Home / Romance / HER TURN TO BREAK HIM / Chapter 11 - Chapter 20

All Chapters of HER TURN TO BREAK HIM: Chapter 11 - Chapter 20

47 Chapters

Chapter 11

Chapter 11Third POVHabang nag-uusap sina John at ang tita ni Safara sa gilid ng venue, kitang-kita ang bigat sa kanilang mga mata."Tita, kailan mo sasabihin kay Safara ang totoo? Hindi mo ba naisip kung ano ang mararamdaman niya kapag nalaman niya ito mula sa iba?" tanong ni John, bakas ang pag-aalala sa kanyang mukha.Hindi kaagad nakasagot ang tita ni Safara. Pinilit niyang maging matatag, ngunit bumigay din ang kanyang damdamin. "Hindi ko alam, John. Ayokong masaktan si Safara. Ayokong may kahati siya sa pagmamahal ko."Nagkibit-balikat si John, halatang hindi kumbinsido sa sagot nito. "Tita, hindi mo siya mabibihag sa kasinungalingan. Mas mabuti pang malaman niya mula sa iyo ang totoo kaysa sa ibang tao."Ngunit bago pa makasagot muli ang babae, pumatak na ang kanyang luha. "Hindi ko makakalimutan ang ginawa niya sa akin, John. Kitang-kita ko sa sarili kong mga mata ang kanyang kababuyan."Habang nag-uusap sila, nag-umpisa na ang program ng pageant. In-announce ang mga hurado,
last updateLast Updated : 2025-01-06
Read more

Chapter 12

Chapter 12Mama ni Safara’s POVHabang papunta kami ni John sa aming upuan, nasalubong namin ang business partner ni Daniel. Bigla akong nataranta dahil barkada ito ng asawa kong manloloko. Kasama pa nila ang pinsan ng asawa ko. Agad kong hinila si John, kaya nagtaka siya."Tita, bakit?" tanong niya."Siya ang nakita ko, kaibigan ng asawa ko," sagot ko, nagmamadaling humakbang."Paano na ‘yan, tita?""Hindi ko alam, John. Hindi ko rin pwedeng iwan si Safara. Hindi naman siguro sila magtatagal dito.""Sabagay, tita. Bumili na lang tayo ng snacks habang naghihintay.""Sige, tama ka. Nauuhaw din ako."Mabilis kaming lumabas at bumili ng snacks. Pagbalik namin, palinga-linga pa rin ako, nagbabakasakaling hindi kami muling makita. Sa kabutihang-palad, hindi ko sila naaninag.Eksaktong dumating kami nang magsimula na ang pagrampa ng mga contestants. Napangiti ako nang makita si Safara suot ang napakagandang gown na likha ni Mae. Isa-isa nang tinatawag ang mga contestants hanggang si Safara
last updateLast Updated : 2025-01-06
Read more

Chapter 13

Chapter 13 Nasa bahay kami ng best friend kong si Irine upang ipagdiwang ang pagkapanalo ni Safara. Abala ako sa paghahanda ng pagkain para sa mga bisita habang naririnig ko ang pagdating ng mga sasakyan. Hindi ko na inabalang lumingon dahil alam kong sina Irine iyon.“Best, dali! Punta ka sa kwarto ko,” tawag nito sa akin.“Bakit?” tanong ko.“Basta, sumunod ka na lang!” Hinila niya ako papunta sa kanyang kwarto, dumaan pa kami sa kusina.“Best, nakita mo ba si Safara?”“Wag kang mag-alala. Andiyan si John, siya ang nagbabantay sa kanya.”“Pero best, natakot ako kanina.”“Hayaan mo na sila. Masaya na ako sa anak ko.”“Basta magbihis ka. Tingnan natin kung sino ang maglalaway mamaya.”Nagbihis ako ng damit na inabot niya sa akin. Nang matapos akong mag-ayos, tinitigan ako ni Irine.“Wow, ang ganda mo pa rin, best! Tingnan natin kung sino ang magsisisi mamaya.”Pagdating namin sa sala, nakita ko si Gordon kasama ang babaeng si Stella. Napatitig siya sa akin habang ang iba’y nagkukwent
last updateLast Updated : 2025-01-06
Read more

Chapter 14

Chapter 14Pagkatapos kong nagpapaalala sa aking mga malapit na kaklase ko ay agad akong umalis dahil ngayon araw kami aalis ni mama papunta sa stage. Sa pag-alis ko ah bitbit ko ang isang pangako, pangakong babalikan ko sila ay paghigantihan sa lahat na ginawang pasakit sa akin. Habang nasa biyahe kami ni Mama papunta sa Stage, hindi ko maiwasang balikan ang lahat ng nangyari. Ang mga sakit, pagtataksil, at kawalang hustisya—lahat iyon ay nagbigay sa akin ng lakas. Pinili ni Mama na umiwas sa gulo, ngunit sa puso ko, alam kong hindi ko hahayaan ang ganoong pang-aapi."Anak, okay ka lang ba?" tanong ni Mama habang hawak ang aking kamay."Okay lang po ako, Ma," sagot ko. "Masaya akong kasama ka."Ngumiti siya, ngunit may bakas ng lungkot sa kanyang mga mata. Siguro’y iniisip niya kung paano kami magsisimula muli.Pagdating namin sa Stage, sinalubong kami ng lola’t lolo ko. Niyakap nila si Mama nang mahigpit at inabutan din ako ng mainit na yakap."Anak, pasensya ka na sa mga pagkukul
last updateLast Updated : 2025-01-06
Read more

Chapter 15

Chapter 15Lumipas ang mga taon, at ngayon ay third year college na ako sa kursong Business Administration. Hindi ko maitatanggi na mahirap ang buhay dito sa Stage, lalo na’t ibang-iba ang kultura at wika. Pero hindi ako nagpatinag. Sa kabila ng lahat ng hamon, pinatunayan ko sa sarili kong kaya kong makipagsabayan, lalo na pagdating sa talino at determinasyon.Sa bawat klase, naririnig ko ang mga professor na nagtuturo sa malalim na Ingles, pero natutunan kong gawin itong inspirasyon para mas lalo pang magsikap."Miss Gomez, can you present your proposal in front of the class?" tanong ng professor ko habang nasa kalagitnaan ng lecture.Tumayo ako nang may kumpiyansa at sinimulan ang presentasyon. Ginamit ko ang mga aral na natutunan ko mula sa mga dating karanasan at isinama ang diskarte kong Pinoy. Nang matapos ako, nagpalakpakan ang buong klase."Excellent work, Miss Gomez," puri ng professor ko. "Your determination is truly remarkable."Bukod sa eskwela, naging aktibo rin ako sa m
last updateLast Updated : 2025-01-08
Read more

Chapter 16

Chapter 16Habang tahimik kaming kumakain, biglang pumasok sa isip ko ang aking lolo at lola. Ang pamilya nila Mama ay hindi pangkaraniwang tao sa lipunan. Sila ay kabilang sa isang makapangyarihang angkan na may kayamanan at impluwensya, ngunit mas pinili ni Mama ang mamuhay nang simple kaysa maging bahagi ng marangyang pamumuhay na iniaalok sa kanya noon."Ma," tanong ko, pinutol ang katahimikan. "Bakit mo piniling iwan ang lahat noon? Lalo na't alam kong maaaring naiiba ang buhay natin kung tinanggap mo ang yaman ng pamilya mo," tanong kong sabi. Napabuntong-hininga si Mama at saglit na tumingin sa akin. "Anak, hindi ako umalis dahil sa yaman o karangyaan. Umalis ako dahil mas mahalaga sa akin ang kalayaan at ang pagkakataon na mabuhay ayon sa sarili kong mga prinsipyo," tugon niya sa akin. "Pero Ma, hindi mo ba nami-miss ang buhay doon? Ang mga magulang mo, ang buhay na dati ikaw? Lalo na ang mga kaibigan mo at mga kamag-anak na malapit sayo?" tanong ko muli. Ngumiti siya, ngun
last updateLast Updated : 2025-01-08
Read more

Chapter 17

Chapter 17 Lumipas ang ilang araw, at dumating ang araw ng pagpupulong. Nasa bahay kami ng lolo at lola ko, at doon namin hinarap si Gordon. "Irene, Safara," bungad niya, bakas ang kaba sa kanyang mukha. "Alam kong mahirap itong sitwasyon, pero gusto kong malaman niyo na handa akong gawin ang lahat para maitama ang mga mali ko noon," sabi ng aking ama. Napatingin ako sa lolo ko, na tahimik na nakikinig hanggang nagsalita ito. "Bakit ngayon lang, Gordon?" tanong ng lolo ko. "Alam mong iniwan ka ng anak ko dahil sa ginawa mong pagtaksil sa araw ng kasal niyo. Anong dahilan ng biglang pagbabalik mo?" mariing tanong ng aking lolo. "Oo inaamin kong nagkamali ako, Mr. Reyes," sagot ng aking ama. "Hindi ko alam kung paano ipapaliwanag ang totoong nangyayari. Ang katotohanan noon. Pero ngayong alam kong may anak ako, hindi ko na kayang manahimik lang sa tabi bahang pinapanood ko ito sa lalayo. Gusto ko siyang makilala at mapatunayan na karapat-dapat akong maging parte ng buhay niya," ma
last updateLast Updated : 2025-01-08
Read more

Chapter 18

Chapter 18Kinabukasan, habang nag-aalmusal kami ni Mama, dumating si Gordon. Hindi ko maitago ang pagtataka at kaba sa pagbisita niya."Safara, Irene," bungad niya habang hawak ang isang envelope. "May gusto akong ipagtapat. Ito na ang tamang oras para malaman niyo ang totoo," sabi niya na may lungkot ang boses. Nagpalitan kami ng tingin ni Mama. Bakas sa kanyang mukha ni mama ang kalituhan, pero sumang-ayon siyang pakinggan si papa.Umupo si Papa sa harap namin at inilapag ang envelope sa mesa. "Alam kong matagal ko nang dapat ipaliwanag ito. Pero ngayon, gusto kong linawin ang lahat ng nangyari sa araw ng kasal natin dalawa, Irene," panimula niyang sabi. Napatingin ako kay Mama, na halatang kinabahan sa sasabihin ni papa. "Anong ibig mong sabihin?" tanong niya na may halong kaba at pagtataka. Huminga nang malalim si Gordon bago nagsalita. "Irene, hindi ko kailanman pinagtaksilan ang pagmamahal ko sa'yo. Ang nangyari noong araw ng kasal natin ay isang set-up lamang upang magalit
last updateLast Updated : 2025-01-09
Read more

Chapter 19

Chapter 19Lumipas ang limang buwan mula nang tumira kami sa stage, at napagdesisyunan kong tawagin siyang Papa. Labis siyang natuwa at halos maiyak sa saya nang marinig niya ito sa unang pagkakataon. Dati, Gordon lamang ang tawag ko sa kanya, pero ngayon, ramdam kong mas nararapat ang tawag na iyon dahil sa lahat ng ginawa niya para sa amin.Si Mama naman, nanatili pa ring "Gordon" ang tawag sa kanya. Minsan nga, napapansin kong iniirapan siya ni Mama Irene, lalo na kapag nagpapakita si Papa ng pagiging sweet sa kaniya. Pero hindi nagpapatalo si Papa. Todo ang panliligaw niya kay Mama—mula sa maliliit na surpresa hanggang sa mga matatamis na salita na madalas ikinahihiya ni Mama, kahit alam kong natutuwa rin siya sa loob-loob niya.Unti-unti, nagbabago ang atmosphere sa bahay. Mas nagiging masaya at buo ang pamilya namin. Pero sa kabila ng lahat, nararamdaman ko pa rin ang tensiyon sa pagitan nila. May mga bagay pa ring hindi malinaw at tila naghihintay ng tamang panahon upang maayos
last updateLast Updated : 2025-01-12
Read more

Chapter 20

Chapter 20 Paglipas ng mga oras ay agad kaming naghanda ni Papa para ihatid niya ako pauwi sa tinitirhan namin ni Mama. Habang nasa sasakyan, tahimik kaming dalawa, ngunit ramdam ko ang saya sa bawat saglit na magkasama kami. "Nag-enjoy ka ba kanina?" tanong ni Papa habang minamaneho ang sasakyan. "Opo," sagot ko nang may ngiti. "Medyo nakakailang lang kasi ang daming tao, pero masaya po akong kasama kayo." Napangiti siya at sandaling tumingin sa akin bago muling ibinalik ang tingin sa kalsada. "Sanay ka rin balang araw. Ang importante, makita mo ang halaga mo sa mundong ginagalawan ko." Tahimik akong napaisip sa sinabi niya. Hindi ko man lubos maunawaan ang ibig niyang sabihin, ramdam kong may malalim siyang plano para sa akin. Pagdating namin sa tinitirhan namin ni Mama, agad niyang binuksan ang pinto ng sasakyan para sa akin. Bago pa ako makababa, humarap siya sa akin at inabot ang kamay ko. "Safara, gusto kong malaman mo na anuman ang mangyari, palagi akong nandito para sa'
last updateLast Updated : 2025-01-12
Read more
PREV
12345
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status