Home / Romance / Bon Appetit / Chapter 91 - Chapter 100

All Chapters of Bon Appetit: Chapter 91 - Chapter 100

123 Chapters

Bon Appetit CHAPTER 91

Napahawak si Fortuna sa mesa—parang kailangan niya ng suporta para hindi gumuho sa kinatatayuan niya. Hindi niya alam kung ito ba'y isa na namang ilusyon ng puso niyang ayaw pa ring bumitaw, o isang pagbalik na matagal na niyang hinintay, kahit hindi niya inamin sa sarili."Anong ginagawa mo rito?" mahinang tanong ni Fortuna, bakas ang kaba sa kanyang tinig.Tahimik si John. Ilang segundo ang lumipas bago siya sumagot. Lumapit siya, maingat ang bawat hakbang, parang bawat pulgada ng lapit ay isang tanong na kailangang sagutin."Naglakad lang ako… hanggang sa napadpad ako rito," bulong ni John. "Tapos narealize ko… ito pa rin ang tahanan ko.""Pero ilang beses mo na rin ‘tong tinalikuran," mariin ang tinig ni Fortuna. Hindi siya sumisigaw. Ngunit ramdam sa bawat salita ang tagal ng pananahimik. Ang bigat ng mga gabi ng paghihintay. Ang pagod.Tumango si John, tila tinatanggap ang bigat ng katotohanan."Alam ko," sagot niya. "Alam kong hindi sapat ang kahit anong paliwanag."Umupo si Fo
last updateLast Updated : 2025-04-06
Read more

Bon Appetit CHAPTER 92

Tahimik ang gabi, pero ang katahimikang ito’y parang bulong ng bagyo sa kaluluwa ko. Lahat ng bagay sa silid ay parang kasabwat—ang malamlam na ilaw sa kisame, ang amoy ng pabango ko sa unan, ang tunog ng lumulutong na ulan sa bubong—lahat sila, parang nagbubunyag ng isang bagay na pilit kong itinatanggi sa sarili ko.Si John. Ang lalaking sinabi niyang mahal na mahal niya ako. Ang lalaking dati, walang ibang makita kundi ako.Pero ngayon…Wala nang lambing ang mga mata niya.Wala nang sigla ang mga yakap niya.At ang mga halik niya—parang baon ang pagkakasala.Narinig ko ang pagbukas ng pinto. Hindi ako kumilos. Hindi ako lumingon. Alam kong siya ‘yon.“Sen…” tawag niya, paanas.“Mahal mo pa ba ako?” agad kong tanong, hindi pa man siya nakakalapit.Natigilan siya. Nakita ko ang repleksyon niya sa salamin—nakatingin siya sa akin, pero may bigat sa dibdib niyang parang hindi niya alam kung saan ilalagay.“Anong klaseng tanong ‘yan, Senyora?”“Diretso akong nagtatanong, John.” Humarap a
last updateLast Updated : 2025-04-07
Read more

Bon Appetit CHAPTER 93

Samantala, si Senyora at si John ay nagkaayos na. Pinaramdam ni John na siya lang talaga.“Sen… tapos na ang lahat ng sakit. Tayo na ulit, mahal ko.”“John… salamat. Salamat kasi pinili mo ako. Ramdam ko. Ramdam ko ngayon na ako talaga.”“Wala na akong ibang gugustuhin pa. Ikaw ang gusto kong makasama hanggang sa huli.”“Gusto kong paniwalaan ‘yan araw-araw. At gagawin ko, kasi mahal kita.”Lumipas ang gabi. Umuwi si John mag-isa. Tahimik ang bahay. Nasa sala siya, may hawak na baso ng tubig, nagsasalita mag-isa.“Fortuna… late na naman. Di ka na talaga umuuwi, ‘no?”“Siguro nga busy ka lang. O siguro, ayaw mo na. Siguro, pagod ka na rin sa ‘kin.”Tumunog ang cellphone niya. Chat ni Senyora.)SENYORA (chat):“Love, uwi ka na? Naluto ko paborito mong sinigang. Miss na kita.”JOHN (nag-type):“Pauwi na, love. Ingat ka riyan.”(ipinindot ang send)JOHN:“Ang bait mo, Sen. Minamahal mo ako nang buo, walang alinlangan. Pero bakit kapag mag-isa ako, parang iba ang hinahanap ng puso ko?”(Tu
last updateLast Updated : 2025-04-09
Read more

Bon Appetit CHAPTER 94

Umuulan nang gabing iyon. Mabagal ang pagpatak ng ulan sa mga bintana ng isang tahimik na coffee shop malapit sa ospital. Si John, hawak ang payong, ay pumasok na basa ang laylayan ng pantalon. Mabilis siyang naupo sa isang sulok, malapit sa bintana, at tila naghahanap ng kanlungan hindi lamang sa ulan, kundi sa bigat ng mga iniisip.“Café Americano, large. Hot,” mahinang sabi niya sa barista. Tumango ito at lumayo.Tahimik siyang tumitig sa basang salamin, pinagmamasdan ang mga ilaw sa kalsada na animo’y sumasayaw sa malamig na ulan. Wala siyang inaasahang makikita. Gusto lang niyang mapag-isa.Ngunit nang bumukas ang pinto ng coffee shop, para bang huminto ang oras.Si Fortuna.Naka-itim itong coat, basa ang buhok, at hawak ang ilang papeles at laptop sa isang braso. Napalunok si John. Hindi siya gumalaw. Parang kinuryente ang buong katawan niya sa presensya ng babaeng ilang buwang iniwasan niya, at ilang gabi na rin niyang pinangarap, kahit ayaw niyang aminin.Nag-angat ng tingin s
last updateLast Updated : 2025-04-09
Read more

Bon Appetit CHAPTER 95

Makalipas ng ilang oras..“Anak...?”Maingat na kumatok si Jinky Han sa pintuan ng bahay nina Fortuna at John. Katabi niya si Jack, tahimik lang ngunit kitang-kita sa mukha ang sabik.Binuksan ni Fortuna ang pinto, nakasuot ng simpleng puting bestida, at bakas sa mukha niya ang pagod ngunit sinikap niyang ngumiti.“Ma? Pa?”“Anak!” sabay yakap ni Jinky, mahigpit, parang ilang taon silang ‘di nagkita. “Kumusta ka na rito? Ngayon ka lang namin nadalaw ulit. Buti nandito ka. Akala namin ay nasa trabaho ka.”“Off ko po ngayon,” sagot ni Fortuna, pinipilit itago ang kaba sa dibdib. “Pasok po kayo.”Pagkapasok nila, agad namang naupo si Jack sa sofa. Inilibot niya ang mata sa bahay.“Maayos dito, anak. Tahimik. Malinis. Pero...” tumingin siya sa paligid, “asan si John?”“Uhm... nasa opisina pa po. May meeting daw.”Pero alam ni Fortuna ang totoo — hindi sa opisina si John. Nasa piling ito ni Senyora.Tahimik si Jinky. Hindi agad nagsalita, pero halatang may gustong itanong.“Anak... totoo b
last updateLast Updated : 2025-04-09
Read more

Bon Appetit CHAPTER 96

“Dumalaw lang kami,” sagot ni Luigi, pilit ang ngiti. “Gusto naming kumustahin kayo.”“Pero mukhang mali ang timing,” dagdag ni Irene, malamig ang boses. “Kasi mukhang maraming hindi pa malinaw sa inyong dalawa.”“Lola, anong ibig mong sabihin?” tanong ni John, naglakad palapit at tumayo sa likod ni Fortuna, ngunit hindi siya hinawakan.“Ang ibig naming sabihin,” sabat ni Jack, “ay mukhang ikaw lang ang walang alam sa kung anong nararamdaman ng anak namin.”Napatingin si John kay Fortuna. “Fortuna, may sinabi ka ba sa kanila?”“Hindi ko kailangan magsumbong, John,” sagot ni Fortuna, diretsong tingin. “Dahil kahit wala akong sabihin, sila mismo ang nakakakita.”“Baka gusto mong linawin yan,” mariing tugon ni John. “Ano bang gusto mong palabasin sa harap ng pamilya natin?”“Na hindi mo ako kayang mahalin,” tugon ni Fortuna. “Na kahit anong pilit ko, hindi ka natututo tumingin sa direksyon ko.”Nag-iwas ng tingin si John. “Hindi mo alam ang sinasabi mo.”“Ay, alam niya, hijo,” sabat ni J
last updateLast Updated : 2025-04-09
Read more

Bon Appetit CHAPTER 97

“Bakit?” tanong ni Fortuna, mas kalmado na, ngunit puno ng bigat. “Bakit hindi mo ako kayang mahalin, John? Ano bang meron si Senyora na wala ako?”Hindi agad nakasagot si John. Tumalikod siya, tumingin sa labas ng bintana. Tila doon niya hinahanap ang sagot na hindi niya maibigay.“Hindi ko alam,” aniya sa wakas. “Pero sa kanya... parang buo ako. Sa kanya, hindi ko kailangang magsinungaling sa sarili ko. Sa kanya, kahit masakit... totoo ako.”Tumulo ang luha ni Fortuna, pero pinunasan niya agad. “At sa’kin? Ano ako sa’yo?”“Isang mabuting asawa. Isang babaeng karapat-dapat mahalin. Pero hindi ko alam kung ako ba ang karapat-dapat para sa’yo dahil simula pa noon ang relasyon natin ay isa lamang kasunduan.”Napasinghap si Jinky. “Kasunduan? John, hindi kasunduan ang nagpalaki sa anak kong ‘yan. Puso ang ibinigay niya sa’yo.”“Ako rin, Ma’am Jinky,” sagot ni John, tinig na puno ng pagod, “sinubukan ko. Pilit kong pinaniwala ang sarili ko na darating din. Na baka matutunan kong mahalin s
last updateLast Updated : 2025-04-09
Read more

Bon Appetit CHAPTER 98

Madaling-araw na. Ang buwan ay nakasilip sa makapal na ulap. Tahimik ang gabi ngunit sa dibdib ni John, parang may bagyong sumasabog. Halos hindi niya namalayang naihatid na ng kotse ang katawan niya sa mansyon ni Senyora. Sa loob-loob niya, para siyang tumatakas, pero sa totoo lang, doon siya lumalapit kung saan siya nakakaramdam ng kontrol—kahit alam niyang delikado iyon.“Pinagtulungan ako…”Paulit-ulit na tumatakbo sa isipan niya ang mga sinabi ni Irene, ng kanyang mga magulang, ng mga magulang ni Fortuna—at si Fortuna mismo.Pagbukas ng pinto, bumungad agad si Senyora. Naka-robes pa ito, halatang galing sa pahinga pero gulat at tuwa ang agad na lumitaw sa mga mata niya.“John?” lumapit ito, naglalakad palapit sa kanya na parang hayop na amoy ang sugatang biktima. “Anong ginagawa mo rito ng ganitong oras?”Hindi siya agad sumagot. Tumitig lang siya sa babae sa harapan niya, saka biglang niyakap ito—mahigpit, para bang doon niya gustong itapon lahat ng galit, bigat, at pagkamuhi.“
last updateLast Updated : 2025-04-10
Read more

Bon Appetit CHAPTER 99

“Bakit ba kailangang maging ganito kahirap?” napaluhod si John sa harap niya. “Bakit hindi puwedeng piliin kita nang hindi nasasaktan ang iba?”“Kasi hindi mo pa ako pinipili,” mariing sagot ni Senyora. “Kasi kahit ilang beses mong sabihin na mahal mo ako, mas mabilis mong iniisip ang kapakanan ni Fortuna kaysa ang damdamin ko.”“Hindi totoo ‘yan.”“Hindi?” Tumayo si Senyora, tumalikod. “Nang pinuntahan kita sa ospital, sino’ng tinawag mo? Ako ba?”“Sen…”“FORTUNA ang hinahanap mo, John! Siya ang pangalan niyang lumabas sa bibig mo habang nahihirapan ka! At ako? Nandito lang ako. Laging nandito.”Napakapit si John sa batok niya. “Hindi ko kayang ipaliwanag—”“Hindi mo kayang ipaliwanag kasi kahit ikaw hindi mo alam kung sino talaga ang mahal mo,” sambit ni Senyora, halos punitin ng damdamin ang bawat salita.“Mahal kita.”“Mahal mo ako kapag nasasaktan ka. Kapag galit ka. Kapag nalilito ka. Pero ’pag kalmado na ang mundo mo, kay Fortuna ka pa rin babalik.”“Iyon ang ayokong paniwalaan
last updateLast Updated : 2025-04-10
Read more

Bon Appetit CHAPTER 100

Ang kanyang malalim na mga ungol ay tumama sa kanya sa kaibuturan. Umaasa siyang maibibigay niya sa kanya ang kasing dami ng ibinibigay nito sa kanya.Nang makita ang butones ng kanyang pantalon, binuksan niya ito at ibinaba ang kanyang pantalon. Hindi niya mapigilan ang sarili na magmadali. Ang kanyang pagnanasa ay parang isang ganid na hayop na sabik na sabik sa kanyang pagkain. Ang kanyang tigas na ari ay sumisikip laban sa kanyang pang-ibaba. Mukhang halos nakakatawa na masyadong malaki ito para magkasya sa loob nila. Ipinagdikit niya ang kanyang mga daliri sa kanyang waistband at mahigpit na hinawakan ito habang hinahatak pababa.Ang tanawin nito ay nakakamangha. Ang kanyang malaking makapal na ari ay lumabas mula sa kanyang pagkakabilanggo. Ito ay nakatayo nang may pagmamalaki sa harap niya, mainit at nakakaanyaya. Pinadulas niya ang kanyang katawan sa mahabang makinis na pagdampi. Mainit ang kanyang balat. Namangha siya sa pakiramdam nito. Ito ay malambot at malambing tulad ng
last updateLast Updated : 2025-04-10
Read more
PREV
1
...
8910111213
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status