All Chapters of Reclaiming the Billionaire's Love: Chapter 161 - Chapter 170

256 Chapters

Chapter 161

Luna's POV “Damn it, Luna!” mariing sabi ni Alexus habang hinihimas ang ibabang labi niya na kinagat ko kanina. May bakas na ng dugo roon, pero wala siyang pakialam. “Kasalanan mo ‘yon!” gigil kong sagot, ni hindi ko magawang tingnan siya. Nakatingin lang ako sa labas ng bintana ng sasakyan habang ramdam ko ang mabilis niyang pagmamaneho pauwi. Ang higpit ng hawak niya sa manibela, halatang pigil ang galit at frustration. Hindi ko alam kung mas galit ako sa kaniya o sa sarili ko. Hindi ko na dapat hinayaan ang halik na ‘yon. Hindi ko na dapat nararamdaman pa ang ganitong sakit. Pero bakit kahit anong gawin ko, hindi ko mapigilang masaktan? “Pwede ba, Luna?” Malalim ang hininga niyang binitiwan. “Pakinggan mo naman muna ako.” “Anong gusto mong marinig, ha? Na magpapaliwanag ka na naman? Na wala kang kasalanan?” mariin kong sagot, sa wakas ay hinarap ko na rin siya. “Bakit may kiss mark ka sa leeg, Alexus? At bakit amoy babae ka?” Humigpit lalo ang hawak niya sa manibela. Alam kong
last updateLast Updated : 2025-02-27
Read more

Chapter 162

Alexus’ POV Tahimik kong pinagmasdan si Luna habang mahimbing siyang natutulog sa tabi ko. Ang bawat paghinga niya, ang mahinang paggalaw ng kanyang pilikmata, at ang paraan ng pagkakahawak niya sa unan—parang isang eksenang gusto kong titigan habangbuhay. Pero kahit gaano kaganda ang tanawing ito, hindi ko maiwasang makaramdam ng bigat sa dibdib. Alam kong galit pa rin siya sa akin. Alam kong kahit hindi na siya nagsasalita, ramdam ko ang distansyang pilit niyang nilalagay sa pagitan namin. At mas lalong bumibigat ang pakiramdam ko dahil alam kong ako ang may kasalanan. Dinama ko ang pisngi niya, marahang hinaplos ito gamit ang hinlalaki ko. "Mahal na mahal kita, Luna..." mahina kong bulong. Kahit nasa mahimbing siyang tulog, parang kumunot ang noo niya. Napangiti ako sa kaunting paggalaw niya. Alam kong kahit sa pagtulog niya, bumabagabag pa rin ang mga nangyari ngayong araw. Napatingin ako sa kamay niyang nakapatong sa tiyan niya. Ang sanggol namin. Ang panibagong buhay na ma
last updateLast Updated : 2025-02-27
Read more

Chapter 163

Luna's POV Nakangiting hinawakan ni Alexus ang kamay ko habang naglalakad kami papasok sa ospital. "Are you excited?" tanong niya habang hinihigpitan ang hawak sa kamay ko. Napatingin ako sa kaniya at bahagyang ngumiti. "Siyempre naman. Hindi ko alam kung bakit, pero parang mas kinakabahan ako ngayon kaysa noong kay Bella." "That’s normal," aniya habang hinahaplos ang likod ng palad ko gamit ang hinlalaki niya. "Pero huwag kang mag-alala, andito ako. Hindi kita iiwan." Pakiramdam ko ay may kakaibang kilig pa rin sa tuwing sinasabi niya ‘yon. Kahit na ilang beses na niyang pinatunayan sa akin na seryoso siya, hindi ko pa rin maiwasang matakot. Pagdating namin sa OB-GYN clinic, agad kaming sinalubong ng nurse. "Good morning, Mr. and Mrs. Del Fuego. The doctor is ready to see you now." Tumayo agad si Alexus at inalalayan akong pumasok. Nang makita ako ng doktora, ngumiti ito at iniabot ang kamay niya para kamustahin ako. "Luna, how are you feeling?" "Medyo madalas na akong mapagod
last updateLast Updated : 2025-02-27
Read more

Chapter 164

Luna's POV Tahimik ang buong bahay nang magising ako sa gitna ng gabi. Malagkit ang pawis sa aking batok, at mabilis ang tibok ng aking puso. Hindi ko alam kung dahil ba ito sa panaginip kong tila bangungot—si Daniela, nakatayo sa pintuan ng aming silid, nakangiti, habang hinahaplos ang pisngi ni Alexus—o dahil sa alaalang nasa ilalim ng iisang bubong namin ang anak niya.Malalim ang buntong-hiningang pinakawalan ko habang hinaplos ang aking tiyan. Apat na buwan na ang batang nasa sinapupunan ko. Mahal na mahal ko si Alexus, at alam kong mahal niya rin ako… pero hindi ko mapigilan ang kaba. Si Daniela ay tulad ng isang aninong hindi nawala sa buhay namin. At ngayon, narito ang anak niya, si Danica—isang paalala ng lahat ng pilit kong nilalampasan.Tumayo ako at marahang lumabas ng silid. Madilim ang pasilyo, pero tanaw ko mula sa ibaba ang mahihinang ilaw sa kusina. May tao. Lumapit ako nang dahan-dahan, pilit na hindi lumilikha ng ingay.Sa lamesa, nakaupo si Danica, nakayuko at til
last updateLast Updated : 2025-02-27
Read more

Chapter 165

Luna's POV Tahimik akong nakaupo sa gilid ng kama habang pinagmamasdan ang natutulog kong anak na si Bella. Mahimbing ang tulog niya, payapa ang mukha, tila walang kamalay-malay sa gulong nangyayari sa loob ng aming tahanan. Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ko. Hindi ko maitatangging masama pa rin ang loob ko sa nangyari. Alam kong wala akong magagawa—nakapirma na ako sa desisyong pabahayin dito si Daniela at ang anak niya. Pero hindi ibig sabihin noon na madali na lang para sa akin ang tanggapin siya sa loob ng bahay ko, lalo na’t minsan na niyang muntik sirain ang relasyon namin ni Alexus. Naglagay ako ng kamay sa tiyan kong may apat na buwang gulang na ipinagbubuntis. Napapikit ako, pilit nilalabanan ang inis na kanina pa bumabagabag sa akin. Alam kong matagal nang tapos ang nakaraan nina Alexus at Daniela, at hindi ko dapat bigyan ng puwang ang mga insekuridad na gumagapang sa puso ko. Pero paano ko nga ba maiiwasan kung ang babaeng minsan niyang minahal ay nas
last updateLast Updated : 2025-02-27
Read more

Chapter 166

Luna's POV Pagkalabas ni Daniela ng kusina, naiwan akong nakatayo roon, nagngingitngit pa rin sa galit. Hindi ko maintindihan kung paano niya nagagawang humarap sa akin nang gano’n—matapang, walang bahid ng pagsisisi, at parang mayabang pa kung makapagsalita. Huminga ako nang malalim, pinilit pakalmahin ang sarili ko. Hindi ako dapat nagpapadala sa kaniya. Alam kong hinahamon niya ako, pero hindi ako dapat magpatalo. Mula sa dining area, narinig ko ang malalakas na tawanan nina Bella at Danica. Kahit paano, iyon ang nagpagaan sa loob ko. Lumapit ako sa kanila, pinanood kung paano nila ipinagpapalit ang kani-kanilang stuffed toys habang nagtatawanan. “Mommy, ang saya po niyang kalaro,” masayang sabi ni Bella habang yakap-yakap ang isang maliit na teddy bear. Napangiti ako at yumuko para haplusin ang buhok niya. “Mabuti naman, anak.” Napatingin ako kay Danica, na noon ay nakatingin din sa akin. Wala siyang kasalanan sa lahat ng ito. Masyado pa siyang bata para maintindihan ang nan
last updateLast Updated : 2025-02-27
Read more

Chapter 167

Luna's POV Isang matinis na sigaw ang pumunit sa katahimikan ng hapon. Napabalikwas ako mula sa pagkakaupo, kasabay ng mabilis na paglingon ni Daniela sa pinanggalingan ng sigaw. Hindi na ako nagdalawang-isip—mabilis akong tumakbo palabas ng bahay, kasabay niya. Sa loob-loob ko, umaasa akong hindi iyon si Bella. Pagdating ko sa garden, nanlaki ang mga mata ko sa nadatnan ko. Si Danica, nakaupo sa damuhan, umiiyak habang hawak ang duguang tuhod. Sa tabi niya, si Bella na mukhang takot at litong-lito. Nakatayo siya roon, nanginginig ang katawan, tila hindi alam kung paano ipapaliwanag ang nangyari. Mabilis akong lumapit sa anak ko. “Bella, anong nangyari?” Ngunit bago pa siya makasagot, inunahan na ako ni Daniela. “Tinanong mo pa?” galit na sagot niya habang niyayakap si Danica. “Kitang-kita ko, Luna! Tinulak ng anak mo ang anak ko!” Napakurap ako, hindi makapaniwala sa narinig ko. “Ano?” “Tinulak niya ako, Tita Luna!” umiiyak na reklamo ni Danica habang nakayakap sa ina niya. “
last updateLast Updated : 2025-02-27
Read more

Chapter 168

Luna's POV Nasa sala ako ngayon, yakap si Bella habang nakatulog siya sa kandungan ko. Ilang beses ko siyang pinakalma matapos ang nangyari kanina sa garden. Kahit anong pilit kong itago ang galit ko kay Daniela, hindi ko magawang alisin ang kirot sa dibdib ko sa tuwing maalala ko ang takot sa mga mata ng anak ko. Naalala ko pa kung paano siya humahagulgol sa dibdib ko, paulit-ulit na sinasabing wala siyang ginawang masama. Napakuyom ang kamao ko. Hindi ko mapapayagan na basta na lang palampasin ito. Narinig kong bumukas ang pinto, kasabay ng mabibigat na yabag ni Alexus papasok ng bahay. Mula sa kinauupuan ko, hindi ko siya kita, pero narinig kong sinalubong siya ni Daniela. “A-Alexus!” may bahid ng desperasyon ang boses niya. “Salamat sa Diyos at dumating ka na. Kailangang-kailangan kita rito!” Napapikit ako at huminga nang malalim, sinusubukang pakalmahin ang sarili ko. “Ano’ng nangyari?” Narinig kong tanong ni Alexus. Narinig kong tumikhim si Daniela, tila pinipilit ang sa
last updateLast Updated : 2025-02-27
Read more

Chapter 169

Luna's POV Nakita kong napahawak si Alexus sa sentido niya, halatang pagod at inis. Malalim siyang huminga, tila pinipigilan ang sarili niyang sumabog sa harapan namin. “Pwede ba,” madiin niyang sabi, “pumirmi muna kayo? Pagod na pagod ako sa trabaho, umuwi lang ako saglit para kumuha ng dokumento, tapos ganito ang madadatnan ko?” Hindi ako nagsalita. Hindi rin naman ako ang may kasalanan kung bakit nagkaganito. Kung hindi sana mahilig gumawa ng drama si Daniela, hindi aabot sa ganitong tensyon ang lahat. Pero siyempre, hindi magpapatalo ang babaeng ito. “Alexus, hindi naman ako ang nagsimula ng gulo,” agad na sabi ni Daniela, ang tono niya’y kunwari’y mahinahon pero may halong sumbat. “Sinabi ko lang naman ang totoo tungkol sa ginawa ni Bella kay Danica, pero ayaw lang tanggapin ni Luna. Ako pa tuloy ang pinalalabas na masama!” Napairap ako. “Dahil naman talaga, ikaw ang masama.” Mabilis akong tinapunan ni Alexus ng matalim na tingin. “Luna, please lang, huwag mo nang palakihi
last updateLast Updated : 2025-02-27
Read more

Chapter 170

Luna's POV Nakaupo ako sa gilid ng kama, marahang hinihimas ang umbok ng tiyan ko. Pitong buwan na akong buntis, at sa susunod na linggo, papasok na ako sa third trimester. Halos araw-araw akong nakakaramdam ng pananakit ng likod at bigat ng katawan, pero tiniis ko ang lahat dahil masaya ako sa magiging bagong miyembro ng pamilya namin. Pero ngayong umagang ito, imbes na saya ang nararamdaman ko, inis at pagkadismaya ang nangingibabaw sa dibdib ko. Dahil isang beses ko lang hiningi kay Alexus na samahan ako sa prenatal check-up ko ngayong buwan, pero anong nangyari? Mas pinili niyang unahin ang business meeting nila ng kuya niyang si TJ at Ate Brielle. Mas naiintindihan ko pa sana kung emergency meeting ito, pero hindi. Planado ito. Alam niyang may appointment ako ngayon, pero hindi man lang siya nag-effort na ayusin ang schedule niya. At ang mas ikinaiinis ko? Biglang sumulpot si Daniela at nagprisintang siya ang sasama sa akin! Napatayo ako sa kama, ramdam ang pag-alsa ng ini
last updateLast Updated : 2025-02-28
Read more
PREV
1
...
1516171819
...
26
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status