Share

CHAPTER TWENTY-TWO

last update Last Updated: 2025-01-14 15:55:30

THIRD PERSON:

Nagulantang naman siya ng biglang tumunog ang cellphone ni Alejandro. "Si Ate, tumatawag... Wait lang huh," sabi nito at tumango naman si Maricar.

Ilang minutong pag-uusap nila ng ate niya ang lumipas, at mukhang nagmamadali pa itong lumapit kay sa kanya.

"Sorry, Maricar. Mukhang di kita mahahatid. Si Ate kasi nagpapasundo ngayon sa airport, mukhang emergency pa ata."

"Okay lang po, sir," may ngiting sabi ni Maricar. "Ingat po kayo."

"Sure? Pero pupuntahan kita mamaya doon sa shop, okay?"

"Po?!" siyang gulat na tugon na kumindat lang ang binata sa kanya na may matamis na ngiti.

Sa pagpasok ni Alejandro sa kanyang sasakyan, di niya maiwasan na mapangiti, at napaisip siya sa mga nangyari ngayon. Sa bawat pagkakataon na magkasama sila ni Maricar, lalong lumalalim ang kanyang pagtingin sa kanya.

Sa pag-alis ni Alejandro, iniisip pa rin ni Maricar ang sinabi ni Alejandro. May kakaibang init na dumadaloy sa kanyang puso, isang pakiramdam ng pag-asa at kasiyahan na matagal niya
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Related chapters

  • UNWORTHY LOVE:The Untold Sacrifices Of A Devoted Wife   CHAPTER TWENTY-THREE

    THIRD PERSON:Kahit sa mga anak niyang babae, hindi naging madali ang pamumuhay bilang mga anak na lumaki nang walang kasamang ina. Isa itong patunay ng hirap na dinaranas nila sa araw-araw. Sa loob ng tahanang tahimik ngunit puno ng kalungkutan, palaging may alingasngas ng tsismis na bumabalot sa kanilang buhay. Pinakamasakit ang mga usap-usapang nagsasabing iniwan sila ng kanilang ina dahil sa isang eskandalo—ang pangangaliwa umano ng kanilang ama.Hindi nila maitanggi na ang mga bulong at pagtuturo ng mga tao sa kanilang paligid ay tila may buhay, sumusunod sa kanila saan man sila magpunta. Hanggang sa kanilang eskwelahan, hindi nila maiwasan ang maramdaman ang bigat ng mga matang mapanghusga, lalo na kapag sila’y pinag-uusapan sa likuran.Isang hapon, sa oras ng pahinga sa kanilang paaralan, nakaupo si Eunice sa sulok ng silid-aklatan. Hawak niya ang isang lumang aklat, tila nagpapakalunod sa bawat pahina upang kalimutan ang sakit at bigat ng sitwasyon nila. Ang katahimikan ng pal

    Last Updated : 2025-01-16
  • UNWORTHY LOVE:The Untold Sacrifices Of A Devoted Wife   CHAPTER TWENTY-FOUR

    Alejandro POV:Habang minamaneho ko ang sasakyan patungo sa flower shop ni Lola, hindi ko maiwasang mapaisip. Ano kaya ang magiging reaksyon ni Maricar kapag nalaman niyang gusto siyang gawing modelo ni Ate Kath? Parang biglaan, ay mali biglaan nga pala to.... pero alam kong magaling si Ate sa pagpili ng mga taong may natural na karisma, at alam kong makikita niya iyon kay Maricar.“Sinabi mo na bang kukunin nating siyang maging modelo?” tanong ni Ate Kath mula sa passenger seat, nakatingin siya sa labas ng bintana pero halatang excited.“Hindi pa. Kaya nga tayo pupunta doon, Ate. Kailangan muna nating itanong sa kanya.” sagot ko, na medyo kinakabahan din sa magiging reaksyon ni Maricar.“Hmm... Kung ayaw niya, sayang. Pero tingin ko mapapa-oo ko siya,” confident na wika ni Ate. Alam ko kung paano siya magtrabaho—walang sinasayang na pagkakataon, at palaging may plano.Maricar POV:Habang inaayos ko ang mga bagong dating na bulaklak sa shop, hindi ko maiwasang mapaisip sa mga nangyari

    Last Updated : 2025-01-16
  • UNWORTHY LOVE:The Untold Sacrifices Of A Devoted Wife   CHAPTER TWENTY-FIVE

    Maricar POV:Pag-uwi ko, nadatnan kong naglalaro ang mga anak ko sa sala, habang si Lisa naman ay abala rin sa pakikipaglaro sa kanila. Kahit papaano, nawawala ang pagod ko tuwing nakikita kong nag-eenjoy din si Lisa na makipag-bonding sa mga bata."Mama!" tawag sa akin ni Jerald nang mapansin niyang nasa pintuan na ako."Mama!!" pati na rin si Jacob.Ngumiti ako at agad na lumapit sa kanila."Baka masyado niyong inaabala ang Ninang Lisa niyo," biro ko habang yakap-yakap ang dalawa."Ayos lang, Maricar. No ka ba? Feeling ko nga nawawala ang mga wrinkles ko sa mga ito, hahaha," sagot ni Lisa.Natawa naman ako sa sinabi niya. "Parang baliktad ata, Lisa.""Teka, kumain ka na ba?" tanong niya.Bahagya akong umiling. Kakaisip ko kasi sa pinag usapan naming tatlo ni Alejandro at ni Ma'am Kathlyn kanina, nalimutan ko nang kumain."Kumain ka na muna, may niluto akong adobong manok," alok niya."Ahm... Lisa, gusto sana kitang kausapin," seryoso kong wika sa kanya. Kailangang malaman ko rin kas

    Last Updated : 2025-01-19
  • UNWORTHY LOVE:The Untold Sacrifices Of A Devoted Wife   CHAPTER TWENTY-SIX

    Maricar POV:Kinabukasan, habang abala sa pagpapakain sa dalawa kong anak, hindi ko maiwasang mag-isip kung paano ko sasabihin kina Eunice at Lyca ang tungkol sa bagong oportunidad na ito, ang pagiging modelo. Isang bagay na alam kong magdudulot ng malaking pagbabago hindi lang sa akin kundi pati na rin sa kanilang lahat. Iniisip ko kung paano nila ito tatanggapin, kung magiging masaya ba sila para sa akin o mag-aalala dahil sa oras na mas lalong mabawasan para sa kanila. Ngunit sa kabila ng lahat ng agam-agam, alam kong kailangang lakasan ko ang loob ko at ipaliwanag sa kanila na ang lahat ng ito ay para rin sa aming pamilya, para mabigyan ko sila ng mas maayos na kinabukasan. Kaya’t habang inaasikaso ko ang pagkain ng dalawa, tila pilit kong binubuo sa isip ang tamang mga salita para sa mahalagang pag-uusap na ito.Habang naghahanda ng pagkain, naramdaman kong may biglang tumulong luha sa aking mga mata, hindi ko lang alam kung ito ba'y takot o kaba, ngunit naramdaman ko ang bigat n

    Last Updated : 2025-01-19
  • UNWORTHY LOVE:The Untold Sacrifices Of A Devoted Wife   CHAPTER TWENTY-SEVEN

    THIRD PERSON:Ang akala ni Nathan, sa paghabol niya sa pansariling kaligayahan, ay magkakaroon siya ng mas maayos na buhay. Sa pagpili niya kay Ericka at pagtalikod sa pamilya kay Maricar, inakala niyang tama ang kanyang desisyon. Ngunit habang tumatakbo ang oras, unti-unti niyang nare-realize na ang kaligayahang hinangad niya ay nagdadala lamang ng sakit ng ulo at mabigat na pasanin.Habang kumakain sila sa hapag, hindi maiwasan nina Lyca at Eunice ang mag-sikuhan. Parehong nag-aalangan kung sino ang mauunang magsabi tungkol sa bayarin nila sa school. Nagkatinginan ang magkapatid, hanggang si Eunice ang naglakas-loob."Pa, hindi pa po kami nakakapagbayad ng tuition. Puwede po bang..." Napayuko siya, hindi magawang ituloy ang sasabihin nang biglang sumiklab ang tensyon sa mesa."Ano?!! Akala ko ba nabayaran mo na ang mga tuition ng mga bata Ericka?!!" Mariing tanong nit Nathan, nakita ni Ericka ang biglaang pagbagsak ng tensyon sa mga mata ni Nathan at ang bakas sa boses niya ang gali

    Last Updated : 2025-01-19
  • UNWORTHY LOVE:The Untold Sacrifices Of A Devoted Wife   CHAPTER TWENTY-EIGHT

    THIRD PERSON:Naiwan sa katahimikan ang tatlo, walang nag-iimikan. Ilang saglit ang lumipas bago tumayo si Eunice, kasunod si Lyca.“Sandali!” sigaw ni Ericka, na nagpahinto sa kanila. Sa tono ng boses nito, naroon ang galit na pilit pinipigilan."Balak niyo na ba ito? Ang gisahin ako ng ama niyo?!" galit na sabi ni Ericka, titig na titig sa magkapatid habang nagsasalita."PO?!... Hin... hindi po, Tita Ericka," sagot ni Lyca, halatang natataranta at kinakabahan. Agad siyang sumiksik sa tabi ng Ate Eunice niya, hinahanap ang proteksyon ng kanyang kapatid, habang mahigpit na hinahawakan ang braso nito. Nakita nilang nag-aapoy sa galit ang mga mata ni Ericka.Ngunit hindi natinag si Eunice. "Kung ayaw niyo pong magalit si Papa, gawin niyo po nang tama. Maging responsable po kayo, Tita Ericka," matapang niyang sagot, hindi iniinda ang tensyon sa paligid. Mahigpit niyang hinawakan ang kamay ni Lyca."Aba't maldita kang bata ka!" sigaw ni Ericka, ang boses ay nanginginig sa galit. Hindi siy

    Last Updated : 2025-01-19
  • UNWORTHY LOVE:The Untold Sacrifices Of A Devoted Wife   CHAPTER TWENTY-NINE

    THIRD PERSON:Habang nagmamaneho si Lisa, hindi niya maiwasang mapansin ang katahimikan ni Eunice. Bagamat nakaupo lang ito sa tabi niya, halata ang bigat ng iniisip ng bata. Nakatulala sa bintana, tila malayo ang tingin."Eunice, anak, okay ka lang ba?" tanong ni Lisa habang bahagyang nilingon ang pamangkin.Nagulat si Eunice sa tanong, ngunit mabilis na ngumiti nang pilit. "Opo, Ninang. Okay lang po ako," sagot niya, pilit itinatago ang lungkot sa kanyang boses.Napansin ni Lisa ang hindi kapanipaniwalang sagot nito. "Sigurado ka? Para kasing ang lalim ng iniisip mo," dagdag niya, may bahid ng pag-aalala. "Alam mo, anak, kung may problema ka, pwede mong sabihin sa akin. Hindi mo kailangang dalhin lahat mag-isa."Napabuntong-hininga si Eunice at bahagyang tumango. "Ninang, mahirap lang po kasi... ayokong mag-alala si Mama. Gusto ko po siyang matulungan, pero... ang hirap po."Huminto si Lisa sa pagtatanong at tahimik na napaisip habang patuloy na nagmamaneho. Alam niyang hindi biro a

    Last Updated : 2025-01-20
  • UNWORTHY LOVE:The Untold Sacrifices Of A Devoted Wife   CHAPTER THIRTY

    THIRD PERSON:Sa daming dagsaan ng mga customer sa shop, hindi na napansin ni Maricar ang oras. Sunod-sunod ang mga nagpapagawa ng bouquet at nagpapadala ng rush orders. Habang abala siya sa pag-aayos ng isang arrangement, narinig niyang tumawag ang isa sa kanilang staff."Ma'am, may bagong order po ulit! Gusto daw nilang kunin within the hour," sabi ni Ana habang inilalagay ang detalye sa logbook. Dahil nga sa dumami pa ang mga customer nila, nagdagdag na din si Ma'am Loisa ng mga staff upang matugunan ang pangangailangan ng mga customer."Sige, ako na ang bahala," sagot ni Maricar, mabilis na kumuha ng mga bulaklak mula sa rack. Hindi alintana ang pagod, tuloy-tuloy siya sa trabaho, sinisiguradong maganda at maayos ang bawat bouquet na lumalabas sa shop.Napatingin siya saglit sa wall clock at napabuntong-hininga. "Mag-aalas tres na pala," bulong niya. Hindi na niya namalayan ang paglipas ng oras, abala sa pag-asikaso ng mga customer at orders.Habang nilalagay ang huling ribbon sa

    Last Updated : 2025-01-20

Latest chapter

  • UNWORTHY LOVE:The Untold Sacrifices Of A Devoted Wife   CHAPTER SEVENTY-ONE

    THIRD PERSON:Habang naglalakad sa hallway sina Eunice at Lyca, parehong ramdam ang kaba sa dibdib ngunit pilit nilang kinakalma ang sarili.“Ate…” mahinang bulong ni Lyca, bahagyang kumapit sa braso ng kapatid. “Sabi nila… mukha daw mangangain si Don Sebastian.”Biglang natawa si Eunice, pinipigilang humalakhak. “Ano ka ba, isang hita lang naman ang mawawala sa ’yo—depende kung galit siya!”Napasimangot si Lyca at agad sumiksik sa tagiliran ng ate niya. “Eh si Ate naman, imbes na i-comfort ako, tinakot pa lalo!”"Tsk, drama mo," natatawang sabi ni Eunice. "Baka nga 'pag nakita niya tayo, maiyak pa 'yon sa sobrang tuwa. Hindi mo pa nga siya kilala, hinuhusgahan mo na agad. Basta, kalmado lang at magalang tayo sa kanya ’yan ang bilin sa atin ni Mama, lalo na pag kaharap na natin ang ating the great Lolo."“Eh paano kung bigla siyang magsalita ng English tapos may accent, o kaya naman ibang lengwahe?” tanong ni Lyca, kunwa’y seryoso. “Tapos di tayo makasagot, nakakahiya!”Napailing si E

  • UNWORTHY LOVE:The Untold Sacrifices Of A Devoted Wife   CHAPTER SEVENTY

    THIRD PERSON:Nagulat man si Alejandro sa naging asal ni Maricar, nanatili siyang tahimik habang pinagmamasdan ang buong eksena mula sa di kalayuan. Ang babaeng minsang nakita niyang pinupuno ng sakit, takot, at pagdududa sa sarili. ngayon ay nakatayo nang buong tapang, may paninindigan sa bawat salita, at dignidad sa bawat kilos, sa harap mismo nang nanakit sa kanya. Ngayo’y isa na siyang babaeng alam ang halaga niya… at handang ipaglaban ito, kahit kanino pa."Grabe… si Maricar ba talaga 'yan?" bulalas ni Francis, halatang hindi makapaniwala sa pagbabagong nakita niya kay Maricar."Tama lang 'yan. Matagal nang panahon para makabawi siya sa ginawa ng dalawang 'yan," sagot naman ni Miguel, mariing nakatitig kina Nathan at Ericka. Kita sa kanyang tinig ang pagpanig kay Maricar, at ang respeto sa tapang na ipinakita nito.Maya-maya, tumingin si Miguel kay Alejandro na tahimik lang ito, halatang tulala pa rin sa pangyayari."Bro, okay ka lang?" tanong ni Francis, sabay tapik sa balikat n

  • UNWORTHY LOVE:The Untold Sacrifices Of A Devoted Wife   CHAPTER SIXTY-NINE

    THIRD PERSON:Flashback:Halos hindi kumurap si Don Sebastian habang nakaupo sa kanyang malawak at marangyang opisina, nakatingin kay Maricar na tahimik na nakaupo sa kanyang harapan. Sa pagitan nila, isang tumpok ng mga dokumento ang naghihintay ng kanyang lagda."Alam ko, apo, na masyado na akong nagmamadali," wika ng matandang negosyante habang hinawakan ang kanyang baston. "Matanda na ako at hindi ko alam kung anong mangyayari sa mga susunod na taon. Kaya gusto ko nang sanayin ka sa buhay na meron ako, pati na rin ang mga anak mo. Lahat ng ari-arian ko, negosyo, at pangalan ay ipapangalan ko sa'yo upang ikaw ang magpatuloy ng lahat ng ito."Tahimik lamang si Maricar, nakatitig sa mga papeles na nasa kanyang harapan. Ramdam niya ang bigat ng bawat salitang binitiwan ng kanyang lolo. Alam niyang ito ang magiging opisyal na pagpapatibay ng kanyang pagiging isang ganap na Valdez, at ang responsibilidad na kaakibat nito.Huminga siya nang malalim at marahang hinawakan ang pluma. "Alam

  • UNWORTHY LOVE:The Untold Sacrifices Of A Devoted Wife   CHAPTER SIXTY-EIGHT

    THIRD PERSON;Kakain na sana ang mag-aama na sina Lyca, Eunice, at Nathan nang mapatingin sila sa inihain ni Ericka—mga pritong hotdog na halatang sunog.Napangisi si Eunice at pabulong, ngunit malinaw na narinig nina Ericka at Nathan, bumulong ito ng, "Tss! Hotdog na nga lang, sunog pa.""Eunice!" saway agad ni Nathan, ngunit umirap lang ang bata.Hindi maitago ni Ericka ang inis. "Sorry, ha! Wala kasi kayong katulong dito kaya ako na ang nagmagandang-loob na ipagluto kayo!" Sarkastikong tugon niya."Buti pa si Mama, kahit anong lutuin niya, masarap pa rin," biglang sabi ni Lyca, at tumango naman si Eunice bilang pagsang-ayon.Lalong nag-init ang ulo ni Ericka sa dalawang bata. Nangingitngit siyang napabuntong-hininga, pinipigil ang sarili na sumagot pa, ngunit halatang iritado siya."Ano 'yan? Amoy sunog?!"Biglang dumating sina Carol at Emilia, parehong sumisinghot-singhot habang inaamoy ang paligid. Napakunot-noo si Carol bago muling nagsalita, "Ano 'yan? Bakit sunog?"Napatingin

  • UNWORTHY LOVE:The Untold Sacrifices Of A Devoted Wife   CHAPTER SIXTY-SEVEN

    THIRD PERSON:Habang dahan-dahang lumalapit si Maricar kay Don Sebastian, hindi niya maiwasang maramdaman ang pagbilis ng tibok ng kanyang puso. Para bang may mabigat na pader sa pagitan nila, isang pader na hindi basta-basta mabubuwag ng simpleng paglapit lamang. Subalit sa bawat hakbang na kanyang ginagawa, unti-unting napapalitan ng determinasyon ang kanyang kaba. Hindi niya maaaring hayaang magtagal pa ang distansyang ito sa pagitan nila.Nang sa wakas ay tumigil siya sa harap ng kanyang lolo, isang matagal na katahimikan ang namayani. Nag-aalangan si Don Sebastian, tila hindi makapaniwala na nasa harap na niya mismo ang kanyang apo. Hindi niya alam kung dapat ba siyang ngumiti, magsalita, o yakapin ito. Samantalang si Maricar naman ay pilit pinipigilan ang sarili na magpakita ng labis na emosyon.Sa halip, biniro niya ito.“Magpapa-autograph din po ba kayo?” Tanong ni Maricar, pilit na ngumiti kahit may bahagyang pag-aalinlangan sa kanyang tinig.Nataranta si Don Sebastian, halat

  • UNWORTHY LOVE:The Untold Sacrifices Of A Devoted Wife   CHAPTER SIXTY-SIX

    THIRD PERSON:"Grabe, sobrang higpit na talaga ng pagbabantay kay Maricar," sabi ni Loisa habang bahagyang umiling."Parang hindi na siya makakagalaw nang malaya." sabi ni Loisa habang nakatanaw sa buong entablado. Kitang-kita nila ang mahigpit na pagbabantay ng mga security personnel sa paligid. Ilang lalaki ang nakaposisyon sa bawat sulok, laging alerto sa anumang maaaring mangyari. Napabuntong-hininga si Ma’am Elenor at tumango."Kailangan na talagang bantayan siya, lalo na’t alam na ng buong mundo na apo siya ni Don Sebastian," sagot niya, seryoso ang boses."Masyado nang maraming matang nakatutok sa kanya. Hindi natin alam kung sino ang may mabuting intensyon at sino ang may masamang balak.""Pero hindi ba parang sobra na ito?" tanong ni Loisa."Oo, naiintindihan ko na kailangan siyang protektahan, pero paano naman ang kalayaan niya? Hindi ba siya mahihirapan sa ganitong sitwasyon?" Napatingin si Ma’am Elenor kay Loisa, halatang nag-aalalang iniisip din ang bagay na iyon."Alam k

  • UNWORTHY LOVE:The Untold Sacrifices Of A Devoted Wife   CHAPTER SIXTY-FIVE

    THIRD PERSON:Naglalakad sina Maricar at Alejandro sa isang tahimik na lugar na napapalibutan ng mga bulaklak at malalaking puno. Ang mga ilaw sa paligid ay kumikislap nang banayad, at ang malamig na simoy ng hangin ay may dalang halimuyak ng mga bulaklak. Wala ni isang tao sa paligid—parang silang dalawa lang ang naroon."Hmm, ang ganda naman dito," sambit ni Maricar habang huminga nang malalim at pumikit sandali upang damhin ang kapayapaan ng lugar. "Buti hindi matao dito, no?""Ganito daw talaga kapag ganitong oras," sagot ni Alejandro habang nakangiti at nakatanaw sa malayo. "Wala nang nagpupunta dito. Kaya sinadya kong dalhin ka rito para makapag-relax ka nang walang istorbo."Napangiti si Maricar at tiningnan si Alejandro. "Salamat...""Alam kong gusto mo rin minsan na makalayo sa gulo at ingay... Kaya naisip ko, baka magustuhan mo rito."Tumigil si Maricar sa paglalakad at humarap kay Alejandro. 'Sobrang gusto ko nga. Parang ang gaan sa pakiramdam... para bang kahit saglit, nak

  • UNWORTHY LOVE:The Untold Sacrifices Of A Devoted Wife   CHAPTER SIXTY-FOUR

    THIRD PERSON:Reporter 1:"Ericka, totoo bang ikaw ang may pakana ng eskandalo sa event ni Don Sebastian?"Bahagyang tumigil si Ericka at napatingin sa nagtatanong, kasunod ng isang pilit na ngiti.Ericka:"Seriously? Bakit ako gagawa ng ganung kalokohan? Masyado kayong nagpapadala sa tsismis. Walang katotohanan ang mga paratang na 'yan."Reporter 2:"Pero ayon sa mga nakalap na impormasyon, ikaw daw ang nagplano para mapahiya si Maricar. Ano ang masasabi mo rito?"Umismid si Ericka at tumawa nang mapakla.Ericka:"Sa tingin niyo ba, bababa ako sa ganung level? Nakakatawa lang na ang daming naniniwala sa mga sabi-sabi nang walang sapat na ebidensya. At saka, baka nakakalimutan niyo—si Nica ang nasa event na 'yun. Baka nga siya ang may pakana! Baka nababaliw na si Nica kaya niya nagagawa 'yun, tapos ako ang ituturo niyang may sala para sa akin mapunta ang galit ng madla."Reporter 3:"Ang ibig mong sabihin, si Nica ang may kasalanan? Wala ka talagang kinalaman sa nangyari?"Tumikhim si

  • UNWORTHY LOVE:The Untold Sacrifices Of A Devoted Wife   CHAPTER SIXTY-THREE

    THIRD PERSON:Sa pagbabalik ni Maricar sa kanyang karera, nagdesisyon ang team ni Kathlyn na mag-organisa ng isang espesyal na meet-and-greet event. Hindi lamang ito isang paraan upang muling makipag-ugnayan si Maricar sa kanyang mga tagahanga, kundi isa ring simbolo ng kanyang muling pagtayo matapos ang lahat ng unos na pinagdaanan niya.Dumagsa ang mga tao sa venue—mga tagahanga, supporters, at hindi rin nawala ang mga media at ilang kritiko. Masaya ang atmospera, ngunit hindi rin naiwasang magkaroon ng mga mapanuring mata at matatalas na tanong mula sa mga reporter.Isa sa mga unang tanong na ibinato kay Maricar ay tungkol sa kanyang kalagayan matapos niyang malaman na siya pala ang apo ng isa sa pinakamayamang negosyante sa bansa."Maricar, ano ang pakiramdam ng malaman mong bahagi ka pala ng isang bilyonaryong pamilya? May nagbago ba sa pananaw mo sa buhay?" tanong ng isang reporter.Kalma lamang siyang ngumiti bago sumagot. "Marami ang nagbago, pero hindi ako. Ako pa rin si Mari

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status