Stay tuned for more updates. 🫶
Bella's POV Sagad sa buto ang sakit na nararamdaman ko. Para akong sinaksak ng paulit-ulit, hindi lang sa puso kundi pati sa mismong kaluluwa ko. Pagkatapos ng nangyari sa condo ni Gabriel, hindi ko na alam kung paano ako uuwi ng maayos. Pakiramdam ko, kung babalik ako sa bahay, madudurog ako sa mga tanong at panghuhusga ng sarili kong pamilya—lalo na’t ang babaeng ipinagpalit sa akin ay walang iba kundi ang itinuring kong kapatid. Kailangan kong maglabas ng sama ng loob. Kailangan kong makalimot—kahit sandali lang. Agad kong tinawagan si Esnyr, ang matalik kong kaibigan, at walang paligoy-ligoy na niyaya siyang uminom. "Esnyr, please. Kailangan kita ngayon," mahina kong sabi habang pilit na tinatago ang paghikbi. "Ano ba ‘to, Bella? Anong nangyari?" kabado niyang tanong. "Hala ka! Umiiyak ka ba? Sino nanakit sa’yo? Ipa-Tulfo na natin ‘yan!" Napatawa ako ng bahagya sa reaksyon niya, pero mabilis ding napalitan iyon ng sakit. "Si Gabriel…" bulong ko. May ilang segundo siyang n
Brent's POV Napabuntong-hininga ako habang nakatingin sa babaeng nakasandal sa bar counter, mahigpit na nakayakap sa bote ng alak na para bang ito lang ang tanging makakapitan niya sa mundong ito. Nakakalungkot siyang tingnan. Nakanganga nang bahagya, may bahid pa ng luha ang pisngi, at ang maganda niyang damit ay may bahagyang talsik ng alak dahil sa ilang beses niyang nadulas ang baso sa lamesa. Nakinig lang ako sa bawat salitang sinabi niya kanina—mga reklamo, sakit, at hinanakit na paulit-ulit niyang binabanggit, na para bang inuulit iyon hindi para sa akin, kundi para sa sarili niya. Ang totoo niyan, sa buong buhay ko, hindi ako mahilig makinig sa mga dramang ganito. Hindi ako mahilig makisawsaw sa problema ng ibang tao, lalo na sa mga relasyon na nagwawakas dahil sa katangahan at kataksilan. Pero ewan ko ba. Sa halip na umalis at pabayaan siyang magpakalunod sa alak at luha, natagpuan ko ang sarili kong nanatili rito—nakikinig sa bawat hinaing ng babaeng ito. Napakatanga
Brent's POV Nagising ako sa malakas na tunog ng cellphone ko. Mabigat pa ang katawan ko, at pakiramdam ko ay kulang pa ang tulog ko matapos ang inuman kagabi. Pero nang makita ko ang pangalan ng tumatawag, agad akong bumangon at sinagot iyon. Si Mr. Alexus Del Fuego. "Brent, hijo! Kumusta ka na?" Malakas ang boses niya, tulad ng dati—punung-puno ng awtoridad. "Hindi ako sigurado, Sir," sagot ko habang pinagmamasdan ang liwanag ng araw na sumisilip sa bintana ng kwarto ko. "Ano pong kailangan ninyo?" "Birthday ni Danica ngayon. Gusto ka naming imbitahan dito sa bahay para sa selebrasyon." Napapikit ako sandali at marahang napailing. Wala akong interes na dumalo sa isang handaan para sa babaeng wala naman akong personal na koneksyon. Pero bigla kong naisip si Bella. Napadilat ako at napatingin sa kisame. Kumusta na kaya siya? Ano ang lagay niya matapos ang gabing iyon? Kung pupunta ako, may pagkakataon akong makita siya at malaman kung nasa maayos na siyang kalagayan. "Alrig
Brent's POV Matapos ang matapang na deklarasyon ni Bella, agad kaming hinatak ng kanyang mga magulang papunta sa isang pribadong silid malayo sa ingay ng selebrasyon. Gusto nilang linawin ang lahat. At sa totoo lang, hindi ko sila masisisi. Pagkapasok sa silid, agad na nagsalita si Alexus Del Fuego, ang ama ni Bella. "Brent, I need you to be honest with me," matigas niyang sabi habang nakatingin nang diretso sa akin. "Hindi kita pipilitin kung wala ka talagang balak pakasalan ang anak ko. Kung napipilitan ka lang dahil sa sitwasyon o dahil sa nangyari sa kanila ni Gabriel, mas mabuti pang sabihin mo na ngayon." Tumayo ako nang tuwid. Hindi ako natatakot kay Mr. Del Fuego, pero nirerespeto ko siya bilang ama ni Bella. "Tito, hindi ako napipilitan," kalmado kong sagot. "Kung may isang bagay akong sigurado, iyon ay hindi ko pababayaan si Bella. Alam kong masakit ang pinagdaanan niya, at kung ang pagiging asawa niya ang paraan para maprotektahan ko siya, then I am willing to do it.
Bella's POV "Kung gusto ninyong pakasalan ang isa't isa, mas mabuti siguro kung kilalaninin ninyo muna ang isa't isa," saad ni Daddy na soyang ikinagulat ko. Pakiramdam ko ay biglang umurong ang luha ko. Hindi ko alam kung matatawa ako o malulunod sa frustration habang tinitingnan ang mga magulang ko. "Wait, what?!" halos pasigaw kong tanong, hindi makapaniwala sa sinabi ng Daddy ko. "You want me to live with Brent? As in, sa bahay niya?" "Yes," matigas na sagot ni Daddy. "If you two are really serious about this marriage, then you need to know each other first. Ayokong pumasok ka sa isang kasal nang hindi mo alam kung sino ang pakikisamahan mo habang buhay." Parang biglang natuyo ang lalamunan ko. "Pero, Dad—" sinubukan kong umapela. "We’ve already decided, Bella," singit ni Mommy. "Mas mabuti nang magkasama muna kayo bago ang kasal para malaman ninyo kung kaya ba talaga ninyong magsama. Ayoko ng annulment sa pamilya natin." Napabuntong-hininga ako. I turned to Brent, expecti
Bella's POV Nagising ako sa tunog ng malakas na ringtone ng cellphone ko. Halos mabulunan ako sa pagbangon habang kinakapa ang phone sa gilid ng kama.“Hello?” garalgal pa ang boses ko.“Bella! Nasa’n ka? Emergency case ‘to—kailangan ka namin sa operating room ASAP!”Agad akong natauhan sa sigaw ng isang resident doctor mula sa kabilang linya.“Oh, my god. On my way!”Napabalikwas ako ng bangon, hindi na ininda ang bigat ng katawan ko matapos ang stress kahapon.Shit. Late na ako.Dali-dali akong nag-ayos. Isang mabilisang hilamos, suklay, at pagkuha ng bag ang ginawa ko bago nagmamadaling bumaba.Pagdating ko sa sala, bumungad sa akin si Brent, nakaupo sa sofa at nakatutok sa balita sa TV. Kahit sa simpleng gray na shirt at sweatpants, hindi maitatangging nakakainis pa rin ang pagiging composed niya. Samantalang ako, mukhang sabog.“Brent, may emergency case ako—”“Hindi mo ba balak maligo?” putol niya, hindi man lang nilingon ako.Napangiwi ako.“Wala na akong oras! Kailangan kong
Bella's POV "Mauna ka nang umuwi, Brent. May duty pa ako." Mabilis kong sinabi iyon habang inaayos ang ID ko. Kailangan kong bumalik sa rounds ko, at wala akong balak makipagtagisan ng tingin sa kanya sa loob ng ospital na ito. Tumikhim siya, tila hindi sang-ayon. “Sigurado ka? Pwede kitang hintayin.” Umirap ako. “Kaya ko na ang sarili ko. Hindi ko kailangan ng yaya.” Nagtaas siya ng kilay pero hindi na nagsalita pa. Ipinatong niya lang saglit ang kamay niya sa likod ko bago siya tumalikod para umalis. I was about to head to the nurse’s station when— "Aba, aba! Sino 'yang pogi mong kasama, iha?" Napapikit ako nang mariin sa malakas na boses ng tiyahin kong si Brielle. She was my father’s elder sister—isang retired nurse na ngayon ay namamahala ng ospital. Kilala siya sa pagiging straightforward, at walang filter ang bibig. “Tita Brielle,” mahina kong sabi habang dinadama ang paparating na kahihiyan. "Hindi mo naman ako pinapakilala sa fiancé mo," aniya, malakas ang boses at
Bella's POV Mas bumigat ang ekspresyon ni Gabriel. “I know, and I’m sorry. Pero hindi gano’n kasimple ang lahat.” Natawa ako, pero puno ng pait. “Gano’n ba? At ano namang komplikasyon ang pinagsasabi mo? Dahil wala akong oras sa 'yo? Dahil mas pinili kong mag-focus sa career ko kaysa sa 'yo?” He didn’t respond. Instead, he just sighed and ran a hand through his hair. Tumingala ako, pinipigilan ang pag-apaw ng emosyon. Hindi ko ito hahayaang maging drama scene. Hindi ko ibibigay kay Gabriel ang kapangyarihang saktan ulit ako. “So that’s it?” I asked, my voice was cold. “Dumating ka lang para sa isang ‘I’m sorry’? Para sabihin sa akin na hindi ito ang iniisip ko? You want to ease your guilt, is that it?” “Bella, please—” “No.” Tumayo ako nang tuwid, hinigpitan ang kapit sa braso ko. “Tapos na tayo, Gabriel. And I don’t care about your excuses anymore.” Tahimik lang siyang nakatingin sa akin. Hindi ko alam kung nasaktan siya sa sinabi ko, pero wala na akong pakialam. I turned ar
Bella’s POVTumingin ako sa orasan at napansing may dalawang oras pa bago matapos ang araw na ito. Today is March 30—ika-32 na kaarawan ni Brent. Kahit alam kong hindi niya ipinagdiriwang ang birthday niya dahil sa 5th death anniversary ng kapatid niya, gusto ko pa rin kahit paano iparamdam sa kaniya na may dahilan pa rin para maging masaya sa araw na ito.Naglakad ako papunta sa kusina at naghanap ng kahit anong matamis. Napangiti ako nang makita ang isang chocolate cupcake na natira mula sa hapunan namin kanina. Mabilis kong kinuha iyon at naghanap ng kandila. Maswerte akong may nakita akong maliit na birthday candle sa isang drawer.Sinindihan ko ang kandila at agad na bumalik sa veranda ng kwarto ni Brent. Hindi ko alam kung tama ang ginagawa ko, pero gusto kong bigyan siya ng kahit kaunting kasiyahan ngayong araw.Pagpasok ko sa kwarto, nakita kong nakatayo pa rin siya sa veranda, nakatingin sa malayo, hawak ang bote ng alak. Kita sa mukha niya ang lungkot at tila malalim na inii
Bella’s POVPagkababa ko mula sa kwarto, agad akong natigilan sa nakita ko—isang eleganteng hapag-kainan na may nakahandang masasarap na pagkain. Ang buong dining area ay may romantikong ambiance, may kandilang nakasindi sa gitna ng mesa, at may maliliit na petals ng rosas na kumakalat sa paligid.Napakunot ang noo ko. Ano na namang drama ito ni Brent?Lalo pa akong nagtaka nang makita siyang nakatayo sa tabi ng mesa, hawak ang isang bouquet ng pulang rosas. Mukha siyang seryoso, pero may bahagyang pilyong ngiti sa labi niya.Lumapit ako nang dahan-dahan, pilit inaalam kung may mali ba akong nagawa para bigyan ako ng bulaklak ng lalaking ito."For you," aniya, iniaabot sa akin ang bouquet.Tiningnan ko lang iyon saglit bago muling ibinaling sa kanya ang tingin. "Anong okasyon?" nagtatakang tanong ko habang iniirapan siya. "Hindi naman tayo mag-jowa, bakit mo ako binigyan ng bulaklak?"Nakita kong bahagyang napangisi si Brent bago umiling. "Pwede bang huwag mo akong susungitan ngayon,
Bella's POVMaingat akong binaba ni Brent sa upuan, pero hindi ko maiwasang mapangiwi nang maramdaman ko ang hapdi ng mga kalmot ni Claudia."Huwag kang gagalaw," seryoso niyang sabi habang kinukuha ang first aid kit. Agad siyang lumuhod sa harapan ko at sinimulang gamutin ang mga sugat ko."Tsk. Kalmot lang ‘yan," sabi ko habang sinusubukang alisin ang braso ko mula sa hawak niya. Pero agad kong pinagsisihan ang ginawa ko nang maramdaman ang matinding hapdi. Napairap ako at napangiwi sa sakit."Huwag na kasing magmaldita," aniya, sabay higpit ng hawak sa braso ko para hindi ko na ito maigalaw pa. "Ano pala ang ginawa mo kay Claudia? Bakit kayo nag-away?"Napataas ang kilay ko. "Bakit hindi si Claudia ang tanungin mo?" pamimilosopo ko.Umiling siya at tiningnan ako nang masama. "Bella—""Baliw ang ex-fiancée mo, Brent," mataray kong putol sa kanya. "Nakakaloka. Feeling niya, pag-aari ka pa rin niya! Akala mo kung sino siya kung makapanghila ng buhok.""At ikaw? Ano'ng ginawa mo?""Sye
Bella’s POVHapon na nang bumalik kami sa villa. Pagod man, masaya akong kahit papaano ay hindi kami nag-away ni Brent ngayong araw. Hindi man kami nag-uusap nang madalas, sapat na sa akin ang tahimik at maaliwalas na atmosphere sa pagitan namin.Pagkapasok ko sa villa, naramdaman ko ang kumakalam kong sikmura. Agad akong lumabas para maghanap ng makakain. Napangiti ako nang makita ang isang matandang lalaki na nagtitinda ng chicharon sa may kalsada. Isa iyon sa paborito kong pagkain!“Manong, pahabol po!” halos pasigaw kong sabi habang patakbong lumapit sa kanya. Muntik na akong madapa sa pagmamadali, pero hindi ko na iyon ininda.Pagkatapos kong bumili, nagpasya akong bumalik na sa villa. Ngunit bago pa ako makalayo, bigla na lang may humila sa braso ko.“Ano ba?!” galit kong sigaw habang pilit na binabawi ang braso ko. Nang makita ko kung sino ang humawak sa akin, agad akong napakunot-noo.Si Claudia.Ang ex-fiancée ni Brent.Napapikit ako ng mariin. Great. Just great. "So ikaw an
Bella's POV Ang simoy ng hangin ay may halong alat ng dagat, at ang malalakas na hampas ng alon sa baybayin ay tila musika sa tenga ko.Pagkatapos ng emosyonal na usapan namin kanina ni Brent, gusto kong mag-relax ngayon. I needed to breathe, to shake off the heaviness in my chest. Kaya naisip kong maghanda ng isang simpleng piknik malapit sa dalampasigan.Habang inaayos ko ang mga pagkain sa basket—may fruits, sandwiches, at isang bote ng red wine—narinig ko ang pagaspas ng kurtina sa kwarto. Doon ko lang napansin ang reflection ko sa malaking salamin sa gilid.Suot ko ang black bikini na matagal ko nang hindi nagagamit. Sakto lang ito—hindi sobrang revealing, pero sapat para ipakita ang maayos kong hubog.I smiled. Wala namang masama kung mag-swimwear ako, ‘di ba? Nasa beach naman kami!Kaya nang matapos akong maghanda, agad akong lumabas ng kwarto.Pagkalabas ko sa veranda, naabutan ko si Brent na nakatayo malapit sa picnic spot. Suot niya ang navy blue swimming trunks at isang pu
Bella's POV Muli akong napatingin kay Brent.Hindi ko alam kung dapat ko ba siyang hawakan sa braso para pigilan siya, o hayaan siyang ilabas ang matagal nang kinikimkim niyang sakit.Parang naninikip ang dibdib ko sa bigat ng sitwasyon.Ngayon ko lang nakita ang totoong lalim ng sugat na iniwan ng babaeng ito sa kanya.Si Claudia ay tahimik lang na nakatayo sa harap namin, namumula ang mga mata, para bang gustong ipaliwanag ang sarili pero hindi alam kung paano magsisimula."I never meant to hurt her," mahina niyang sabi, pero halatang hirap na hirap siyang bitawan ang mga salitang iyon.Biglang bumigat ang paligid."Pero nasaktan siya, Claudia," malamig na sagot ni Brent. "At hindi lang siya. Nawala siya. Dahil sa’yo, hindi na siya bumalik."Napasinghap ako.Hindi ko alam kung paano ko hahawakan ang sitwasyong ito. Hindi ko rin alam kung paano ako dapat mag-react.Ang alam ko lang ay hindi lang ito ordinaryong away ng dating magkasintahan.Ito ay sugat ng nakaraan na hindi pa gumag
Bella's POV Maaga akong nagising sa kwartong inilalaan sa akin ni Brent sa rest house nila. Kahit pa pilit kong ipinaalala sa sarili kong wala akong balak mag-enjoy sa trip na ‘to, hindi ko mapigilang humanga sa tanawin mula sa balcony. The sun was rising over the crystal-clear waters, and the salty breeze was refreshing against my skin.Pero bago pa ako makapag-moment ng tuluyan, may kumatok sa pintuan ko.Knock. Knock."Bella, get up. May pupuntahan tayo."Napairap ako. "Brent, hindi pa ako nag-aalmusal.""Hindi rin ako kumain," sagot niya. "Pero kung ayaw mong mahuli sa itinerary natin, mas mabuting bumangon ka na."Umiling na lang ako bago tuluyang bumangon at nag-ayos.Paglabas ko ng villa, naghihintay na si Brent sa labas, nakasandal sa isang buggy. He looked effortlessly cool in his white linen shirt, sleeves rolled up, and a pair of beige shorts. Nakasuot din siya ng dark sunglasses, pero kahit natatakpan ang mga mata niya, alam kong may pang-aasar na naman siyang iniisip."R
Bella's POV Napapikit ako habang pinipigilan ang sarili kong mapahinga nang malalim.Sa harapan ko, nakatayo si Mommy at si Daddy, parehong may nakapamulsa at seryosong tingin sa akin. Sa tabi nila, parang batang tahimik na naghihintay si Brent, pero alam kong sa loob-loob niya, natatawa na siya sa sitwasyon ko ngayon."Bella," panimula ni Mommy, "wala namang masama kung subukan mong makasama si Brent nang mas matagal. Hindi naman masamang lalaki 'yan.""Ma, hindi naman ako nagsabing masamang tao siya," sagot ko, pilit na inuunawa kung bakit ba parang ang dali lang para sa kanila na i-push ako kay Brent."Anak, hindi ka na bumabata," dagdag ni Daddy. "Kailan mo pa balak kilalanin si Brent kung lagi mong lalayuan?"Napabuntong-hininga ako."At saka," dagdag pa ni Mommy, this time may kasamang nakakalokong ngiti, "maganda ang lugar. Sa rest house ng mga Cordova sa Palawan. Fresh air. Good food. Tahimik. Romantic. Hindi ka ba nae-excite?"Tumawa ako nang walang gana. "Romantic? Ma, ang
Brent's POV Maingat kong inakay si Bella papasok sa silid niya, pilit pinipigilan ang tawa habang kung anu-ano na lang ang lumalabas sa bibig niya."Bakit ba ang dami mong sinasabi?" natatawang tanong ko habang sinusuportahan ang katawan niyang halos hindi na makatayo ng maayos."Because…" Lumingon siya sa akin, namumungay ang mga mata. "Dapat mo akong pakinggan!""Okay, I’m listening," sagot ko, pero halos hindi ko na maintindihan ang sinasabi niya."Kasi, Brent…" Pumikit siya saglit at parang nag-iisip ng malalim. "Ikaw ang pinaka-annoying na taong nakilala ko sa buong buhay ko!"Napahinto ako, sabay napakunot-noo. “Wow. I feel so honored.”Nagtaas siya ng isang daliri sa harap ko. "Pero…" Bumuntong-hininga siya, saka ngumiti. "Nakakatuwa ka rin minsan."Napangiwi ako. "Minsan lang?""Oo, minsan lang." Tumawa siya ng mahina. "Pero ngayon… siguro, mga twice."Napailing ako, patuloy siyang inalalayan hanggang sa marating namin ang kama niya. Inihiga ko siya nang dahan-dahan, pero bag