Stay tuned for more updates!
Tahimik na nagtipon sina Alexus, Luna, at Arturo sa loob ng isang maliit na kubo na itinakda para sa kanila ng tribo. Sa labas, naririnig nila ang mga pag-uusap ng mga katutubo—may halong takot at pag-aalinlangan ang kanilang mga boses. Hindi pa rin lubusang tiwala ang tribo sa kanila, ngunit matapos ang ipinakitang tapang ni Alexus, nagdesisyon ang pinuno na hayaan silang manatili.Ngunit alam nilang hindi sila maaaring manatili rito nang matagal."Kailangan nating umalis," sabi ni Alexus, pinagmamasdan ang maliit na bintana ng kubo. Mula roon, kitang-kita ang makapal na kagubatan na bumabalot sa buong isla. "Kapag natunton tayo nina Cara, walang sinumang makakaligtas sa gulo.""Paano tayo aalis? Walang bangka ang tribo," sabat ni Luna, halatang balisa. "At kahit meron, paano kung mahuli tayo bago pa tayo makarating sa dagat?""May ibang paraan," biglang sabi ni Arturo. Napatingin sila rito. "Kung mapapapayag natin ang tribo na tulungan tayo, baka may alam silang ligtas na daanan pal
Sa gitna ng kagubatan, ang katahimikan ay biglang napalitan ng nakakapanindig-balahibong sigaw ng mga mandirigma ng tribo. Mula sa anino ng mga punong-kahoy, lumabas ang mga katutubo, may hawak na mga sibat, pana, at machete. Ang kanilang mga katawan ay pininturahan ng kulay itim at pula, simbolo ng kanilang katapangan at paghahanda sa labanan. Sa kabilang panig naman ay ang mga tauhan ni Cara—mga armadong kalalakihan na walang ibang nais kung 'di patayin si Luna at ang kanyang mga kasama. "Patayin sila!" sigaw ng isa sa mga tauhan ni Cara habang itinutok ang kanyang baril sa grupo nina Alexus. Bago pa siya makapagpaputok, isang sibat ang lumipad mula sa kung saan at tumusok sa kanyang dibdib. Napahandusay siya sa lupa, duguan. "Lumaban kayo!" sigaw ng pinuno ng tribo habang inutusan ang kanyang mga mandirigma na lusubin ang mga kalaban. Sa isang iglap, ang paligid ay napuno ng ingay ng sigawan, putok ng baril, at dagundong ng mga paa sa lupa. Si Alexus, bagaman walang armas, ay
Luna's POV Pagmulat ng aking mga mata, isang puting kisame ang bumungad sa akin. Mabigat ang aking katawan, pakiramdam ko ay para akong dinaganan ng isang truck. Sumakit ang ulo ko, at naramdaman kong may benda ang aking braso. Nasa ospital ako. Ligtas na ba kami? Dahan-dahan akong lumingon at nakita ko si Alexus na nakaupo sa tabi ko, nakayuko, waring mahimbing na natutulog. Napansin kong may mga sugat siya sa braso at may pasa sa gilid ng labi. Sa kabila ng magulong sitwasyon namin, may kung anong init ang dumaloy sa dibdib ko habang tinititigan siya. "Alexus…" mahina kong bulong, tinangka kong abutin ang kamay niya. Agad siyang nagising at napatitig sa akin. Sa isang iglap, bumalik ang tindi ng emosyon sa kanyang mga mata—halo ng pag-aalala, galit, at labis na pagkagiliw. "Luna!" agad niyang hinawakan ang kamay ko. "Diyos ko, nagising ka rin!" Bago pa ako makasagot, bumukas ang pinto ng kwarto at pumasok si Arturo kasama ang isang doktor at isang pulis. "Salamat nama
Luna's POV Napatingin ako sa bintana habang pinapanood ang malalakas na patak ng ulan na bumabagsak sa kalsada. Madilim ang langit, parang sumasalamin sa bigat ng pakiramdam ko. Masaya ako dahil ligtas na kami ng mga anak ko, pero may isang anino ng nakaraan ang patuloy na nagtatago sa dilim—si Daniela.Nasa kamay na ng mga awtoridad si Nadine, pero ang kakutsaba niyang si Daniela ay nakatakas. At ngayon, siya ang pinaghahanap ng pulisya."Ma'am Luna, may bisita po kayo," anang kasambahay.Tumango ako at agad na tinungo ang sala. Doon ko naabutan sina Arturo at isang pulis."Luna," bungad ni Arturo, halata sa mukha niya ang tensyon. "Hanggang ngayon, hindi pa rin namin natutunton si Daniela. Pero may bagong impormasyon kaming natanggap."Napalunok ako, nakahawak nang mahigpit sa armrest ng sofa. "Ano ‘yon?"Nagpalitan ng tingin sina Arturo at ang pulis bago ito nagsalita. "Ayon sa isang impormante, si Daniela ay nagtatago sa labas ng bansa. Posibleng may tumutulong sa kanya. Hindi it
Luna's POV Abala ako sa kusina, nag-aayos ng almusal para kina Bella at Liam habang sinusulyapan si Bailey na mahimbing pang natutulog sa kuna niya sa sala. Ilang linggo na rin ang nakalipas mula nang matanggap ko ang tawag ni Daniela, pero hanggang ngayon, hindi pa rin ako mapalagay. Alam kong nasa panganib pa rin kami, lalo na’t hindi ko alam kung kailan siya muling aatake. Ngayon, ang tangi kong iniisip ay ang kapakanan ng mga anak ko. Kailangan nilang lumaking ligtas. Kailangan kong tiyakin na hindi na sila muling masasadlak sa panganib. Naputol ang pag-iisip ko nang marinig ko ang mahina ngunit masayang boses ni Bella sa likuran ko. "Mommy, ang bango po!" Napangiti ako at lumuhod para salubungin siya ng yakap. "Good morning, Bella!" Tumayo ako at hinaplos ang buhok niya bago bumalik sa pag-aayos ng pagkain. Naisip kong tingnan si Bailey, pero nanatili siyang mahimbing sa kanyang kuna. Mahina ang katawan ng anak kong bunso dahil ipinanganak siyang premature—pitong buwan pa l
Luna's POV Tatlong buwan ang lumipas mula nang huling maranasan naming ipaglaban ang buhay ng aming anak na si Bailey. Sa mga buwan na iyon, naging mas doble ang pag-aalaga namin sa kanya. Pinilit kong maging matatag bilang isang ina, at ganoon din si Alexus bilang ama. Hindi kami bumitaw sa pag-asang magiging malakas din ang aming anak balang araw. Ngayong araw, ito na ang pinakamasayang sandali para sa amin dahil binyag na ni Bailey. Sa unang pagkakataon, bumalik ang liwanag sa bahay namin. Ngayon, wala akong ibang gustong gawin kundi ipagdiwang ang bagong buhay ng aming anak. Si Bailey, ang pinakamahalaga naming kayamanan, ang prinsesang muntik nang mawala sa amin, pero ngayon ay nakangiti at masiglang nakaupo sa kanyang stroller habang nakasuot ng puting bestida. Si Bella ang pinaka-excited sa lahat. Palakad-lakad siya sa paligid, proud na proud habang ipinapakilala ang baby sister niya sa mga bisita. “Siya po ang baby sister ko! Ang cute, ‘di ba?” bulalas niya, habang kinaka
Alexus' POV Tatlong araw na ang lumipas mula nang mawala si Bailey, pero hanggang ngayon, hindi ko pa rin matanggap ang sinapit ng anak ko. Tatlong araw mula nang makita ko si Luna, nakalugmok sa sahig ng warehouse, yakap-yakap ang malamig na katawan ng aming anak. Tatlong araw mula nang makita kong pumutok ang baril na bumaon sa dibdib ni Daniela—ang babaeng minsan kong pinagkatiwalaan, pero siya ring naging dahilan ng pinakamalaking trahedya sa buhay ko. Pero hanggang ngayon, parang hindi pa rin ako makahinga. Nakatayo ako ngayon sa loob ng kwarto ni Bailey. Kulay pastel pink ang paligid, may mga stuffed toys na nakahilera sa isang shelf. Nandito pa rin ang kuna niya, ang maliliit niyang damit na nakatiklop sa cabinet, ang pangalan niyang nakasulat sa dingding gamit ang makikintab na dekorasyon. Ngunit siya mismo… wala na siya. Tinalikuran ko ang kwarto at bumaba ng hagdan, mabigat ang bawat hakbang ko. Sa loob ng bahay, puro katahimikan. Wala akong naririnig kundi ang sarili
Alexus' POV Isang na ang lumipas mula nang mawala si Bailey, pero parang kahapon lang nangyari ang trahedya. Isang buwan na rin simula nang maramdaman kong unti-unting nawawala si Luna—hindi lang ang dating siya, kundi pati ang pagmamahal niya sa akin. Alam kong hindi niya ako sinisisi. Pero alam kong hindi rin niya ako kayang tingnan nang hindi siya nasasaktan. Dahil sa tuwing tinitingnan niya ako, naaalala niya ang anak naming hindi na namin mayayakap kailanman. Nakatayo ako ngayon sa labas ng kwarto namin, nag-aalinlangang pumasok. Sa likod ng pintong ito, nandoon si Luna—ang asawa ko, ang babaeng minahal ko nang higit pa sa sarili ko. Pero ngayon, hindi ko na siya maabot. Huminga ako nang malalim at itinulak ang pinto. Naabutan kong nakatayo siya sa tabi ng bintana, nakatingin sa labas, walang kahit anong emosyon sa mukha niya. Halos hindi ko na matandaan kung kailan ko siya huling nakitang ngumiti. “Luna…” tinawag ko siya nang mahina. Wala siyang reaksyon. Lumapit ako, da
Brent's POV Habang masaya silang nagkukuwentuhan sa ilalim ng araw sa tabi ng beach dito sa Batangas, palihim akong lumayo. Sa isang mas liblib na bahagi ng resort, kinuha ko ang cellphone ko at nag-dial. “Siguraduhin mong maibigay ang gamot kay Gabriel. Low dosage lang muna. Enough para hindi siya tuluyang manghina, pero sapat para mag-regain siya ng strength,” mahina kong sabi sa kausap. “Hindi ba delikado?” tanong ng kabilang linya. “Hindi kung tama ang dose. Gusto ko lang makabawi siya. Hindi ito tungkol sa kanya. Ito ay tungkol kay Bella. I want her to see that I’m not the kind of man who lets personal grudges get in the way of someone’s healing. Kahit pa siya ang dahilan ng lahat ng sakit ng kapatid ko… at ng pagkawasak ng maraming bagay.” “Noted, Doc. I’ll handle it carefully.” Binaba ko ang tawag at saglit na napatingin sa langit. There was something about the way the clouds moved—slow, unhurried, just like how I wished time would go when I’m with her. Pagbalik ko sa c
Bella's POV Tahimik ang buong bahay nang magising ako kinabukasan. Ang sikat ng araw ay mahinhing dumadaloy sa puting kurtina ng silid, halos parang yakap ng isang ina na pilit kang pinapakalma. Ngunit sa kabila ng ginhawang iyon, nanatili pa rin ang bigat sa dibdib ko—isang uri ng pagod na hindi kayang lunasan ng tulog o katahimikan. Bumaba ako nang marinig ko ang mahinang tunog ng kubyertos mula sa dining area. Ang aroma ng mainit na kape at freshly toasted bread ay agad na pumasok sa ilong ko. Pagliko ko sa kusina, bumungad si Brent—naka-apron, may hawak na kutsara habang tinitikman ang sauce ng niluluto niyang omelette. Sandali akong natigilan. Hindi ko inaasahan na sa kabila ng lahat, magagawa pa rin niyang ngumiti ng ganoon ka-payapa. Parang hindi kami kailanman nag-away, parang wala siyang tinagong lihim na kailanma au sumira sa tiwala ko. “Good morning,” bati niya, sabay turo sa pagkain sa mesa. “I made breakfast. You barely ate last night.” Hindi ko siya sinagot. Dahan-da
Bella's POV Madaling araw na. Tahimik ang paligid ng ospital, tanging huni lamang ng mga kuliglig at mahinang tunog ng mga sasakyang dumaraan ang maririnig sa labas. Halos mag-collapse na ang katawan ko sa pagod, pero mas mabigat pa rin sa dibdib ko ang laman ng isip ko. Habang inaayos ko ang mga gamit ko sa locker room, sumagi sa isip ko ang mukha ni Gabriel—mas maamo na ngayon, mahina pa rin ang katawan, pero unti-unti nang bumabalik ang lakas. Araw-araw ko siyang tinitingnan, binabantayan, sinisiguradong maayos ang gamot niya, ang pagkain niya, ang physical therapy. Ginagawa ko lahat, hindi para sa kanya kundi para sa sarili kong prinsipyo bilang doktor. Hindi ko pa rin kinakausap si Brent. Kahit araw-araw niya akong sinusundo. Kahit ilang beses na siyang nakiusap. Kahit nararamdaman ko na ang paninikip ng dibdib tuwing iniiwasan ko ang mga matang tila namamalimos ng kapatawaran. Pero hindi madali. Hindi madaling kalimutan na gumanti siya para sa akin ng may halong karahasan. Hi
Bella's POV Pagkatapos ng hapunan ay matagal akong nanatili sa sala, tulala sa kawalan. Ang mga ilaw sa kisame ay malambot na sumisinag sa mga dingding, ngunit hindi iyon sapat para palamigin ang tensyong nararamdaman ko sa loob ng dibdib ko. Ang katahimikan ng bahay ay para bang sumisigaw sa akin, inuulit-ulit ang mga tanong na kanina ko pa pinipilit isantabi. Tumitig ako sa basong may natirang red wine sa mesa, habang ang mga daliri ko ay hindi mapakali sa ilalim ng manipis na kumot na nakabalot sa akin.Hindi ko alam kung ilang minuto o oras na akong ganoon, pero naramdaman ko ang marahang mga hakbang papalapit sa akin. Si Brent. Dahan-dahan siyang naupo sa tabi ko, tila nag-aalangan, tila may gustong sabihin pero hindi alam kung paano uumpisahan.“Bella,” tawag niya sa akin sa tonong puno ng pag-aalala. “Are you still mad?”I turned to him slowly. Tiningnan ko siya sa mga mata, sinusubukang basahin kung may bahid ng kasinungalingan sa likod ng kanyang katahimikan. Pero masyadong
Bella's POVPagkatapos ng mahabang araw sa ospital—isang sunod-sunod na operasyon, emergency cases, at masikip na rounds—pakiramdam ko ay pagod na pagod ang buong kaluluwa ko. Pero hindi iyon sapat na dahilan para hindi maramdaman ang kakaibang tensyon na bumalot sa paligid. Pagkarating ko sa nurse’s station, naabutan ko sina Nurse Lanie at Dr. Castillo na pabulong ang usapan. Nang makita nila ako, agad silang napatigil. I frowned, my brows drawing together.“May problema ba?” tanong ko, habang inaayos ang clipboard sa harapan ko. “Parang ang bigat ng paligid.”Nagkatinginan sila at sa isang kisapmata ay nakita ko ang pag-aalinlangan sa kanilang mga mata. Si Lanie ang unang nagsalita, ngunit halatang pilit ang ngiti niya.“Wala naman, dok. Medyo napagod lang kami kanina. Alam mo na, ang dami ng pasyente ngayong araw.”Hindi ako agad naniwala. I’ve been working with them for years—kilala ko kung kailan sila nagsisinungaling.“Sigurado kayo?” mas mahina kong tanong. “Ayokong nakakaramd
Brent’s POV Bago pa man ako pumasok sa silid ni Gabriel ay sinigurado ko munang abala si Bella sa ibang pasyente. Ayokong may makakita sa akin. Ayokong may pumigil. At higit sa lahat, hindi ko kailangang maging doktor niya para lang masukat kung gaano kalaking kasalanan ang ginawa niya kay Bella. Hindi niya kailanman malalaman ang bigat ng sakit na dinanas ni Bella—pero sisiguraduhin kong mararamdaman niya ito ngayon. Dahan-dahan kong binuksan ang pinto ng pribadong silid. Tahimik ang loob, malamig ang aircon, at ang tunog ng heart monitor ang tanging tunog sa paligid. Nakaupo na si Gabriel sa kama, nakasandal sa headboard, at tila naghihintay. Nang magtama ang aming mga mata, agad na nawala ang kulay sa mukha niya. “A-Anong ginagawa mo rito? Hindi naman ikaw ang doktor ko,” tanong niya, may bahid ng pagtataka pero mas nangingibabaw ang takot. Ngumiti ako. Isang malamig na ngiti na siguradong hindi niya inaasahan mula sa akin. Pinaglalaruan ko ang syringe sa pagitan ng mga daliri k
Bella’s POVPagkatapos ng mahigit apat na oras sa operating room, tuluyang natapos ang operasyon. Tagaktak ang pawis ko sa ilalim ng surgical cap, habang unti-unti kong tinanggal ang gloves ko. Nakayuko pa rin ako, pinagmamasdan ang katawan ni Gabriel na ngayon ay balot ng puting kumot, stable na ang vital signs at walang immediate danger. The ruptured spleen had been removed, the internal bleeding controlled, and his breathing had normalized. He was going to live.But what about me?Pakiramdam ko, ako ang naoperahan.“Vitals are good, Doctor,” sabi ni Nurse Flor habang kinukumpirma ang reading ng monitor. “Wala na pong active bleeding. Naka-transfer na rin sa recovery room ang pasyente.”Tumango lang ako at lumingon sa orasan. Alas-tres na ng hapon. The hospital corridors were starting to fall into silence, but my heart had not known peace all day. Tumindig ako at kinuha ang surgical gown ko, tinanggal isa-isa ang mga layer ng proteksyon na nakapaligid sa katawan ko, parang tinatangg
Bella's POV Mainit-init pa ang liwanag ng araw na tumatama sa salamin ng kwarto nang imulat ko ang aking mga mata. Dahan-dahan akong bumangon mula sa kama habang pinipilit alalahanin kung nasaan ako—hanggang sa maalala kong nasa bahay ako ni Brent. O mas tama sigurong sabihing bahay na rin namin, ayon sa kanya. Napailing ako at napabuntong-hininga habang hinahaplos ang sariling sentido. I couldn’t believe I actually let this happen. Amoy na amoy ko ang bango ng tinapay, itlog, at brewed coffee. Sumabay pa sa amoy ang mahinang tunog ng sizzling mula sa kusina. Tumayo ako at lumabas ng kwarto suot pa rin ang malambot na pajama set na iniregalo ni Mommy noong nakaraang Pasko. Nasa kusina nga si Brent—nakasuot ng plain white shirt at gray na sweatpants, nakatali ang buhok, at abala sa pag-aayos ng mga itlog sa frying pan. "Good morning, my fiancee," bati niya nang mapansin ang presensya ko. Hindi siya lumingon, pero kita ko ang ngiti sa gilid ng labi niya. “Nagising ka ba sa ingay o sa
Bella’s POVPagkatapos ng buong araw ng rounds, paperwork, at ilang emergency consults, pakiramdam ko ay bibigay na ang mga paa ko. Kaya’t halos hindi ko na ininda ang bigat ng katawan habang naglalakad palabas ng ospital. Gusto ko lang umuwi, maligo ng mainit, at humilata sa kama. Ngunit bigla akong napatigil nang mapansing may humintong itim na kotse sa mismong harapan ko.Tahimik itong umusad at huminto eksaktong nasa tapat ko. Mabilis ang kabog ng dibdib ko. Kahit na may guard at ibang staff sa paligid, hindi ko naiwasang makaramdam ng kaba—lalo na sa biglaang pangyayaring ito.Bumaba ang tinted na bintana at bumungad ang pamilyar na mukha."Good evening, my fiancée," nakangising bati ni Brent, habang sabay na bumukas ang passenger door ng kotse, all automatic.Napalinga-linga agad ako. Diyos ko, sana walang makakita sa amin. Ayoko ng tsismis. Ayoko ng tanong. Ayoko ng espekulasyon. Lalo na ngayong hindi ko pa nga alam kung saan kami pupunta.“Pasok ka na,” dagdag pa niya, ngayon