All Chapters of Reclaiming the Billionaire's Love: Chapter 171 - Chapter 180

253 Chapters

Chapter 171

Luna's POV Tahimik ang biyahe pauwi. Ako sa passenger seat, si Daniela sa likod, at ang family driver ng Del Fuego ang nagmamaneho. Wala akong ganang makipag-usap. Masakit ang likod ko at ramdam kong pagod ako sa lahat ng nangyari ngayong araw—mula sa pagtatalo namin ni Alexus hanggang sa walang katapusang pang-aasar ni Daniela. Wala na akong lakas para patulan pa siya. Maya-maya, naramdaman kong sumulyap siya sa akin mula sa rearview mirror. Pero hindi ko na lang pinansin. “Luna, sigurado ka bang okay ka lang?” tanong niya, kunwaring nag-aalala. Hindi ko siya nilingon. “Oo.” “Alam mo, baka naman kasi napapagod ka na. Dapat yata nagpahinga ka na lang at hindi ka na sumama sa check-up mo.” Napangisi ako nang mapait. “Bakit? Para hindi mo na ako sinamahan?” Tumawa siya nang mahina. “Naman, Luna. Ang harsh mo naman sa akin.” Hindi ko na lang siya pinansin. Mas pinili kong ipikit ang mga mata ko at huminga nang malalim para ma-relax kahit papaano. Pero ilang segundo lang ang lumi
last updateLast Updated : 2025-02-28
Read more

Chapter 172

Luna's POV Nanginginig ang kamay ko habang mahigpit na hawak ang gilid ng hospital gown ko. Kahit anong pilit kong pigilan ang luha ko, patuloy itong bumabagsak sa pisngi ko. Hindi ko kayang ilayo ang tingin ko mula sa incubator kung saan nakahiga ang munting anghel na ilang linggo pa lang dapat sa sinapupunan ko. Napakaliit niya. Napakanipis ng balat niya. Halos kita ang mga ugat sa ilalim ng kanyang mala-rosas na kutis. Nakasalpak sa kanyang ilong ang isang maliit na oxygen tube, at may nakakabit na mga sensor sa katawan niya. Ang sakit makita siya sa ganitong kalagayan. Ang anak namin ni Alexus. Ang munting buhay na dapat ay ligtas pa sa loob ko. Pero ngayon, nakikipaglaban siya para mabuhay dahil sa akin. Hindi ko mapigilang sisihin ang sarili ko. Kung naging maingat lang ako… Kung hindi ko pinayagang sumama sa akin si Daniela… Kung hindi ko siya pinayagang manatili sa buhay namin… Hindi sana humantong sa ganito. Muli akong napahagulgol. Napahawak ako sa incubator, paran
last updateLast Updated : 2025-02-28
Read more

Chapter 173

Luna's POV Matagal akong nanatiling yakap ang munting katawan ng anak namin. Ang init ng balat niya laban sa akin ay tila nagsisilbing paalala na buhay siya—na lumalaban siya. Ngunit kahit pa sinasabi ng doktor na nasa stable condition siya, hindi mapawi ang takot sa puso ko. Walang kasiguraduhan ang bukas. Ang dahilan ng lahat ng ito ay isang taong hindi dapat kailanman naging bahagi ng buhay namin—si Daniela. Napalunok ako, pilit na pinapakalma ang sarili ko. Hindi ko dapat hayaang lamunin ako ng galit. Ang mas mahalaga ngayon ay ang anak ko. Ngunit sa kaloob-looban ko, isang matinding determinasyon ang bumangon. Hindi ko siya patatawarin. Nang bumukas muli ang pinto ng NICU, bumaling ako roon at nakita kong pumasok si Alexus kasama ang doktor. Bumuntonghininga siya bago lumapit sa akin. "Luna," mahina niyang tawag. "Pwedeng mag-usap tayo?" Alam ko na kung ano ang gusto niyang pag-usapan. Pero hindi ko alam kung kaya ko siyang harapin ngayon. Tumingin ako sa doktor, para ba
last updateLast Updated : 2025-02-28
Read more

Chapter 174

Luna's POV Hindi ko alam kung anong mas matindi—ang sakit ng katawan ko matapos ang lahat ng pinagdaanan ko, o ang sakit ng makita kung paano pa rin ipinagtatanggol ni Alexus si Daniela matapos ng lahat. Nakatayo ako sa harapan niya, pinipigilan ang panginginig ng buong katawan ko hindi dahil sa panghihina, kung 'di dahil sa matinding galit. “Luna, please,” aniya, pinipilit ang mahinahong tono. “Huwag tayong magpadalos-dalos—” “Magpadalos-dalos?” Halos matawa ako, pero punong-puno ng pait ang tunog niyon. “Alexus, muntik nang mamatay ang anak natin, at sinasabi mong ‘wag akong magpadalos-dalos?” Mabilis niyang hinilot ang sentido niya, halatang nape-pressure sa sitwasyon. “Wala pa tayong ebidensya, Luna.” “At ano pa bang ebidensya ang hinihintay mo?” Napasinghap ako sa galit. “Gusto mo bang mahuli ko pa siya mismo habang bumubutas ng gulong? Gusto mo bang muntik pa tayong mamatay ulit bago mo ako paniwalaan?” “Hindi sa hindi kita pinaniniwalaan!” bumwelta siya. “Eh ano, Alexus
last updateLast Updated : 2025-02-28
Read more

Chapter 175

Luna's POV Malamig ang simoy ng hangin nang lumabas ako ng ospital, ngunit hindi kayang patahanin ng lamig na iyon ang naglalagablab kong damdamin. Napahawak ako sa tiyan ko—doon sa dapat ay tahanan pa rin ng anak ko, ngunit dahil sa kasalanan ng iba, masyado siyang maagang dumating sa mundo. Nakatayo lang ako sa gilid ng sasakyan, pinagmamasdan ang langit. Ang daming bumabagabag sa isip ko. Hindi ko alam kung anong mas matimbang—ang sakit ng pagkakanulo ni Alexus o ang takot sa kung ano ang mangyayari sa amin ng anak ko sa hinaharap. “Ma’am Luna,” tawag ng driver. “Handa na po ang sasakyan. Sa bahay po ba tayo diretso?” Bahagya akong natigilan. Sa bahay? Pero aling bahay? Ang bahay ba namin ni Alexus, kung saan nandoon pa rin nakatira si Daniela? O sa dati kong apartment, kung saan wala akong kailangang labanan? Napakagat ako sa labi ko, pero bago pa ako makasagot, biglang bumukas ang pinto ng ospital. "Luna!" Napapikit ako nang marinig ang tinig niya. Hindi ko kailangan luming
last updateLast Updated : 2025-02-28
Read more

Chapter 176

Luna's POV Tatlong araw na ang lumipas mula nang lumipat kami ni Bella at Bailey sa dati kong apartment. Sa tatlong araw na iyon, nagawa kong buuin muli ang sarili ko—unti-unti, kahit mabigat, kahit masakit. Napabuntong-hininga ako habang inaayos ang lampin ni Bailey. Mahimbing siyang natutulog sa kanyang duyan, walang kamuwang-muwang sa lahat ng gulong nangyari. Napangiti ako habang pinagmamasdan siya. Kailangang lumakas ako. Para sa kanya. Para kay Bella. “Mommy!” tawag ni Bella mula sa sala. Agad akong lumabas ng kwarto at nakita siyang nakatayo sa harap ng pinto, mahigpit na hawak ang stuffed toy niya. Halata sa kanyang mukha ang kaba. “Bakit, baby?” lumapit ako sa kanya at lumuhod para makapantay ang mukha niya. Itinuro niya ang pinto. “May kumakatok po.” Napakunot ang noo ko. Wala naman akong inaasahang bisita. Dahan-dahan akong lumapit sa pinto, siniguradong nakakandado ito bago sinilip sa peephole. Agad na nanlamig ang katawan ko nang makita kung sino ang nasa labas.
last updateLast Updated : 2025-03-01
Read more

Chapter 177

Alexus' POV Tatlong linggo na mula noong sinara ni Luna ang pintuan sa harapan ko. Tatlong linggo mula nang harap-harapan niya akong sinabihan na hindi ko na siya mababalik. Pero hindi ako susuko. Luna is my wife. The mother of my children. At higit sa lahat, siya ang babaeng minahal ko nang higit pa sa sarili ko. Pero dahil sa mga maling desisyon ko, she walked away from me. And I’ll do everything—everything—just to win her back. Kaya ngayong umaga, narito ako sa tapat ng apartment niya, may dala-dalang bouquet ng pink peonies—ang paborito niyang bulaklak—at isang box ng gourmet chocolates. Huminga ako nang malalim bago kumatok sa pinto. Alam kong malamang ay hindi niya ako pagbubuksan, pero handa akong kumatok nang kumatok hanggang sa maubos ang pasensya niya. Pagkalipas ng ilang segundo, bumukas ang pinto at bumungad sa akin si Bella. Napangiti ako nang makita siya. “Daddy!” bulalas niya, sabay takbo papunta sa akin at yumakap sa bewang ko. Napayuko ako at marahang hinaplos
last updateLast Updated : 2025-03-01
Read more

Chapter 178

Alexus' POV Kinakabahan ako.It’s been years since I last took Luna on a proper date. Maraming nangyari sa pagitan naming dalawa—masyadong maraming sakit, tampo, at hindi pagkakaunawaan. Pero ngayong pumayag siya, hindi ko ito papalampasin.I wanted tonight to be perfect.Kaya naman todo ang paghahanda ko. Pinili ko ang isa sa pinaka-romantikong fine dining restaurants sa city, isang lugar na may magandang view ng skyline at may live music. Nagpareserba ako ng private table sa rooftop, siniguradong may tamang ambiance, at pati ang paborito niyang pagkain ay pina-customize ko para siguradong magugustuhan niya.Alas-sais pa lang ng gabi, handa na ako. Suot ko ang pinakamagandang suit ko, inayos ang buhok, at bitbit ang bouquet ng pink peonies—bumalik ako sa paborito niyang bulaklak.Pagdating ko sa apartment niya, kumatok ako nang dalawang beses. Ilang saglit lang ay bumukas ang pinto, at bumungad sa akin si Bella, may malaking ngiti sa labi.“Wow, Daddy! Ang gwapo mo po!”Natawa ako.
last updateLast Updated : 2025-03-01
Read more

Chapter 179

Alexus' POV Kinabukasan, maaga akong nagising para ipagpatuloy ang panliligaw ko kay Luna. Sinabi niyang one step at a time, kaya hindi ako nagmadali. Pero hindi rin ako nag-aksaya ng oras. Gusto kong mapatunayan sa kanya na seryoso ako. Alas-siyete pa lang ng umaga, nasa labas na ako ng apartment niya. Bitbit ko ang dalawang cups ng kape—isang cappuccino para sa akin at isang caramel macchiato para sa kanya. Alam kong hindi kumpleto ang umaga niya kapag walang kape, kaya naisip kong ito ang tamang paraan para simulan ang araw niya. Kumatok ako ng marahan. Ilang saglit lang, bumukas ang pinto at bumungad sa akin si Bella, ang limang taong gulang naming anak. Nakangiti siya at punong-puno ng energy kahit maaga pa. “Daddy!” sigaw niya bago ako niyakap nang mahigpit. Natawa ako at niyakap din siya. “Good morning, Bella. Gising na ba si Mommy mo?” “Uhm…” Umiling siya. “Nasa kwarto pa po. Pero gusto mo pong pumasok?” Bago pa ako makasagot, may mahina akong narinig na tinig mula sa l
last updateLast Updated : 2025-03-01
Read more

Chapter 180

Alexus' POV Kinagabihan, matapos ang masayang outing sa park, hinatid ko sina Luna, Bella, at Bailey pabalik sa apartment nila. Tahimik lang siya buong biyahe, pero hindi ito katulad ng dati—hindi na ito yung tipong may dingding sa pagitan namin. Hindi ko rin maiwasang mapangiti habang minamasdan siyang nakayuko, tila nag-iisip ng malalim. Hindi ko siya pipilitin magsalita, pero alam kong may bumabagabag sa isip niya. Pagdating namin sa apartment, binuhat ko si Bella na nakatulog na sa sasakyan. Si Luna naman ang may hawak kay Bailey na himbing din sa kanyang bisig. Tahimik kaming pumasok sa loob, at dahan-dahang iniakyat ni Luna si Bailey sa kwarto. Ako naman, maingat na inihiga si Bella sa kama nito at tinakpan siya ng kumot. Nang lumabas si Luna mula sa kwarto ng mga bata, nagulat siya nang makita akong nakatayo sa may pintuan, nakasandal sa hamba. Tiningnan niya ako nang matalim. “Bakit nandito ka pa?” Ngumiti ako, saka sinandal ang ulo ko sa pinto. “Wala lang. Gusto lang ki
last updateLast Updated : 2025-03-01
Read more
PREV
1
...
1617181920
...
26
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status