Napatitig si Klarise sa kanya. Hindi siya sigurado kung saan nanggagaling ang determinasyon ni Louie, pero kahit papaano, nadadala siya nito.Matapos ang ilang minutong katahimikan, tumigil ang ulan, at nagkaroon ng pagkakataon si Louie na muling maghanap ng tuyong panggatong.Habang abala siya sa pagkolekta ng kahoy, napansin niyang tahimik na nakaupo si Klarise sa ilalim ng isang puno, mahigpit na nakayakap sa sarili."Klarise?" lumapit siya rito, punong-puno ng pag-aalala."Louie, hindi ko na kaya… ang lamig…" mahinang tugon nito.Agad siyang umupo sa tabi nito, hinubad ang kanyang jacket at isinuklob sa balikat ng asawa."Dito ka lang, ipikit mo ang mga mata mo. Sisiguraduhin kong makakakain tayo ngayong gabi."Gamit ang dalawang bato, sinubukan niyang lumikha ng apoy. Ngunit sa bawat pagsubok niyang sindihan ito, lagi na lang itong namamatay."Tangina naman!" Napalayo siya sa frustration.Natawa si Klarise kahit mahina. "Tingnan mo ‘yang mukha mo. Para kang bata na hindi nakuha a
Terakhir Diperbarui : 2025-02-22 Baca selengkapnya