Semua Bab UNWORTHY LOVE:The Untold Sacrifices Of A Devoted Wife: Bab 41 - Bab 50

72 Bab

CHAPTER THIRTY-NINE

THIRD PERSON:Habang naghahanda para sa press conference, tahimik na nakatayo si Maricar, ang mga mata'y nakatuon sa salamin. Ang mga maliliit na panginginig sa kanyang mga kamay ay hindi maikakaila, at ang takot ay kitang-kita sa kanyang mukha. Tumingala siya at muling bumaling sa kanyang mga kasamahan, hawak ang magkabilang gilid ng upuan."Kaylangan pa ba talaga ng ganito?" tanong ni Maricar, ang boses ay bahagyang nanginginig. "Ang daming reporters at journalists... parang hindi ko kakayanin."Si Kath ay tumawa ng bahagya habang inaayos ang ilang papeles sa clipboard. "Oo, Maricar. Iwan ko ba at ang daming gustong kumausap sa'yo ngayon. Kahit nga ako, hindi makapaniwala na ganyan ka kainteresante sa kanila. Pero ito ang tamang pagkakataon para mailabas ang panig mo. Ito ang pagkakataon mo na, Maricar. Ikaw na ang pinag-uusapan!"Nagkunot-noo si Maricar, ang mga mata'y naglalaman ng alinlangan. "Bigatin? Kath, natatakot ako. Paano ko haharapin ang mga tanong nila? Paano kung magkam
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-01-26
Baca selengkapnya

CHAPTER FORTY

THIRD PERSON:"Miss Maricar," tanong ng isang matapang na reporter habang inilalapit ang mikropono, "marami ang nagtatanong—ano po ang tunay na dahilan ng paghihiwalay ninyo ng inyong asawa noon? Totoo po bang iniwan ninyo siya dahil sa ambisyon ninyo sa buhay?"Napatingin si Maricar sa nagtatanong, ang kanyang mga mata ay puno ng determinasyon. Tumahimik ang paligid, lahat ay naghihintay ng sagot mula sa kanya."Hindi ko itatanggi na dumaan kami sa napakaraming pagsubok," panimula niya, ang kanyang boses ay matatag ngunit puno ng emosyon. "Ang paghihiwalay namin ng aking asawa noon ay resulta ng mga pagkakamali—pareho naming pagkakamali. Walang perpektong relasyon, at hindi rin ako perpektong asawa."Tumigil siya sandali, tila iniisip kung paano ipapahayag ang masakit na bahagi ng kanyang nakaraan. "Kung may isang bagay akong natutunan, ito ay ang kahalagahan ng pagiging totoo sa sarili. Oo, umalis ako noon upang hanapin ang sarili ko, ngunit hindi ko kailanman iniwan ang responsibil
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-01-29
Baca selengkapnya

CHAPTER FORTY-ONE

THIRD PERSON:Matapos ang matagumpay na press conference, bumalik sina Maricar, Alejandro, at Kath sa dressing room. Ramdam pa rin sa hangin ang tensyon at adrenaline mula sa nangyaring tanungan, pero higit sa lahat, naroon ang tahimik na tagumpay na dala ng tapang at tapos na laban.Pagkapasok pa lang nila sa dressing room, agad na yumakap nang mahigpit si Kath kay Maricar. “Grabe ka! Grabe ka talaga, Maricar!” bulalas nito, ang boses ay puno ng paghanga at saya. “Ang galing mo doon! Parang ikaw na ang reyna ng stage kanina! Hindi ko alam kung maiiyak ako o talagang magpapalakpakan na lang ako sa tapang mo!”Bahagyang natawa si Maricar habang hinahaplos ang likod ni Kath. “Ano ka ba, Kath? Ginawa ko lang kung ano ang kailangan. Hindi naman pwedeng umatras ako, lalo na’t pinaghandaan natin ito ng sobra.”Umatras si Kath at tinitigan si Maricar, ang mga mata’y puno ng emosyon. “Pero, girl, ibang level ‘yon! Parang hindi ka man lang kinabahan. Pulido ang bawat sagot mo, wala kang iniwas
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-01-29
Baca selengkapnya

CHAPTER FORTY-TWO

HIRD PERSON:Punong-puno ang event hall ng mga tagahanga ni Maricar. Ang ilan ay may dalang bulaklak, posters, at kopya ng kanyang libro. Isa itong meet-and-greet bilang pasasalamat ni Maricar sa kanyang tagumpay. Sa gitna ng kasiyahan, naroon si Alejandro, tahimik na nakatayo sa gilid ng mesa ni Maricar, parang bantay na walang makakalapit nang basta-basta.Habang abala si Maricar sa pag-autograph, biglang napansin ni Kath si Alejandro na tila hindi mapakali. Nilapitan niya ito, hawak ang isang tray ng kape.“Ano yan, Alejandro? Kanina ka pa hindi mapakali dyan, ah,” sabi ni Kath, nakangisi.“H-ha? Wala ate.. wala naman,” mabilis na sagot ni Alejandro, agad na inayos ang kanyang postura.“Miss Maricar,” sabi ng lalaki na ngayon ay nakatayo na sa harapan ni Maricar. Mula ulo hanggang paa, halata ang karisma nito. Matangkad, gwapo, at mukhang galing sa mayamang pamilya. Suot nito ang mamahaling suit, at ang ngiti nito ay may kakaibang kumpiyansa."Good afternoon, Miss Maricar,” bati ng
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-01-29
Baca selengkapnya

CHAPTER FORTY-THREE

THIRD PERSON:“Kumusta siya?” tanong ni Don Sebastian, ang kanyang tinig ay mababa pero puno ng interes. "Kamusta ang apo ko?" tanong ni Don Sebastian, diretso ang tingin kay Alejandro. May halong pag-aalala at interes ang kanyang tinig.Bahagyang napangiti si Alejandro. “Nasa mabuting kalagayan po ang apo Don Sebastian,” sagot nito. “Patuloy parin siyang gumagawa ng mabuti para sa iba. Kung paano niya pinamamahalaan ang foundation, nakakamangha talaga. Siya ang klase ng tao na kahit gaano kahirap ang sitwasyon, hindi sumusuko.”Napatingin sa malayo si Don Sebastian. "Napakabusilak talaga ang kanyang puso, higit pa sa inaasahan ko," sabi niya, halatang may pinipigilan na emosyon.“Hindi lang po,” dagdag ni Alejandro. “Si Maricar ay may puso para sa lahat. Hindi niya kailanman iniisip ang sarili niya. Kung alam niyo lang kung paano niya ibinubuhos ang lahat para sa mga nangangailangan, magugulat kayo kung gaano siya kasimple sa kabila ng lahat ng kanyang naabot.”Saglit na natahimik si
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-01-31
Baca selengkapnya

CHAPTER FORTY-FOUR

THIRD PERSON:Abala si Maricar sa pag-aayos ng isang bouquet ng mga bulaklak para sa isang kliyente, isang ngiti ang sumilay sa kanyang mga labi. Kahit na abala siya sa mga proyekto ng kanyang foundation at nakikilala na bilang isa sa pinakakilalang philanthropist sa bansa, hindi niya parin magawang iwan ang flower shop ni Ma'am Elenor. Para kay Maricar, ang flower shop na ito ay higit pa sa simpleng negosyo—ito ang naging tahanan niya noong mga panahong hindi niya alam kung saan siya pupunta. Dito niya natutunan ang halaga ng pagsisikap at pagkakaroon ng pamilya kahit hindi sa dugo nagmula.“Grabe ka talaga, Maricar,” sabi ni Ma'am Elenor habang pinagmamasdan ang maayos na bouquet na hawak niya. "Hindi ka pa rin nagbabago. Napakahusay mo pa rin gumawa niyan.""Sobrang sikat ka na pero nandito ka pa rin at ginagawa mo pa rin iyan," singit naman ni Loisa, ang isa sa mga empleyado ng shop, habang iniaabot ang mga bagong gupit na bulaklak.Ngumiti si Maricar at tumingin kay Ma’am Elenor.
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-01-31
Baca selengkapnya

CHAPTER FORTY-FIVE

THIRD PERSON:"Tamang-tama, kumpleto tayo ngayon. Bakit di na muna tayo mamasyal?" biglang sabi ni Alejandro. Nagkatinginan naman ang tatlo at tila nagkaisa sa ideya."Oo nga, no. Sa sobrang dami ng umaagaw na schedule ni Maricar, nalimutan na natin ang mamasyal," sang-ayon ni Kath, bahagyang tumawa habang tinitingnan si Maricar."Gusto po namin mamasyal, Lola. Sama po kayo, ha?" malambing na sabi ni Jerald kay Ma'am Elenor habang inaalog-alog pa nito ang braso ng ginang. Napapangiti si Ma'am Elenor sa ginawang iyon ng bata, kitang-kita sa mukha niya ang kasiyahan.Samantala, hindi rin maiwasan ni Maricar na makaramdam ng saya habang pinapanood ang kanyang dalawang anak na nakadikit kay Ma'am Elenor. Halata sa ginang ang labis na pag-e-enjoy sa paglalambing ng dalawa, na tila naging mas masigla pa sa kanilang presensya."Ang sweet naman ng mga apo ko," natatawang sabi ni Ma'am Elenor, sabay haplos sa buhok ni Jerald at ng isa pang bata. "Siyempre naman, sasama ako! Saan ba tayo pupunt
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-02-01
Baca selengkapnya

CHAPTER FORTY-SIX

THIRD PERSON:"Napakaganda ng mga ngiti nila, hija," sagot ni Ma'am Elenor habang pinagmamasdan ang mga bata sa di kalayuan. "Pero ikaw, Maricar? Masaya ka ba talaga? Sa puso mo?"Biglang tumigil ang ngiti ni Maricar at napalunok ng bahagya. Ibinaling niya ang tingin sa malayo, sa mga anak niyang masayang naglalaro. "Ma'am Elenor, masaya ako... pero hindi ko maiwasan ang takot. Takot na baka mawala ulit ang ganitong saya.Hinawakan ni Ma'am Elenor ang kamay ni Maricar at hinaplos iyon nang may pagmamahal. "Hija, ang isang pusong puno ng pagmamahal ay hindi kailanman nagkukulang. Hindi sukatan ang yaman o ang kakayahan. Ang importante, andyan ka sa tabi nila. At higit pa sa mga materyal na bagay, ikaw ang kailangan nila."Napaluha si Maricar at bahagyang napangiti.Ngumiti nang malumanay si Ma'am Elenor at pinisil ang kanyang kamay. "Ang mahalaga ay ang pagmamahal mo, hija. Ang mga anak mo, nakikita nila 'yan. Nararamdaman nila. At lagi kang may suporta—mula sa akin, kay Kath, at kahit
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-02-01
Baca selengkapnya

CHAPTER FORTY-SEVEN

THIRD PERSON:Pagkatapos nilang mamasyal sa park at masaya sa mga laro at tawanan ng mga bata, sinulit nila ang pagkakataon na mapaligaya ang bawat isa. Habang patuloy ang kasiyahan, hindi na nila pinalampas ang pagkakataon na pasyalan pa ang iba nilang gustong puntahan. Pumunta sila sa isang malaking mall kung saan sina Miguel at Francis naman ay walang humpay sa pagbili ng mga laruan para kina Jacob at Jerald. Ang kanilang mga mata ay kumikislap sa kasiyahan habang pinipili ang mga laruan na tiyak magpapasaya sa mga batang iyon.Samantala, sina Eunice at Lyca ay tuwang-tuwa sa mga bagong damit na kanilang nakuha mula kina Tita Kathlyn, Tita Liosa, at Tita Lisa. Hindi maipaliwanag ang saya sa kanilang mga mukha habang sinusukat ang mga damit na perfect na perfect para sa kanilang estilo at personalidad. Tila bawat piraso ng damit ay nagbigay sa kanila ng espesyal na pakiramdam, at ipinagmamalaki nila ito habang ipinapakita sa isa't isa. Para bang bawat item na kanilang nakuha ay nags
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-02-01
Baca selengkapnya

CHAPTER FORTY-EIGHT

THIRD PERSON:Sa isang sikretong lugar, nagtagpo sina Nica at Ericka sa isang upscale café. Tahimik ang paligid, at tila walang nakakakilala sa kanila sa pribadong sulok na iyon.Halatang maingat si Nica, suot ang malaking sumbrero at sunglasses, upang itago ang kanyang pagkakakilanlan. Si Ericka naman ay kalmado ngunit seryoso, nakaupo nang elegante habang hawak ang isang tasa ng mainit na kape. Ang kanyang mga mata ay nakatuon kay Nica, tila binabasa ang bawat galaw nito.Tahimik ang paligid, ngunit ang tensyon sa pagitan nila ay tila umuugong. Nangingibabaw ang presensy ni Nica ang pagkibot ng kanyang labi, ang pilit na pagpigil sa poot. Sa harap niya, si Ericka, na tila hindi naapektuhan sa eksena, kalmado habang iniinom ang kanyang kape. Ang kanyang mga mata, puno ng malamig na prangka, ay nakatuon kay Nica—tila nanghuhukay ng nakatagong lihim.“Akala ko ba, wala ka nang balak bumalik dito, Nica?” tanong ni Ericka, may halong panunuya. “Bakit ka pa bumalik sa Pilipinas? Hindi ba’t
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-02-02
Baca selengkapnya
Sebelumnya
1
...
345678
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status