All Chapters of UNWORTHY LOVE:The Untold Sacrifices Of A Devoted Wife: Chapter 51 - Chapter 60

72 Chapters

CHAPTER FORTY-NINE

THIRD PERSON:Ang engrandeng event ni Don Sebastian ay ginaganap sa pinakamalaking ballroom ng isang prestihiyosong hotel sa lungsod. Ang lugar ay napapalibutan ng mga kilalang personalidad, mga politiko, mga bigateng negosyante, at mga sikat na artista. Nagliliwanag ang mga chandelier, at ang kanilang mga kristal na nakabitin ay nagtatapon ng sinag na tila mga bituin sa bawat sulok ng silid. Ang mahahabang lamesa ay punung-puno ng mga pinakamagarang pagkain at inumin, habang ang mga waitstaff na nakasuot ng maayos na uniporme ay walang tigil sa pag-aasikaso sa mga bisita.Sa kabila ng marangyang paligid, ang bawat isa’y tila sabik sa mga susunod na kaganapan.Nang dumating sina Maricar, tila nagkaroon ng alon sa karamihan. Ang pulang gown ni Maricar ay kumikinang sa ilalim ng ilaw, bumabagay sa kanyang maputing kutis at simpleng makeup na nagbigay-diin sa kanyang natural na ganda. Sa bawat hakbang niya, tila huminto ang oras; ang kaba na kanina’y makikita sa kanyang mukha ay napalita
last updateLast Updated : 2025-02-02
Read more

CHAPTER FIFTY

THIRD PERSON:"Tingnan mo nga naman, andito din pala tong mga panget na 'to," biglang sabi ni Lisa, sabay irap at kumpas ng ulo sa direksyon ng mga tao sa kabilang bahagi ng ballroom. Napalingon naman sina Kathlyn at Liosa sa tinutukoy niya."Sino?" tanong ni Liosa, halatang nagtataka."Ayan, oh, yung nasa kabilang side na 'yan," sagot ni Lisa, sabay turo sa grupo nila Nathan na abala sa pag-uusap."Teka, sila ba yung mga nag-eskandalo sa shop dati?" tanong ni Liosa habang sinisilip ang tinutukoy."Hays, oo nga. Tingnan mo ang mga mata nila, tsk… halatang mga inggit. Mas lalo na sigurong maiinggit kay Maricar ngayon. Ang ganda-ganda na niya, naku! Buti na lang talaga wala ako nung panahon na nag-eskandalo sila sa shop niyo. Kung nagkataon, sabunot talaga abot sa akin ng mga 'yan," gigil na gigil na sabi ni Lisa habang halatang inis na inis sa grupo ni Emelia."Lisa, shhh! Tama na," mahinang awat ni Kathlyn, sabay hawak sa braso ng kaibigan. "Nakakahiya. Huwag ka namang masyadong maing
last updateLast Updated : 2025-02-05
Read more

CHAPTER FIFTY-ONE

THIRD PERSON:Katulad ng isang eksena sa pelikula, umalingawngaw ang palakpakan sa buong bulwagan matapos ang nakakakilig at eleganteng sayawan nila Maricar at Alejandro. Ang kanilang chemistry ay hindi matatawaran, at malinaw sa lahat ng nanonood na mayroong espesyal na koneksyon sa pagitan nila."Ang galing niyo!" sabi ni Liosa, na halos mapatalon sa excitement habang papalapit kay Maricar. "Parang prinsipe’t prinsesa sa isang fairy tale!"Hindi pa man tuluyang humuhupa ang kasiyahan sa paligid, dumating na sina Francis at Miguel, kapwa gwapo at pormal ang mga bihis. Halatang pinaghandaan nila ang gabing iyon. Tumayo silang dalawa malapit sa mesa nina Liosa at Lisa, ang mga tingin ay puno ng kumpiyansa.Habang naglalakad ang dalawa papunta sa mesa nina Liosa at Lisa, hindi nakapagpigil si Lisa na magtaas ng kilay at magbigay ng mataray na puna. "Naku, dumating pa kayong dalawa," sabi niya nang sarkastiko, sabay irap sa kanila.Ngumiti si Miguel at lumingon kay Francis. "Ang sweet ta
last updateLast Updated : 2025-02-05
Read more

CHAPTER FIFTY-TWO

THIRD PERSON:Abala si Don Sebastian sa pakikisalamuha sa kanyang mga bisita. Ang kanyang postura ay mahinahon ngunit puno ng awtoridad, isang tunay na simbolo ng isang makapangyarihang tao. Sa kabila ng kanyang kakayahang magdala ng isang silid na puno ng respeto at paghanga, may bahagyang pagbabago sa kanyang ekspresyon nang masulyapan niya si Maricar mula sa kabilang panig ng bulwagan.Humugot siya ng malalim na pag hininga, tila iniipon ang lakas ng loob na kinakailangan upang harapin ang katotohanan na matagal niyang iniiwasan. Ang dalaga—na naging dahilan ng kontrobersiya at lihim sa kanyang pamilya—ay ngayon nakatayo sa harapan niya, hindi na bilang isang estranghero kundi bilang kanyang kaisa-isang apo.Matapos ang ilang sandali ng pag-aalinlangan, tumayo si Don Sebastian...nang mas diretso, pinanatili ang kanyang dignidad at awtoridad. Sa kabila ng bigat ng emosyon na kanyang nararamdaman, naglakad siya nang marahan ngunit sigurado papalapit kay Maricar, handang ibigay ang ka
last updateLast Updated : 2025-02-07
Read more

CHAPTER FIFTY-THREE

THIRD PERSON:Habang nagkakagulo sila, sina Don Rafael, Carol, at Emelia ay tila hindi makagalaw sa kanilang kinatatayuan. Walang balak na lumapit kila Ericka at Nathan, at bakas sa kanilang mga mukha ang pagkabigla, hiya, at isang hindi maipaliwanag na takot. Para bang sa isang iglap, lahat ng itinago nilang lihim ay maaaring sumabog anumang oras. Si Don Rafael ay napatingin kay Carol, na bahagyang napayuko, habang si Emelia naman ay mahigpit na napakapit sa kanyang mga kamay, wari’y may iniisip kung paano makakalabas sa sitwasyong ito nang hindi nadadamay."Bantayan niyo ng maigi si Maricar," utos ni Don Sebastian sa isang tauhan.Samantala, marahang hinawakan ni Alejandro ang kamay ni Maricar at mahinang bumulong, "Halika na, Maricar." Para hindi na siya madamay pa sa gulo.Napatango na lamang si Maricar, ramdam ang pag-aalalang bumabalot sa paligid. Ngunit bago pa man siya makatalikod upang iwan sina Ericka at ang gulong nilikha nito."Teka!! Saan ka pupunta, bruha!!" sigaw ni Eri
last updateLast Updated : 2025-02-08
Read more

CHAPTER FIFTY-FOUR

THIRD PERSON:Matapos ang matinding rebelasyon, agad na inutusan ni Don Sebastian si Alejandro na iuwi muna si Maricar sa mansion. Alam niyang kailangang mapag-usapan at maipaliwanag nang maayos ang lahat ng nangyari. Sa gitna ng tensyon, walang nagawa si Maricar kundi sumunod, habang si Nathan ay nanatiling tahimik, pinagmamasdan ang paglayo nito. Hindi maitatanggi ang lungkot at panghihinayang sa kanyang mga mata, ngunit batid niyang wala na siyang magagawa upang baguhin ang sitwasyon.Samantala, si Don Rafael ay pilit na ikinukubli ang kaguluhang idinulot ng kanyang anak. Sa kabila ng kahihiyan, pinanatili niya ang maamong anyo at mahinahong boses habang humihingi ng paumanhin sa mga bisita. Alam niyang kailangang mabilis na mapagtakpan ang eskandalo upang hindi lumala ang sitwasyon at maapektuhan ang kanilang pangalan."Don Sebastian, isa lamang itong hindi pagkakaintindihan at—"Hindi na niya natapos ang sasabihin nang itaas ni Don Sebastian ang kanyang kamay—isang tahimik ngunit
last updateLast Updated : 2025-02-10
Read more

CHAPTER FIFTY-FIVE

THIRD-PERSON:Pagdating ng sasakyan sa harap ng engrandeng mansion, bumukas ang pinto at mabilis na lumapit si Alejandro upang alalayan si Maricar. Maingat niyang iniabot ang kanyang kamay sa dalaga.Nang mahawakan niya ang kamay ni Maricar, ramdam niya ang panginginig nito. Malamig din ang mga palad niya, tanda ng kaba at emosyon na bumabalot sa kanya. Hindi siya nagsalita, ngunit pinisil niya nang bahagya ang kamay ni Maricar upang ipadama ang kanyang suporta.Tumingin si Maricar kay Alejandro, bahagyang nabawasan ang bigat ng kanyang dibdib sa mainit na presensiya nito. "Salamat," bulong niya, halos hindi marinig ng iba."Narito lang ako," tugon ni Alejandro, titig na titig sa dalaga, puno ng sinseridad ang kanyang mga mata.Habang naglalakad sila papasok sa loob ng napakagarang mansion, hindi binitiwan ni Maricar ang kamay ni Alejandro. Sa kabila ng kanyang kaba at emosyon, ang pakiramdam ng hawak na iyon ay nagbibigay sa kanya ng lakas na harapin ang gabing ito.Mula sa kanilang
last updateLast Updated : 2025-02-21
Read more

CHAPTER FIFTY-SIX

THIRD PERSON:Ang mag-ina na sina Ginang Emelia at Carol ay hindi pa rin makapaniwala sa rebelasyon ni Maricar—na isa itong apo ng pinakamayaman sa lungsod. Ang pagkakilala nila kay Maricar ay isa lamang itong ulila na tila walang alam tungkol sa kanyang pamilya. Habang nag-uusap silang dalawa tungkol kay Maricar, tahimik lamang si Nathan sa isang tabi, halatang malayo ang iniisip."Hindi ko pa rin lubos maisip," ani Carol habang naglalakad paikot-ikot sa sala. "Si Maricar... apo pala siya ng pinakamakapangyarihang tao sa lungsod! Paano nangyari ito?"Si Emelia, na mas kalmado ngunit hindi rin maitago ang pagkagulat, ay nakaupo sa sopa, nagmumuni-muni. "Ilang taon na nating nakasama ang babaeng iyon. Ni minsan, hindi siya nagbanggit ng tungkol sa pamilya niya. Laging misteryoso ang nakaraan niya, na akala natin isa siyang ulila.""Pero sino ba namang mag-aakala na siya pala ang nawawalang apo ni Don Sebastian?" patuloy ni Carol, ang boses niya’y puno ng pagtataka. "Ang mga ganitong ba
last updateLast Updated : 2025-02-21
Read more

CHAPTER FIFTY-SEVEN

HIRD PERSON:Abala si Lisa sa pakikipaglaro sa dalawang bata nang dumating sina Kathlyn at Alejandro. Agad namang sumigla ang mga bata at mabilis na tumakbo palapit sa kanila."Tito Alejandro! Tita Kath!" masiglang sigaw ng mga bata habang mahigpit silang niyakap.Nakangiting hinaplos ni Alejandro ang ulo ng isa sa kanila. "Namiss niyo ba kami?" tanong niya, habang si Kathlyn naman ay may bitbit na supot."Hmm, may dala kaming pasalubong para sa inyo," sabi ni Kathlyn, iniabot ang ilang matatamis na tinapay at tsokolate sa mga bata. Kaagad namang sumilay ang matinding tuwa sa kanilang mga mukha.Habang masayang naglalaro ang mga bata sa tabi, napatingin si Alejandro kay Lisa. Napansin niya ang bahagyang lungkot sa mukha nito, kaya hindi niya naiwasang magtanong."Kamusta na siya?" Tanong niya, halatang puno ng pag-aalala ang kanyang tinig.Napabuntong-hininga si Lisa at saglit na tumingin sa direksyon ng kwarto ni Maricar. Alam niyang kahit anong gawin niya para aliwin ito, may bigat
last updateLast Updated : 2025-02-27
Read more

CHAPTER FIFTY-EIGHT

THIRD PERSON:"Grabe na talaga yang Ericka na ‘yan! Sobrang kapal ng mukha, talagang binalak pa niyang pahiyain si Maricar sa harap ng maraming tao," inis na sabi ni Lisa habang mariing tinatapik ang sopa, bakas sa kanyang mukha ang galit."Di ko nga din inakala na siya pala ang may kagagawan kung bakit hindi nagpakita sa amin si Nica," sagot ni Kathlyn, bumuntong-hininga ito, pilit pinapakalma ang sarili. "Kahit ako, nanggigil din. Gustong-gusto ko na ding sakalin ang babaeng iyon! Naunahan mo lang ako.""Tss! Kulang pa nga ‘yon sa kanya, eh. Dapat nga ingudngod ko pa sana ang kakapalan ng mukha niya! Kung pwede lang, ginawa ko na!"Nagkatinginan silang dalawa, kapwa ramdam ang inis, ngunit ang galit ay agad napalitan ng lungkot nang mapatingin sila sa direksyon ng kwarto ni Maricar. Maya-maya pa, parehong bumuntong-hininga ang dalawa, ang inis na nararamdaman ay napalitan ng bigat sa kanilang dibdib."Sobrang nasasaktan na rin ako sa nangyayari sa kaibigan natin," mahina ngunit puno
last updateLast Updated : 2025-02-27
Read more
PREV
1
...
345678
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status