Pagkauwi ko sa apartment, pakiramdam ko parang sasabog ang ulo ko sa dami ng iniisip. Kanina sa opisina, halos mahulog ako sa kinauupuan ko nang makita ko siya—ang bagong director, ang lalaking hindi ko akalaing muli ko pang makikita. Siya. Ang lalaking minsan kong nakasama sa isang gabing puno ng pagkakamali. Ang ama ni Lizha. Mabilis kong isinara ang pinto at napabuntong-hininga. Nasa sala si Marie, nakaupo sa sofa habang nagta-type sa laptop niya. Sa tabi niya, mahimbing na natutulog si Lizha sa crib. Nang makita niya akong pumasok, agad siyang tumingin sa akin. "Uy, ang aga mo yata. First day pa lang, nagresign ka na ba?" pabirong sabi niya, pero nang makita niyang hindi ako tumawa, kumunot ang noo niya. "Okay, anong nangyari?" Hindi ko alam kung paano sisimulan, pero sa huli, dumiretso na lang ako sa tabi niya at napabuntong-hininga ulit. "Marie, may problema ako." Napataas ang kilay niya. "Wala ka pang isang araw sa trabaho, may problema ka na?" "Mas komplikado ‘to," mahi
Last Updated : 2025-02-09 Read more