Pilit na hinawakan ni Pilita ang kanyang kamay. "Anak, alam kong mahirap intindihin sa ngayon, pero—""Pero ano?" Napabuntong-hininga si Klarise, iniwas ang kamay. "Akala ko, nandito ako para sa binyag, pero hindi! Isa pala akong tupa na dinala sa altar nang walang kaalam-alam!""Kung gusto mong magreklamo, Klarise, bakit hindi ka na lang umalis?" sarkastikong sabat ni Louie habang nakapamulsa at nakatingin sa kanya. "Oh, tama. Hindi mo kaya, ‘di ba? Dahil kahit ano'ng gawin mo, wala ka nang choice."Tiningnan siya ni Klarise nang masama. "Kung wala akong choice, gano'n ka rin! Kaya huwag kang magpanggap na parang ikaw ang pinakamalaking biktima rito!"Napangisi si Louie, pero halatang pilit. "Oh, hindi ako nagpapanggap. Alam kong pareho tayong kawawa rito, pero at least, hindi ako umiiyak na parang bata."Napairap si Klarise at umismid. "Kapag dumating ang araw na gusto mo nang lumabas sa impyernong ‘to, huwag kang hihingi ng tulong sa akin, Louie.""Same goes for you, wifey," aniya,
Last Updated : 2025-02-10 Read more