Lahat ng Kabanata ng UNWORTHY LOVE:The Untold Sacrifices Of A Devoted Wife: Kabanata 11 - Kabanata 16

16 Kabanata

CHAPTER TEN

Maricar POV:Abala ako sa paghahanda ng mga damit na susuotin ng dalawa para sa pagpasok nila bukas, nang makarinig ako ng sasakyan, na ang akala ko ay si Nathan na ang dumating. Laking gulat ko nang pag dungaw ko sa bintana makita ko na sasakyan pala nila Mama. Na bumisita nang hindi inaasahan sa ganitong dis oras na ng gabi, kaya't agad kong iniayos ang bahay at siniguradong hindi makalat habang hind pa sila nakakapasok."Maricar?!!" ang pag tawag na ni Mama"Mama...Ate Carol?!" Nakangiti akong lumapit sa kanila, at handang magmano kay Mama, ngunit sa halip ay natanggap ko ang manipis na titig niya, kasabay ng pag-iwas ng kanyang kamay. At dire- diretso lang silang dalawa sa sala."Tssk!!" narinig ko din kay Ate Carol at matalim na tingin naman ang pinukol niya sa akin.Naramdaman ko ang bigat ng kanilang mga tingin, na mas lalong nangilid ang kaba sa aking dibdib, ngunit pinilit kong panatilihin ang aking ngiti, kahit na ang kanilang mga reaksiyon ay nagdulot ng dagok sa aking damd
last updateHuling Na-update : 2025-01-08
Magbasa pa

CHAPTER ELEVEN

THIRD PERSON:Habang siya ay nananatiling matatag, may mga tao naman na gumagawa ng paraan para mapaalis siya at saktan siya, hindi man sa pisikal na paraan, kundi sa pamamagitan ng emosyon; ang kanilang mga salita at kilos ay puno ng layuning pabagsakin siya, animo'y mga patalim na naglalaslas ng kanyang damdamin at nag-iiwan ng mga sugat na hindi nakikita ng mata ngunit ramdam hanggang sa kaibuturan ng kanyang pagkatao."Naku naman hija nag abala ka pa." wika ni Ginang Emelia ngunit ang kangyang m,ga mata ay halos kuminang sa kakatitig sa dalawang bag sa harapan niya."Maliit na bagay lamang po ito.""Isang Louis Vuitton na bag at channel!! My God ang mamahal ng mga ito Ericka!!" ang hindi mapigilang reaksyon ni Carol habang hinahaplos ng kanyang mga palad ang bag"Talagang bang para sa amin tong mga ito?!"Nakangiti at bahagya naman itong tumango"Kamusta po pala.. ano sabi ni Maricar pag punta niyo po doon?"Nagka tingin naman ang mag ina."Ayon.. mukha atang walang balak na umali
last updateHuling Na-update : 2025-01-08
Magbasa pa

CHAPTER TWELVE

THIRD PERSON:"Ma?!""Hmm?!"Napabuntong hininga muna ang dalagita, tila ba may bigat sa kanyang dibdib na hindi kayang alisin ng simpleng paghinga lamang.Ang pagsulyap ni Eunice sa malaking larawan ng kanyang ina at ama na nakakabit sa pader ng kwarto ay nagdulot ng halong lungkot at galit sa kanyang puso. Nakatitig siya sa mga ngiti ng kanyang mga magulang, na tila ba hindi na nagpapakita ng anumang kulay ng saya sa kasalukuyan. Ang mga alaala ng masayang pamilya ay nagbalik sa kanyang isipan, nagdulot ng sakit na hindi niya kayang tumbasan. Ngunit sa kabila ng lahat, ang kanyang ina ay nagpapatuloy sa laban, patuloy na nagsusumikap, at nagtitiis alang-alang lamang sa kanilang pamilya. "Ngunit hanggang kailan siya ganon? Hanggang kailan siya magtitiis?" Ang paulit-ulit na mga tanong na bumabalot sa isipan ni Eunice ay walang tigil na umaalingawngaw sa kanyang utak."Hanggang kailan ka po magtitiis?" biglang napahinto naman sa pagsusuklay ng buhok ang kanyang ina, halatang nagulat s
last updateHuling Na-update : 2025-01-08
Magbasa pa

CHAPTER THIRTEEN

THIRD PERSON:Ang akala niya ang pag-uwi ni Nathan ay ang pag-aayos nilang mag-asawa at ano man ang mangyayari handa siyang mag patawad at bigyan ng pagkakataon si Nathan upang makapag simula ulit sila. At ang pagpapaliwanag sa kanyang mga katanungan ay masasagot nito, ngunit hindi pala. Dahil ang buong desisyon na ni Nathan ay mismong ikakasira na ng kanilang pamilya at ang ipagpatuloy ang kanilang relasyon ni Ericka. Isang bagay na hindi niya kailanman inasahan na mangyayari, lalo na't umaasa siyang magkakaroon pa sila ng pagkakataong muling magsama at magkasundo at magsimula muli.Maricar POV:"Mama, si papa dumating na po!!" ang masayang sigawan naman ni Jacob at Jerald habang nag tatalon pa nga itong naka dungaw sa may bintana. Halos hindi mapakali sa kanilang tuwa at sabik na makita si Papa na matagal nilang hindi nakasama.May kung anong kumurot naman sa puso ko habang pinapanood silang dalawa, kung gaano sila kasaya sa pag uwi ng kanila Ama. Samantala ang dalawa kong babae nam
last updateHuling Na-update : 2025-01-08
Magbasa pa

CHAPTER FOURTEEN

Maricar POV"Bakit naman di ka nagsasalita na ito na pala ang pinapasan mong problima Maricar?!!" Nagagalit ngunit naandoon ang pag aalala sa kanyang boses na panenermon sa akinAkong pilit ngumiti na lamang sa kanya, hindi na ako nag kikwento sa kanya simula nung na nahuli ko si Nathan at ang kalaguyo nito sa office niya... At ito na datnan niya na lang akong nag iimpake. Pag katapos ng pag uusap namin ni Nathan at ng mapirmahan ko ang papeles agad din itong umalis."Sa akin na hmm.... sa akin kana tumira tutal naman umuwi sila mama ng probinsya kaya wala akong kasama doon."Tumango na lang, ang biglang pag yakap niya naman sa akin.... "Sige lang umiyak ka na.... umiyak ka pleasee Maricar!!" Pag susumamo nitong siyang umiiyak na nga dinAng mga luha kong may sariling mundo at sumunod naman sa utos ni Lisa... "Huhuhu Lisa!!.... wa....la... na ngang.... pag..asa mag bago ang lahat!!"Ang mga salita ko'y parang mga bubog na lumalabas sa aking bibig, kasabay ng pag-agos ng mga luha na mat
last updateHuling Na-update : 2025-01-09
Magbasa pa

CHAPTER FIFTEEN

Maricar POV:Habang nagsisimula kaming mag-iinang mag-ayos ng mga gamit sa bago naming munting kwarto, naramdaman ko ang kakaibang katahimikan na para bang nagbibigay ng bagong simula. Ang bawat sulok ng silid ay nagbibigay ng bagong atmospera, ngunit ngayon ay magsisilbing bagong tahanan para sa aming mag-iina. Habang binubuksan ko ang mga maleta at inilalagay ang mga gamit sa kanilang mga bagong puwesto, hindi ko maiwasang mapansin ang mala-emosyonal na alon ng mga alaala at pag-asa na bumabalot sa akin. Ang tunog ng pag bukas ng zipper na nabubuksan at ang kaluskos ng mga paa namin sa sahig ay nakakapanibago dahil mula sa tiles na dati'y inaapakan ko ngayon ay gawa sa kahoy, isang bagay na may kakaibang tunog at pakiramdam. Ngunit nagsasabi na sa wakas, natagpuan na namin ang lugar kung saan maaaring muling magsimula, maghilom, at magtayo ng mga bagong pangarap at alaala kasama ang mga anak ko di man kumpleto pero sisiguraduhin kong makukuha ko din sa kanila sila Lyca at Eunice. Ka
last updateHuling Na-update : 2025-01-10
Magbasa pa
PREV
12
DMCA.com Protection Status