"John…" tinig ni Fortuna, malumanay, kalmado. "Sa loob ng maraming taon, minahal kita. Walang hinihintay na kapalit, walang inaasahan. Sapat na sa akin na nandito ako, na nandiyan ka."Napakuyom si John ng kamao."Pero pagod na ako. Kaya kung wala kang sasabihin… aalis na ako.""Aalis?""Hindi literal," sagot ni Fortuna, may bahid ng lungkot sa tinig niya. "Pero aalis ako sa pagiging babaeng martir. Hindi na ako maghihintay sa wala."Sa unang pagkakataon, naghanap ng sagot si John sa loob ng sarili niya.Pero wala siyang maibigay.Kaya pinili na lang niyang hindi magsalita.At pinili niyang panoorin ang babaeng unti-unting lumalayo mula sa kanya.Sa loob ng isang marangyang restaurant, umupo si John sa harapan ni Senyora.Tulad ng dati, elegante ito, matapang ang mga mata. Pero sa ilalim ng pulang lipstick at perpektong suot, may kung anong init sa tingin nito."Akala ko ba, pupuntahan na kita kagabi?" tanong ni Senyora, nilalaro ang baso ng alak sa kanyang kamay. "Bakit hindi mo itin
Last Updated : 2025-04-02 Read more