Luna's POV Tahimik akong nakaupo sa gilid ng kama habang pinagmamasdan ang natutulog kong anak na si Bella. Mahimbing ang tulog niya, payapa ang mukha, tila walang kamalay-malay sa gulong nangyayari sa loob ng aming tahanan. Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ko. Hindi ko maitatangging masama pa rin ang loob ko sa nangyari. Alam kong wala akong magagawa—nakapirma na ako sa desisyong pabahayin dito si Daniela at ang anak niya. Pero hindi ibig sabihin noon na madali na lang para sa akin ang tanggapin siya sa loob ng bahay ko, lalo na’t minsan na niyang muntik sirain ang relasyon namin ni Alexus. Naglagay ako ng kamay sa tiyan kong may apat na buwang gulang na ipinagbubuntis. Napapikit ako, pilit nilalabanan ang inis na kanina pa bumabagabag sa akin. Alam kong matagal nang tapos ang nakaraan nina Alexus at Daniela, at hindi ko dapat bigyan ng puwang ang mga insekuridad na gumagapang sa puso ko. Pero paano ko nga ba maiiwasan kung ang babaeng minsan niyang minahal ay nas
Luna's POV Pagkalabas ni Daniela ng kusina, naiwan akong nakatayo roon, nagngingitngit pa rin sa galit. Hindi ko maintindihan kung paano niya nagagawang humarap sa akin nang gano’n—matapang, walang bahid ng pagsisisi, at parang mayabang pa kung makapagsalita. Huminga ako nang malalim, pinilit pakalmahin ang sarili ko. Hindi ako dapat nagpapadala sa kaniya. Alam kong hinahamon niya ako, pero hindi ako dapat magpatalo. Mula sa dining area, narinig ko ang malalakas na tawanan nina Bella at Danica. Kahit paano, iyon ang nagpagaan sa loob ko. Lumapit ako sa kanila, pinanood kung paano nila ipinagpapalit ang kani-kanilang stuffed toys habang nagtatawanan. “Mommy, ang saya po niyang kalaro,” masayang sabi ni Bella habang yakap-yakap ang isang maliit na teddy bear. Napangiti ako at yumuko para haplusin ang buhok niya. “Mabuti naman, anak.” Napatingin ako kay Danica, na noon ay nakatingin din sa akin. Wala siyang kasalanan sa lahat ng ito. Masyado pa siyang bata para maintindihan ang nan
Luna's POV Isang matinis na sigaw ang pumunit sa katahimikan ng hapon. Napabalikwas ako mula sa pagkakaupo, kasabay ng mabilis na paglingon ni Daniela sa pinanggalingan ng sigaw. Hindi na ako nagdalawang-isip—mabilis akong tumakbo palabas ng bahay, kasabay niya. Sa loob-loob ko, umaasa akong hindi iyon si Bella. Pagdating ko sa garden, nanlaki ang mga mata ko sa nadatnan ko. Si Danica, nakaupo sa damuhan, umiiyak habang hawak ang duguang tuhod. Sa tabi niya, si Bella na mukhang takot at litong-lito. Nakatayo siya roon, nanginginig ang katawan, tila hindi alam kung paano ipapaliwanag ang nangyari. Mabilis akong lumapit sa anak ko. “Bella, anong nangyari?” Ngunit bago pa siya makasagot, inunahan na ako ni Daniela. “Tinanong mo pa?” galit na sagot niya habang niyayakap si Danica. “Kitang-kita ko, Luna! Tinulak ng anak mo ang anak ko!” Napakurap ako, hindi makapaniwala sa narinig ko. “Ano?” “Tinulak niya ako, Tita Luna!” umiiyak na reklamo ni Danica habang nakayakap sa ina niya. “
Luna's POV Nasa sala ako ngayon, yakap si Bella habang nakatulog siya sa kandungan ko. Ilang beses ko siyang pinakalma matapos ang nangyari kanina sa garden. Kahit anong pilit kong itago ang galit ko kay Daniela, hindi ko magawang alisin ang kirot sa dibdib ko sa tuwing maalala ko ang takot sa mga mata ng anak ko. Naalala ko pa kung paano siya humahagulgol sa dibdib ko, paulit-ulit na sinasabing wala siyang ginawang masama. Napakuyom ang kamao ko. Hindi ko mapapayagan na basta na lang palampasin ito. Narinig kong bumukas ang pinto, kasabay ng mabibigat na yabag ni Alexus papasok ng bahay. Mula sa kinauupuan ko, hindi ko siya kita, pero narinig kong sinalubong siya ni Daniela. “A-Alexus!” may bahid ng desperasyon ang boses niya. “Salamat sa Diyos at dumating ka na. Kailangang-kailangan kita rito!” Napapikit ako at huminga nang malalim, sinusubukang pakalmahin ang sarili ko. “Ano’ng nangyari?” Narinig kong tanong ni Alexus. Narinig kong tumikhim si Daniela, tila pinipilit ang sa
Luna's POV Nakita kong napahawak si Alexus sa sentido niya, halatang pagod at inis. Malalim siyang huminga, tila pinipigilan ang sarili niyang sumabog sa harapan namin. “Pwede ba,” madiin niyang sabi, “pumirmi muna kayo? Pagod na pagod ako sa trabaho, umuwi lang ako saglit para kumuha ng dokumento, tapos ganito ang madadatnan ko?” Hindi ako nagsalita. Hindi rin naman ako ang may kasalanan kung bakit nagkaganito. Kung hindi sana mahilig gumawa ng drama si Daniela, hindi aabot sa ganitong tensyon ang lahat. Pero siyempre, hindi magpapatalo ang babaeng ito. “Alexus, hindi naman ako ang nagsimula ng gulo,” agad na sabi ni Daniela, ang tono niya’y kunwari’y mahinahon pero may halong sumbat. “Sinabi ko lang naman ang totoo tungkol sa ginawa ni Bella kay Danica, pero ayaw lang tanggapin ni Luna. Ako pa tuloy ang pinalalabas na masama!” Napairap ako. “Dahil naman talaga, ikaw ang masama.” Mabilis akong tinapunan ni Alexus ng matalim na tingin. “Luna, please lang, huwag mo nang palakihi
Luna's POV Nakaupo ako sa gilid ng kama, marahang hinihimas ang umbok ng tiyan ko. Pitong buwan na akong buntis, at sa susunod na linggo, papasok na ako sa third trimester. Halos araw-araw akong nakakaramdam ng pananakit ng likod at bigat ng katawan, pero tiniis ko ang lahat dahil masaya ako sa magiging bagong miyembro ng pamilya namin. Pero ngayong umagang ito, imbes na saya ang nararamdaman ko, inis at pagkadismaya ang nangingibabaw sa dibdib ko. Dahil isang beses ko lang hiningi kay Alexus na samahan ako sa prenatal check-up ko ngayong buwan, pero anong nangyari? Mas pinili niyang unahin ang business meeting nila ng kuya niyang si TJ at Ate Brielle. Mas naiintindihan ko pa sana kung emergency meeting ito, pero hindi. Planado ito. Alam niyang may appointment ako ngayon, pero hindi man lang siya nag-effort na ayusin ang schedule niya. At ang mas ikinaiinis ko? Biglang sumulpot si Daniela at nagprisintang siya ang sasama sa akin! Napatayo ako sa kama, ramdam ang pag-alsa ng ini
Luna's POV Tahimik ang biyahe pauwi. Ako sa passenger seat, si Daniela sa likod, at ang family driver ng Del Fuego ang nagmamaneho. Wala akong ganang makipag-usap. Masakit ang likod ko at ramdam kong pagod ako sa lahat ng nangyari ngayong araw—mula sa pagtatalo namin ni Alexus hanggang sa walang katapusang pang-aasar ni Daniela. Wala na akong lakas para patulan pa siya. Maya-maya, naramdaman kong sumulyap siya sa akin mula sa rearview mirror. Pero hindi ko na lang pinansin. “Luna, sigurado ka bang okay ka lang?” tanong niya, kunwaring nag-aalala. Hindi ko siya nilingon. “Oo.” “Alam mo, baka naman kasi napapagod ka na. Dapat yata nagpahinga ka na lang at hindi ka na sumama sa check-up mo.” Napangisi ako nang mapait. “Bakit? Para hindi mo na ako sinamahan?” Tumawa siya nang mahina. “Naman, Luna. Ang harsh mo naman sa akin.” Hindi ko na lang siya pinansin. Mas pinili kong ipikit ang mga mata ko at huminga nang malalim para ma-relax kahit papaano. Pero ilang segundo lang ang lumi
Luna's POV Nanginginig ang kamay ko habang mahigpit na hawak ang gilid ng hospital gown ko. Kahit anong pilit kong pigilan ang luha ko, patuloy itong bumabagsak sa pisngi ko. Hindi ko kayang ilayo ang tingin ko mula sa incubator kung saan nakahiga ang munting anghel na ilang linggo pa lang dapat sa sinapupunan ko. Napakaliit niya. Napakanipis ng balat niya. Halos kita ang mga ugat sa ilalim ng kanyang mala-rosas na kutis. Nakasalpak sa kanyang ilong ang isang maliit na oxygen tube, at may nakakabit na mga sensor sa katawan niya. Ang sakit makita siya sa ganitong kalagayan. Ang anak namin ni Alexus. Ang munting buhay na dapat ay ligtas pa sa loob ko. Pero ngayon, nakikipaglaban siya para mabuhay dahil sa akin. Hindi ko mapigilang sisihin ang sarili ko. Kung naging maingat lang ako… Kung hindi ko pinayagang sumama sa akin si Daniela… Kung hindi ko siya pinayagang manatili sa buhay namin… Hindi sana humantong sa ganito. Muli akong napahagulgol. Napahawak ako sa incubator, paran
Bella’s POVPagkatapos ng buong araw ng rounds, paperwork, at ilang emergency consults, pakiramdam ko ay bibigay na ang mga paa ko. Kaya’t halos hindi ko na ininda ang bigat ng katawan habang naglalakad palabas ng ospital. Gusto ko lang umuwi, maligo ng mainit, at humilata sa kama. Ngunit bigla akong napatigil nang mapansing may humintong itim na kotse sa mismong harapan ko.Tahimik itong umusad at huminto eksaktong nasa tapat ko. Mabilis ang kabog ng dibdib ko. Kahit na may guard at ibang staff sa paligid, hindi ko naiwasang makaramdam ng kaba—lalo na sa biglaang pangyayaring ito.Bumaba ang tinted na bintana at bumungad ang pamilyar na mukha."Good evening, my fiancée," nakangising bati ni Brent, habang sabay na bumukas ang passenger door ng kotse, all automatic.Napalinga-linga agad ako. Diyos ko, sana walang makakita sa amin. Ayoko ng tsismis. Ayoko ng tanong. Ayoko ng espekulasyon. Lalo na ngayong hindi ko pa nga alam kung saan kami pupunta.“Pasok ka na,” dagdag pa niya, ngayon
Bella's POVHindi ko maalis ang paningin ko sa singsing na nasa daliri ko.Tatlong buwan na ang lumipas mula nang ibigay sa akin ni Brent ang singsing na ‘yon, pero hanggang ngayon ay parang ramdam ko pa rin ang bigat ng bawat salitang binitiwan niya noon. Wala kaming label. Wala kaming malinaw na kasunduan—maliban sa isang bagay: babalik siya sa pagiging doktor, at kapag nangyari iyon, saka lang ako papayag na pakasalan siya.Pero simula noon… ni anino niya, hindi ko na nakita. Parang nawala siya sa mundo ko. Tahimik. Wala man lang kahit isang text o tawag. At mas lalong hindi siya nagpakita.Kaya ngayong umaga, habang nakatayo ako sa harapan ng sink, pilit kong itinatago ang tensyon sa dibdib ko habang pinagmamasdan ang singsing na nasa daliri ko. Bakit hindi ko matanggal ito?“Dr. Bella, mukhang blooming kayo today,” ani Flor, isa sa mga nurse sa department habang naghuhugas ng kamay sa tabi ko.Napalingon ako sa kaniya. “Blooming? Hindi ah.”“Simula po noong nagbakasyon kayo, para
Bella's POV"How's your vacation?" agad na tanong ni Mommy pagkababa ko pa lang ng kotse. Hindi pa nga ako nakakapasok ng bahay, bungad na agad ang tanong.Bago pa ako makasagot, lumapit na siya kay Brent, ngumiti nang todo, at tila ba matagal na niyang hindi nakita ang paborito niyang anak. Hinila niya ito papasok ng bahay habang masigla pa ring kinakausap.“Mommy! Sino ba talaga ang anak ninyo? Ako o si Brent?” Hindi ko na napigilan ang inis sa boses ko. Parang ako pa tuloy ang bisita sa sarili naming bahay.Nakita kong napangisi si Brent at pasimpleng tumawa. Sinamaan ko siya ng tingin.“Tumigil ka nga riyan. Wala kang karapatang magustuhan ‘yan,” bulong ko sa sarili ko habang padabog na sumunod sa kanila.Pagkapasok sa loob ng bahay, bumungad sa akin ang mga kapatid ni Daddy kasama ang kani-kanilang asawa. Parang mini-reunion agad.“Nakauwi na pala ang ikakasal,” pang-aasar ni Tito TJ nang makita akong umupo sa harapan nila.“Anong ikakasal? Hindi ko pa nga ‘yan boyfriend!” asik k
Bella's POVNapabalikwas ako ng bangon, parang sinampal ng hangin ang ulirat ko nang makita ko kung sino ang katabi ko sa kama.Oh my God. Brent?!At hindi lang basta katabi—topless siya! Kita ang matitigas niyang dibdib at ang defined abs na parang kinukuryente ang sistema ko. Shit.Agad kong tiningnan ang sarili ko. May suot pa naman akong oversized shirt—kakaiba, hindi akin. Sa pagkakakilala ko sa sarili ko, hindi ko ito madalas isuot kahit kailan. Pero mas nakahinga ako nang maluwag dahil may suot pa akong panty at walang senyales na may nangyari. Still…Anong nangyari kagabi?!Napahawak ako sa ulo ko. Parang binugbog ang kalamnan ko at parang may sumabog sa loob ng ulo ko. Then memories started crashing back, piece by piece.The bar.The drinks.The guy named Jacob.At ‘yung mala-horror na moment nang magsimulang manghina ang katawan ko.Si Brent.His face.His arms were catching me.Tapos…Oh God.I kissed him.I practically climbed on him like a wild animal!Napamura ako sa isi
Brent’s POV Napamura ako habang pilit kong inaayos ang pagmamaneho. Mahigpit ang hawak ko sa manibela, pero ang atensyon ko ay nasa babaeng lasing na lasing na nasa tabi ko. She was completely out of it. Hindi ko alam kung gaano karaming alak ang nainom niya o kung may halong kung ano ang ininom niya, pero hindi ito normal. Her body was heating up—ramdam ko iyon dahil panay ang dikit niya sa akin, at kahit malamig ang aircon ng sasakyan, nag-iinit ang katawan niya. Damn it. "Brent..." Mahina niyang tawag, parang may kung anong lambing sa boses niya. "You’re so handsome... Why are you so handsome?" Napakagat ako sa loob ng pisngi ko. “Just stay still, Bella,” malamig kong sagot, hindi ko siya tinapunan ng tingin dahil alam kong kung makikita ko siya ngayon—mukhang lasing, mapungay ang mata, at may bahagyang namumulang labi—baka lalo akong mahirapan. Nang makarating kami sa villa, mabilis akong bumaba ng sasakyan at pinagbuksan siya ng pinto. Pero bago pa ako makagalaw, bigla ni
Brent’s POVNapamura ako sa loob-loob ko habang mabilis kong nilalabas si Bella mula sa bar. Hindi na niya maitutuwid ang sariling mga paa, kaya wala akong choice kundi buhatin siya. Ang kanyang katawan ay bahagyang nakasandal sa akin, at kahit sa ganitong estado, ramdam ko pa rin ang init ng balat niya sa ilalim ng maninipis niyang kasuotan.Alam kong malakas uminom si Bella, pero hindi siya ganito. Hindi siya basta-basta natutumba sa alak. Kung ano man ang nasa baso niya kanina, sigurado akong hindi lang basta alak ‘yon.Lumabas kami sa bar, at sa bawat hakbang ko, mas lalo kong nararamdaman ang bigat ng sitwasyon. Gusto ko siyang pagalitan, sigawan, at ipamukha sa kanya kung gaano siya ka-reckless. Pero hindi ko magawa. Hindi ngayon. Hindi sa ganitong estado niya.“Ang init,” bulong niya, kasabay ng pag-ungol at pag-galaw ng katawan niya sa braso ko.Bago pa ako makapag-react, naramdaman kong lumapat ang malalambot niyang labi sa leeg ko.I froze.“Damn it, Bella.” Mariin akong nap
Bella's POV Buong maghapon kaming nagpakasaya ni Brent sa pagligo, ngunit habang papalapit ang gabi, hindi ko maiwasang maramdaman ang lungkot sa nalalapit naming pagbalik sa Manila. Bukas na ang flight namin, at sa susunod na araw, birthday na ni Daddy.Pero bago matapos ang trip na ito, may isang bagay akong gustong gawin—uminom.“Brent, gusto kong tikman ‘yong local drinks nila rito,” sabi ko habang naglalakad kami pabalik ng villa.Agad siyang napatingin sa akin na para bang may sinabi akong hindi katanggap-tanggap. “At bakit naman?”“Because I want to experience Coron the right way. Hindi puwedeng uuwi akong hindi natitikman ang specialty drinks nila.”Nagtaas siya ng kilay. “Hindi ka puwedeng malasing.”“Hindi naman ako malalasing, no.”Napabuntong-hininga na lang siya, pero halatang ayaw niya sa idea ko.Pagkalipas ng isang oras, nakabihis na ako—isang itim na tube top at denim shorts ang napili kong isuot. Medyo daring, pero hello? Nasa isla kami, at gabi na. Sino ang mag-aal
Bella's POV Ang tubig sa Twin Lagoon ay kasing linaw ng kristal, at ang sikat ng araw na dumadampi sa ibabaw nito ay nagpapakintab sa tila salamin na dagat. Hindi ako mapakali sa excitement habang hinahaplos ng hangin ang balat ko.Nasa loob na ako ng bangka, handang-handa nang lumusong, nang mapansin kong nakapamulsa si Brent sa gilid, malalim ang titig sa akin na para bang may hindi siya gustong mangyari. At nang magtama ang mga mata namin—ayun na, alam ko na.Napailing ako nang bahagya. “Brent, what’s your problem now?”Hindi siya sumagot. Bagkus, marahang lumapit siya sa akin at may iniaabot—isang tuwalya.Tinaasan ko siya ng kilay. “Seriously?”Nakatikom lang ang panga niya. “Takpan mo ‘yan.”“Excuse me?”Tinapunan niya ng tingin ang suot kong navy blue two-piece swimwear. Hindi ito sobrang revealing, pero halata sa mukha niya na hindi siya komportable."Maliligo ako," madiin kong sabi, habang hinahatak ang tuwalya palayo sa kamay niya.“Sa villa ka na lang maligo.”Halos matawa
Bella's POVNagising ako nang maaga dahil sa sunod-sunod na pag-ring ng cellphone ko. Pagkaabot ko rito, hindi ko na kinailangang tingnan ang caller ID—alam kong si Brent iyon. Wala nang ibang manggigising sa akin nang ganito kaaga maliban sa kanya."Hello?" Ang garalgal na boses ko ang bumungad sa kanya habang pinipilit kong idilat ang mga mata."Good. Gising ka na," tugon niya, malamig pero may bahid ng pangungutya. "May pupuntahan tayo. Gumayak ka na."Kahit inaantok pa, napilitan akong bumangon. Naging mabilis ang kilos ko matapos marinig ang excitement sa boses ni Brent. Iilan lang ang pagkakataong ganito siya kasabik sa isang bagay, kaya hindi ko iyon palalampasin."At saan naman tayo pupunta, boss?" tanong ko habang tumatayo mula sa kama at nag-unat ng katawan."Sa Twin Lagoon," sagot niya. "Sikat 'yon rito sa Coron. Sayang naman ang bakasyon mo kung hindi mo makikita."Napangiti ako. Matagal ko nang gustong makita ang Twin Lagoon. Isa ito sa mga pinaka-magandang destinasyon di