THIRD PERSON:Habang nagmamaneho si Lisa, hindi niya maiwasang mapansin ang katahimikan ni Eunice. Bagamat nakaupo lang ito sa tabi niya, halata ang bigat ng iniisip ng bata. Nakatulala sa bintana, tila malayo ang tingin."Eunice, anak, okay ka lang ba?" tanong ni Lisa habang bahagyang nilingon ang pamangkin.Nagulat si Eunice sa tanong, ngunit mabilis na ngumiti nang pilit. "Opo, Ninang. Okay lang po ako," sagot niya, pilit itinatago ang lungkot sa kanyang boses.Napansin ni Lisa ang hindi kapanipaniwalang sagot nito. "Sigurado ka? Para kasing ang lalim ng iniisip mo," dagdag niya, may bahid ng pag-aalala. "Alam mo, anak, kung may problema ka, pwede mong sabihin sa akin. Hindi mo kailangang dalhin lahat mag-isa."Napabuntong-hininga si Eunice at bahagyang tumango. "Ninang, mahirap lang po kasi... ayokong mag-alala si Mama. Gusto ko po siyang matulungan, pero... ang hirap po."Huminto si Lisa sa pagtatanong at tahimik na napaisip habang patuloy na nagmamaneho. Alam niyang hindi biro a
Terakhir Diperbarui : 2025-01-20 Baca selengkapnya