Alexus' POV Kinabukasan, maaga akong nagising para ipagpatuloy ang panliligaw ko kay Luna. Sinabi niyang one step at a time, kaya hindi ako nagmadali. Pero hindi rin ako nag-aksaya ng oras. Gusto kong mapatunayan sa kanya na seryoso ako. Alas-siyete pa lang ng umaga, nasa labas na ako ng apartment niya. Bitbit ko ang dalawang cups ng kape—isang cappuccino para sa akin at isang caramel macchiato para sa kanya. Alam kong hindi kumpleto ang umaga niya kapag walang kape, kaya naisip kong ito ang tamang paraan para simulan ang araw niya. Kumatok ako ng marahan. Ilang saglit lang, bumukas ang pinto at bumungad sa akin si Bella, ang limang taong gulang naming anak. Nakangiti siya at punong-puno ng energy kahit maaga pa. “Daddy!” sigaw niya bago ako niyakap nang mahigpit. Natawa ako at niyakap din siya. “Good morning, Bella. Gising na ba si Mommy mo?” “Uhm…” Umiling siya. “Nasa kwarto pa po. Pero gusto mo pong pumasok?” Bago pa ako makasagot, may mahina akong narinig na tinig mula sa l
Alexus' POV Kinagabihan, matapos ang masayang outing sa park, hinatid ko sina Luna, Bella, at Bailey pabalik sa apartment nila. Tahimik lang siya buong biyahe, pero hindi ito katulad ng dati—hindi na ito yung tipong may dingding sa pagitan namin. Hindi ko rin maiwasang mapangiti habang minamasdan siyang nakayuko, tila nag-iisip ng malalim. Hindi ko siya pipilitin magsalita, pero alam kong may bumabagabag sa isip niya. Pagdating namin sa apartment, binuhat ko si Bella na nakatulog na sa sasakyan. Si Luna naman ang may hawak kay Bailey na himbing din sa kanyang bisig. Tahimik kaming pumasok sa loob, at dahan-dahang iniakyat ni Luna si Bailey sa kwarto. Ako naman, maingat na inihiga si Bella sa kama nito at tinakpan siya ng kumot. Nang lumabas si Luna mula sa kwarto ng mga bata, nagulat siya nang makita akong nakatayo sa may pintuan, nakasandal sa hamba. Tiningnan niya ako nang matalim. “Bakit nandito ka pa?” Ngumiti ako, saka sinandal ang ulo ko sa pinto. “Wala lang. Gusto lang ki
Daniela's POV Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ko habang pinapakain si Danica sa dining area ng Del Fuego Mansion. Pilit kong pinananatili ang mahinahong ekspresyon sa harap ng anak ko, pero sa loob-loob ko, punong-puno ako ng galit. Alam kong darating ang araw na ito—ang araw na babalikan ni Luna si Alexus, pero hindi ko inakalang mangyayari ito nang ganito kabilis. "Mommy, gusto ko pa po ng juice," sabi ni Danica, na agad kong binigyan ng atensyon. Ngumiti ako nang pilit at inilagay ang baso sa harap niya. "Drink slowly, baby." Habang umiinom si Danica, dumaan ang isa sa mga kasambahay at inilapag ang isang tray ng prutas sa mesa. Kaswal siyang nagsalita, walang kamalay-malay na bawat salitang lumalabas sa bibig niya ay parang patalim na unti-unting tumatarak sa dibdib ko. "Ma’am Daniela, balita ko po nagkabalikan na sina Sir Alexus at Ma’am Luna. Ang saya po ng mga tauhan sa kompanya, lalo na po si Doña Anabelle. Mukhang magbabalik na rin po si Sir sa bahay nil
Daniela's POV Hawak ko pa rin ang mga larawan habang nasa loob ng sasakyan. Hindi ko maiwasang muling titigan ang mga ito—larawan ni Luna at ng lalaking kasama niya. Hindi man halata sa karamihan, pero sa mata ng isang babaeng kasing tuso ko, halatang may namamagitan sa kanila. Napangiti ako. Kapag nakita ito ni Alexus, ano kaya ang magiging reaksyon niya? Malamang, masasaktan siya. Magugulat. Mawawalan ng tiwala kay Luna. Kapag nangyari iyon… Ako ang babalikan niya. Ibinalik ko ang mga larawan sa loob ng envelope at marahang isinandal ang ulo ko sa upuan. “Drive,” utos ko sa driver. “Huwag tayong dumeretso sa mansion. May dadaanan pa tayo.” “Yes, Ma’am,” sagot niya bago pinaandar ang sasakyan. *** DEPARTMENT STORE – BABY SECTION Naglakad ako sa pagitan ng mga racks ng baby clothes, pinagmamasdan ang maliliit na damit na nakasabit sa bawat istante. May nabuo akong plano. Kung gusto kong sirain ang relasyon nina Alexus at Luna, hindi lang basta pagseselos ang dapat kong gamit
Luna's POV Hindi ko alam kung maiinis ako o matatawa sa bagong drama na pinaplano ni Daniela. Sa dami ng pinagdaanan namin ni Alexus, akala niya ba madali akong matitinag ng isang larawan lang? Agad kong dinial ang numero ni Alexus. Ilang ring lang, sinagot niya. “Luna?” Hindi ko na hinintay na makapagtanong pa siya. “Bantayan mo ang ex mo. Gumagawa na naman ng paraan para sirain tayo.” Napabuntong-hininga siya. “Anong ginawa na naman niya?” “Pumunta siya rito kanina. Nagdala ng regalo para kay Bailey, kuno. Pero ang totoo, gusto lang niyang ipakita sa akin ang picture na may kasamang ibang lalaki.” “Anong picture?” “May kuha akong kasama ang doktor ko. Hinalungkat niya ang social media siguro o hindi ko alam kung saan niya nakuha. Ipinakita niya sa akin na parang may ibig sabihin, as if may tinatago ako sa ‘yo.” Narinig ko ang pagkaluskos sa kabilang linya, tila napahawak siya sa sentido. “Jesus, Luna… Alam mo naman na hindi kita paghihinalaan, ‘di ba?” “Alam ko. Pero kilal
Luna's POV Hindi ko alam kung anong nangyayari sa asawa ko, pero nitong mga nakaraang araw, parang sinasagad niya ang pagiging sweet at clingy niya sa akin. Hindi ko alam kung may atraso ba siya o talagang sinusulit lang niya ang bawat oras na magkasama kami. “Luna,” tawag niya habang nakasandal sa pinto ng kusina, nakapamulsa at nakangiti sa akin na parang may binabalak na naman. Napalingon ako sa kanya habang nag-aayos ng mga plato sa mesa. “Hmm?” Lumapit siya at bigla akong niyakap mula sa likuran, ipinatong ang baba niya sa balikat ko. “Pwedeng huwag ka nang magligpit? Halika na sa kwarto natin.” Napairap ako, pero hindi ko mapigilan ang pagngiti. “Alexus, huwag kang istorbo. Hindi ako makakagalaw nang maayos.” “Hindi mo na kailangang gumalaw.” Mas lalo niyang hinigpitan ang yakap niya sa akin, at marahan niyang hinalikan ang leeg ko. “Namiss kita.” “Magkasama tayo buong araw,” natatawa kong sagot. “Hindi sapat.” Kinalas ko ang kamay niyang nakayakap sa bewang ko at humar
Luna's POV Pagkapasok namin sa loob ng bahay, napangiti ako nang makita ulit ang bawat sulok ng lugar na minsan kong tinalikuran. Ang bango ng cinnamon-scented candles na laging pinapalitan ni Alexus, ang maaliwalas na sala na may paborito kong fluffy couch, at ang mga family pictures na nakasabit sa dingding. Pakiramdam ko, heto na ulit ako sa totoong tahanan ko. “Finally, we’re home,” bulong ni Alexus habang yakap si Bella, na abala namang pinagmamasdan ang paligid. “Mommy! Ang ganda pa rin ng bahay natin!” sigaw ni Bella, tumatakbo palapit sa akin bago yumakap sa bewang ko. “Miss na miss ko ‘to!” Napatawa ako at hinaplos ang buhok niya. “Miss na miss ka rin ng bahay natin, anak.” Si Bailey naman ay mahimbing na natutulog sa kanyang carrier, hindi alintana ang excitement naming lahat. Napangiti ako habang pinagmamasdan siya. “Gusto mo bang umakyat na sa kwarto natin para makapagpahinga?” tanong ni Alexus habang inaabot ang maleta ko. Umiling ako. “Mamaya na. Gusto ko munang n
Luna's POV Pagkatapos ng binyag ni Bailey, halos hindi pa rin ako makapaniwala na natapos ang araw na puno ng kasiyahan. The warmth of family, the laughter of friends, at higit sa lahat, ang presensya ng buong Del Fuego clan—lahat ng iyon ay parang panaginip lang noon. Ngayon, totoo na. Nang makarating kami sa bahay, bitbit ko si Bailey habang si Bella naman ay masayang karga ni Alexus. Halatang pagod na ang panganay namin dahil mahigpit na nakayakap siya sa leeg ng ama niya. “Mommy, I had so much fun,” bulong ni Bella habang nakasandal sa balikat ni Alexus. “I’m glad, baby. Pero mukhang inaantok ka na,” natatawang sabi ko, hinahaplos ang kanyang likod. Napabuntong-hininga si Alexus habang naglalakad papasok sa bahay. “This was a long day, but I wouldn’t trade it for anything.” Nginitian ko siya. “Ako rin.” Pagkapasok namin, dahan-dahan kong inilapag si Bailey sa kanyang crib. She was sleeping peacefully, her tiny chest rising and falling. Lumingon ako kay Bella, na halos nakap
Brent’s POVBago pa man ako pumasok sa silid ni Gabriel ay sinigurado ko munang abala si Bella sa ibang pasyente. Ayokong may makakita sa akin. Ayokong may pumigil. At higit sa lahat, hindi ko kailangang maging doktor niya para lang masukat kung gaano kalaking kasalanan ang ginawa niya kay Bella. Hindi niya kailanman malalaman ang bigat ng sakit na dinanas ni Bella—pero sisiguraduhin kong mararamdaman niya ito ngayon.Dahan-dahan kong binuksan ang pinto ng pribadong silid. Tahimik ang loob, malamig ang aircon, at ang tunog ng heart monitor ang tanging tunog sa paligid. Nakaupo na si Gabriel sa kama, nakasandal sa headboard, at tila naghihintay. Nang magtama ang aming mga mata, agad na nawala ang kulay sa mukha niya.“A-Anong ginagawa mo rito? Hindi naman ikaw ang doktor ko,” tanong niya, may bahid ng pagtataka pero mas nangingibabaw ang takot.Ngumiti ako. Isang malamig na ngiti na siguradong hindi niya inaasahan mula sa akin. Pinaglalaruan ko ang syringe sa pagitan ng mga daliri ko—i
Bella’s POVPagkatapos ng mahigit apat na oras sa operating room, tuluyang natapos ang operasyon. Tagaktak ang pawis ko sa ilalim ng surgical cap, habang unti-unti kong tinanggal ang gloves ko. Nakayuko pa rin ako, pinagmamasdan ang katawan ni Gabriel na ngayon ay balot ng puting kumot, stable na ang vital signs at walang immediate danger. The ruptured spleen had been removed, the internal bleeding controlled, and his breathing had normalized. He was going to live.But what about me?Pakiramdam ko, ako ang naoperahan.“Vitals are good, Doctor,” sabi ni Nurse Flor habang kinukumpirma ang reading ng monitor. “Wala na pong active bleeding. Naka-transfer na rin sa recovery room ang pasyente.”Tumango lang ako at lumingon sa orasan. Alas-tres na ng hapon. The hospital corridors were starting to fall into silence, but my heart had not known peace all day. Tumindig ako at kinuha ang surgical gown ko, tinanggal isa-isa ang mga layer ng proteksyon na nakapaligid sa katawan ko, parang tinatangg
Bella's POV Mainit-init pa ang liwanag ng araw na tumatama sa salamin ng kwarto nang imulat ko ang aking mga mata. Dahan-dahan akong bumangon mula sa kama habang pinipilit alalahanin kung nasaan ako—hanggang sa maalala kong nasa bahay ako ni Brent. O mas tama sigurong sabihing bahay na rin namin, ayon sa kanya. Napailing ako at napabuntong-hininga habang hinahaplos ang sariling sentido. I couldn’t believe I actually let this happen. Amoy na amoy ko ang bango ng tinapay, itlog, at brewed coffee. Sumabay pa sa amoy ang mahinang tunog ng sizzling mula sa kusina. Tumayo ako at lumabas ng kwarto suot pa rin ang malambot na pajama set na iniregalo ni Mommy noong nakaraang Pasko. Nasa kusina nga si Brent—nakasuot ng plain white shirt at gray na sweatpants, nakatali ang buhok, at abala sa pag-aayos ng mga itlog sa frying pan. "Good morning, my fiancee," bati niya nang mapansin ang presensya ko. Hindi siya lumingon, pero kita ko ang ngiti sa gilid ng labi niya. “Nagising ka ba sa ingay o sa
Bella’s POVPagkatapos ng buong araw ng rounds, paperwork, at ilang emergency consults, pakiramdam ko ay bibigay na ang mga paa ko. Kaya’t halos hindi ko na ininda ang bigat ng katawan habang naglalakad palabas ng ospital. Gusto ko lang umuwi, maligo ng mainit, at humilata sa kama. Ngunit bigla akong napatigil nang mapansing may humintong itim na kotse sa mismong harapan ko.Tahimik itong umusad at huminto eksaktong nasa tapat ko. Mabilis ang kabog ng dibdib ko. Kahit na may guard at ibang staff sa paligid, hindi ko naiwasang makaramdam ng kaba—lalo na sa biglaang pangyayaring ito.Bumaba ang tinted na bintana at bumungad ang pamilyar na mukha."Good evening, my fiancée," nakangising bati ni Brent, habang sabay na bumukas ang passenger door ng kotse, all automatic.Napalinga-linga agad ako. Diyos ko, sana walang makakita sa amin. Ayoko ng tsismis. Ayoko ng tanong. Ayoko ng espekulasyon. Lalo na ngayong hindi ko pa nga alam kung saan kami pupunta.“Pasok ka na,” dagdag pa niya, ngayon
Bella's POV Hindi ko maalis ang paningin ko sa singsing na nasa daliri ko. Tatlong buwan na ang lumipas mula nang ibigay sa akin ni Brent ang singsing na ‘yon, pero hanggang ngayon ay parang ramdam ko pa rin ang bigat ng bawat salitang binitiwan niya noon. Wala kaming label. Wala kaming malinaw na kasunduan—maliban sa isang bagay: babalik siya sa pagiging doktor, at kapag nangyari iyon, saka lang ako papayag na pakasalan siya. Pero simula noon… ni anino niya, hindi ko na nakita. Parang nawala siya sa mundo ko. Tahimik. Wala man lang kahit isang text o tawag. At mas lalong hindi siya nagpakita. Kaya ngayong umaga, habang nakatayo ako sa harapan ng sink, pilit kong itinatago ang tensyon sa dibdib ko habang pinagmamasdan ang singsing na nasa daliri ko. Bakit hindi ko matanggal ito? “Dr. Bella, mukhang blooming kayo today,” ani Flor, isa sa mga nurse sa department habang naghuhugas ng kamay sa tabi ko. Napalingon ako sa kaniya. “Blooming? Hindi ah.” “Simula po noong nagbakasyon kayo
Bella's POV"How's your vacation?" agad na tanong ni Mommy pagkababa ko pa lang ng kotse. Hindi pa nga ako nakakapasok ng bahay, bungad na agad ang tanong.Bago pa ako makasagot, lumapit na siya kay Brent, ngumiti nang todo, at tila ba matagal na niyang hindi nakita ang paborito niyang anak. Hinila niya ito papasok ng bahay habang masigla pa ring kinakausap.“Mommy! Sino ba talaga ang anak ninyo? Ako o si Brent?” Hindi ko na napigilan ang inis sa boses ko. Parang ako pa tuloy ang bisita sa sarili naming bahay.Nakita kong napangisi si Brent at pasimpleng tumawa. Sinamaan ko siya ng tingin.“Tumigil ka nga riyan. Wala kang karapatang magustuhan ‘yan,” bulong ko sa sarili ko habang padabog na sumunod sa kanila.Pagkapasok sa loob ng bahay, bumungad sa akin ang mga kapatid ni Daddy kasama ang kani-kanilang asawa. Parang mini-reunion agad.“Nakauwi na pala ang ikakasal,” pang-aasar ni Tito TJ nang makita akong umupo sa harapan nila.“Anong ikakasal? Hindi ko pa nga ‘yan boyfriend!” asik k
Bella's POVNapabalikwas ako ng bangon, parang sinampal ng hangin ang ulirat ko nang makita ko kung sino ang katabi ko sa kama.Oh my God. Brent?!At hindi lang basta katabi—topless siya! Kita ang matitigas niyang dibdib at ang defined abs na parang kinukuryente ang sistema ko. Shit.Agad kong tiningnan ang sarili ko. May suot pa naman akong oversized shirt—kakaiba, hindi akin. Sa pagkakakilala ko sa sarili ko, hindi ko ito madalas isuot kahit kailan. Pero mas nakahinga ako nang maluwag dahil may suot pa akong panty at walang senyales na may nangyari. Still…Anong nangyari kagabi?!Napahawak ako sa ulo ko. Parang binugbog ang kalamnan ko at parang may sumabog sa loob ng ulo ko. Then memories started crashing back, piece by piece.The bar.The drinks.The guy named Jacob.At ‘yung mala-horror na moment nang magsimulang manghina ang katawan ko.Si Brent.His face.His arms were catching me.Tapos…Oh God.I kissed him.I practically climbed on him like a wild animal!Napamura ako sa isi
Brent’s POV Napamura ako habang pilit kong inaayos ang pagmamaneho. Mahigpit ang hawak ko sa manibela, pero ang atensyon ko ay nasa babaeng lasing na lasing na nasa tabi ko. She was completely out of it. Hindi ko alam kung gaano karaming alak ang nainom niya o kung may halong kung ano ang ininom niya, pero hindi ito normal. Her body was heating up—ramdam ko iyon dahil panay ang dikit niya sa akin, at kahit malamig ang aircon ng sasakyan, nag-iinit ang katawan niya. Damn it. "Brent..." Mahina niyang tawag, parang may kung anong lambing sa boses niya. "You’re so handsome... Why are you so handsome?" Napakagat ako sa loob ng pisngi ko. “Just stay still, Bella,” malamig kong sagot, hindi ko siya tinapunan ng tingin dahil alam kong kung makikita ko siya ngayon—mukhang lasing, mapungay ang mata, at may bahagyang namumulang labi—baka lalo akong mahirapan. Nang makarating kami sa villa, mabilis akong bumaba ng sasakyan at pinagbuksan siya ng pinto. Pero bago pa ako makagalaw, bigla ni
Brent’s POVNapamura ako sa loob-loob ko habang mabilis kong nilalabas si Bella mula sa bar. Hindi na niya maitutuwid ang sariling mga paa, kaya wala akong choice kundi buhatin siya. Ang kanyang katawan ay bahagyang nakasandal sa akin, at kahit sa ganitong estado, ramdam ko pa rin ang init ng balat niya sa ilalim ng maninipis niyang kasuotan.Alam kong malakas uminom si Bella, pero hindi siya ganito. Hindi siya basta-basta natutumba sa alak. Kung ano man ang nasa baso niya kanina, sigurado akong hindi lang basta alak ‘yon.Lumabas kami sa bar, at sa bawat hakbang ko, mas lalo kong nararamdaman ang bigat ng sitwasyon. Gusto ko siyang pagalitan, sigawan, at ipamukha sa kanya kung gaano siya ka-reckless. Pero hindi ko magawa. Hindi ngayon. Hindi sa ganitong estado niya.“Ang init,” bulong niya, kasabay ng pag-ungol at pag-galaw ng katawan niya sa braso ko.Bago pa ako makapag-react, naramdaman kong lumapat ang malalambot niyang labi sa leeg ko.I froze.“Damn it, Bella.” Mariin akong nap