Share

CHAPTER FIFTY-SIX

last update Last Updated: 2025-02-21 21:29:08

THIRD PERSON:

Ang mag-ina na sina Ginang Emelia at Carol ay hindi pa rin makapaniwala sa rebelasyon ni Maricar—na isa itong apo ng pinakamayaman sa lungsod. Ang pagkakilala nila kay Maricar ay isa lamang itong ulila na tila walang alam tungkol sa kanyang pamilya. Habang nag-uusap silang dalawa tungkol kay Maricar, tahimik lamang si Nathan sa isang tabi, halatang malayo ang iniisip.

"Hindi ko pa rin lubos maisip," ani Carol habang naglalakad paikot-ikot sa sala. "Si Maricar... apo pala siya ng pinakamakapangyarihang tao sa lungsod! Paano nangyari ito?"

Si Emelia, na mas kalmado ngunit hindi rin maitago ang pagkagulat, ay nakaupo sa sopa, nagmumuni-muni. "Ilang taon na nating nakasama ang babaeng iyon. Ni minsan, hindi siya nagbanggit ng tungkol sa pamilya niya. Laging misteryoso ang nakaraan niya, na akala natin isa siyang ulila."

"Pero sino ba namang mag-aakala na siya pala ang nawawalang apo ni Don Sebastian?" patuloy ni Carol, ang boses niya’y puno ng pagtataka. "Ang mga ganitong ba
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Related chapters

  • UNWORTHY LOVE:The Untold Sacrifices Of A Devoted Wife   CHAPTER FIFTY-SEVEN

    HIRD PERSON:Abala si Lisa sa pakikipaglaro sa dalawang bata nang dumating sina Kathlyn at Alejandro. Agad namang sumigla ang mga bata at mabilis na tumakbo palapit sa kanila."Tito Alejandro! Tita Kath!" masiglang sigaw ng mga bata habang mahigpit silang niyakap.Nakangiting hinaplos ni Alejandro ang ulo ng isa sa kanila. "Namiss niyo ba kami?" tanong niya, habang si Kathlyn naman ay may bitbit na supot."Hmm, may dala kaming pasalubong para sa inyo," sabi ni Kathlyn, iniabot ang ilang matatamis na tinapay at tsokolate sa mga bata. Kaagad namang sumilay ang matinding tuwa sa kanilang mga mukha.Habang masayang naglalaro ang mga bata sa tabi, napatingin si Alejandro kay Lisa. Napansin niya ang bahagyang lungkot sa mukha nito, kaya hindi niya naiwasang magtanong."Kamusta na siya?" Tanong niya, halatang puno ng pag-aalala ang kanyang tinig.Napabuntong-hininga si Lisa at saglit na tumingin sa direksyon ng kwarto ni Maricar. Alam niyang kahit anong gawin niya para aliwin ito, may bigat

    Last Updated : 2025-02-27
  • UNWORTHY LOVE:The Untold Sacrifices Of A Devoted Wife   CHAPTER FIFTY-EIGHT

    THIRD PERSON:"Grabe na talaga yang Ericka na ‘yan! Sobrang kapal ng mukha, talagang binalak pa niyang pahiyain si Maricar sa harap ng maraming tao," inis na sabi ni Lisa habang mariing tinatapik ang sopa, bakas sa kanyang mukha ang galit."Di ko nga din inakala na siya pala ang may kagagawan kung bakit hindi nagpakita sa amin si Nica," sagot ni Kathlyn, bumuntong-hininga ito, pilit pinapakalma ang sarili. "Kahit ako, nanggigil din. Gustong-gusto ko na ding sakalin ang babaeng iyon! Naunahan mo lang ako.""Tss! Kulang pa nga ‘yon sa kanya, eh. Dapat nga ingudngod ko pa sana ang kakapalan ng mukha niya! Kung pwede lang, ginawa ko na!"Nagkatinginan silang dalawa, kapwa ramdam ang inis, ngunit ang galit ay agad napalitan ng lungkot nang mapatingin sila sa direksyon ng kwarto ni Maricar. Maya-maya pa, parehong bumuntong-hininga ang dalawa, ang inis na nararamdaman ay napalitan ng bigat sa kanilang dibdib."Sobrang nasasaktan na rin ako sa nangyayari sa kaibigan natin," mahina ngunit puno

    Last Updated : 2025-02-27
  • UNWORTHY LOVE:The Untold Sacrifices Of A Devoted Wife   CHAPTER FIFTY-NINE

    THIRD PERSON:Pagkarating sa kanilang bahay, agad na ibinalibag ni Carol ang kanyang bag sa sofa, saka padabog na naupo. Halos umusok ang kanyang ilong sa sobrang inis, habang si Ginang Emelia naman ay tahimik lang na umupo sa tabi niya, pinagmamasdan ang anak na nagngingitngit sa galit.“Mama! Nakakagigil sila ha!! Ang kakapal ng mga mukha lalo na iyang Lisa na iyan!!!” reklamo ni Carol habang mariing tinatapakan ang sahig. “Akala mo kung sinong magaling kung makapagbitaw ng salita! Ang sarap talagang pagsabunutan! Kung hindi mo lang ako pinigilan kanina, baka napunit na yang dila niya sa akin!”Napabuntong-hininga nang malalim si Ginang Emelia bago umiling. “Hayaan mo na. Huwag mong hayaang pairalin ang pagmamaldita mo, Carol. Hindi tayo dapat sumuko.”“Sumuko saan, Mama?!” pasinghal na sagot ni Carol. “Kahit anong gawin natin, hindi na tayo makakabalik sa buhay ni Maricar. Hindi mo ba nakita kung paano nila tayo itinaboy?! Wala na tayong pag-asa!”Saglit na natahimik si Ginang Emel

    Last Updated : 2025-02-28
  • UNWORTHY LOVE:The Untold Sacrifices Of A Devoted Wife   CHAPTER SIXTY

    THIRD PERSON:Sa loob ng opisina ni Don Rafael, mas lumalim ang kanyang galit nang makatanggap ng panibagong tawag mula sa kanyang finance director. Halos maputla ang mukha nito habang nag-uulat."Don Rafael, hindi lang po ang mga investor ang umaatras... pati ang mga bangkong pinagkakautangan natin ay naniningil na. Nabahala sila sa mga negatibong balita tungkol sa kumpanya natin at gusto nilang tiyakin na mababayaran natin ang mga utang sa lalong madaling panahon."Halos mapatid ang ugat sa sentido ni Don Rafael sa narinig. "Ano?!""Opo, Don Rafael," patuloy ng finance director habang pinupunasan ang butil ng pawis sa noo. "Nagpadala na po ng formal demand letter ang dalawang bangko—ang Prime Global Bank at East Horizon Financial. May ilang investors din po na umatras dahil sa pangamba na baka bumagsak ang negosyo natin."Mabilis na naglakad pabalik-balik si Don Rafael sa loob ng kanyang opisina, halos hindi alam kung ano ang uunahin. "Anong ibig mong sabihin?! Hindi tayo basta-bast

    Last Updated : 2025-03-03
  • UNWORTHY LOVE:The Untold Sacrifices Of A Devoted Wife   CHAPTER SIXTY-ONE

    THIRD PERSON:Natapos ang pagsasanay ng magkapatid na hindi makapag-focus dahil sa matinding pag-aalala nila sa kanilang ina. Sa buong pagsasanay, hindi maalis sa kanilang isipan ang napanood na balita, kaya’t hindi nila lubos na nagampanan ang kanilang mga gawain. Sa bawat galaw, sa bawat hakbang, isang tanong lang ang bumabalot sa kanilang isipan—"Kumusta na kaya si Mama?"Dahil dito, agad nilang napagdesisyunang dumiretso sa bahay ng kanilang Ninang Lisa matapos ang ensayo upang makausap nang masinsinan ang kanilang ina. Gusto nilang malaman ang buong katotohanan at alamin kung maayos ang kalagayan nito. Bukod sa pagnanais nilang maliwanagan, nais rin nilang iparamdam sa kanilang ina na hindi siya nag-iisa sa kabila ng anumang pagsubok.Ngunit pagdating nila sa bahay, tila lalo silang nakaramdam ng kaba. Wala silang nakitang kahit isang reporter sa paligid—isang bagay na labis nilang ikinataka. Sa halip, puro mga lalaking nakasuot ng itim na suit ang kanilang nadatnan, animo’y mga

    Last Updated : 2025-03-08
  • UNWORTHY LOVE:The Untold Sacrifices Of A Devoted Wife   CHAPTER SIXTY-TWO

    THIRD PERSON:Makalipas ang ilang linggo ng pagpapahinga, napagdesisyunan na rin ni Maricar na bumalik sa trabaho. Alam niyang hindi niya maaaring takasan ang kanyang mga responsibilidad magpakailanman. Kailangan niyang bumangon, hindi lamang para sa kanyang sarili kundi para rin sa kanyang mga anak.Habang nag-aayos siya ng mga gamit, hindi naiwasan ni Lisa ang mag-alala. "Sigurado ka na bang babalik ka na ulit?" tanong nito, halatang may pag-aalinlangan sa boses.Bahagya namang tumango si Maricar, bagamat may bahagyang pag-aalinlangan pa rin sa kanyang mga mata. "Oo naman, Lisa. Hindi ko pwedeng iwanan ang sinimulan natin nila Kathlyn."Sa tabi ni Lisa, si Kathlyn naman ay hindi rin napigilan ang kanyang pag-aalala. "Okay ka na ba? I mean... handa ka na bang harapin ulit ang lahat?" tanong niya, may pag-aalinlangan sa kanyang tono. Alam niyang hindi lang simpleng pagbalik sa trabaho ang pinag-uusapan nila—kundi ang pagbabalik ni Maricar sa mundong minsan nang nagdulot sa kanya ng sa

    Last Updated : 2025-03-08
  • UNWORTHY LOVE:The Untold Sacrifices Of A Devoted Wife   CHAPTER SIXTY-THREE

    THIRD PERSON:Sa pagbabalik ni Maricar sa kanyang karera, nagdesisyon ang team ni Kathlyn na mag-organisa ng isang espesyal na meet-and-greet event. Hindi lamang ito isang paraan upang muling makipag-ugnayan si Maricar sa kanyang mga tagahanga, kundi isa ring simbolo ng kanyang muling pagtayo matapos ang lahat ng unos na pinagdaanan niya.Dumagsa ang mga tao sa venue—mga tagahanga, supporters, at hindi rin nawala ang mga media at ilang kritiko. Masaya ang atmospera, ngunit hindi rin naiwasang magkaroon ng mga mapanuring mata at matatalas na tanong mula sa mga reporter.Isa sa mga unang tanong na ibinato kay Maricar ay tungkol sa kanyang kalagayan matapos niyang malaman na siya pala ang apo ng isa sa pinakamayamang negosyante sa bansa."Maricar, ano ang pakiramdam ng malaman mong bahagi ka pala ng isang bilyonaryong pamilya? May nagbago ba sa pananaw mo sa buhay?" tanong ng isang reporter.Kalma lamang siyang ngumiti bago sumagot. "Marami ang nagbago, pero hindi ako. Ako pa rin si Mari

    Last Updated : 2025-03-16
  • UNWORTHY LOVE:The Untold Sacrifices Of A Devoted Wife   CHAPTER SIXTY-FOUR

    THIRD PERSON:Reporter 1:"Ericka, totoo bang ikaw ang may pakana ng eskandalo sa event ni Don Sebastian?"Bahagyang tumigil si Ericka at napatingin sa nagtatanong, kasunod ng isang pilit na ngiti.Ericka:"Seriously? Bakit ako gagawa ng ganung kalokohan? Masyado kayong nagpapadala sa tsismis. Walang katotohanan ang mga paratang na 'yan."Reporter 2:"Pero ayon sa mga nakalap na impormasyon, ikaw daw ang nagplano para mapahiya si Maricar. Ano ang masasabi mo rito?"Umismid si Ericka at tumawa nang mapakla.Ericka:"Sa tingin niyo ba, bababa ako sa ganung level? Nakakatawa lang na ang daming naniniwala sa mga sabi-sabi nang walang sapat na ebidensya. At saka, baka nakakalimutan niyo—si Nica ang nasa event na 'yun. Baka nga siya ang may pakana! Baka nababaliw na si Nica kaya niya nagagawa 'yun, tapos ako ang ituturo niyang may sala para sa akin mapunta ang galit ng madla."Reporter 3:"Ang ibig mong sabihin, si Nica ang may kasalanan? Wala ka talagang kinalaman sa nangyari?"Tumikhim si

    Last Updated : 2025-03-16

Latest chapter

  • UNWORTHY LOVE:The Untold Sacrifices Of A Devoted Wife   CHAPTER SEVENTY-ONE

    THIRD PERSON:Habang naglalakad sa hallway sina Eunice at Lyca, parehong ramdam ang kaba sa dibdib ngunit pilit nilang kinakalma ang sarili.“Ate…” mahinang bulong ni Lyca, bahagyang kumapit sa braso ng kapatid. “Sabi nila… mukha daw mangangain si Don Sebastian.”Biglang natawa si Eunice, pinipigilang humalakhak. “Ano ka ba, isang hita lang naman ang mawawala sa ’yo—depende kung galit siya!”Napasimangot si Lyca at agad sumiksik sa tagiliran ng ate niya. “Eh si Ate naman, imbes na i-comfort ako, tinakot pa lalo!”"Tsk, drama mo," natatawang sabi ni Eunice. "Baka nga 'pag nakita niya tayo, maiyak pa 'yon sa sobrang tuwa. Hindi mo pa nga siya kilala, hinuhusgahan mo na agad. Basta, kalmado lang at magalang tayo sa kanya ’yan ang bilin sa atin ni Mama, lalo na pag kaharap na natin ang ating the great Lolo."“Eh paano kung bigla siyang magsalita ng English tapos may accent, o kaya naman ibang lengwahe?” tanong ni Lyca, kunwa’y seryoso. “Tapos di tayo makasagot, nakakahiya!”Napailing si E

  • UNWORTHY LOVE:The Untold Sacrifices Of A Devoted Wife   CHAPTER SEVENTY

    THIRD PERSON:Nagulat man si Alejandro sa naging asal ni Maricar, nanatili siyang tahimik habang pinagmamasdan ang buong eksena mula sa di kalayuan. Ang babaeng minsang nakita niyang pinupuno ng sakit, takot, at pagdududa sa sarili. ngayon ay nakatayo nang buong tapang, may paninindigan sa bawat salita, at dignidad sa bawat kilos, sa harap mismo nang nanakit sa kanya. Ngayo’y isa na siyang babaeng alam ang halaga niya… at handang ipaglaban ito, kahit kanino pa."Grabe… si Maricar ba talaga 'yan?" bulalas ni Francis, halatang hindi makapaniwala sa pagbabagong nakita niya kay Maricar."Tama lang 'yan. Matagal nang panahon para makabawi siya sa ginawa ng dalawang 'yan," sagot naman ni Miguel, mariing nakatitig kina Nathan at Ericka. Kita sa kanyang tinig ang pagpanig kay Maricar, at ang respeto sa tapang na ipinakita nito.Maya-maya, tumingin si Miguel kay Alejandro na tahimik lang ito, halatang tulala pa rin sa pangyayari."Bro, okay ka lang?" tanong ni Francis, sabay tapik sa balikat n

  • UNWORTHY LOVE:The Untold Sacrifices Of A Devoted Wife   CHAPTER SIXTY-NINE

    THIRD PERSON:Flashback:Halos hindi kumurap si Don Sebastian habang nakaupo sa kanyang malawak at marangyang opisina, nakatingin kay Maricar na tahimik na nakaupo sa kanyang harapan. Sa pagitan nila, isang tumpok ng mga dokumento ang naghihintay ng kanyang lagda."Alam ko, apo, na masyado na akong nagmamadali," wika ng matandang negosyante habang hinawakan ang kanyang baston. "Matanda na ako at hindi ko alam kung anong mangyayari sa mga susunod na taon. Kaya gusto ko nang sanayin ka sa buhay na meron ako, pati na rin ang mga anak mo. Lahat ng ari-arian ko, negosyo, at pangalan ay ipapangalan ko sa'yo upang ikaw ang magpatuloy ng lahat ng ito."Tahimik lamang si Maricar, nakatitig sa mga papeles na nasa kanyang harapan. Ramdam niya ang bigat ng bawat salitang binitiwan ng kanyang lolo. Alam niyang ito ang magiging opisyal na pagpapatibay ng kanyang pagiging isang ganap na Valdez, at ang responsibilidad na kaakibat nito.Huminga siya nang malalim at marahang hinawakan ang pluma. "Alam

  • UNWORTHY LOVE:The Untold Sacrifices Of A Devoted Wife   CHAPTER SIXTY-EIGHT

    THIRD PERSON;Kakain na sana ang mag-aama na sina Lyca, Eunice, at Nathan nang mapatingin sila sa inihain ni Ericka—mga pritong hotdog na halatang sunog.Napangisi si Eunice at pabulong, ngunit malinaw na narinig nina Ericka at Nathan, bumulong ito ng, "Tss! Hotdog na nga lang, sunog pa.""Eunice!" saway agad ni Nathan, ngunit umirap lang ang bata.Hindi maitago ni Ericka ang inis. "Sorry, ha! Wala kasi kayong katulong dito kaya ako na ang nagmagandang-loob na ipagluto kayo!" Sarkastikong tugon niya."Buti pa si Mama, kahit anong lutuin niya, masarap pa rin," biglang sabi ni Lyca, at tumango naman si Eunice bilang pagsang-ayon.Lalong nag-init ang ulo ni Ericka sa dalawang bata. Nangingitngit siyang napabuntong-hininga, pinipigil ang sarili na sumagot pa, ngunit halatang iritado siya."Ano 'yan? Amoy sunog?!"Biglang dumating sina Carol at Emilia, parehong sumisinghot-singhot habang inaamoy ang paligid. Napakunot-noo si Carol bago muling nagsalita, "Ano 'yan? Bakit sunog?"Napatingin

  • UNWORTHY LOVE:The Untold Sacrifices Of A Devoted Wife   CHAPTER SIXTY-SEVEN

    THIRD PERSON:Habang dahan-dahang lumalapit si Maricar kay Don Sebastian, hindi niya maiwasang maramdaman ang pagbilis ng tibok ng kanyang puso. Para bang may mabigat na pader sa pagitan nila, isang pader na hindi basta-basta mabubuwag ng simpleng paglapit lamang. Subalit sa bawat hakbang na kanyang ginagawa, unti-unting napapalitan ng determinasyon ang kanyang kaba. Hindi niya maaaring hayaang magtagal pa ang distansyang ito sa pagitan nila.Nang sa wakas ay tumigil siya sa harap ng kanyang lolo, isang matagal na katahimikan ang namayani. Nag-aalangan si Don Sebastian, tila hindi makapaniwala na nasa harap na niya mismo ang kanyang apo. Hindi niya alam kung dapat ba siyang ngumiti, magsalita, o yakapin ito. Samantalang si Maricar naman ay pilit pinipigilan ang sarili na magpakita ng labis na emosyon.Sa halip, biniro niya ito.“Magpapa-autograph din po ba kayo?” Tanong ni Maricar, pilit na ngumiti kahit may bahagyang pag-aalinlangan sa kanyang tinig.Nataranta si Don Sebastian, halat

  • UNWORTHY LOVE:The Untold Sacrifices Of A Devoted Wife   CHAPTER SIXTY-SIX

    THIRD PERSON:"Grabe, sobrang higpit na talaga ng pagbabantay kay Maricar," sabi ni Loisa habang bahagyang umiling."Parang hindi na siya makakagalaw nang malaya." sabi ni Loisa habang nakatanaw sa buong entablado. Kitang-kita nila ang mahigpit na pagbabantay ng mga security personnel sa paligid. Ilang lalaki ang nakaposisyon sa bawat sulok, laging alerto sa anumang maaaring mangyari. Napabuntong-hininga si Ma’am Elenor at tumango."Kailangan na talagang bantayan siya, lalo na’t alam na ng buong mundo na apo siya ni Don Sebastian," sagot niya, seryoso ang boses."Masyado nang maraming matang nakatutok sa kanya. Hindi natin alam kung sino ang may mabuting intensyon at sino ang may masamang balak.""Pero hindi ba parang sobra na ito?" tanong ni Loisa."Oo, naiintindihan ko na kailangan siyang protektahan, pero paano naman ang kalayaan niya? Hindi ba siya mahihirapan sa ganitong sitwasyon?" Napatingin si Ma’am Elenor kay Loisa, halatang nag-aalalang iniisip din ang bagay na iyon."Alam k

  • UNWORTHY LOVE:The Untold Sacrifices Of A Devoted Wife   CHAPTER SIXTY-FIVE

    THIRD PERSON:Naglalakad sina Maricar at Alejandro sa isang tahimik na lugar na napapalibutan ng mga bulaklak at malalaking puno. Ang mga ilaw sa paligid ay kumikislap nang banayad, at ang malamig na simoy ng hangin ay may dalang halimuyak ng mga bulaklak. Wala ni isang tao sa paligid—parang silang dalawa lang ang naroon."Hmm, ang ganda naman dito," sambit ni Maricar habang huminga nang malalim at pumikit sandali upang damhin ang kapayapaan ng lugar. "Buti hindi matao dito, no?""Ganito daw talaga kapag ganitong oras," sagot ni Alejandro habang nakangiti at nakatanaw sa malayo. "Wala nang nagpupunta dito. Kaya sinadya kong dalhin ka rito para makapag-relax ka nang walang istorbo."Napangiti si Maricar at tiningnan si Alejandro. "Salamat...""Alam kong gusto mo rin minsan na makalayo sa gulo at ingay... Kaya naisip ko, baka magustuhan mo rito."Tumigil si Maricar sa paglalakad at humarap kay Alejandro. 'Sobrang gusto ko nga. Parang ang gaan sa pakiramdam... para bang kahit saglit, nak

  • UNWORTHY LOVE:The Untold Sacrifices Of A Devoted Wife   CHAPTER SIXTY-FOUR

    THIRD PERSON:Reporter 1:"Ericka, totoo bang ikaw ang may pakana ng eskandalo sa event ni Don Sebastian?"Bahagyang tumigil si Ericka at napatingin sa nagtatanong, kasunod ng isang pilit na ngiti.Ericka:"Seriously? Bakit ako gagawa ng ganung kalokohan? Masyado kayong nagpapadala sa tsismis. Walang katotohanan ang mga paratang na 'yan."Reporter 2:"Pero ayon sa mga nakalap na impormasyon, ikaw daw ang nagplano para mapahiya si Maricar. Ano ang masasabi mo rito?"Umismid si Ericka at tumawa nang mapakla.Ericka:"Sa tingin niyo ba, bababa ako sa ganung level? Nakakatawa lang na ang daming naniniwala sa mga sabi-sabi nang walang sapat na ebidensya. At saka, baka nakakalimutan niyo—si Nica ang nasa event na 'yun. Baka nga siya ang may pakana! Baka nababaliw na si Nica kaya niya nagagawa 'yun, tapos ako ang ituturo niyang may sala para sa akin mapunta ang galit ng madla."Reporter 3:"Ang ibig mong sabihin, si Nica ang may kasalanan? Wala ka talagang kinalaman sa nangyari?"Tumikhim si

  • UNWORTHY LOVE:The Untold Sacrifices Of A Devoted Wife   CHAPTER SIXTY-THREE

    THIRD PERSON:Sa pagbabalik ni Maricar sa kanyang karera, nagdesisyon ang team ni Kathlyn na mag-organisa ng isang espesyal na meet-and-greet event. Hindi lamang ito isang paraan upang muling makipag-ugnayan si Maricar sa kanyang mga tagahanga, kundi isa ring simbolo ng kanyang muling pagtayo matapos ang lahat ng unos na pinagdaanan niya.Dumagsa ang mga tao sa venue—mga tagahanga, supporters, at hindi rin nawala ang mga media at ilang kritiko. Masaya ang atmospera, ngunit hindi rin naiwasang magkaroon ng mga mapanuring mata at matatalas na tanong mula sa mga reporter.Isa sa mga unang tanong na ibinato kay Maricar ay tungkol sa kanyang kalagayan matapos niyang malaman na siya pala ang apo ng isa sa pinakamayamang negosyante sa bansa."Maricar, ano ang pakiramdam ng malaman mong bahagi ka pala ng isang bilyonaryong pamilya? May nagbago ba sa pananaw mo sa buhay?" tanong ng isang reporter.Kalma lamang siyang ngumiti bago sumagot. "Marami ang nagbago, pero hindi ako. Ako pa rin si Mari

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status