Ilang araw nang nakakulong si Azriel sa loob ng kanyang mansyon. Hindi siya lumalabas, hindi rin siya kumakain nang maayos. Ang tanging ginagawa niya ay uminom—isa, dalawa, tatlong bote ng alak, hanggang sa manhid na siya sa sakit.Wala nang saysay ang bawat umaga. Para siyang patay na buhay.Sa loob ng kwarto niya, nagkalat ang mga bote ng alak, at amoy sigarilyo ang paligid. Nakahiga siya sa kama, walang direksyon ang tingin, tila wala nang dahilan para mabuhay.At ngayon, dumating ang kanyang matatalik na kaibigan—Dylan, Miguel, at Nagi.Pagkapasok pa lang nila, napahinto na sila sa nasaksihan.“Holy sht,” bulong ni Nagi habang tinitingnan ang kaawa-awang itsura ni Azriel. “Bro, you look like sht.”“Correction,” sabad ni Dylan. “Worse than sh*t.”Napangisi si Miguel, pero halata ang pag-aalala sa kanyang mukha. “Azriel…”Walang reaksyon mula kay Azriel. Nakahiga lang siya, nakatingin sa kisame, tila walang narinig.Lumapit si Dylan at umiling. “Ano ’to? Ano’ng ginagawa mo sa sarili
Terakhir Diperbarui : 2025-02-11 Baca selengkapnya