Home / Romance / HER TURN TO BREAK HIM / Chapter 21 - Chapter 30

All Chapters of HER TURN TO BREAK HIM: Chapter 21 - Chapter 30

47 Chapters

Chapter 21

Chapter 21Habang naglakad ako patungo sa akung silid ay napailing na lang ako dahil sa mahilig bumasa ni mama ng mga story lalo na't tungkol sa lovelife na may halong katatawa. Pagpasok ko sa kwarto ko, hindi ko pa rin mapigilan ang ngiti ko. Napaisip ako kung ano kaya ang laman ng mga romance novel na binabasa ni Mama. Siguro, sa kabila ng pagiging seryoso niya sa labas, may mga bagay na nagpapakilig sa kanya sa loob.Habang inilalabas ko ang mga gamit ko mula sa bag, tumigil ako sandali at tumingin sa kisame. Paano kaya kung mangyari sa kanila ni Papa ang mga binabasa niya? Hindi ba't masaya kung magkabalikan sila? Naiimagine ko tuloy kung paano magiging mas buo ang pamilya namin kung magkaayos sila."Safara, kumain ka na ba?" tawag ni Mama mula sa labas ng kwarto ko."Hindi pa po, Ma. Gusto niyo po ba sabay tayo?" sagot ko habang inilalapag ang mga gamit sa study table.Sandaling natahimik bago siya sumagot. "Sige, maghain ka na at sabay tayo."Napangiti ako at mabilis na bumaba
last updateLast Updated : 2025-01-14
Read more

Chapter 22

Chapter 22Dumaan ang mga araw na puno ng excitement sa isip ko. Hindi ko mapigilan ang mag-isip kung paano kaya ang magiging reaksyon ni Papa kapag nalaman niyang pupunta kami ni Mama sa bahay niya. Baka magulat siya, o baka naman magdiwang sa tuwa.Pagdating ng Sabado, maaga akong nagising. Nag-ayos ako ng sarili at tumulong kay Mama sa paghahanda ng mga dadalhin namin. Bagama’t tahimik lang si Mama, ramdam kong kinakabahan siya.“Ma, okay lang po ba kayo?” tanong ko habang inaayos ang basket ng mga prutas na dadalhin namin.“Okay lang, anak,” sagot niya, pero halata sa boses niya ang bahagyang tensyon. “Medyo kinakabahan lang ako. Matagal na rin kasi mula nang huli kaming nag-usap ng Papa mo.”Lumapit ako sa kanya at hinawakan ang kamay niya. “Ma, nandito lang po ako. Hindi niyo po kailangang mag-alala. Sigurado akong magiging maayos ang lahat.”Ngumiti siya nang bahagya at tumango. “Salamat, Safara.”Pagdating namin sa bahay ni Papa, ako na ang nag-doorbell. Maya-maya, bumukas ang
last updateLast Updated : 2025-01-14
Read more

Chapter 23

Chapter 23Pagkatapos ng masaya naming mga sandali bilang pamilya, dumating ang balita na nagbago ng lahat. Isang umaga, habang abala si Mama sa kusina at ako naman ay nag-aaral sa sala, bigla siyang tumawag sa akin."Safara, usap tayo," sabi niya habang nauupo sa tabi ko, halatang seryoso.Nagtataka akong lumapit. "Bakit po, Ma? May problema po ba?"Tumikhim siya bago magsalita. "Anak, napagdesisyunan kong bumalik tayo sa Pilipinas."Nanlaki ang mga mata ko. "Babalik tayo sa Pilipinas? Bakit po? Akala ko po dito na tayo magtatagal.""May pagkakataon akong ipagpatuloy ang negosyo ng pamilya ko roon," sagot niya, pilit na iniiwasan ang aking tingin. "At gusto ko ring doon ka na magtapos ng kolehiyo. Mas maraming oportunidad para sa'yo roon, Safara."Hindi ko alam kung ano ang sasabihin. Bagama’t maganda ang plano ni Mama, hindi ko maiwasang malungkot. Masaya na ako sa bagong simula naming pamilya dito, pero parang biglang mawawala ang lahat."Paano po si Papa?" tanong ko, halos pabulon
last updateLast Updated : 2025-01-15
Read more

Chapter 24

Chapter 24Habang nagpatuloy ang araw, hindi ko maiwasang mapansin ang mga pagbabago sa sarili ko. Dati, takot akong humarap sa mga tao. Ngayon, tumayo ako nang matatag, hindi na ang Safarang takot at mahina. Ang mga sugat ng nakaraan ay hindi na basta alaala—ginawa ko itong sandata para harapin ang ngayon.Sa bawat klase, ramdam ko ang bigat ng tingin ni Vince. Hindi ko alam kung dahil ba sa hiya o sa pag-aalala, pero hindi ko siya binigyan ng pansin. Alam kong may mas malaking plano akong kailangan pagtuunan ng pansin, at siya ang unang target ko.Sa labas ng campus, nakatanggap ako ng mensahe mula kay Mama.Mama: "Anak, kumusta ang unang araw? Nakapasok ka ba nang maayos?"Agad akong sumagot.Ako: "Opo, Ma. Everything’s fine."Pinilit kong maging maayos sa sagot ko kahit pa puno ng emosyon ang araw ko.Bago umuwi, nagpasya akong maglibot sa campus. May lugar doon na paborito kong tambayan noong high school pa ako—isang maliit na hardin sa likod ng library. Tahimik at puno ng alaala
last updateLast Updated : 2025-01-18
Read more

Chapter 25

Chapter 25Lumipas ang mga buwan, unti-unti akong nasanay sa buhay ko dito sa Pilipinas. Ngunit hindi ko maikakailang miss na miss ko si Mama. Kaya naman nang dumating ang sembreak namin ng dalawang linggo, agad kong inayos ang gamit ko. Nagdesisyon akong puntahan siya sa States upang kamustahin.Habang inaayos ang maleta, hindi ko maiwasang mag-isip. Ano na kaya ang kalagayan niya roon? Kumusta na kaya ang negosyo? At higit sa lahat, paano na ang mga plano niya para sa amin?"Safara, sigurado ka ba sa lakad mo?" tanong ni Lola habang nag-aayos ng baon ko. "Baka mahirapan kang mag-adjust ulit."Ngumiti ako at niyakap siya. "Opo, Lola. Sandali lang naman ako doon. Gusto ko lang po talagang makita si Mama."Pagsapit ng araw ng flight, hindi ko maiwasang makaramdam ng halo-halong emosyon. Masaya akong makikita si Mama, pero may konting kaba rin. Matagal-tagal na rin simula noong huli kaming magkasama.Pagdating ko sa States, sinalubong ako ni Mama sa airport. Nakasuot siya ng eleganteng
last updateLast Updated : 2025-01-18
Read more

Chapter 26

Chapter 26 Habang papalapit ako sa grupo nina Kim, hindi ko maiwasang marinig ang usapan ng mga lalaki sa di kalayuan. "Fuck, lalong gumanda, sexy, at hot," ani Jonathan, hindi alintana na naririnig ko siya. Napakunot ang noo ko, pero hindi ko ito pinansin. Narinig ko rin ang sagot ng isa pa nilang kasama, si Kent. "Ulo, saan ba kayo nagsusuot? Ngayon niyo lang nalaman na bumalik na siya? Mag-anim na buwan na 'yan dito sa Pinas." Napatigil ako sa paglalakad nang marinig ang huling sinabi ni Alfred. "At laging sinusuyo ni Vince. Hindi pa rin sumusuko, pare." Parang tumigil ang mundo ko. Vince? Sinusuyo ako? Napailing ako. Hindi na mahalaga iyon. Ang mahalaga, hindi ko na hahayaan ang sinuman, lalo na siya, na sirain ulit ang mundo ko. Bigla, tumili si Kim mula sa harap. "Safara! Dali, friend! Ang tagal mo!" Napangiti ako at kumaway sa kanya. Nagmadali akong lumapit, iniwasan ang mga tingin ng mga lalaki. "Hindi ko alam kung anong sinasabi nila, pero parang hindi maganda," sabi
last updateLast Updated : 2025-01-18
Read more

Chapter 27

Chapter 27 Biglang may batang lumapit sa matanda. "Grandma, you're here!" sabi niya, sabay mano. Pagkatapos ay tumingin siya sa akin. "Who is she? She looks like Daddy G," sabi ng bata, halatang nagtataka. Narinig ko ang pagbulong ng ilan sa paligid. Hindi ko na pinansin iyon at ngumiti na lang. "Ahem… Hi po sa inyong lahat," bati ko, kahit kabado. Biglang lumapit si Tita Aldina kasama si Tito. "Safara! Andito ka pala! Nasaan ang Mama mo?" tanong ni Tita Aldina. "Nasa States po kasama si Daniel," sagot ko. "Daniel? Sino naman ‘yon?" tanong ni Tito Paul, halatang nagtataka. "Kapatid ko po," sagot ko nang diretso. Nagkatinginan ang ilan, at narinig kong bumulong si Tito Fonso. "May bago na palang love life si Irene," sabi niya. Hindi ko napigilan ang sarili ko. "Hindi po," madiin kong sagot. "Isa lang ang ama ng mga anak niya." Sabay tingin sa aking ama na tahimik lang nakikinig. Biglang sumingit si Stella. "Umalis ka na dito! Hindi ka welcome dito, pati ang ina mong mala
last updateLast Updated : 2025-01-23
Read more

Chapter 28

Chapter 28Nanginginig pa rin ang mga kamay ko habang naglalakad ako patungo sa Gomez University College. Hindi ko alam kung bakit, pero parang mas lalo akong kinakabahan ngayon kaysa noong nakaraang sembreak. Siguro dahil alam kong makikita ko na naman sila Marga at Sabrina. Parang may dalawang pares ng matatalim na mata ang nakasunod sa akin. Hindi ko kailangang lumingon para malaman kung sino sila. Kilala ko na ang mga mata na iyon, ang mga matang puno ng galit at pang-aalipusta.Nang makarating ako sa entrance ng school, naramdaman ko na ang kanilang presensya. Nakatayo sila sa harap ng pinto, nakaharang sa daanan ko. Si Marga, ang leader ng grupo, ay nakangisi ng nakakaloko. Nakasuot siya ng mamahaling damit at may hawak na mamahaling bag. Si Sabrina naman ay nakatingin sa akin nang may pagkamuhi. Nakasuot siya ng maikling palda at may makapal na make-up. Nasa likod nila ang kanilang mga alipores, nakangiti nang nakakaloko."Well well, well," sabi ni Marga, ang boses n
last updateLast Updated : 2025-01-23
Read more

Chapter 30

Chapter 30 Gordon POV "Ano’ng nangyari sa’yo? Bakit magulo ang buhok mo, aking prinsesa," tanong ko habang tinitingnan ang anak ko na halatang galing sa gulo. "Aba, kaya pala matalas ang bunganga sa hampas-lupa kasi may sugar daddy pala," sabi ng isang babaeng nakaupo at walang pakundangan sa pananalita. "Sino ka para pagsabihan mo siya nang ganyan? Alam mo ba, isang pitik ko lang mawawala sa’yo ang lahat. Alam niyo ba kung sino ang iniinsulto niyo? She is my daughter—ang kakaisang anak kong babae ang prinsesa ng aming angkan! At ikaw, huwag na huwag kang maglalakas-loob na pumasok sa paaralan ko mula ngayon," mariin kong sabi, puno ng galit. "Hindi mo puwedeng gawin ’yan, Mr. Gomez! Kapag ginawa mo ’yan, magdedemanda kami!" sagot ng babae, ngunit bakas ang kaba sa boses. "Go ahead. Peter, kunin mo ang CCTV footage ng buong insidenteng ito. Siguraduhing makikita ko ang lahat ngayon mismo," utos ko. Biglang natameme at namutla ang mga kausap ko. Pagkasilip ko sa CCTV, umusbong a
last updateLast Updated : 2025-01-24
Read more

Chapter 31

Chapter 31Patuloy akong nag-iisip habang patuloy kami ni Mr. Rosales sa aming pagbiyahe. Hindi ko pa rin matanggap ang nangyaring pambubuli kay Safara. Siya ang aking prinsesa, at ang sakit na nararamdaman ko para sa kanya ay hindi ko kayang ipaliwanag. Kailangan kong ipaglaban siya, at gagawin ko ang lahat para makamtan niya ang hustisya na nararapat sa kanya."Vince, pagkatapos nitong lahat, kailangan kong malaman kung paano tayo makakatulong kay Safara. Kung may pagkakataon, gusto kong ikaw mismo ang magbigay sa kanya ng proteksyon sa paaralan," sabi ko kay Vince, na tila may kabuntot na takot ngunit nagpapakita ng malasakit."Opo, sir. Walang problema. Gagawin ko ang lahat para matulungan si Safara," sagot niya, na may pagnanais na matulungan ang batang babae.Matapos ang ilang sandali ng katahimikan, naisip ko rin na baka may kailangan akong ikonsidera sa mga magulang ng mga kabataang nanakit sa anak ko. Hindi ko basta-basta papayagan na magpatuloy ang ganitong klaseng bullying.
last updateLast Updated : 2025-01-26
Read more
PREV
12345
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status