaring sumunod.Mabigat ang buntong-hininga ni Irene bago siya sumagot.Mabigat ang buntong-hininga ni Irene bago siya sumagot. Dahan-dahan siyang umupo sa upuang minana pa niya sa kaniyang ama—isang lumang silyang kahoy, simbolo ng kapangyarihan at bigat ng pangalan ng Tan.“Ang kasunduan…” bulong ni Irene, halos hindi marinig. “May bisa pa rin ‘yon, Luigi. Ang mga papeles ay perpektong pinirmahan. Legal. Matibay. At nakatali pa rin sa pangalan ng anak ni Jack Han.”Napakunot ang noo ni Luigi. “Pero, Ma… hiwalay na sila. Hindi ba’t kapag napawalang-bisa ang kasal, nawawala rin ang bisa ng kasunduang iyon?”Napapikit si Irene, pinisil ang sariling sintido. “Hindi gano’n kasimple, anak. Hindi lang kasal ang tinutukoy sa kasunduang ‘yon. May clause doon na nagsasabing—anumang mangyari sa relasyon nina John at Fortuna, mananatili ang paghahati n
Pumirma agad si Fortuna. Walang alinlangan, walang pagdadalawang-isip. Isang linya lang ng tinta, ngunit parang itinali niya roon ang bawat sakit, bawat pasakit, bawat pangarap na kailanma’y hindi natupad.Nang inabot kay John ang papel, tumigil siya. Nanlalamig ang mga daliri niya. Tila ayaw kumilos ng kamay niya."John," bulong ni Irene, "kung hindi mo pipirmahan, lalong masasaktan ang lahat. Kung mahal mo talaga si Fortuna… hayaan mo na siyang maging malaya."Dahan-dahang gumalaw ang kamay ni John. At sa isang kisapmata, pumirma siya. Pero kasabay ng tinta sa papel ay ang pagdaloy ng luha mula sa kanyang mga mata. Hindi siya umiiyak ng malakas. Tahimik lang, pero mabigat. Para bang ang sarili niya ay unti-unting gumuho.Pagkalagda ni John, hindi na nagsalita si Fortuna. Tumayo siya, ni hindi tumingin sa paligid, at diretsong lumakad palabas ng bahay. Parang kaluluwa na binigyan ng bagong buhay—may kirot, may lungkot, pero malaya.“Fortuna!” sigaw ni John, pilit siyang sinundan.Ngu
Bumabalot pa rin ang malamig na hangin sa loob ng ancestral house ng mga Tan. Hindi ito dahil sa panahon, kundi dahil sa bigat ng damdamin ng bawat isa sa loob ng sala. Ang chandeliers ay tila ba ayaw magningning, ang marmol ay malamig sa talampakan, at ang bawat paghinga ay parang mabigat na buntong-hininga.Si Madam Irene Tan, nakaupo sa gitna ng antigong sofa na pinaglihan ng marami nang lahi, ay nakatingin sa kawalan. Sa harap niya ay ang kanyang anak na si Luigi Tan, at ang manugang niyang si Leona, ina ni John Tan.Sa tabi ni Luigi, nakatayo si John, namumutla at tila wala sa sarili. Nakayuko, nanginginig ang mga kamay. Katabi niya ang ina, si Leona, na paulit-ulit ang himas sa braso ng anak na tila pinipilit nitong mapanatag.At doon sa pintuan, tahimik ngunit matatag—si Fortuna, hawak-hawak ang kanyang bag na tila ba kasingbigat ng lahat ng sugat na iniwan ng relasyon nila ni John."Luigi," mahinang tawag niya.Agad na lumapit ang apo niyang si Luigi. “Yes, Ma?”"Pakitawagan a
Tahimik na nagmumuni-muni si John habang ang bawat salita na lumabas mula sa kanyang bibig ay patuloy na bumibigat sa kanya. Ang kanyang katawan, na minsang matibay at puno ng tapang, ngayon ay parang isang piraso ng kahoy na natutunaw sa ilalim ng init ng katotohanan.Sa kabila ng mabigat na katahimikan sa sala, ramdam ang bawat galos sa puso ni Jinky. Pinipilit niyang huwag ipakita ang sakit, ngunit ang mga luha na patak-patak ay masakit na patunay ng mga sugat na hindi kayang paghilumin ng mga salita."John..." ang mahinang tinig ni Jinky. "Bakit mo hinayaan mangyari 'to? Bakit hindi mo kami pinakinggan?" Ibinagsak ni Leona ang ulo, at tila ang mga tanong na iyon ay siyang nagtulak sa kanya para magdusa nang mag-isa. "Alam mo, kahit gaano mo kami kamahal, hindi ko na kayang tanggapin kung bakit ka naging ganito..."Si Jack, na kanina pa galit na galit, ay hindi na nakatiis. Tumayo siya at mabilis na lumapit kay John. "Wala ka nang ibang pwedeng sabihin pa! Huwag mong gawing dahilan
Madaling-araw. Kasunod ng matinding pag-uusap nila John at Madam Irene, agad siyang kumilos. Kinuha ni Madam Irene ang kanyang telepono at nagpadala ng mensahe kina Jinky at Jack Han. Isang pagpupulong ang itinakda para sa araw ding iyon—oras na upang pag-usapan ng bawat pamilya ang kinahinatnan ng kasal nina John at Fortuna.Sa loob ng isang pribadong function room sa isang lumang resthouse ng mga Tan, alas-diyes ng umaga.Naglalakad paikot sa mesa, halatang balisa si Jinky “Ano bang ibig sabihin nito, Madam Irene? Bakit mo kami pinatawag nang ganito kaaga? Hindi pa nga natutuyo ang luha ng anak ko, heto’t gusto mong mag-usap tayo?”Tahimik. Malumanay pero may bagsik sa tinig ni Madam Irene“Dahil oras na. Hindi na puwedeng patagalin. Kailangang pag-usapan natin ito, habang may natitira pang respeto sa pagitan ng dalawang pamilya.”“May respeto pa ba, Irene? Pagkatapos ng lahat ng ginawa ng apo mo sa anak namin?”Nanigas ang tinig ni Jack Han habang nakatitig sa matandang babae. Hin