Home / Romance / CLAIMING HER / Chapter 5: An Unwanted Fate

Share

Chapter 5: An Unwanted Fate

Author: rhiettenbyme
last update Last Updated: 2025-02-08 20:47:31

Fiona’s POV

Napabuntong-hininga ako. Kahit gaano kagalit si Marie kay Aries, alam kong hindi pa siya tapos. Alam kong may matinding sermon pa siyang nakareserba para sa akin.

"Kaya, ano na? Anong balak mo?" tanong niya, taas ang isang kilay, habang nakapamewang na parang isang ina na naghihintay ng paliwanag mula sa pasaway niyang anak.

Pinisil ko ang kumot na nakatakip sa akin, hindi sigurado kung sasabihin ko ba o hindi. Pero alam kong hindi ko rin ito maitatago nang matagal.

"Marie…" nilingon ko siya nang dahan-dahan.

Sumalubong ang mapanuri niyang tingin. "Hala, Fiona, ano ‘yan? May nagawa ka bang krimen?"

Huminga ako nang malalim at bumulong, "May… may naka-one night stand ako kagabi."

Sandaling natahimik si Marie.

Isang segundo.

Dalawa.

Tatlo.

Hanggang sa bigla siyang sumigaw. "ANO?!"

Napapitlag ako sa kama. "Marie, bawasan mo naman ang volume!"

Pero hindi siya nagpapigil. Nanlaki ang mga mata niya, hindi pa rin makapaniwala. Pero sa halip na magalit, bigla siyang tumalon sa kama, hinampas ako ng unan, at halos mangisay sa kilig.

"Omg, Fiona! Anong nangyari?!" halos nanginginig ang boses niya sa excitement. "Paano? Saan? Sinong lalaki?! Gwapo ba?! OMG, gwapo ba?!"

"Marie!" tinakpan ko ang mukha ko sa sobrang kahihiyan.

"Hoy, ‘wag mo akong pigilan! Spill the tea, girl! Jusko, sa wakas! Sa wakas, nakaganti ka rin!"

Napailing ako. "Hindi ko naman ginusto, Marie."

Napahinto siya, pero hindi nawala ang kislap sa mga mata niya. "Paanong hindi mo ginusto? Fiona, ilang beses ka nang niloko at sinaktan ng walanghiyang asawa mo! Compared sa dami ng babaeng ikinama niya, wala ‘yang nangyari sa’yo! At least ngayon, tabla na kayo!"

Napakagat-labi ako. "Pero hindi ko alam, Marie… hindi ko matanggap ang nangyari. Hindi ako ganitong klase ng tao."

Huminga siya nang malalim at hinawakan ang balikat ko. "Fiona, listen. Hindi mo ito kasalanan. Hindi mo sinadya. At higit sa lahat, hindi ikaw ang nangunang manloko."

Hindi ako nakapagsalita.

"Alam mo kung sino ang salarin dito? Si Aries! Dahil kung hindi ka niya trinato na parang basura, kung hindi ka niya pinagpalit sa kung sino-sinong babae, hindi ka mapupunta sa ganyang sitwasyon!"

Nagpipigil ako ng luha. "Pero Marie, parang ang dumi ko na…"

"Ano ka ba, Fiona?" Umupo siya nang maayos at seryosong tinitigan ako. "Ikaw pa rin ‘yung Fiona na kilala ko. Walang nagbago. Isa lang ‘to sa consequences ng pagiging tanga mo kay Aries."

Napakunot ang noo ko. "Hoy!"

"Aminin mo!" aniya, tumatawa. "Pero seryoso, Fiona… kung meron man akong gustong ipamulat sa’yo, ‘yon ay ang katotohanang wala kang dapat ipag-guilty."

Tahimik akong nag-isip.

"Ngayon," ngumisi siya, "ikwento mo nang buo. Gwapo ba?"

Hindi ko napigilang mapailing, pero ramdam ko ang pamumula ng mukha ko. Napalunok ako at pilit kong iwasang ngumiti, pero hindi ko mapigilan ang alaala ng lalaking iyon.

Matangkad… Matipuno ang katawan… Matangos ang ilong… Mapupungay ang mga mata… At ‘yung braso niya… Diyos ko! Ang tigas ng muscles!

Napalunok ako.

"OMG! Fiona! Bakit parang namumula ka d’yan?!" Tuwang-tuwa si Marie na parang batang kinikilig. "Wag mong sabihing gwapo siya! No—hot?! Jusko, Fiona, biglang nagbago ang ihip ng hangin!"

"Nako, Marie!" tinakpan ko ang mukha ko, hindi ko alam kung paano ako makakawala sa usapang ‘to.

"Kumpleto ba ang abs?!" tanong niya na may halong panggigigil.

"Hindi ko alam! Hindi ko tiningnan!" mabilis kong sagot.

"Aba teka, teka…" Bigla siyang napahinto at kunot-noo akong tinignan. "Pero paano ba talaga nangyari ‘yon?"

Huminga ako nang malalim bago napayuko. "Marie… nagkamali ako ng pasok ng kwarto."

"H-ha?" Kumurap siya, mukhang hindi agad nakuha ang ibig kong sabihin.

"Laseng ako kagabi. Sobrang hilo ko. Ang room number na dapat kong puntahan, 606… Pero ang napasok ko, 609."

Natigilan siya.

Tahimik.

Hanggang sa bigla niyang ibinuka ang bibig at sumigaw.

"D**N, FIONA! AS IN NAPAGKAMALAN MO SIYA NA SI ARIES?!"

Napapikit ako sa kahihiyan. "Oo…" bulong ko.

Halos mapahiga si Marie sa kama sa sobrang pagkagulat. Ilang segundo siyang hindi nakaimik, pero nang makabawi… bigla siyang sumabog sa kakatawa!

"HAHAHAHAHAHA! PAMBIHIRA, FIONA! THIS IS INSANE!"

"Marie! Wag kang maingay!" hiyang-hiya kong pinisil ang braso niya.

"Jusko, Fiona! Saan ka nakakita ng ganyang kamalas na babae pero ang ending eh jackpot?!" Pinipigilan niya ang tawa niya pero nanginginig ang balikat niya.

Napaisip ako. Jackpot ba talaga ‘to?

Kasi kung ako ang tatanungin… para itong bangungot na hindi ko alam kung paano babangon mula rito.

Napahawak ako sa sentido ko habang nakayuko. Hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag kay Marie nang hindi siya masyadong mag-react, pero mukhang imposibleng mangyari ‘yon dahil sa sobrang hyper niya ngayon.

"Teka lang, teka lang…" Inangat niya ang kamay niya na parang pinipigil ang sarili niyang kiligin pa lalo. "So anong edad niya? Mas matanda ba sa’yo?"

Napaisip ako. Pilit kong inalala ang mukha niya. Oo, maskulado siya. Oo, matangkad siya. Pero ‘yung mukha niya… mukhang bata.

"Uh…" Napakagat-labi ako. "Sa totoo lang, mukhang mas bata siya sa akin."

Nanlaki ang mga mata ni Marie. "Ha?! Mas bata?!"

Tumango ako. "Siguro mga… twenty-six?"

"Tangina, Fiona!" Hinawakan niya ang balikat ko at marahas na niyugyog. "Dalaga ka ulit, girl! Mas bata pa sayo ang naka-one night stand mo! Shit, sana all!"

"Marie!" siniko ko siya. "Tigilan mo nga ‘ko!"

Pero lalo lang siyang natuwa. "Bakit ka ba kinakabahan? Kung ako sa’yo, maghanap ka na ng bata! Mas sariwa, mas exciting, mas—"

Umirap ako. "Tama na, Marie."

Pero hindi siya nagpapigil. "Ano ba! Anong problema kung mas bata siya? Malay mo naman, type ka rin niya!"

Napailing ako at pilit na umiwas ng tingin. "Imposible."

"Bakit naman?"

"Marie, thirty-three na ako." Binigyang-diin ko ang edad ko. "At kung tama ang hinala ko, baka nga hindi pa siya umaabot ng twenty-seven."

"So?"

"So, anong rason niya para magkainteres sa isang gaya ko?!"

Napahinto si Marie at sinamaan ako ng tingin. "Hoy, Fiona, kung may makakarinig sa’yo, iisipin nilang matandang dalaga ka na! Jusko, girl, hindi ‘yan issue! Thirty-three ka lang, hindi ka pa senior citizen!"

Napabuntong-hininga ako. "Ang punto ko, Marie, imposible kaming magkita ulit. Imposibleng may mangyari pa ulit sa amin. And besides, hindi ko naman siya kilala."

Napangisi siya. "So ibig sabihin, kung makilala mo siya, pwede pa?"

Napaawang ang bibig ko. "Hindi ‘yon ang point ko!"

Tumawa lang siya. "Hay nako, Fiona. Basta, kung makikita mo ulit ‘yang lalaking ‘yan… sabihin mo sa akin, ha? Kasi kung hindi mo siya gusto, baka ako na lang ang lumandi sa kanya."

"Marie!"

At muli siyang humagalpak sa tawa.

Naisip ko uli si Aries.. Gusto kong gawin ang lahat para ma-save ang kasal namin.. Gagawin ko ang lahat. Kung kailangang ibaon ko sa limot ang nangyari noong gabi na iyon sa lalakeng hindi ko alam ang pangalan. Gagawin ko...

Related chapters

  • CLAIMING HER    Chapter 6 : A New Beginning, An Unexpected Surprise

    Fiona’s POV Hindi ko inakalang darating ako sa puntong ito. Inisip ko na kaya ko pang ayusin ang lahat. Na kung magpapakumbaba ako, kung ipapakita ko na handa akong tanggapin ang lahat ng pagkakamali niya, babalik siya sa akin. Na kung ipagpapatawad ko siya, baka isang araw magbago siya, at magkakaroon kami ng pagkakataong maging masaya. Na kahit anong mangyari, magkakasama pa kami. Akala ko kaya ko pang hawakan ang lahat ng ito. Pero nagkamali ako. Nakatayo ako sa harap ng dining table, ang mga kamay ko’y nanginginig habang mahigpit na hawak ang papel na iniabot niya—ang annulment papers. Ang mga salitang iyon, parang isang malupit na suntok sa sikmura ko. Walang tunog, pero ramdam ko ang pagkabasag ng lahat. Parang may tinatanggal sa amin, at hindi ko kayang itulak palayo. "Aries… bakit?" Mahina kong tanong, pilit binabasa ang mga mata niyang hindi kayang magbigay ng kahit kaunting sagot. Walang pagmamahal na natitira. Napabuntong-hininga siya at umiling, halatang may

    Last Updated : 2025-02-08
  • CLAIMING HER    Chapter 7: Returning to the Past, Unknowingly Walking into Fate

    Sa unang pagkakataon matapos ang lahat, pakiramdam ko ay may kontrol na ako sa buhay ko—kahit pa napakalaking pagbabago ang dumating.Matapos ang check-up, hindi ko agad na-absorb ang balita. Buntis ako. Buntis sa isang lalaking hindi ko man lang alam kung nasaan na ngayon. Isang lalaking hindi ko kailanman pinangarap na magiging parte ng buhay ko, pero iniwan niya sa akin ang isang bagay na hindi ko kayang talikuran.“Anong balak mo?” tanong ni Marie habang pareho kaming nakaupo sa sofa ng apartment ko.Tahimik akong nakatingin sa tasa ng tsaa, pilit nilulunod ang kalituhan sa utak ko.“Fiona?”Napabuntong-hininga ako, saka marahang hinaplos ang tiyan ko. “Itutuloy ko.”Nagulat si Marie, pero agad din siyang ngumiti. “Alam kong ganyan ka, eh. Pero sure ka na ba?”Tumango ako. “Oo. Wala akong balak ipagkait ang buhay ng anak ko.”At doon nagsimula ang panibagong kabanata ng buhay ko.Sa unang mga buwan, sobrang hirap. Huwag na nating pag-usapan yung morning sickness—para akong laging

    Last Updated : 2025-02-09
  • CLAIMING HER    Chapter 8: The Weight of the Past

    Pagkababa namin ng taxi, agad kong kinarga si Lizha habang inaayos ni Marie ang mga dala naming gamit. Pagod ako, pero hindi ko mapigilang titigan ang bagong apartment na magiging tahanan namin. Mas malaki ito kaysa sa tinirhan ko noon, may sariling maliit na balcony, at mas tahimik ang paligid."Fiona, ang ganda nga!" sabi ni Marie habang inaabot ang susi sa akin. "Deserve mo 'to, lalo na si baby Lizha."Tiningnan ko ang anak kong mahimbing na natutulog sa dibdib ko. Isang taon na siya, at sa kabila ng lahat, lumaki siyang malusog at masayahin.Pagpasok namin, agad kong pinuntahan ang kwarto namin ni Lizha. May sariling crib siya sa tabi ng kama ko, at may maliit na study table para sa trabaho ko kapag kailangan kong mag-overtime. Si Marie naman ay may sariling kwarto sa kabila.Maya-maya, dumating si Joy, ang babaeng kinuha namin upang tumulong sa pag-aalaga kay Lizha kapag wala kami ni Marie."Good morning po, Ma’am Fiona!" bati niya, halatang masayahin at maasahan.Ngumiti ako. "S

    Last Updated : 2025-02-09
  • CLAIMING HER    Chapter 9: Mister Billionaire

    Pagkauwi ko sa apartment, pakiramdam ko parang sasabog ang ulo ko sa dami ng iniisip. Kanina sa opisina, halos mahulog ako sa kinauupuan ko nang makita ko siya—ang bagong director, ang lalaking hindi ko akalaing muli ko pang makikita. Siya. Ang lalaking minsan kong nakasama sa isang gabing puno ng pagkakamali. Ang ama ni Lizha. Mabilis kong isinara ang pinto at napabuntong-hininga. Nasa sala si Marie, nakaupo sa sofa habang nagta-type sa laptop niya. Sa tabi niya, mahimbing na natutulog si Lizha sa crib. Nang makita niya akong pumasok, agad siyang tumingin sa akin. "Uy, ang aga mo yata. First day pa lang, nagresign ka na ba?" pabirong sabi niya, pero nang makita niyang hindi ako tumawa, kumunot ang noo niya. "Okay, anong nangyari?" Hindi ko alam kung paano sisimulan, pero sa huli, dumiretso na lang ako sa tabi niya at napabuntong-hininga ulit. "Marie, may problema ako." Napataas ang kilay niya. "Wala ka pang isang araw sa trabaho, may problema ka na?" "Mas komplikado ‘to," mahi

    Last Updated : 2025-02-09
  • CLAIMING HER    Chapter 10:: Office of the director

    Pagpasok ko sa building, halos tumakbo na ako papunta sa elevator. Nakita kong unti-unti nang nagsasara ang pinto kaya napabilis ang hakbang ko.“Sandali! Paki-hold!” hingal kong sigaw habang pilit na inabot ang panel.Sa awa ng Diyos, bumukas muli ang elevator at agad akong pumasok, habol ang hininga. Pero sa bilis ng mga pangyayari, hindi ko agad napansin kung sino ang mga kasabay ko sa loob.“I want the final report on my desk before lunch,” sabi ng isang pamilyar na boses—isang boses na hindi ko inaasahang maririnig ko ulit.Parang biglang tumigil ang paligid ko. Dahan-dahan akong lumingon…At muntik ko nang mabitawan ang bag ko.Siya.Ang director.Ang lalaking ama ni Lizha.Parang nawalan ako ng balanse sa sobrang gulat, pero mabilis akong bumawi. Ibinaling ko ang tingin sa sahig at itinago ang mukha ko sa buhok ko. Pilit kong isiniksik ang sarili ko sa isang sulok ng elevator, para bang kung sapat lang ang pagdikit ko sa pader, baka maging invisible ako.Wag kang kabahan, Fiona

    Last Updated : 2025-02-09
  • CLAIMING HER    Chapter 1: A Night of Mistaken Passion

    Fiona’s POV"Sigurado ka ba dito?" tanong ni Marie, ang mga mata niya puno ng pag-aalinlangan habang nakatitig sa akin.Nasa loob kami ng isang dimly lit na bar, nakaupo sa isang secluded booth na malayo sa ingay ng crowd. Hawak ko ang isang baso ng wine, pero ni hindi ko pa ito natitikman.I clenched my fingers around the glass, inhaling deeply. "Yes. Kailangan ko itong gawin, Marie."Napailing siya, bumuntong-hininga bago muling nagsalita. "Fiona, alam kong mahal mo pa rin si Aries... pero sa tingin mo ba may magbabago pa?"Napayuko ako."Hindi ko alam... pero gusto ko pa ring subukan." Mahina kong sagot, ramdam ang pangungulila sa tinig ko.Matagal ko nang nararamdaman ang unti-unting paglamig ni Aries sa akin. Ilang beses ko nang sinubukang ayusin ang relasyon namin, pero parang ako lang ang lumalaban. Hindi ko na mabilang kung ilang gabi akong naghintay sa kanya, ilang beses akong nagkunwaring okay kahit pakiramdam ko ay unti-unti akong nawawasak.At mas lalong lumilinaw ang tako

    Last Updated : 2025-02-08
  • CLAIMING HER    Chapter 2: Nagi’s Intriguing Encounter

    Nagi’s POV"Bro, last shot!" sigaw ni Miguel bago tinungga ang huling tequila shot para sa gabing iyon.Nasa isang exclusive lounge kami para sa bachelor party niya. Kasama sina Azriel at Dylan, walang humpay ang tawanan at asaran. Hindi ko na alam kung pang-ilang bote na ‘to, pero ramdam ko na ang bigat ng ulo ko."You look wasted, Nagi," natatawang sabi ni Azriel habang umiinom ng whiskey."I'm not wasted," sagot ko, kahit alam kong lasing na ako.Dylan smirked. "You should probably book a hotel instead of going home in that state.""Yeah, baka sumuka ka pa sa sasakyan mo," dagdag ni Miguel, tumatawa."Mga siraulo kayo," irap ko, pero sinunod ko ang suggestion nila. Binuksan ko ang phone ko at nag-book ng pinakamalapit na hotel.Fate Hotel. Room 609."Want us to send someone to warm your bed?" tukso ni Dylan."Shut up."Tumayo ako, pinisil ang sentido ko. "Enjoy the rest of the night, idiots. Miguel, good luck sa married life mo."Nagpaalam ako at sumakay ng taxi papunta sa Fate Hot

    Last Updated : 2025-02-08
  • CLAIMING HER    Chapter 3: A Shattered Heart

    Nagi’s POVHindi ko mapigilan ang ngiti ko. The way she looked so lost and flustered was just too amusing. She had no idea how much of a mess this was, and honestly? I was enjoying every second of it.Sinapo niya ang noo niya, para bang gusto na lang magpakain sa lupa sa kahihiyan.Napatawa ako. Damn, this was entertaining.Napakagat siya sa labi at mabilis na bumangon, pero bago pa siya makatakbo palabas, sinandal ko ang sarili ko sa headboard at tinignan siya mula ulo hanggang paa.Messed up hair. Kiss-swollen lips. Marked skin.And the way she looked so freaking flustered.Napangisi ako.D**n, she’s cute."Aw, are you in a hurry to leave?" tukso ko. "Come on, sweetheart. It was fun, don’t you think?""Tama na!" Sinamaan niya ako ng tingin, pero kita ko ang pamumula ng pisngi niya. "Kalilimutan ko ‘to! Hindi ‘to nangyari!"Ngumiti ako, lalo pang tinukso siya. "Hmm… but I clearly remember how much you enjoyed it.""You—!"Tumalikod siya at mabilis na lumabas ng kwarto, halos nagmamad

    Last Updated : 2025-02-08

Latest chapter

  • CLAIMING HER    Chapter 10:: Office of the director

    Pagpasok ko sa building, halos tumakbo na ako papunta sa elevator. Nakita kong unti-unti nang nagsasara ang pinto kaya napabilis ang hakbang ko.“Sandali! Paki-hold!” hingal kong sigaw habang pilit na inabot ang panel.Sa awa ng Diyos, bumukas muli ang elevator at agad akong pumasok, habol ang hininga. Pero sa bilis ng mga pangyayari, hindi ko agad napansin kung sino ang mga kasabay ko sa loob.“I want the final report on my desk before lunch,” sabi ng isang pamilyar na boses—isang boses na hindi ko inaasahang maririnig ko ulit.Parang biglang tumigil ang paligid ko. Dahan-dahan akong lumingon…At muntik ko nang mabitawan ang bag ko.Siya.Ang director.Ang lalaking ama ni Lizha.Parang nawalan ako ng balanse sa sobrang gulat, pero mabilis akong bumawi. Ibinaling ko ang tingin sa sahig at itinago ang mukha ko sa buhok ko. Pilit kong isiniksik ang sarili ko sa isang sulok ng elevator, para bang kung sapat lang ang pagdikit ko sa pader, baka maging invisible ako.Wag kang kabahan, Fiona

  • CLAIMING HER    Chapter 9: Mister Billionaire

    Pagkauwi ko sa apartment, pakiramdam ko parang sasabog ang ulo ko sa dami ng iniisip. Kanina sa opisina, halos mahulog ako sa kinauupuan ko nang makita ko siya—ang bagong director, ang lalaking hindi ko akalaing muli ko pang makikita. Siya. Ang lalaking minsan kong nakasama sa isang gabing puno ng pagkakamali. Ang ama ni Lizha. Mabilis kong isinara ang pinto at napabuntong-hininga. Nasa sala si Marie, nakaupo sa sofa habang nagta-type sa laptop niya. Sa tabi niya, mahimbing na natutulog si Lizha sa crib. Nang makita niya akong pumasok, agad siyang tumingin sa akin. "Uy, ang aga mo yata. First day pa lang, nagresign ka na ba?" pabirong sabi niya, pero nang makita niyang hindi ako tumawa, kumunot ang noo niya. "Okay, anong nangyari?" Hindi ko alam kung paano sisimulan, pero sa huli, dumiretso na lang ako sa tabi niya at napabuntong-hininga ulit. "Marie, may problema ako." Napataas ang kilay niya. "Wala ka pang isang araw sa trabaho, may problema ka na?" "Mas komplikado ‘to," mahi

  • CLAIMING HER    Chapter 8: The Weight of the Past

    Pagkababa namin ng taxi, agad kong kinarga si Lizha habang inaayos ni Marie ang mga dala naming gamit. Pagod ako, pero hindi ko mapigilang titigan ang bagong apartment na magiging tahanan namin. Mas malaki ito kaysa sa tinirhan ko noon, may sariling maliit na balcony, at mas tahimik ang paligid."Fiona, ang ganda nga!" sabi ni Marie habang inaabot ang susi sa akin. "Deserve mo 'to, lalo na si baby Lizha."Tiningnan ko ang anak kong mahimbing na natutulog sa dibdib ko. Isang taon na siya, at sa kabila ng lahat, lumaki siyang malusog at masayahin.Pagpasok namin, agad kong pinuntahan ang kwarto namin ni Lizha. May sariling crib siya sa tabi ng kama ko, at may maliit na study table para sa trabaho ko kapag kailangan kong mag-overtime. Si Marie naman ay may sariling kwarto sa kabila.Maya-maya, dumating si Joy, ang babaeng kinuha namin upang tumulong sa pag-aalaga kay Lizha kapag wala kami ni Marie."Good morning po, Ma’am Fiona!" bati niya, halatang masayahin at maasahan.Ngumiti ako. "S

  • CLAIMING HER    Chapter 7: Returning to the Past, Unknowingly Walking into Fate

    Sa unang pagkakataon matapos ang lahat, pakiramdam ko ay may kontrol na ako sa buhay ko—kahit pa napakalaking pagbabago ang dumating.Matapos ang check-up, hindi ko agad na-absorb ang balita. Buntis ako. Buntis sa isang lalaking hindi ko man lang alam kung nasaan na ngayon. Isang lalaking hindi ko kailanman pinangarap na magiging parte ng buhay ko, pero iniwan niya sa akin ang isang bagay na hindi ko kayang talikuran.“Anong balak mo?” tanong ni Marie habang pareho kaming nakaupo sa sofa ng apartment ko.Tahimik akong nakatingin sa tasa ng tsaa, pilit nilulunod ang kalituhan sa utak ko.“Fiona?”Napabuntong-hininga ako, saka marahang hinaplos ang tiyan ko. “Itutuloy ko.”Nagulat si Marie, pero agad din siyang ngumiti. “Alam kong ganyan ka, eh. Pero sure ka na ba?”Tumango ako. “Oo. Wala akong balak ipagkait ang buhay ng anak ko.”At doon nagsimula ang panibagong kabanata ng buhay ko.Sa unang mga buwan, sobrang hirap. Huwag na nating pag-usapan yung morning sickness—para akong laging

  • CLAIMING HER    Chapter 6 : A New Beginning, An Unexpected Surprise

    Fiona’s POV Hindi ko inakalang darating ako sa puntong ito. Inisip ko na kaya ko pang ayusin ang lahat. Na kung magpapakumbaba ako, kung ipapakita ko na handa akong tanggapin ang lahat ng pagkakamali niya, babalik siya sa akin. Na kung ipagpapatawad ko siya, baka isang araw magbago siya, at magkakaroon kami ng pagkakataong maging masaya. Na kahit anong mangyari, magkakasama pa kami. Akala ko kaya ko pang hawakan ang lahat ng ito. Pero nagkamali ako. Nakatayo ako sa harap ng dining table, ang mga kamay ko’y nanginginig habang mahigpit na hawak ang papel na iniabot niya—ang annulment papers. Ang mga salitang iyon, parang isang malupit na suntok sa sikmura ko. Walang tunog, pero ramdam ko ang pagkabasag ng lahat. Parang may tinatanggal sa amin, at hindi ko kayang itulak palayo. "Aries… bakit?" Mahina kong tanong, pilit binabasa ang mga mata niyang hindi kayang magbigay ng kahit kaunting sagot. Walang pagmamahal na natitira. Napabuntong-hininga siya at umiling, halatang may

  • CLAIMING HER    Chapter 5: An Unwanted Fate

    Fiona’s POV Napabuntong-hininga ako. Kahit gaano kagalit si Marie kay Aries, alam kong hindi pa siya tapos. Alam kong may matinding sermon pa siyang nakareserba para sa akin. "Kaya, ano na? Anong balak mo?" tanong niya, taas ang isang kilay, habang nakapamewang na parang isang ina na naghihintay ng paliwanag mula sa pasaway niyang anak. Pinisil ko ang kumot na nakatakip sa akin, hindi sigurado kung sasabihin ko ba o hindi. Pero alam kong hindi ko rin ito maitatago nang matagal. "Marie…" nilingon ko siya nang dahan-dahan. Sumalubong ang mapanuri niyang tingin. "Hala, Fiona, ano ‘yan? May nagawa ka bang krimen?" Huminga ako nang malalim at bumulong, "May… may naka-one night stand ako kagabi." Sandaling natahimik si Marie. Isang segundo. Dalawa. Tatlo. Hanggang sa bigla siyang sumigaw. "ANO?!" Napapitlag ako sa kama. "Marie, bawasan mo naman ang volume!" Pero hindi siya nagpapigil. Nanlaki ang mga mata niya, hindi pa rin makapaniwala. Pero sa halip na magalit, b

  • CLAIMING HER    Chapter 4: Unfiltered Advice

    Fiona’s POVNagmadali akong umalis mula sa kwarto ng lalaking iyon at halos tumakbo ako papunta sa tamang kwarto—ang kwarto na dapat ay pinuntahan ko kagabi. Natatakot ako sa magiging reaksyon ni Aries. Baka magalit siya. Baka tuluyan na niya akong hiwalayan. Gusto ko na lang magtago at kalimutan ang lahat ng nangyari. Nanginginig ang mga kamay ko habang isinusuksok ang susi sa pinto ng Room 606.Pagbukas ko ng pinto, parang binagsakan ako ng langit.Nandoon si Aries—nakahiga sa kama, nakatalikod sa akin. Pero ang hindi ko inaasahan ay ang babaeng nakayakap sa kanya. Pareho silang walang saplot, natatakpan lang ng kumot ang kanilang katawan.Parang may pumiga sa puso ko.Nanigas ako sa kinatatayuan ko, hindi alam kung anong dapat maramdaman. Parang gusto kong humakbang palapit, pero sa bawat segundong lumilipas, ramdam ko ang matinding kirot na sumasakal sa dibdib ko."Aries..." halos isang bulong lang ang lumabas sa bibig ko.Dahan-dahang bumaling siya sa akin, halatang nagulat. Per

  • CLAIMING HER    Chapter 3: A Shattered Heart

    Nagi’s POVHindi ko mapigilan ang ngiti ko. The way she looked so lost and flustered was just too amusing. She had no idea how much of a mess this was, and honestly? I was enjoying every second of it.Sinapo niya ang noo niya, para bang gusto na lang magpakain sa lupa sa kahihiyan.Napatawa ako. Damn, this was entertaining.Napakagat siya sa labi at mabilis na bumangon, pero bago pa siya makatakbo palabas, sinandal ko ang sarili ko sa headboard at tinignan siya mula ulo hanggang paa.Messed up hair. Kiss-swollen lips. Marked skin.And the way she looked so freaking flustered.Napangisi ako.D**n, she’s cute."Aw, are you in a hurry to leave?" tukso ko. "Come on, sweetheart. It was fun, don’t you think?""Tama na!" Sinamaan niya ako ng tingin, pero kita ko ang pamumula ng pisngi niya. "Kalilimutan ko ‘to! Hindi ‘to nangyari!"Ngumiti ako, lalo pang tinukso siya. "Hmm… but I clearly remember how much you enjoyed it.""You—!"Tumalikod siya at mabilis na lumabas ng kwarto, halos nagmamad

  • CLAIMING HER    Chapter 2: Nagi’s Intriguing Encounter

    Nagi’s POV"Bro, last shot!" sigaw ni Miguel bago tinungga ang huling tequila shot para sa gabing iyon.Nasa isang exclusive lounge kami para sa bachelor party niya. Kasama sina Azriel at Dylan, walang humpay ang tawanan at asaran. Hindi ko na alam kung pang-ilang bote na ‘to, pero ramdam ko na ang bigat ng ulo ko."You look wasted, Nagi," natatawang sabi ni Azriel habang umiinom ng whiskey."I'm not wasted," sagot ko, kahit alam kong lasing na ako.Dylan smirked. "You should probably book a hotel instead of going home in that state.""Yeah, baka sumuka ka pa sa sasakyan mo," dagdag ni Miguel, tumatawa."Mga siraulo kayo," irap ko, pero sinunod ko ang suggestion nila. Binuksan ko ang phone ko at nag-book ng pinakamalapit na hotel.Fate Hotel. Room 609."Want us to send someone to warm your bed?" tukso ni Dylan."Shut up."Tumayo ako, pinisil ang sentido ko. "Enjoy the rest of the night, idiots. Miguel, good luck sa married life mo."Nagpaalam ako at sumakay ng taxi papunta sa Fate Hot

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status