All Chapters of Reclaiming the Billionaire's Love: Chapter 221 - Chapter 230

246 Chapters

Season Two - Chapter 1

Bella's POV Tumunog ang alarm ng operating room, hudyat na handa na ang lahat para sa operasyon. Humigpit ang hawak ko sa sterilized gloves habang pinagmamasdan ang pasyente sa operating table. Nakahiga siya roon, walang malay, habang ang cardiac monitor sa tabi ay nagpapakita ng kanyang bumibilis na tibok ng puso. "Dr. Del Fuego, ready na po ang lahat," anunsyo ni Nurse Carla, ang aking ever-reliable scrub nurse. Tumango ako, saglit na huminga ng malalim bago bumulong, "Scalpel." Mabilis na iniabot sa akin ang matulis na instrumento. Sa isang iglap, lumubog ang matalas na talim sa balat ng pasyente, ang kaunting pagputok ng dugo ay agad na pinigilan ng suction. Banayad at tiyak ang bawat hiwa ng blade, sinisiguradong walang nasasayang na galaw. “Forceps,” utos ko. Iniangat ko ang layers ng tissues, inilalantad ang nasirang bahagi ng kanyang atay—ang ugat ng kanyang malubhang kondisyon. Isang mahirap at delikadong kaso ito—isang hepatic tumor na kailangang alisin bago pa it
last updateLast Updated : 2025-03-17
Read more

Season Two - Chapter 2

Bella's POV Tumigil kami sa isang madilim na eskinita ilang metro ang layo mula sa abandonadong warehouse. Mabilis ang paghinga ko, ramdam ko pa rin ang kaba sa dibdib. Ang estrangherong sumagip sa akin ay nakasandal sa pader, hawak ang kaliwang braso, at doon ko napansin ang malalim na sugat sa kanyang kamay. "You're injured," sabi ko, tinutukan ng tingin ang dumadaloy na dugo mula sa sugat niya. "I'm fine," malamig niyang sagot, ngunit hindi ako naniwala. Halatang nanginginig ang kamay niya, at kahit matigas ang ekspresyon niya, hindi niya maitago ang kirot sa kanyang mga mata. "Don't be stupid," mariin kong sabi, hinila ko ang braso niya upang mas makita ang sugat. "You need medical attention." Napatingin siya sa akin at doon ko lang napansin ang lalim ng kanyang mga mata. Hindi lang ito pagod, kundi puno ng kung anong sakit na hindi lang pisikal. "Ayokong mapansin tayo," aniya, pero hindi ko na siya pinakinggan. Agad akong pumara ng paparating na taxi. Mabilis akong p
last updateLast Updated : 2025-03-18
Read more

Season Two - Chapter 3

Bella's POV Pagod at mabigat ang katawan ko nang lumabas ako ng hospital room ni Brent upang makapagbihis. Ilang oras na akong gising, at ramdam ko ang bigat ng lahat ng nangyari—mula sa pagkakadukot sa akin hanggang sa hindi ko inaasahang pagsagip ni Brent. Kailangan kong magpahinga, kahit sandali lang. Naglakad ako papunta sa hospital locker room, kinuha ang extrang blouse at slacks na iniwan ko roon para sa emergency. Mabilis akong nagpalit ng damit at inayos ang sarili sa harap ng salamin. Hindi ko na rin natandaan kung kailan ako huling nakatulog nang mahimbing. Habang pinapagpag ko ang basa pang buhok mula sa mabilis na pagligo, bumalik sa isip ko ang mga sinabi ni Brent. "It’s not over. Those men? They weren’t just random kidnappers. They were after you for a reason." Sinong may gusto sa buhay ko? Bakit ako target? At anong koneksyon ni Brent sa lahat ng ito? Bumuntong-hininga ako at lumabas ng locker room, nagmamadaling bumalik sa silid ni Brent. Pero pagdating ko
last updateLast Updated : 2025-03-19
Read more

Season Two - Chapter 4

Bella's POV "Hindi ako interesado sa 'yo. Ginagawa ko lang ito dahil iyon ang huling habilin ng mga magulang ko." Parang biglang tumigil ang mundo ko nang marinig ko ang sinabi ni Brent. Para akong sinampal sa mukha. Hindi ko inaasahan ang brutal na katapatan ng kanyang mga salita—walang pag-aalinlangan, walang bahid ng emosyon. Hindi ko alam kung bakit, pero kahit hindi ko naman gusto ang kasal na ito, may kung anong kirot sa dibdib ko sa paraan ng pagsabi niya na hindi niya ako gusto. Nagpalibot ako ng tingin sa paligid. Tahimik ang buong silid. Si Mommy ay tila napasinghap, at si Daddy naman ay seryosong nakatitig kay Brent, hindi makapaniwala sa kanyang narinig. Nagtagpo ang mga mata namin ni Brent. Wala akong mabasa sa ekspresyon niya. Hindi siya mukhang galit o nababahala—parang wala lang talaga sa kanya ang lahat ng ito. Huminga ako nang malalim, pilit pinipigilan ang bugso ng damdamin ko. I refuse to let him think na naapektuhan ako sa sinabi niya. "Fine. If that
last updateLast Updated : 2025-03-20
Read more

Season Two - Chapter 5

Bella's POV Mabilis kong tinayp ang mensahe para kay Esnyr. "Send me a picture." Wala na akong pakialam kung masaktan pa ako. Kailangan kong makita mismo. Kailangan kong malaman kung sino ang babaeng iyon. Dahil kung may isang bagay akong hindi kaya, iyon ay ang mabuhay sa mga kasinungalingan. Ilang segundo lang ang lumipas bago dumating ang attachment sa chat. May kasamang mensahe si Esnyr: "Bella… sorry." Nanginginig ang daliri ko habang pinindot ang larawan. At nang lumabas ang imahe sa screen…para akong binuhusan ng yelo mula ulo hanggang paa. Napalunok ako, bumibilis ang tibok ng puso ko sa hindi ko maintindihang emosyon. Pumikit ako, umaasang namamalik-mata lang ako. Ngunit nang muling idilat ang aking mga mata, naroon pa rin ang larawan—ang malinaw na ebidensya ng pagtataksil. Si Gabriel… at ang babaeng kahalikan niya ay si Danica. Ang tinuring kong totoong kapatid. Halos mabitawan ko ang cellphone sa sobrang panlalamig ng kamay ko. Nanginginig ang buong k
last updateLast Updated : 2025-03-21
Read more

Season Two - Chapter 6

Bella's POV Halos lumipad ako sa kalsada habang nagmamaneho papunta sa condo ni Gabriel. Hindi ko na inalintana ang luhaang mukha ko, ang nanginginig kong mga kamay sa manibela, at ang kirot sa puso kong parang sasabog anumang segundo. Hindi ko alam kung anong klaseng paliwanag ang gusto kong marinig, pero gusto ko pa ring subukan. Gusto ko pa ring maniwalang hindi totoo ang lahat. Na hindi niya ako ipinagpalit. Na kahit papaano, may natitira pang pagmamahal sa pagitan namin. Nang makarating ako sa building, halos hindi ko na naalala kung paano ako nakapasok. Wala akong pakialam kung sino ang makakakita sa akin sa ganitong itsura—magulo ang buhok, namumula ang mata sa pag-iyak, at balot ng desperasyon. Nang nasa harapan na ako ng pinto ng unit niya, halos mabali ang daliri ko sa sobrang lakas ng pagkatok. "Gabriel!" sigaw ko habang patuloy sa pagkatok. "Open the door! Alam kong nandiyan ka!" Walang sumagot. Lalo akong kinabahan. Hawak ko ang ekstrang susi ng condo niya—regalo
last updateLast Updated : 2025-03-22
Read more

Season Two - Chapter 7

Bella's POV Sagad sa buto ang sakit na nararamdaman ko. Para akong sinaksak ng paulit-ulit, hindi lang sa puso kundi pati sa mismong kaluluwa ko. Pagkatapos ng nangyari sa condo ni Gabriel, hindi ko na alam kung paano ako uuwi ng maayos. Pakiramdam ko, kung babalik ako sa bahay, madudurog ako sa mga tanong at panghuhusga ng sarili kong pamilya—lalo na’t ang babaeng ipinagpalit sa akin ay walang iba kundi ang itinuring kong kapatid. Kailangan kong maglabas ng sama ng loob. Kailangan kong makalimot—kahit sandali lang. Agad kong tinawagan si Esnyr, ang matalik kong kaibigan, at walang paligoy-ligoy na niyaya siyang uminom. "Esnyr, please. Kailangan kita ngayon," mahina kong sabi habang pilit na tinatago ang paghikbi. "Ano ba ‘to, Bella? Anong nangyari?" kabado niyang tanong. "Hala ka! Umiiyak ka ba? Sino nanakit sa’yo? Ipa-Tulfo na natin ‘yan!" Napatawa ako ng bahagya sa reaksyon niya, pero mabilis ding napalitan iyon ng sakit. "Si Gabriel…" bulong ko. May ilang segundo siyang n
last updateLast Updated : 2025-03-22
Read more

Season Two - Chapter 8

Brent's POV Napabuntong-hininga ako habang nakatingin sa babaeng nakasandal sa bar counter, mahigpit na nakayakap sa bote ng alak na para bang ito lang ang tanging makakapitan niya sa mundong ito. Nakakalungkot siyang tingnan. Nakanganga nang bahagya, may bahid pa ng luha ang pisngi, at ang maganda niyang damit ay may bahagyang talsik ng alak dahil sa ilang beses niyang nadulas ang baso sa lamesa. Nakinig lang ako sa bawat salitang sinabi niya kanina—mga reklamo, sakit, at hinanakit na paulit-ulit niyang binabanggit, na para bang inuulit iyon hindi para sa akin, kundi para sa sarili niya. Ang totoo niyan, sa buong buhay ko, hindi ako mahilig makinig sa mga dramang ganito. Hindi ako mahilig makisawsaw sa problema ng ibang tao, lalo na sa mga relasyon na nagwawakas dahil sa katangahan at kataksilan. Pero ewan ko ba. Sa halip na umalis at pabayaan siyang magpakalunod sa alak at luha, natagpuan ko ang sarili kong nanatili rito—nakikinig sa bawat hinaing ng babaeng ito. Napakatanga
last updateLast Updated : 2025-03-22
Read more

Season Two - Chapter 9

Brent's POV Nagising ako sa malakas na tunog ng cellphone ko. Mabigat pa ang katawan ko, at pakiramdam ko ay kulang pa ang tulog ko matapos ang inuman kagabi. Pero nang makita ko ang pangalan ng tumatawag, agad akong bumangon at sinagot iyon. Si Mr. Alexus Del Fuego. "Brent, hijo! Kumusta ka na?" Malakas ang boses niya, tulad ng dati—punung-puno ng awtoridad. "Hindi ako sigurado, Sir," sagot ko habang pinagmamasdan ang liwanag ng araw na sumisilip sa bintana ng kwarto ko. "Ano pong kailangan ninyo?" "Birthday ni Danica ngayon. Gusto ka naming imbitahan dito sa bahay para sa selebrasyon." Napapikit ako sandali at marahang napailing. Wala akong interes na dumalo sa isang handaan para sa babaeng wala naman akong personal na koneksyon. Pero bigla kong naisip si Bella. Napadilat ako at napatingin sa kisame. Kumusta na kaya siya? Ano ang lagay niya matapos ang gabing iyon? Kung pupunta ako, may pagkakataon akong makita siya at malaman kung nasa maayos na siyang kalagayan. "Alrig
last updateLast Updated : 2025-03-23
Read more

Season Two - Chapter 10

Brent's POV Matapos ang matapang na deklarasyon ni Bella, agad kaming hinatak ng kanyang mga magulang papunta sa isang pribadong silid malayo sa ingay ng selebrasyon. Gusto nilang linawin ang lahat. At sa totoo lang, hindi ko sila masisisi. Pagkapasok sa silid, agad na nagsalita si Alexus Del Fuego, ang ama ni Bella. "Brent, I need you to be honest with me," matigas niyang sabi habang nakatingin nang diretso sa akin. "Hindi kita pipilitin kung wala ka talagang balak pakasalan ang anak ko. Kung napipilitan ka lang dahil sa sitwasyon o dahil sa nangyari sa kanila ni Gabriel, mas mabuti pang sabihin mo na ngayon." Tumayo ako nang tuwid. Hindi ako natatakot kay Mr. Del Fuego, pero nirerespeto ko siya bilang ama ni Bella. "Tito, hindi ako napipilitan," kalmado kong sagot. "Kung may isang bagay akong sigurado, iyon ay hindi ko pababayaan si Bella. Alam kong masakit ang pinagdaanan niya, at kung ang pagiging asawa niya ang paraan para maprotektahan ko siya, then I am willing to do it.
last updateLast Updated : 2025-03-24
Read more
PREV
1
...
202122232425
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status