THIRD PERSON:Habang si Maricar ay nagbabasakaling makahanap ng trabaho, meron namang mga tao na nagbubunyi sa kanyang pagkaalis sa bahay. Ang biyenan ni Maricar na si Emilia at ang anak nitong si Carol ay nag-uusap sa sala."Buti naman at naisipan ng umalis dito ang payatot na iyon!" Wika ni Emilia habang nakangiti at may kasamang pag-iling."Kaya nga, Mama. Ang arte pa kasi talagang inantay niya pa si Nathan na ilahad sa kanya ang divorce papers, tsk!" sagot ni Carol na may bahid ng kasiyahan sa kanyang boses."Ay nga pala, Mama, alam na ba ni Ericka ang tungkol dito?" tanong ni Carol habang naghahanda ng tsaa para sa kanilang dalawa."Hmm, malamang alam na din non," sagot ni Emilia habang umiinom ng tsaa. "Alam mo naman si Nathan, matagal nang gusto si Ericka. Siguro ngayon na wala na si Maricar, mas magiging madali na ang lahat."Napangiti si Carol at umupo sa tabi ng kanyang ina. "Tama ka, Mama. At least, ngayon mawawala na ang tinik sa ating mga lalamunan. Hindi ko talaga mainti
THIRD PERSON:Masaya silang nagbubuo ng kanilang mga plano kasama si Ericka at masayang pinagtatawanan ang pagkatao ni Maricar, habang ang dalawang bata ay umiiyak na nasasaktan sa mga salitang naririnig tungkol sa kanilang ina."Ate, umalis na talaga sila Mama," malungkot at umiiyak na sabi ni Lyca sa kanyang ate Eunice."Tahan na, wag ka nang umiiyak. Ang mahalaga, malaya na si Mama sa mga ugali nilang tatlo... makakapag-umpisa na si Mama. Nangako naman si Mama na kukunin niya tayo dito kapag okay na ang lahat," sabi ni Eunice habang inaalo nito ang kanyang kapatid. "Kailangan lang natin magtiwala at maghintay. Magiging maayos din ang lahat.""Eh, bakit ba tayo nagpaiwan? Pwede naman tayong sumama kay Mama, diba?" tanong ni Lyca habang patuloy na umiiyak."Hindi pwede dahil mahihirapan pa mag-umpisa si Mama dahil sa mga gastusin nating dalawa sa pag-aaral. Sa tuition pa lang natin, di na kakayanin ni Mama. Kaya tiis-tiis lang, Lyca. Makakasama din natin sila. Hayaan muna natin makap
MARICAR POV:Agad ko namang tinawagan si Lisa upang ipaalam sa kanya na magsisimula na ako sa trabaho, at natuwa siya sa balita. Para maibsan ang kaba at pagkasabik ko, naisip kong magandang ideya na tawagan si Lisa, sapagkat siya ang isa sa mga pinakamalapit kong kaibigan na laging nakikinig at nagbibigay ng suporta sa akin sa tuwing may ganitong pagbabago sa buhay ko."Talaga?!!! Naku, salamat sa Diyos at tinupad niya ang hiling natin!!" sagot niya na puno ng saya."Kaya talagang sobrang nagpapasalamat ako sa Kanya... Hindi niya ako pinapabayaan. Nga pala, kumusta ka naman sa mga bata? Hindi ba nangungulit sa'yo?" tanong ko na may pag-aalala, dahil baka napapagod na din siya sa pagbabantay sa dalawa kong chikiting."Ay, naku, Maricar, huwag mo nang alalahanin pa ang mga bata dito... Ang babait kaya ng dalawa... Hindi nga ako nahihirapang alagaan ang mga ito eh," sagot ni Lisa na may halong tawa."Siya sige, mamaya na Lisa, malapit na ako sa shop. Bye-bye na," paalam ko."Okay... Ing
THIRD PERSON:Nasa sala sina Nathan at Ericka, masinsinan ang kanilang usapan tungkol sa mga susunod na hakbang sa pagpapalit ng kanilang tahanan. Bagong dating pa lamang sila mula sa condo ni Ericka, kung saan sila'y naghakot ng mga personal na gamit na kailangan ni Ericka sa paglipat sa tahanan nina Nathan."Nathan, sigurado ka bang ayos lang ito kina Eunice at Lyca?" tanong ni Ericka na halata ang pag-aalala sa boses. Alam niyang hindi magiging madali ang kanilang pagsasama sa ilalim ng iisang bubong."Oo, Ericka," sagot ni Nathan, hinawakan ang kamay ng kasintahan nang mahigpit upang iparamdam ang kanyang pagtitiwala. "Kailangan lang nila ng panahon para makapag-adjust. Alam kong hindi madali para sa kanila, pero gusto kong malaman nila na mahalaga ka rin sa akin." Nasa tinig ni Nathan ang determinasyon at pagmamahal, na parang nais ipakita kay Ericka na handa siyang ipaglaban ang kanilang relasyon. Napatitig si Ericka kay Nathan, kita sa kanyang mga mata ang pag-aalinlangan. "San
MARICAR POV:Sa mga sumunod na buwan ng aking pagtatrabaho sa flower shop, hindi ko inaasahan ang mga bagong karanasang magbabago sa aking pananaw at magbibigay sa akin ng higit pang lakas at inspirasyon. Sa bawat araw na lumilipas, mas lalong lumalalim ang aking kaalaman sa pag-aayos ng mga bulaklak, at higit sa lahat, natutunan ko kung paano ang tamang pakikitungo at pag-aalaga sa mga customer. Bukod sa trabaho, naging mahalaga rin sa akin ang mga sandali ng pag-uusap at pagsasalo-salo kasama sina Ma'am Elenor at ang kanyang assistant. Ang kanilang mga kwento at karanasan ay nagbigay sa akin ng inspirasyon at lakas ng loob upang harapin ang anumang hamon na darating.Hindi rin maikakaila na ang trabaho sa flower shop ay nagbukas ng maraming oportunidad para sa akin. Natutunan ko kung paano magpakatatag at magtiwala sa aking sarili, lalo na sa mga panahong may mga event o special occasions na kailangan ng maraming orders. Isa sa mga hindi ko makakalimutan ay ang pagkakataon na mag-de
THIRD PERSON:****Habang patuloy niyang iniisip ang kanilang unang pagkikita at ang misteryosong lalaking muling nagpakita sa kanyang buhay, may mga tanong at pag-aalinlangan sa kanyang isipan. Ngunit sa likod ng lahat ng ito, naroon din ang isang damdaming matagal nang hindi niya nararamdaman – ang kakaibang saya at kilig. Bago pa man sila makalabas ng flower shop, nagsalita muli ang binata..****"Sensya na kung bigla kitang inayang lumabas," aniya habang naglalakad sila."O-okay lang po," tanging tugon niya, nanatiling nakayuko habang naglalakad."Sa totoo lang, matagal na kitang hinahanap," ani niya, na nagpalito ulit kay Maricar."Ta-talaga po? Dahil po ba sa panyo?" nag paangat ng kanyang mukha't tanong niya, at tumingala siya saglit sa binata, may katangkaran din kasi ito, na halos dibdib lang siya nito."Hmm, hindi lamang sa panyo.....Naalala ko yung araw na iyon sa park. Isang kakaibang karanasan na hanggang ngayon ay hindi ko makalimutan. At simula noon, hinanap kita. Hindi k
THIRD PERSON:Nagulantang naman siya ng biglang tumunog ang cellphone ni Alejandro. "Si Ate, tumatawag... Wait lang huh," sabi nito at tumango naman si Maricar.Ilang minutong pag-uusap nila ng ate niya ang lumipas, at mukhang nagmamadali pa itong lumapit kay sa kanya."Sorry, Maricar. Mukhang di kita mahahatid. Si Ate kasi nagpapasundo ngayon sa airport, mukhang emergency pa ata.""Okay lang po, sir," may ngiting sabi ni Maricar. "Ingat po kayo.""Sure? Pero pupuntahan kita mamaya doon sa shop, okay?""Po?!" siyang gulat na tugon na kumindat lang ang binata sa kanya na may matamis na ngiti.Sa pagpasok ni Alejandro sa kanyang sasakyan, di niya maiwasan na mapangiti, at napaisip siya sa mga nangyari ngayon. Sa bawat pagkakataon na magkasama sila ni Maricar, lalong lumalalim ang kanyang pagtingin sa kanya.Sa pag-alis ni Alejandro, iniisip pa rin ni Maricar ang sinabi ni Alejandro. May kakaibang init na dumadaloy sa kanyang puso, isang pakiramdam ng pag-asa at kasiyahan na matagal niya
THIRD PERSON:Kahit sa mga anak niyang babae, hindi naging madali ang pamumuhay bilang mga anak na lumaki nang walang kasamang ina. Isa itong patunay ng hirap na dinaranas nila sa araw-araw. Sa loob ng tahanang tahimik ngunit puno ng kalungkutan, palaging may alingasngas ng tsismis na bumabalot sa kanilang buhay. Pinakamasakit ang mga usap-usapang nagsasabing iniwan sila ng kanilang ina dahil sa isang eskandalo—ang pangangaliwa umano ng kanilang ama.Hindi nila maitanggi na ang mga bulong at pagtuturo ng mga tao sa kanilang paligid ay tila may buhay, sumusunod sa kanila saan man sila magpunta. Hanggang sa kanilang eskwelahan, hindi nila maiwasan ang maramdaman ang bigat ng mga matang mapanghusga, lalo na kapag sila’y pinag-uusapan sa likuran.Isang hapon, sa oras ng pahinga sa kanilang paaralan, nakaupo si Eunice sa sulok ng silid-aklatan. Hawak niya ang isang lumang aklat, tila nagpapakalunod sa bawat pahina upang kalimutan ang sakit at bigat ng sitwasyon nila. Ang katahimikan ng pal
THIRD PERSON:Habang naglalakad sa hallway sina Eunice at Lyca, parehong ramdam ang kaba sa dibdib ngunit pilit nilang kinakalma ang sarili.“Ate…” mahinang bulong ni Lyca, bahagyang kumapit sa braso ng kapatid. “Sabi nila… mukha daw mangangain si Don Sebastian.”Biglang natawa si Eunice, pinipigilang humalakhak. “Ano ka ba, isang hita lang naman ang mawawala sa ’yo—depende kung galit siya!”Napasimangot si Lyca at agad sumiksik sa tagiliran ng ate niya. “Eh si Ate naman, imbes na i-comfort ako, tinakot pa lalo!”"Tsk, drama mo," natatawang sabi ni Eunice. "Baka nga 'pag nakita niya tayo, maiyak pa 'yon sa sobrang tuwa. Hindi mo pa nga siya kilala, hinuhusgahan mo na agad. Basta, kalmado lang at magalang tayo sa kanya ’yan ang bilin sa atin ni Mama, lalo na pag kaharap na natin ang ating the great Lolo."“Eh paano kung bigla siyang magsalita ng English tapos may accent, o kaya naman ibang lengwahe?” tanong ni Lyca, kunwa’y seryoso. “Tapos di tayo makasagot, nakakahiya!”Napailing si E
THIRD PERSON:Nagulat man si Alejandro sa naging asal ni Maricar, nanatili siyang tahimik habang pinagmamasdan ang buong eksena mula sa di kalayuan. Ang babaeng minsang nakita niyang pinupuno ng sakit, takot, at pagdududa sa sarili. ngayon ay nakatayo nang buong tapang, may paninindigan sa bawat salita, at dignidad sa bawat kilos, sa harap mismo nang nanakit sa kanya. Ngayo’y isa na siyang babaeng alam ang halaga niya… at handang ipaglaban ito, kahit kanino pa."Grabe… si Maricar ba talaga 'yan?" bulalas ni Francis, halatang hindi makapaniwala sa pagbabagong nakita niya kay Maricar."Tama lang 'yan. Matagal nang panahon para makabawi siya sa ginawa ng dalawang 'yan," sagot naman ni Miguel, mariing nakatitig kina Nathan at Ericka. Kita sa kanyang tinig ang pagpanig kay Maricar, at ang respeto sa tapang na ipinakita nito.Maya-maya, tumingin si Miguel kay Alejandro na tahimik lang ito, halatang tulala pa rin sa pangyayari."Bro, okay ka lang?" tanong ni Francis, sabay tapik sa balikat n
THIRD PERSON:Flashback:Halos hindi kumurap si Don Sebastian habang nakaupo sa kanyang malawak at marangyang opisina, nakatingin kay Maricar na tahimik na nakaupo sa kanyang harapan. Sa pagitan nila, isang tumpok ng mga dokumento ang naghihintay ng kanyang lagda."Alam ko, apo, na masyado na akong nagmamadali," wika ng matandang negosyante habang hinawakan ang kanyang baston. "Matanda na ako at hindi ko alam kung anong mangyayari sa mga susunod na taon. Kaya gusto ko nang sanayin ka sa buhay na meron ako, pati na rin ang mga anak mo. Lahat ng ari-arian ko, negosyo, at pangalan ay ipapangalan ko sa'yo upang ikaw ang magpatuloy ng lahat ng ito."Tahimik lamang si Maricar, nakatitig sa mga papeles na nasa kanyang harapan. Ramdam niya ang bigat ng bawat salitang binitiwan ng kanyang lolo. Alam niyang ito ang magiging opisyal na pagpapatibay ng kanyang pagiging isang ganap na Valdez, at ang responsibilidad na kaakibat nito.Huminga siya nang malalim at marahang hinawakan ang pluma. "Alam
THIRD PERSON;Kakain na sana ang mag-aama na sina Lyca, Eunice, at Nathan nang mapatingin sila sa inihain ni Ericka—mga pritong hotdog na halatang sunog.Napangisi si Eunice at pabulong, ngunit malinaw na narinig nina Ericka at Nathan, bumulong ito ng, "Tss! Hotdog na nga lang, sunog pa.""Eunice!" saway agad ni Nathan, ngunit umirap lang ang bata.Hindi maitago ni Ericka ang inis. "Sorry, ha! Wala kasi kayong katulong dito kaya ako na ang nagmagandang-loob na ipagluto kayo!" Sarkastikong tugon niya."Buti pa si Mama, kahit anong lutuin niya, masarap pa rin," biglang sabi ni Lyca, at tumango naman si Eunice bilang pagsang-ayon.Lalong nag-init ang ulo ni Ericka sa dalawang bata. Nangingitngit siyang napabuntong-hininga, pinipigil ang sarili na sumagot pa, ngunit halatang iritado siya."Ano 'yan? Amoy sunog?!"Biglang dumating sina Carol at Emilia, parehong sumisinghot-singhot habang inaamoy ang paligid. Napakunot-noo si Carol bago muling nagsalita, "Ano 'yan? Bakit sunog?"Napatingin
THIRD PERSON:Habang dahan-dahang lumalapit si Maricar kay Don Sebastian, hindi niya maiwasang maramdaman ang pagbilis ng tibok ng kanyang puso. Para bang may mabigat na pader sa pagitan nila, isang pader na hindi basta-basta mabubuwag ng simpleng paglapit lamang. Subalit sa bawat hakbang na kanyang ginagawa, unti-unting napapalitan ng determinasyon ang kanyang kaba. Hindi niya maaaring hayaang magtagal pa ang distansyang ito sa pagitan nila.Nang sa wakas ay tumigil siya sa harap ng kanyang lolo, isang matagal na katahimikan ang namayani. Nag-aalangan si Don Sebastian, tila hindi makapaniwala na nasa harap na niya mismo ang kanyang apo. Hindi niya alam kung dapat ba siyang ngumiti, magsalita, o yakapin ito. Samantalang si Maricar naman ay pilit pinipigilan ang sarili na magpakita ng labis na emosyon.Sa halip, biniro niya ito.“Magpapa-autograph din po ba kayo?” Tanong ni Maricar, pilit na ngumiti kahit may bahagyang pag-aalinlangan sa kanyang tinig.Nataranta si Don Sebastian, halat
THIRD PERSON:"Grabe, sobrang higpit na talaga ng pagbabantay kay Maricar," sabi ni Loisa habang bahagyang umiling."Parang hindi na siya makakagalaw nang malaya." sabi ni Loisa habang nakatanaw sa buong entablado. Kitang-kita nila ang mahigpit na pagbabantay ng mga security personnel sa paligid. Ilang lalaki ang nakaposisyon sa bawat sulok, laging alerto sa anumang maaaring mangyari. Napabuntong-hininga si Ma’am Elenor at tumango."Kailangan na talagang bantayan siya, lalo na’t alam na ng buong mundo na apo siya ni Don Sebastian," sagot niya, seryoso ang boses."Masyado nang maraming matang nakatutok sa kanya. Hindi natin alam kung sino ang may mabuting intensyon at sino ang may masamang balak.""Pero hindi ba parang sobra na ito?" tanong ni Loisa."Oo, naiintindihan ko na kailangan siyang protektahan, pero paano naman ang kalayaan niya? Hindi ba siya mahihirapan sa ganitong sitwasyon?" Napatingin si Ma’am Elenor kay Loisa, halatang nag-aalalang iniisip din ang bagay na iyon."Alam k
THIRD PERSON:Naglalakad sina Maricar at Alejandro sa isang tahimik na lugar na napapalibutan ng mga bulaklak at malalaking puno. Ang mga ilaw sa paligid ay kumikislap nang banayad, at ang malamig na simoy ng hangin ay may dalang halimuyak ng mga bulaklak. Wala ni isang tao sa paligid—parang silang dalawa lang ang naroon."Hmm, ang ganda naman dito," sambit ni Maricar habang huminga nang malalim at pumikit sandali upang damhin ang kapayapaan ng lugar. "Buti hindi matao dito, no?""Ganito daw talaga kapag ganitong oras," sagot ni Alejandro habang nakangiti at nakatanaw sa malayo. "Wala nang nagpupunta dito. Kaya sinadya kong dalhin ka rito para makapag-relax ka nang walang istorbo."Napangiti si Maricar at tiningnan si Alejandro. "Salamat...""Alam kong gusto mo rin minsan na makalayo sa gulo at ingay... Kaya naisip ko, baka magustuhan mo rito."Tumigil si Maricar sa paglalakad at humarap kay Alejandro. 'Sobrang gusto ko nga. Parang ang gaan sa pakiramdam... para bang kahit saglit, nak
THIRD PERSON:Reporter 1:"Ericka, totoo bang ikaw ang may pakana ng eskandalo sa event ni Don Sebastian?"Bahagyang tumigil si Ericka at napatingin sa nagtatanong, kasunod ng isang pilit na ngiti.Ericka:"Seriously? Bakit ako gagawa ng ganung kalokohan? Masyado kayong nagpapadala sa tsismis. Walang katotohanan ang mga paratang na 'yan."Reporter 2:"Pero ayon sa mga nakalap na impormasyon, ikaw daw ang nagplano para mapahiya si Maricar. Ano ang masasabi mo rito?"Umismid si Ericka at tumawa nang mapakla.Ericka:"Sa tingin niyo ba, bababa ako sa ganung level? Nakakatawa lang na ang daming naniniwala sa mga sabi-sabi nang walang sapat na ebidensya. At saka, baka nakakalimutan niyo—si Nica ang nasa event na 'yun. Baka nga siya ang may pakana! Baka nababaliw na si Nica kaya niya nagagawa 'yun, tapos ako ang ituturo niyang may sala para sa akin mapunta ang galit ng madla."Reporter 3:"Ang ibig mong sabihin, si Nica ang may kasalanan? Wala ka talagang kinalaman sa nangyari?"Tumikhim si
THIRD PERSON:Sa pagbabalik ni Maricar sa kanyang karera, nagdesisyon ang team ni Kathlyn na mag-organisa ng isang espesyal na meet-and-greet event. Hindi lamang ito isang paraan upang muling makipag-ugnayan si Maricar sa kanyang mga tagahanga, kundi isa ring simbolo ng kanyang muling pagtayo matapos ang lahat ng unos na pinagdaanan niya.Dumagsa ang mga tao sa venue—mga tagahanga, supporters, at hindi rin nawala ang mga media at ilang kritiko. Masaya ang atmospera, ngunit hindi rin naiwasang magkaroon ng mga mapanuring mata at matatalas na tanong mula sa mga reporter.Isa sa mga unang tanong na ibinato kay Maricar ay tungkol sa kanyang kalagayan matapos niyang malaman na siya pala ang apo ng isa sa pinakamayamang negosyante sa bansa."Maricar, ano ang pakiramdam ng malaman mong bahagi ka pala ng isang bilyonaryong pamilya? May nagbago ba sa pananaw mo sa buhay?" tanong ng isang reporter.Kalma lamang siyang ngumiti bago sumagot. "Marami ang nagbago, pero hindi ako. Ako pa rin si Mari