After the maid left, the young man, Blue, immediately turned to his Nanay Inday. "Ano po bang nangyari sa 'yo, Nay?" tanong muli ng binata dito. "Napagod lang siguro ako kanina, hijo," sagot ng matanda, sabay ngiti. Seryoso ang mukha ng binata at parang hindi ito kumbinsido sa sinabi ng matanda sa kanya. "Ano po ba kasi ginawa n'yo kanina, Nay? Marami namang kasambahay, bakit n'yo pinapagod ang sarili n'yo? Alam n'yo naman na matanda na kayo at kailangan n'yo nang mag-double ingat. Sinasabi ko lang ito kasi ayaw kong mapahamak ka po." Napangiti naman ang matanda sa sinabi ng binata sa kanya. Mahal niya ang binata dahil itinuring niya itong tunay niyang apo. Kaya hindi siya magsisisi na iiwan ang kanyang apo na si Aya dahil malaki ang tiwala niya dito sa binata at hindi siya nito bibiguin. She reached out for the young man's hand and smiled at him."Alam mo naman na patanda ng patanda na ako, anak. Gusto ko sana pag nawala na ako ay ikaw na ang magsisilbing guardian ni Aya.
Last Updated : 2025-02-16 Read more