Mainit ang yakap ni Azriel, para bang natatakot itong maglaho siya sa isang iglap. Hindi niya alam kung paano pa lalabanan ang damdamin niya—dahil ang totoo, wala na siyang lakas na pigilan pa ang sarili. Mahal niya ito. Mahal na mahal niya ito. Kaya nang dumampi ang labi ni Azriel sa kanya, hindi na siya nagdalawang-isip na tumugon. Naging maalab ang halik, puno ng pananabik, ng pagnanasa, at higit sa lahat—pagmamahal. Para bang pareho nilang gustong burahin ang buwan ng pangungulila sa isang iglap. Para bang sa gabing ito, walang kahit anong sikreto, walang kahit anong kasinungalingan—silang dalawa lang. Dahan-dahang ibinaba ni Azriel ang kanyang mga labi sa leeg niya, pinagapang ang init ng halik sa kanyang balat. Napakapit siya sa batok nito, hinayaan ang sarili na madala sa bawat galaw, sa bawat haplos. "You’re mine, Zarraeah," bulong nito sa pagitan ng kanilang mga halik, puno ng possessiveness at emosyon. At sa gabing ito, hindi na siya tumutol. "O-oo, Azriel," mahina ni
ปรับปรุงล่าสุด : 2025-02-15 อ่านเพิ่มเติม