Good afternoon! May proficiency exam po ako mamaya 5:00PM-9:00PM, baka hindi agad ako makapag-update kasi gabi na akong makauuwi sa amin. I hope na maintindihan po ninyo. Thank you so much.
Alexus' POV Matigas ang katawan kong nakatayo habang unti-unting pumapasok sa silid ang mga lalaking armado ng baril. Kayrami nila—walo, kung bibilangin nang mabilis. Hindi ito pangkaraniwang mga goon lang. Kita sa postura nila na sanay sila sa ganitong sitwasyon. Mga bayarang tauhan na handang pumatay para sa kung sinuman ang nag-utos sa kanila. Damn it. Lumingon ako kay Daniela, na ngayon ay may kasuklam-suklam na ngiti sa kanyang mukha. Nakatiklop ang mga braso niya, at tila ba aliw na aliw siyang makita akong napapaligiran ng mga armadong kalalakihan. "You think you’re so smart, Alexus?" aniya, mabagal na lumapit sa akin. "Akala mo madadaan mo ako sa pananakot? Newsflash, mahal ko—ikaw ang walang laban dito." Napatikom ang kamao ko, pero hindi ako nagpadaig sa galit. "You’re insane, Daniela." Malamig kong binitiwan ang mga salita. "Ano bang akala mo, makukuha mo ako sa ganito?" Tumawa siya, pero hindi iyon halakhak ng saya—kundi isang tunog ng isang taong nawawala na sa sar
Alexus' POV Napamura ako, kasabay ng malakas na hampas ng kamao ko sa manibela. "Tangina!" Hindi na ako nagdalawang-isip. Agad kong inapakan ang gas, hindi alintana ang bilis ng takbo ko sa kalsada. Kung mayroon mang haharang sa akin ngayon, mas gugustuhin ko pang sumalpok sa kanila kaysa maunahan nina Cara ang plano nilang mawala si Luna nang tuluyan. "Arturo, sundan mo sila! Huwag mong bibitiwan!" "Nasa likuran lang ako nila! Pero hindi ko sigurado kung aabot tayo sa oras, Alexus! May sarili silang mga tauhan—at may baril sila!" Lalo akong nagngitngit sa galit. Si Cara. Ang hayup na babaeng ‘yon. Alam kong hindi ko siya kailanman pinagkatiwalaan, pero hindi ko inakalang kaya niyang gawin ito kay Luna. Kaya niyang ipapatay ang sarili niyang pinsan para sa pera o kung anuman ang ipinangako sa kanya ni Daniela. "Putangina, Cara. Huwag mo akong hamunin." Pinilit kong huminga nang malalim, pero wala akong ibang maramdaman kung 'di puro galit. Galit sa sarili ko dahil hindi ko it
Third Person's POV Ang dilim ng gabi ay tila isang halimaw na handang lumamon sa kanila, ang alon ng dagat ay walang habas na sumasalpok sa lumulubog nilang speedboat. Ang amoy ng gasolina at alat ng tubig ay naghahalo sa hangin. "Putangina! Arturo, anong gagawin natin?!" sigaw ni Alexus habang pilit na tinatayo si Luna na halos mawalan na ng lakas. Basang-basa ang buong katawan ni Luna, nanginginig sa ginaw at takot. Kahit nasa bisig na siya ni Alexus, kita sa mata niyang hindi pa rin siya ligtas. Muli silang pinaputukan ng baril mula sa barkong papalayong pilit nilang hinahabol. Sa pagkakataong ito, tumama ang isa sa makina ng speedboat, dahilan upang pumutok ito at magbuga ng makapal na usok. "Shit! Wala na tayong paraan para lumayo rito!" sigaw ni Arturo, pilit na pinipigilan ang sariling mataranta. Sa isang iglap, bumaliktad ang bangka, at lahat sila ay nahulog sa dagat. Mabilis na nilamon ng tubig ang tatlo. Napadilat si Luna sa ilalim ng dagat, at kahit na bumabalot sa k
Tahimik na nagtipon sina Alexus, Luna, at Arturo sa loob ng isang maliit na kubo na itinakda para sa kanila ng tribo. Sa labas, naririnig nila ang mga pag-uusap ng mga katutubo—may halong takot at pag-aalinlangan ang kanilang mga boses. Hindi pa rin lubusang tiwala ang tribo sa kanila, ngunit matapos ang ipinakitang tapang ni Alexus, nagdesisyon ang pinuno na hayaan silang manatili.Ngunit alam nilang hindi sila maaaring manatili rito nang matagal."Kailangan nating umalis," sabi ni Alexus, pinagmamasdan ang maliit na bintana ng kubo. Mula roon, kitang-kita ang makapal na kagubatan na bumabalot sa buong isla. "Kapag natunton tayo nina Cara, walang sinumang makakaligtas sa gulo.""Paano tayo aalis? Walang bangka ang tribo," sabat ni Luna, halatang balisa. "At kahit meron, paano kung mahuli tayo bago pa tayo makarating sa dagat?""May ibang paraan," biglang sabi ni Arturo. Napatingin sila rito. "Kung mapapapayag natin ang tribo na tulungan tayo, baka may alam silang ligtas na daanan pal
Sa gitna ng kagubatan, ang katahimikan ay biglang napalitan ng nakakapanindig-balahibong sigaw ng mga mandirigma ng tribo. Mula sa anino ng mga punong-kahoy, lumabas ang mga katutubo, may hawak na mga sibat, pana, at machete. Ang kanilang mga katawan ay pininturahan ng kulay itim at pula, simbolo ng kanilang katapangan at paghahanda sa labanan. Sa kabilang panig naman ay ang mga tauhan ni Cara—mga armadong kalalakihan na walang ibang nais kung 'di patayin si Luna at ang kanyang mga kasama. "Patayin sila!" sigaw ng isa sa mga tauhan ni Cara habang itinutok ang kanyang baril sa grupo nina Alexus. Bago pa siya makapagpaputok, isang sibat ang lumipad mula sa kung saan at tumusok sa kanyang dibdib. Napahandusay siya sa lupa, duguan. "Lumaban kayo!" sigaw ng pinuno ng tribo habang inutusan ang kanyang mga mandirigma na lusubin ang mga kalaban. Sa isang iglap, ang paligid ay napuno ng ingay ng sigawan, putok ng baril, at dagundong ng mga paa sa lupa. Si Alexus, bagaman walang armas, ay
Luna's POV Pagmulat ng aking mga mata, isang puting kisame ang bumungad sa akin. Mabigat ang aking katawan, pakiramdam ko ay para akong dinaganan ng isang truck. Sumakit ang ulo ko, at naramdaman kong may benda ang aking braso. Nasa ospital ako. Ligtas na ba kami? Dahan-dahan akong lumingon at nakita ko si Alexus na nakaupo sa tabi ko, nakayuko, waring mahimbing na natutulog. Napansin kong may mga sugat siya sa braso at may pasa sa gilid ng labi. Sa kabila ng magulong sitwasyon namin, may kung anong init ang dumaloy sa dibdib ko habang tinititigan siya. "Alexus…" mahina kong bulong, tinangka kong abutin ang kamay niya. Agad siyang nagising at napatitig sa akin. Sa isang iglap, bumalik ang tindi ng emosyon sa kanyang mga mata—halo ng pag-aalala, galit, at labis na pagkagiliw. "Luna!" agad niyang hinawakan ang kamay ko. "Diyos ko, nagising ka rin!" Bago pa ako makasagot, bumukas ang pinto ng kwarto at pumasok si Arturo kasama ang isang doktor at isang pulis. "Salamat nama
Luna's POV Napatingin ako sa bintana habang pinapanood ang malalakas na patak ng ulan na bumabagsak sa kalsada. Madilim ang langit, parang sumasalamin sa bigat ng pakiramdam ko. Masaya ako dahil ligtas na kami ng mga anak ko, pero may isang anino ng nakaraan ang patuloy na nagtatago sa dilim—si Daniela.Nasa kamay na ng mga awtoridad si Nadine, pero ang kakutsaba niyang si Daniela ay nakatakas. At ngayon, siya ang pinaghahanap ng pulisya."Ma'am Luna, may bisita po kayo," anang kasambahay.Tumango ako at agad na tinungo ang sala. Doon ko naabutan sina Arturo at isang pulis."Luna," bungad ni Arturo, halata sa mukha niya ang tensyon. "Hanggang ngayon, hindi pa rin namin natutunton si Daniela. Pero may bagong impormasyon kaming natanggap."Napalunok ako, nakahawak nang mahigpit sa armrest ng sofa. "Ano ‘yon?"Nagpalitan ng tingin sina Arturo at ang pulis bago ito nagsalita. "Ayon sa isang impormante, si Daniela ay nagtatago sa labas ng bansa. Posibleng may tumutulong sa kanya. Hindi it
Luna's POV Abala ako sa kusina, nag-aayos ng almusal para kina Bella at Liam habang sinusulyapan si Bailey na mahimbing pang natutulog sa kuna niya sa sala. Ilang linggo na rin ang nakalipas mula nang matanggap ko ang tawag ni Daniela, pero hanggang ngayon, hindi pa rin ako mapalagay. Alam kong nasa panganib pa rin kami, lalo na’t hindi ko alam kung kailan siya muling aatake. Ngayon, ang tangi kong iniisip ay ang kapakanan ng mga anak ko. Kailangan nilang lumaking ligtas. Kailangan kong tiyakin na hindi na sila muling masasadlak sa panganib. Naputol ang pag-iisip ko nang marinig ko ang mahina ngunit masayang boses ni Bella sa likuran ko. "Mommy, ang bango po!" Napangiti ako at lumuhod para salubungin siya ng yakap. "Good morning, Bella!" Tumayo ako at hinaplos ang buhok niya bago bumalik sa pag-aayos ng pagkain. Naisip kong tingnan si Bailey, pero nanatili siyang mahimbing sa kanyang kuna. Mahina ang katawan ng anak kong bunso dahil ipinanganak siyang premature—pitong buwan pa l
Bella’s POVPagkatapos ng mahigit apat na oras sa operating room, tuluyang natapos ang operasyon. Tagaktak ang pawis ko sa ilalim ng surgical cap, habang unti-unti kong tinanggal ang gloves ko. Nakayuko pa rin ako, pinagmamasdan ang katawan ni Gabriel na ngayon ay balot ng puting kumot, stable na ang vital signs at walang immediate danger. The ruptured spleen had been removed, the internal bleeding controlled, and his breathing had normalized. He was going to live.But what about me?Pakiramdam ko, ako ang naoperahan.“Vitals are good, Doctor,” sabi ni Nurse Flor habang kinukumpirma ang reading ng monitor. “Wala na pong active bleeding. Naka-transfer na rin sa recovery room ang pasyente.”Tumango lang ako at lumingon sa orasan. Alas-tres na ng hapon. The hospital corridors were starting to fall into silence, but my heart had not known peace all day. Tumindig ako at kinuha ang surgical gown ko, tinanggal isa-isa ang mga layer ng proteksyon na nakapaligid sa katawan ko, parang tinatangg
Bella's POV Mainit-init pa ang liwanag ng araw na tumatama sa salamin ng kwarto nang imulat ko ang aking mga mata. Dahan-dahan akong bumangon mula sa kama habang pinipilit alalahanin kung nasaan ako—hanggang sa maalala kong nasa bahay ako ni Brent. O mas tama sigurong sabihing bahay na rin namin, ayon sa kanya. Napailing ako at napabuntong-hininga habang hinahaplos ang sariling sentido. I couldn’t believe I actually let this happen. Amoy na amoy ko ang bango ng tinapay, itlog, at brewed coffee. Sumabay pa sa amoy ang mahinang tunog ng sizzling mula sa kusina. Tumayo ako at lumabas ng kwarto suot pa rin ang malambot na pajama set na iniregalo ni Mommy noong nakaraang Pasko. Nasa kusina nga si Brent—nakasuot ng plain white shirt at gray na sweatpants, nakatali ang buhok, at abala sa pag-aayos ng mga itlog sa frying pan. "Good morning, my fiancee," bati niya nang mapansin ang presensya ko. Hindi siya lumingon, pero kita ko ang ngiti sa gilid ng labi niya. “Nagising ka ba sa ingay o sa
Bella’s POVPagkatapos ng buong araw ng rounds, paperwork, at ilang emergency consults, pakiramdam ko ay bibigay na ang mga paa ko. Kaya’t halos hindi ko na ininda ang bigat ng katawan habang naglalakad palabas ng ospital. Gusto ko lang umuwi, maligo ng mainit, at humilata sa kama. Ngunit bigla akong napatigil nang mapansing may humintong itim na kotse sa mismong harapan ko.Tahimik itong umusad at huminto eksaktong nasa tapat ko. Mabilis ang kabog ng dibdib ko. Kahit na may guard at ibang staff sa paligid, hindi ko naiwasang makaramdam ng kaba—lalo na sa biglaang pangyayaring ito.Bumaba ang tinted na bintana at bumungad ang pamilyar na mukha."Good evening, my fiancée," nakangising bati ni Brent, habang sabay na bumukas ang passenger door ng kotse, all automatic.Napalinga-linga agad ako. Diyos ko, sana walang makakita sa amin. Ayoko ng tsismis. Ayoko ng tanong. Ayoko ng espekulasyon. Lalo na ngayong hindi ko pa nga alam kung saan kami pupunta.“Pasok ka na,” dagdag pa niya, ngayon
Bella's POV Hindi ko maalis ang paningin ko sa singsing na nasa daliri ko. Tatlong buwan na ang lumipas mula nang ibigay sa akin ni Brent ang singsing na ‘yon, pero hanggang ngayon ay parang ramdam ko pa rin ang bigat ng bawat salitang binitiwan niya noon. Wala kaming label. Wala kaming malinaw na kasunduan—maliban sa isang bagay: babalik siya sa pagiging doktor, at kapag nangyari iyon, saka lang ako papayag na pakasalan siya. Pero simula noon… ni anino niya, hindi ko na nakita. Parang nawala siya sa mundo ko. Tahimik. Wala man lang kahit isang text o tawag. At mas lalong hindi siya nagpakita. Kaya ngayong umaga, habang nakatayo ako sa harapan ng sink, pilit kong itinatago ang tensyon sa dibdib ko habang pinagmamasdan ang singsing na nasa daliri ko. Bakit hindi ko matanggal ito? “Dr. Bella, mukhang blooming kayo today,” ani Flor, isa sa mga nurse sa department habang naghuhugas ng kamay sa tabi ko. Napalingon ako sa kaniya. “Blooming? Hindi ah.” “Simula po noong nagbakasyon kayo
Bella's POV"How's your vacation?" agad na tanong ni Mommy pagkababa ko pa lang ng kotse. Hindi pa nga ako nakakapasok ng bahay, bungad na agad ang tanong.Bago pa ako makasagot, lumapit na siya kay Brent, ngumiti nang todo, at tila ba matagal na niyang hindi nakita ang paborito niyang anak. Hinila niya ito papasok ng bahay habang masigla pa ring kinakausap.“Mommy! Sino ba talaga ang anak ninyo? Ako o si Brent?” Hindi ko na napigilan ang inis sa boses ko. Parang ako pa tuloy ang bisita sa sarili naming bahay.Nakita kong napangisi si Brent at pasimpleng tumawa. Sinamaan ko siya ng tingin.“Tumigil ka nga riyan. Wala kang karapatang magustuhan ‘yan,” bulong ko sa sarili ko habang padabog na sumunod sa kanila.Pagkapasok sa loob ng bahay, bumungad sa akin ang mga kapatid ni Daddy kasama ang kani-kanilang asawa. Parang mini-reunion agad.“Nakauwi na pala ang ikakasal,” pang-aasar ni Tito TJ nang makita akong umupo sa harapan nila.“Anong ikakasal? Hindi ko pa nga ‘yan boyfriend!” asik k
Bella's POVNapabalikwas ako ng bangon, parang sinampal ng hangin ang ulirat ko nang makita ko kung sino ang katabi ko sa kama.Oh my God. Brent?!At hindi lang basta katabi—topless siya! Kita ang matitigas niyang dibdib at ang defined abs na parang kinukuryente ang sistema ko. Shit.Agad kong tiningnan ang sarili ko. May suot pa naman akong oversized shirt—kakaiba, hindi akin. Sa pagkakakilala ko sa sarili ko, hindi ko ito madalas isuot kahit kailan. Pero mas nakahinga ako nang maluwag dahil may suot pa akong panty at walang senyales na may nangyari. Still…Anong nangyari kagabi?!Napahawak ako sa ulo ko. Parang binugbog ang kalamnan ko at parang may sumabog sa loob ng ulo ko. Then memories started crashing back, piece by piece.The bar.The drinks.The guy named Jacob.At ‘yung mala-horror na moment nang magsimulang manghina ang katawan ko.Si Brent.His face.His arms were catching me.Tapos…Oh God.I kissed him.I practically climbed on him like a wild animal!Napamura ako sa isi
Brent’s POV Napamura ako habang pilit kong inaayos ang pagmamaneho. Mahigpit ang hawak ko sa manibela, pero ang atensyon ko ay nasa babaeng lasing na lasing na nasa tabi ko. She was completely out of it. Hindi ko alam kung gaano karaming alak ang nainom niya o kung may halong kung ano ang ininom niya, pero hindi ito normal. Her body was heating up—ramdam ko iyon dahil panay ang dikit niya sa akin, at kahit malamig ang aircon ng sasakyan, nag-iinit ang katawan niya. Damn it. "Brent..." Mahina niyang tawag, parang may kung anong lambing sa boses niya. "You’re so handsome... Why are you so handsome?" Napakagat ako sa loob ng pisngi ko. “Just stay still, Bella,” malamig kong sagot, hindi ko siya tinapunan ng tingin dahil alam kong kung makikita ko siya ngayon—mukhang lasing, mapungay ang mata, at may bahagyang namumulang labi—baka lalo akong mahirapan. Nang makarating kami sa villa, mabilis akong bumaba ng sasakyan at pinagbuksan siya ng pinto. Pero bago pa ako makagalaw, bigla ni
Brent’s POVNapamura ako sa loob-loob ko habang mabilis kong nilalabas si Bella mula sa bar. Hindi na niya maitutuwid ang sariling mga paa, kaya wala akong choice kundi buhatin siya. Ang kanyang katawan ay bahagyang nakasandal sa akin, at kahit sa ganitong estado, ramdam ko pa rin ang init ng balat niya sa ilalim ng maninipis niyang kasuotan.Alam kong malakas uminom si Bella, pero hindi siya ganito. Hindi siya basta-basta natutumba sa alak. Kung ano man ang nasa baso niya kanina, sigurado akong hindi lang basta alak ‘yon.Lumabas kami sa bar, at sa bawat hakbang ko, mas lalo kong nararamdaman ang bigat ng sitwasyon. Gusto ko siyang pagalitan, sigawan, at ipamukha sa kanya kung gaano siya ka-reckless. Pero hindi ko magawa. Hindi ngayon. Hindi sa ganitong estado niya.“Ang init,” bulong niya, kasabay ng pag-ungol at pag-galaw ng katawan niya sa braso ko.Bago pa ako makapag-react, naramdaman kong lumapat ang malalambot niyang labi sa leeg ko.I froze.“Damn it, Bella.” Mariin akong nap
Bella's POV Buong maghapon kaming nagpakasaya ni Brent sa pagligo, ngunit habang papalapit ang gabi, hindi ko maiwasang maramdaman ang lungkot sa nalalapit naming pagbalik sa Manila. Bukas na ang flight namin, at sa susunod na araw, birthday na ni Daddy.Pero bago matapos ang trip na ito, may isang bagay akong gustong gawin—uminom.“Brent, gusto kong tikman ‘yong local drinks nila rito,” sabi ko habang naglalakad kami pabalik ng villa.Agad siyang napatingin sa akin na para bang may sinabi akong hindi katanggap-tanggap. “At bakit naman?”“Because I want to experience Coron the right way. Hindi puwedeng uuwi akong hindi natitikman ang specialty drinks nila.”Nagtaas siya ng kilay. “Hindi ka puwedeng malasing.”“Hindi naman ako malalasing, no.”Napabuntong-hininga na lang siya, pero halatang ayaw niya sa idea ko.Pagkalipas ng isang oras, nakabihis na ako—isang itim na tube top at denim shorts ang napili kong isuot. Medyo daring, pero hello? Nasa isla kami, at gabi na. Sino ang mag-aal