THIRD PERSON:"Tamang-tama, kumpleto tayo ngayon. Bakit di na muna tayo mamasyal?" biglang sabi ni Alejandro. Nagkatinginan naman ang tatlo at tila nagkaisa sa ideya."Oo nga, no. Sa sobrang dami ng umaagaw na schedule ni Maricar, nalimutan na natin ang mamasyal," sang-ayon ni Kath, bahagyang tumawa habang tinitingnan si Maricar."Gusto po namin mamasyal, Lola. Sama po kayo, ha?" malambing na sabi ni Jerald kay Ma'am Elenor habang inaalog-alog pa nito ang braso ng ginang. Napapangiti si Ma'am Elenor sa ginawang iyon ng bata, kitang-kita sa mukha niya ang kasiyahan.Samantala, hindi rin maiwasan ni Maricar na makaramdam ng saya habang pinapanood ang kanyang dalawang anak na nakadikit kay Ma'am Elenor. Halata sa ginang ang labis na pag-e-enjoy sa paglalambing ng dalawa, na tila naging mas masigla pa sa kanilang presensya."Ang sweet naman ng mga apo ko," natatawang sabi ni Ma'am Elenor, sabay haplos sa buhok ni Jerald at ng isa pang bata. "Siyempre naman, sasama ako! Saan ba tayo pupunt
THIRD PERSON:"Napakaganda ng mga ngiti nila, hija," sagot ni Ma'am Elenor habang pinagmamasdan ang mga bata sa di kalayuan. "Pero ikaw, Maricar? Masaya ka ba talaga? Sa puso mo?"Biglang tumigil ang ngiti ni Maricar at napalunok ng bahagya. Ibinaling niya ang tingin sa malayo, sa mga anak niyang masayang naglalaro. "Ma'am Elenor, masaya ako... pero hindi ko maiwasan ang takot. Takot na baka mawala ulit ang ganitong saya.Hinawakan ni Ma'am Elenor ang kamay ni Maricar at hinaplos iyon nang may pagmamahal. "Hija, ang isang pusong puno ng pagmamahal ay hindi kailanman nagkukulang. Hindi sukatan ang yaman o ang kakayahan. Ang importante, andyan ka sa tabi nila. At higit pa sa mga materyal na bagay, ikaw ang kailangan nila."Napaluha si Maricar at bahagyang napangiti.Ngumiti nang malumanay si Ma'am Elenor at pinisil ang kanyang kamay. "Ang mahalaga ay ang pagmamahal mo, hija. Ang mga anak mo, nakikita nila 'yan. Nararamdaman nila. At lagi kang may suporta—mula sa akin, kay Kath, at kahit
THIRD PERSON:Pagkatapos nilang mamasyal sa park at masaya sa mga laro at tawanan ng mga bata, sinulit nila ang pagkakataon na mapaligaya ang bawat isa. Habang patuloy ang kasiyahan, hindi na nila pinalampas ang pagkakataon na pasyalan pa ang iba nilang gustong puntahan. Pumunta sila sa isang malaking mall kung saan sina Miguel at Francis naman ay walang humpay sa pagbili ng mga laruan para kina Jacob at Jerald. Ang kanilang mga mata ay kumikislap sa kasiyahan habang pinipili ang mga laruan na tiyak magpapasaya sa mga batang iyon.Samantala, sina Eunice at Lyca ay tuwang-tuwa sa mga bagong damit na kanilang nakuha mula kina Tita Kathlyn, Tita Liosa, at Tita Lisa. Hindi maipaliwanag ang saya sa kanilang mga mukha habang sinusukat ang mga damit na perfect na perfect para sa kanilang estilo at personalidad. Tila bawat piraso ng damit ay nagbigay sa kanila ng espesyal na pakiramdam, at ipinagmamalaki nila ito habang ipinapakita sa isa't isa. Para bang bawat item na kanilang nakuha ay nags
THIRD PERSON:Sa isang sikretong lugar, nagtagpo sina Nica at Ericka sa isang upscale café. Tahimik ang paligid, at tila walang nakakakilala sa kanila sa pribadong sulok na iyon.Halatang maingat si Nica, suot ang malaking sumbrero at sunglasses, upang itago ang kanyang pagkakakilanlan. Si Ericka naman ay kalmado ngunit seryoso, nakaupo nang elegante habang hawak ang isang tasa ng mainit na kape. Ang kanyang mga mata ay nakatuon kay Nica, tila binabasa ang bawat galaw nito.Tahimik ang paligid, ngunit ang tensyon sa pagitan nila ay tila umuugong. Nangingibabaw ang presensy ni Nica ang pagkibot ng kanyang labi, ang pilit na pagpigil sa poot. Sa harap niya, si Ericka, na tila hindi naapektuhan sa eksena, kalmado habang iniinom ang kanyang kape. Ang kanyang mga mata, puno ng malamig na prangka, ay nakatuon kay Nica—tila nanghuhukay ng nakatagong lihim.“Akala ko ba, wala ka nang balak bumalik dito, Nica?” tanong ni Ericka, may halong panunuya. “Bakit ka pa bumalik sa Pilipinas? Hindi ba’t
THIRD PERSON:Ang engrandeng event ni Don Sebastian ay ginaganap sa pinakamalaking ballroom ng isang prestihiyosong hotel sa lungsod. Ang lugar ay napapalibutan ng mga kilalang personalidad, mga politiko, mga bigateng negosyante, at mga sikat na artista. Nagliliwanag ang mga chandelier, at ang kanilang mga kristal na nakabitin ay nagtatapon ng sinag na tila mga bituin sa bawat sulok ng silid. Ang mahahabang lamesa ay punung-puno ng mga pinakamagarang pagkain at inumin, habang ang mga waitstaff na nakasuot ng maayos na uniporme ay walang tigil sa pag-aasikaso sa mga bisita.Sa kabila ng marangyang paligid, ang bawat isa’y tila sabik sa mga susunod na kaganapan.Nang dumating sina Maricar, tila nagkaroon ng alon sa karamihan. Ang pulang gown ni Maricar ay kumikinang sa ilalim ng ilaw, bumabagay sa kanyang maputing kutis at simpleng makeup na nagbigay-diin sa kanyang natural na ganda. Sa bawat hakbang niya, tila huminto ang oras; ang kaba na kanina’y makikita sa kanyang mukha ay napalita
THIRD PERSON:"Tingnan mo nga naman, andito din pala tong mga panget na 'to," biglang sabi ni Lisa, sabay irap at kumpas ng ulo sa direksyon ng mga tao sa kabilang bahagi ng ballroom. Napalingon naman sina Kathlyn at Liosa sa tinutukoy niya."Sino?" tanong ni Liosa, halatang nagtataka."Ayan, oh, yung nasa kabilang side na 'yan," sagot ni Lisa, sabay turo sa grupo nila Nathan na abala sa pag-uusap."Teka, sila ba yung mga nag-eskandalo sa shop dati?" tanong ni Liosa habang sinisilip ang tinutukoy."Hays, oo nga. Tingnan mo ang mga mata nila, tsk… halatang mga inggit. Mas lalo na sigurong maiinggit kay Maricar ngayon. Ang ganda-ganda na niya, naku! Buti na lang talaga wala ako nung panahon na nag-eskandalo sila sa shop niyo. Kung nagkataon, sabunot talaga abot sa akin ng mga 'yan," gigil na gigil na sabi ni Lisa habang halatang inis na inis sa grupo ni Emelia."Lisa, shhh! Tama na," mahinang awat ni Kathlyn, sabay hawak sa braso ng kaibigan. "Nakakahiya. Huwag ka namang masyadong maing
THIRD PERSON:Katulad ng isang eksena sa pelikula, umalingawngaw ang palakpakan sa buong bulwagan matapos ang nakakakilig at eleganteng sayawan nila Maricar at Alejandro. Ang kanilang chemistry ay hindi matatawaran, at malinaw sa lahat ng nanonood na mayroong espesyal na koneksyon sa pagitan nila."Ang galing niyo!" sabi ni Liosa, na halos mapatalon sa excitement habang papalapit kay Maricar. "Parang prinsipe’t prinsesa sa isang fairy tale!"Hindi pa man tuluyang humuhupa ang kasiyahan sa paligid, dumating na sina Francis at Miguel, kapwa gwapo at pormal ang mga bihis. Halatang pinaghandaan nila ang gabing iyon. Tumayo silang dalawa malapit sa mesa nina Liosa at Lisa, ang mga tingin ay puno ng kumpiyansa.Habang naglalakad ang dalawa papunta sa mesa nina Liosa at Lisa, hindi nakapagpigil si Lisa na magtaas ng kilay at magbigay ng mataray na puna. "Naku, dumating pa kayong dalawa," sabi niya nang sarkastiko, sabay irap sa kanila.Ngumiti si Miguel at lumingon kay Francis. "Ang sweet ta
THIRD PERSON:Abala si Don Sebastian sa pakikisalamuha sa kanyang mga bisita. Ang kanyang postura ay mahinahon ngunit puno ng awtoridad, isang tunay na simbolo ng isang makapangyarihang tao. Sa kabila ng kanyang kakayahang magdala ng isang silid na puno ng respeto at paghanga, may bahagyang pagbabago sa kanyang ekspresyon nang masulyapan niya si Maricar mula sa kabilang panig ng bulwagan.Humugot siya ng malalim na pag hininga, tila iniipon ang lakas ng loob na kinakailangan upang harapin ang katotohanan na matagal niyang iniiwasan. Ang dalaga—na naging dahilan ng kontrobersiya at lihim sa kanyang pamilya—ay ngayon nakatayo sa harapan niya, hindi na bilang isang estranghero kundi bilang kanyang kaisa-isang apo.Matapos ang ilang sandali ng pag-aalinlangan, tumayo si Don Sebastian...nang mas diretso, pinanatili ang kanyang dignidad at awtoridad. Sa kabila ng bigat ng emosyon na kanyang nararamdaman, naglakad siya nang marahan ngunit sigurado papalapit kay Maricar, handang ibigay ang ka
THIRD PERSON:Habang naglalakad sa hallway sina Eunice at Lyca, parehong ramdam ang kaba sa dibdib ngunit pilit nilang kinakalma ang sarili.“Ate…” mahinang bulong ni Lyca, bahagyang kumapit sa braso ng kapatid. “Sabi nila… mukha daw mangangain si Don Sebastian.”Biglang natawa si Eunice, pinipigilang humalakhak. “Ano ka ba, isang hita lang naman ang mawawala sa ’yo—depende kung galit siya!”Napasimangot si Lyca at agad sumiksik sa tagiliran ng ate niya. “Eh si Ate naman, imbes na i-comfort ako, tinakot pa lalo!”"Tsk, drama mo," natatawang sabi ni Eunice. "Baka nga 'pag nakita niya tayo, maiyak pa 'yon sa sobrang tuwa. Hindi mo pa nga siya kilala, hinuhusgahan mo na agad. Basta, kalmado lang at magalang tayo sa kanya ’yan ang bilin sa atin ni Mama, lalo na pag kaharap na natin ang ating the great Lolo."“Eh paano kung bigla siyang magsalita ng English tapos may accent, o kaya naman ibang lengwahe?” tanong ni Lyca, kunwa’y seryoso. “Tapos di tayo makasagot, nakakahiya!”Napailing si E
THIRD PERSON:Nagulat man si Alejandro sa naging asal ni Maricar, nanatili siyang tahimik habang pinagmamasdan ang buong eksena mula sa di kalayuan. Ang babaeng minsang nakita niyang pinupuno ng sakit, takot, at pagdududa sa sarili. ngayon ay nakatayo nang buong tapang, may paninindigan sa bawat salita, at dignidad sa bawat kilos, sa harap mismo nang nanakit sa kanya. Ngayo’y isa na siyang babaeng alam ang halaga niya… at handang ipaglaban ito, kahit kanino pa."Grabe… si Maricar ba talaga 'yan?" bulalas ni Francis, halatang hindi makapaniwala sa pagbabagong nakita niya kay Maricar."Tama lang 'yan. Matagal nang panahon para makabawi siya sa ginawa ng dalawang 'yan," sagot naman ni Miguel, mariing nakatitig kina Nathan at Ericka. Kita sa kanyang tinig ang pagpanig kay Maricar, at ang respeto sa tapang na ipinakita nito.Maya-maya, tumingin si Miguel kay Alejandro na tahimik lang ito, halatang tulala pa rin sa pangyayari."Bro, okay ka lang?" tanong ni Francis, sabay tapik sa balikat n
THIRD PERSON:Flashback:Halos hindi kumurap si Don Sebastian habang nakaupo sa kanyang malawak at marangyang opisina, nakatingin kay Maricar na tahimik na nakaupo sa kanyang harapan. Sa pagitan nila, isang tumpok ng mga dokumento ang naghihintay ng kanyang lagda."Alam ko, apo, na masyado na akong nagmamadali," wika ng matandang negosyante habang hinawakan ang kanyang baston. "Matanda na ako at hindi ko alam kung anong mangyayari sa mga susunod na taon. Kaya gusto ko nang sanayin ka sa buhay na meron ako, pati na rin ang mga anak mo. Lahat ng ari-arian ko, negosyo, at pangalan ay ipapangalan ko sa'yo upang ikaw ang magpatuloy ng lahat ng ito."Tahimik lamang si Maricar, nakatitig sa mga papeles na nasa kanyang harapan. Ramdam niya ang bigat ng bawat salitang binitiwan ng kanyang lolo. Alam niyang ito ang magiging opisyal na pagpapatibay ng kanyang pagiging isang ganap na Valdez, at ang responsibilidad na kaakibat nito.Huminga siya nang malalim at marahang hinawakan ang pluma. "Alam
THIRD PERSON;Kakain na sana ang mag-aama na sina Lyca, Eunice, at Nathan nang mapatingin sila sa inihain ni Ericka—mga pritong hotdog na halatang sunog.Napangisi si Eunice at pabulong, ngunit malinaw na narinig nina Ericka at Nathan, bumulong ito ng, "Tss! Hotdog na nga lang, sunog pa.""Eunice!" saway agad ni Nathan, ngunit umirap lang ang bata.Hindi maitago ni Ericka ang inis. "Sorry, ha! Wala kasi kayong katulong dito kaya ako na ang nagmagandang-loob na ipagluto kayo!" Sarkastikong tugon niya."Buti pa si Mama, kahit anong lutuin niya, masarap pa rin," biglang sabi ni Lyca, at tumango naman si Eunice bilang pagsang-ayon.Lalong nag-init ang ulo ni Ericka sa dalawang bata. Nangingitngit siyang napabuntong-hininga, pinipigil ang sarili na sumagot pa, ngunit halatang iritado siya."Ano 'yan? Amoy sunog?!"Biglang dumating sina Carol at Emilia, parehong sumisinghot-singhot habang inaamoy ang paligid. Napakunot-noo si Carol bago muling nagsalita, "Ano 'yan? Bakit sunog?"Napatingin
THIRD PERSON:Habang dahan-dahang lumalapit si Maricar kay Don Sebastian, hindi niya maiwasang maramdaman ang pagbilis ng tibok ng kanyang puso. Para bang may mabigat na pader sa pagitan nila, isang pader na hindi basta-basta mabubuwag ng simpleng paglapit lamang. Subalit sa bawat hakbang na kanyang ginagawa, unti-unting napapalitan ng determinasyon ang kanyang kaba. Hindi niya maaaring hayaang magtagal pa ang distansyang ito sa pagitan nila.Nang sa wakas ay tumigil siya sa harap ng kanyang lolo, isang matagal na katahimikan ang namayani. Nag-aalangan si Don Sebastian, tila hindi makapaniwala na nasa harap na niya mismo ang kanyang apo. Hindi niya alam kung dapat ba siyang ngumiti, magsalita, o yakapin ito. Samantalang si Maricar naman ay pilit pinipigilan ang sarili na magpakita ng labis na emosyon.Sa halip, biniro niya ito.“Magpapa-autograph din po ba kayo?” Tanong ni Maricar, pilit na ngumiti kahit may bahagyang pag-aalinlangan sa kanyang tinig.Nataranta si Don Sebastian, halat
THIRD PERSON:"Grabe, sobrang higpit na talaga ng pagbabantay kay Maricar," sabi ni Loisa habang bahagyang umiling."Parang hindi na siya makakagalaw nang malaya." sabi ni Loisa habang nakatanaw sa buong entablado. Kitang-kita nila ang mahigpit na pagbabantay ng mga security personnel sa paligid. Ilang lalaki ang nakaposisyon sa bawat sulok, laging alerto sa anumang maaaring mangyari. Napabuntong-hininga si Ma’am Elenor at tumango."Kailangan na talagang bantayan siya, lalo na’t alam na ng buong mundo na apo siya ni Don Sebastian," sagot niya, seryoso ang boses."Masyado nang maraming matang nakatutok sa kanya. Hindi natin alam kung sino ang may mabuting intensyon at sino ang may masamang balak.""Pero hindi ba parang sobra na ito?" tanong ni Loisa."Oo, naiintindihan ko na kailangan siyang protektahan, pero paano naman ang kalayaan niya? Hindi ba siya mahihirapan sa ganitong sitwasyon?" Napatingin si Ma’am Elenor kay Loisa, halatang nag-aalalang iniisip din ang bagay na iyon."Alam k
THIRD PERSON:Naglalakad sina Maricar at Alejandro sa isang tahimik na lugar na napapalibutan ng mga bulaklak at malalaking puno. Ang mga ilaw sa paligid ay kumikislap nang banayad, at ang malamig na simoy ng hangin ay may dalang halimuyak ng mga bulaklak. Wala ni isang tao sa paligid—parang silang dalawa lang ang naroon."Hmm, ang ganda naman dito," sambit ni Maricar habang huminga nang malalim at pumikit sandali upang damhin ang kapayapaan ng lugar. "Buti hindi matao dito, no?""Ganito daw talaga kapag ganitong oras," sagot ni Alejandro habang nakangiti at nakatanaw sa malayo. "Wala nang nagpupunta dito. Kaya sinadya kong dalhin ka rito para makapag-relax ka nang walang istorbo."Napangiti si Maricar at tiningnan si Alejandro. "Salamat...""Alam kong gusto mo rin minsan na makalayo sa gulo at ingay... Kaya naisip ko, baka magustuhan mo rito."Tumigil si Maricar sa paglalakad at humarap kay Alejandro. 'Sobrang gusto ko nga. Parang ang gaan sa pakiramdam... para bang kahit saglit, nak
THIRD PERSON:Reporter 1:"Ericka, totoo bang ikaw ang may pakana ng eskandalo sa event ni Don Sebastian?"Bahagyang tumigil si Ericka at napatingin sa nagtatanong, kasunod ng isang pilit na ngiti.Ericka:"Seriously? Bakit ako gagawa ng ganung kalokohan? Masyado kayong nagpapadala sa tsismis. Walang katotohanan ang mga paratang na 'yan."Reporter 2:"Pero ayon sa mga nakalap na impormasyon, ikaw daw ang nagplano para mapahiya si Maricar. Ano ang masasabi mo rito?"Umismid si Ericka at tumawa nang mapakla.Ericka:"Sa tingin niyo ba, bababa ako sa ganung level? Nakakatawa lang na ang daming naniniwala sa mga sabi-sabi nang walang sapat na ebidensya. At saka, baka nakakalimutan niyo—si Nica ang nasa event na 'yun. Baka nga siya ang may pakana! Baka nababaliw na si Nica kaya niya nagagawa 'yun, tapos ako ang ituturo niyang may sala para sa akin mapunta ang galit ng madla."Reporter 3:"Ang ibig mong sabihin, si Nica ang may kasalanan? Wala ka talagang kinalaman sa nangyari?"Tumikhim si
THIRD PERSON:Sa pagbabalik ni Maricar sa kanyang karera, nagdesisyon ang team ni Kathlyn na mag-organisa ng isang espesyal na meet-and-greet event. Hindi lamang ito isang paraan upang muling makipag-ugnayan si Maricar sa kanyang mga tagahanga, kundi isa ring simbolo ng kanyang muling pagtayo matapos ang lahat ng unos na pinagdaanan niya.Dumagsa ang mga tao sa venue—mga tagahanga, supporters, at hindi rin nawala ang mga media at ilang kritiko. Masaya ang atmospera, ngunit hindi rin naiwasang magkaroon ng mga mapanuring mata at matatalas na tanong mula sa mga reporter.Isa sa mga unang tanong na ibinato kay Maricar ay tungkol sa kanyang kalagayan matapos niyang malaman na siya pala ang apo ng isa sa pinakamayamang negosyante sa bansa."Maricar, ano ang pakiramdam ng malaman mong bahagi ka pala ng isang bilyonaryong pamilya? May nagbago ba sa pananaw mo sa buhay?" tanong ng isang reporter.Kalma lamang siyang ngumiti bago sumagot. "Marami ang nagbago, pero hindi ako. Ako pa rin si Mari