All Chapters of Reclaiming the Billionaire's Love: Chapter 201 - Chapter 210

247 Chapters

Chapter 201

Luna's POV "Hindi... hindi totoo ‘yan." Halos hindi ako makahinga habang nakatitig sa papel na hawak ni Daniela. Pakiramdam ko ay bumagsak ang buong mundo ko sa isang iglap. Hindi ko maipaliwanag ang bigat na bumalot sa dibdib ko, na parang tinanggalan ako ng karapatan bilang ina sa isang iglap. "Oh, pero totoo, Luna." Malamig ang boses ni Daniela habang nakangising inalalayan ang mga pulis papalapit sa amin. "Epektibo simula ngayon, ako na ang legal na tagapag-alaga ng mga anak mo. At may court order na nagbabawal sa iyong lumapit sa kanila." Para akong pinagsakluban ng langit at lupa. Mabilis kong nilingon si Alexus, umaasang may kahit kaunting pagsisisi sa mukha niya, pero nanatiling walang emosyon ang ekspresyon niya. Naninigid ang panga niya, at bagama’t hindi niya ako direktang tinitingnan, alam kong naririnig niya ang lahat. "Alexus..." Mahina kong bulong, parang nagmamakaawa. Pero hindi siya sumagot. Kusa nang bumagsak ang luha ko. "Alexus, sabihin mong hindi mo ito gin
last updateLast Updated : 2025-03-05
Read more

Chapter 202

Luna's POV Halos hindi ako mapakali sa sasakyan habang binabaybay namin ang madilim na kalsada patungo sa Del Fuego mansion. Naka-disguise ako—suot ang hood ng jacket ni Arturo, habang ang buhok ko’y nakapusod sa ilalim ng cap. "Anong plano natin?" tanong ko sa kanya habang mahigpit na nakahawak sa upuan. "Hahanapin natin ‘yung kasambahay na nag-report. Kailangan nating malaman kung paano natin madadala sina Bella at Bailey nang hindi nila namamalayan." Tumango ako, kahit alam kong hindi magiging madali ‘to. Pagdating namin sa likurang bahagi ng Del Fuego mansion, bumaba kami nang dahan-dahan. May madilim na bahagi sa may garden kung saan kami pwedeng dumaan. "Dito tayo," bulong ni Arturo, tinuturo ang isang maliit na pinto sa gilid. "Diyan dumadaan ang mga kasambahay." Dahan-dahan akong sumunod sa kanya. Kumatok siya nang tatlong beses, tapos isang beses pang mahina. Ilang segundo lang, bumukas ang pinto at tumambad sa amin ang isang babae—hindi pa siya katandaan, pero halatan
last updateLast Updated : 2025-03-05
Read more

Chapter 203

Luna's POV Mula sa sala, narinig ko ang malakas na pagkatok sa pinto—hindi, hindi lang basta katok. Halos basagin na niya ang kahoy sa tindi ng hampas. "LUNA! BUKSAN MO 'TO!" Napakapit ako nang mahigpit kay Bella. Alam kong takot na takot siya sa naririnig niyang sigaw ng ama niya. "Mommy…" Mahinang iyak niya, habang nakayakap sa akin. "Huwag kang matakot, anak," bulong ko, pilit na pinapakalma ang sarili ko. Pero paano kung... paano kung kunin niya si Bella? Nagmadali akong tumayo. "Luna, ako na ang bahala," pigil ni Arturo, pero umiling ako. "Hindi, kailangan ko siyang harapin." Huminga ako nang malalim bago dahan-dahang lumapit sa pinto. Sa sandaling binuksan ko ito, bumungad sa akin ang galit na galit na mukha ni Alexus. Halos pulang-pula ang mga mata niya, at bumibigat ang paghinga niya sa tindi ng emosyon. "Ano'ng karapatan mong kunin ang anak ko?!" sigaw niya agad, hindi pa man ako nakakabati sa kanya. Pinaghandaan ko ang galit niya, pero iba pala ang pakiramdam kapa
last updateLast Updated : 2025-03-06
Read more

Chapter 204

Luna's POV Napalingon ako sa labas ng bintana habang kinakarga si Bella. Tahimik na ang paligid matapos ang mainit na engkwentro kay Daniela at sa social workers. Pero kahit wala na siya, hindi pa rin mapanatag ang loob ko. Alam kong hindi iyon ang huling beses na susubukan niyang agawin ang anak ko. Nasa tabi ko si Arturo, abala sa pagbabasa ng isang dokumento, nang biglang tumunog ang cellphone ko. Agad akong napakunot-noo nang makitang unknown number ang tumatawag. Dahan-dahan kong sinagot ang tawag. "Hello?" Saglit na katahimikan. May mahihinang tunog sa kabilang linya—parang may humihingal. At saka ko narinig ang isang boses na halos ikabitawan ko ng telepono. "L-Luna…" Napakurap ako. Hindi ako maaaring magkamali. Kahit pa garalgal at mahina, hindi ko kailanman malilimutan ang tinig na iyon. "M-Mommy Anabelle?" Napatingin ako kay Arturo na halatang nagulat din sa reaksyon ko. "Luna… tulungan mo ako…" Nanginig ang kamay ko habang mas hinigpitan ang hawak sa cellphone. "
last updateLast Updated : 2025-03-07
Read more

Chapter 205

Luna's POV Isang malakas na hampas. Isang matalim na sakit na kumalat sa aking anit pababa sa aking leeg. Para akong nalulunod sa kawalan. Naririnig ko ang mahinang ugong sa tenga ko, pero wala akong makita. Pilit kong iminulat ang mga mata ko, pero parang may mabigat na piring na nakatakip dito. Nasaan ako? Sinubukan kong igalaw ang aking kamay, pero may matigas na bagay na pumipigil sa akin. Pinalibutan ako ng isang nakakakilabot na katahimikan. Hanggang sa may marinig akong boses. "Siguraduhin mong hindi siya makakatakas." Mabilis kong nakilala ang tinig na iyon. Daniela. Nanlamig ang buo kong katawan. Nang unti-unting luminaw ang aking paningin, napagtanto kong nasa isang madilim na silid ako. Ang amoy ng lumang kahoy at alikabok ay bumalot sa ilong ko at ang tanging liwanag lang ay nagmumula sa maliit na bintana sa taas. Nakahiga ako sa malamig na sementadong sahig. Ang mga kamay ko—nakatali sa likod ko. "Gising ka na pala." Napalingon ako sa direksyon ng tinig. At d
last updateLast Updated : 2025-03-07
Read more

Chapter 206

Alexus' POV Malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ko habang binabasa ang huling pahina ng financial reports ng kumpanya. Ilang buwan na akong huminto sa pagpipiloto at naging abala ako sa kumpanya. Matagal na akong hindi nakakapag-focus sa trabaho. Simula nang mangyari ang lahat—ang insidenteng bumago sa buhay namin ni Luna—para bang naging gulo na rin ang buong sistema ko. Pero ngayon, pilit kong ibinabalik ang dating ako—ang Alexus Laurent Del Fuego na walang inaalala kundi negosyo. Hangga’t maaari, ayaw ko nang isipin siya. Ayaw ko nang maalala kung paano siya nakita ng lahat na nakaluhod sa tabi ni Mommy, ang mga kamay niyang punong-puno ng dugo. Ayaw kong maalala ang takot at pagtataksil sa mga mata niya habang paulit-ulit niyang sinasabing wala siyang kasalanan. Damn it. Muli kong isinandal ang likod ko sa swivel chair, pinipilit alisin ang imahe ni Luna sa isip ko. Mahal ko siya—hindi ko itatanggi ‘yon. Pero paano ko palalampasin ang ginawa niya? Kahit gising na si
last updateLast Updated : 2025-03-08
Read more

Chapter 207

Alexus' POV Matigas ang katawan kong nakatayo habang unti-unting pumapasok sa silid ang mga lalaking armado ng baril. Kayrami nila—walo, kung bibilangin nang mabilis. Hindi ito pangkaraniwang mga goon lang. Kita sa postura nila na sanay sila sa ganitong sitwasyon. Mga bayarang tauhan na handang pumatay para sa kung sinuman ang nag-utos sa kanila. Damn it. Lumingon ako kay Daniela, na ngayon ay may kasuklam-suklam na ngiti sa kanyang mukha. Nakatiklop ang mga braso niya, at tila ba aliw na aliw siyang makita akong napapaligiran ng mga armadong kalalakihan. "You think you’re so smart, Alexus?" aniya, mabagal na lumapit sa akin. "Akala mo madadaan mo ako sa pananakot? Newsflash, mahal ko—ikaw ang walang laban dito." Napatikom ang kamao ko, pero hindi ako nagpadaig sa galit. "You’re insane, Daniela." Malamig kong binitiwan ang mga salita. "Ano bang akala mo, makukuha mo ako sa ganito?" Tumawa siya, pero hindi iyon halakhak ng saya—kundi isang tunog ng isang taong nawawala na sa sar
last updateLast Updated : 2025-03-09
Read more

Chapter 208

Alexus' POV Napamura ako, kasabay ng malakas na hampas ng kamao ko sa manibela. "Tangina!" Hindi na ako nagdalawang-isip. Agad kong inapakan ang gas, hindi alintana ang bilis ng takbo ko sa kalsada. Kung mayroon mang haharang sa akin ngayon, mas gugustuhin ko pang sumalpok sa kanila kaysa maunahan nina Cara ang plano nilang mawala si Luna nang tuluyan. "Arturo, sundan mo sila! Huwag mong bibitiwan!" "Nasa likuran lang ako nila! Pero hindi ko sigurado kung aabot tayo sa oras, Alexus! May sarili silang mga tauhan—at may baril sila!" Lalo akong nagngitngit sa galit. Si Cara. Ang hayup na babaeng ‘yon. Alam kong hindi ko siya kailanman pinagkatiwalaan, pero hindi ko inakalang kaya niyang gawin ito kay Luna. Kaya niyang ipapatay ang sarili niyang pinsan para sa pera o kung anuman ang ipinangako sa kanya ni Daniela. "Putangina, Cara. Huwag mo akong hamunin." Pinilit kong huminga nang malalim, pero wala akong ibang maramdaman kung 'di puro galit. Galit sa sarili ko dahil hindi ko it
last updateLast Updated : 2025-03-10
Read more

Chapter 209

Third Person's POV Ang dilim ng gabi ay tila isang halimaw na handang lumamon sa kanila, ang alon ng dagat ay walang habas na sumasalpok sa lumulubog nilang speedboat. Ang amoy ng gasolina at alat ng tubig ay naghahalo sa hangin. "Putangina! Arturo, anong gagawin natin?!" sigaw ni Alexus habang pilit na tinatayo si Luna na halos mawalan na ng lakas. Basang-basa ang buong katawan ni Luna, nanginginig sa ginaw at takot. Kahit nasa bisig na siya ni Alexus, kita sa mata niyang hindi pa rin siya ligtas. Muli silang pinaputukan ng baril mula sa barkong papalayong pilit nilang hinahabol. Sa pagkakataong ito, tumama ang isa sa makina ng speedboat, dahilan upang pumutok ito at magbuga ng makapal na usok. "Shit! Wala na tayong paraan para lumayo rito!" sigaw ni Arturo, pilit na pinipigilan ang sariling mataranta. Sa isang iglap, bumaliktad ang bangka, at lahat sila ay nahulog sa dagat. Mabilis na nilamon ng tubig ang tatlo. Napadilat si Luna sa ilalim ng dagat, at kahit na bumabalot sa k
last updateLast Updated : 2025-03-10
Read more

Chapter 210

Tahimik na nagtipon sina Alexus, Luna, at Arturo sa loob ng isang maliit na kubo na itinakda para sa kanila ng tribo. Sa labas, naririnig nila ang mga pag-uusap ng mga katutubo—may halong takot at pag-aalinlangan ang kanilang mga boses. Hindi pa rin lubusang tiwala ang tribo sa kanila, ngunit matapos ang ipinakitang tapang ni Alexus, nagdesisyon ang pinuno na hayaan silang manatili.Ngunit alam nilang hindi sila maaaring manatili rito nang matagal."Kailangan nating umalis," sabi ni Alexus, pinagmamasdan ang maliit na bintana ng kubo. Mula roon, kitang-kita ang makapal na kagubatan na bumabalot sa buong isla. "Kapag natunton tayo nina Cara, walang sinumang makakaligtas sa gulo.""Paano tayo aalis? Walang bangka ang tribo," sabat ni Luna, halatang balisa. "At kahit meron, paano kung mahuli tayo bago pa tayo makarating sa dagat?""May ibang paraan," biglang sabi ni Arturo. Napatingin sila rito. "Kung mapapapayag natin ang tribo na tulungan tayo, baka may alam silang ligtas na daanan pal
last updateLast Updated : 2025-03-10
Read more
PREV
1
...
1920212223
...
25
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status