Semua Bab The Secret of His Obsession (POSSESSIVE BOYS SERIES 2): Bab 101 - Bab 110

143 Bab

Chapter 99

Pagkalabas nila sa theme park, hindi napigilan ni Bree ang antok. Mahigpit siyang nakayakap sa leeg ng yaya niya habang nakasandal ang maliit na ulo sa balikat nito."Sir, mauna na po kami sa hotel?" tanong ng yaya.Tumango si Azriel. "Yeah. Make sure she’s comfortable."Saglit niyang tinignan si Bree at hinalikan ito sa noo. "Goodnight, baby."Napangiti si Zephyrine nang makita ang malambing na side ni Azriel. Kitang-kita sa mga mata nito ang pagiging mapagmahal na ama.Pagkaalis ng yaya kasama ang mga bodyguard, nagtataka siyang tumingin kay Azriel. "So… tayo na lang?""Yes." Ngumiti si Azriel at inalok ang kamay niya. "Come with me."Nagdadalawang-isip siyang kunin ito pero sa huli, hinayaan niyang siya ang alalayan ni Azriel.Romantic dinner?Hindi niya alam kung anong iniisip nito pero hindi na siya nagulat nang makita ang setup sa isang rooftop restaurant. Private, elegant, at napapalibutan ng mga ilaw na nagbibigay ng warm ambiance. Mula roon, tanaw nila ang lungsod ng Tokyo sa
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-02-22
Baca selengkapnya

Chapter 100

Ramdam ni Zephyrine ang biglaang pagsakit ng ulo niya, dahilan para mapaatras siya mula sa halik ni Azriel. Agad siyang inalalayan nito patungo sa upuan, hawak-hawak ang kamay niya na para bang isang maling galaw lang ay mababasag siya."Are you okay?" may pag-aalalang tanong ni Azriel habang tinatapunan siya ng seryosong tingin."Yeah, I’m fine," sagot niya, pilit na pinapakalma ang sarili.Naupo siya at nagsimulang uminom ng tubig, habang si Azriel naman ay umupo pabalik sa harap niya. Pero kahit pa gaano siya magpanggap na normal lang ang lahat, hindi niya maiwasang maramdaman ang matinding awkwardness sa pagitan nila.Naghalikan sila.For real.At hindi ito tulad ng dati—walang pilitan, walang galit, walang dahilan kundi ang simpleng pagnanais nilang mapalapit sa isa't isa.Muli siyang napatingin kay Azriel, at napansin niya kung paanong nakatitig lang ito sa kanya, para bang ini-analyze ang bawat expression sa mukha niya."What?" tanong niya, pilit na pinapanatili ang boses niyan
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-02-22
Baca selengkapnya

Chapter 101

Tahimik ang buong kwarto, tanging ang mahina at pantay na paghinga ni Azriel ang maririnig. Ngunit isang matinding sakit ng ulo ang gumising kay Zephyrine—o mas tama, kay Zarraeah.Napasinghap siya nang bumukas ang kanyang mga mata, agad na napansin ang kisame na hindi pamilyar sa kanya. Hindi ito ang kwartong huli niyang natatandaan. Wala siya sa mansion. Wala siya sa lugar na alam niya.Dahan-dahan siyang umupo, pinakiramdaman ang sarili. Pero nang makita ang lalaking mahimbing na natutulog sa tabi niya—si Azriel—isang dagok sa dibdib ang bumagsak sa kanya.Hindi siya makagalaw. Hindi siya makahinga. Bakit sila magkasama?Bakit magkatabi silang natulog?Unti-unting gumapang ang kaba sa kanyang dibdib. Napansin niya ang makakapal na kurtina na nakatakip sa bintana. Ilang sulat na Japanese ang nakapaskil sa dingding, at isang kalendaryo ang may parehong sulat. Wala siyang ideya kung anong bansa siya naroon, pero ang kutob niya—hindi na sila nasa Pilipinas.Napapikit siya ng mariin, pi
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-02-22
Baca selengkapnya

Chapter 102

“Akala ko… ako lang ang mahal mo, Azriel.”Parang isang suntok sa dibdib ang mga salitang iyon.Nakatitig lang si Azriel kay Zarraeah—sa mga mata nitong punong-puno ng sakit at hinanakit. Hindi niya alam kung paano ito sasalubungin, kung paano ito aamuin. Ang inakala niyang yakap na puno ng pananabik ay naglaho sa isang iglap.Lalong nadurog ang puso niya nang makita ang pagluha nito."You don’t need me anymore, do you?" mahina ngunit matalim na tanong ni Zarraeah.Napalunok si Azriel. “What? No—”"Then why does it feel like I’ve been replaced?"Nanginginig ang tinig nito, at doon niya napagtanto kung gaano kasakit ang iniinda nito."Tingnan mo sila, Azriel." Itinuro ni Zarraeah ang mga larawan sa mesa—mga larawang kuha sa mga panahong wala siya, mga larawang may Zephyrine, Azriel, at Bree na parang isang buo at masayang pamilya. "Where do I belong in this picture? Because I don’t see myself anywhere."Pinilit ni Azriel na lumapit, pero umiwas si Zarraeah."Ano pa ba ako sa'yo ngayon,
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-02-22
Baca selengkapnya

Chapter 103

Pagmulat ng mata ni Azriel, ang una niyang hinanap ay si Zarraeah.Nakahiga ito sa dulo ng kama, nakatalikod sa kanya. Halatang gising na ito pero hindi gumagalaw, parang hindi sigurado kung dapat bang lumapit o lumayo.Azriel clenched his jaw. He won’t let her distance herself from him again.Dahan-dahan siyang lumapit at niyakap ito mula sa likod, mahigpit ngunit maingat, para bang natatakot siyang bigla na lang itong maglaho."I love you, Zarraeah." His voice was soft, yet firm. "Ikaw lang ang mahal ko."Ramdam niya ang paninigas ng katawan nito, ang pigil na paghinga."Azriel…" Mahinang bulong nito, puno ng pag-aalinlangan.He gently stroked her arm, pressing a lingering kiss on her bare shoulder. "I know you're hurting… I know I hurt you. But please, Zarraeah, don't ever think na napalitan ka." Hinawakan niya ang kamay nito at inilapat sa dibdib niya, kung saan mabilis ang tibok ng kanyang puso. "Can you feel that? Every beat of my heart belongs to you."Tahimik.She slowly turne
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-02-23
Baca selengkapnya

Chapter 104

Pagkauwi nila sa hotel, hindi maalis ang saya sa mukha ni Zarraeah. Parang panaginip lang ang lahat—ang buong araw na kasama si Azriel at si Bree, ang pakiramdam na hindi siya isang anino ni Zephyrine kundi siya mismo ang babaeng mahal ni Azriel.Pagpasok sa suite, dumiretso siya sa balkonaheng may malawak na tanawin ng lungsod. Pinanood niya ang mga ilaw ng Tokyo sa gabi, habang pilit pinapakalma ang pusong punong-puno ng emosyon.Narinig niya ang mahihinang yabag ni Azriel sa likuran niya. Ilang saglit lang, naramdaman niya ang init ng kanyang katawan nang tumayo ito sa tabi niya."Did you enjoy today?" tanong nito, ang tinig puno ng pag-aalala at lambing.Bahagyang napangiti si Zarraeah at tumango. "I did. A lot.""Good," bulong ni Azriel, saka niya naramdaman ang kamay nitong dumampi sa kanyang baywang. "Come with me."Hindi siya tumanggi. Hinayaan niyang akayin siya ni Azriel papunta sa en-suite bathroom kung saan may malaking jacuzzi na punong-puno na ng maligamgam na tubig. May
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-02-23
Baca selengkapnya

Chapter 105

Pagbangon ni Azriel mula sa kama, agad siyang nagtungo sa maliit na kusina ng hotel suite para ihanda ang almusal ni Zarraeah. Excited siya—matagal na niyang pinangarap ang mga ganitong umaga kasama ang babaeng pinakamamahal niya. Habang inihahanda ang tray, hindi niya mapigilang mapangiti, iniisip kung paano magliliwanag ang mukha nito kapag nakita ang sorpresa niya.Ngunit pagbalik niya sa kwarto, hindi na si Zarraeah ang bumungad sa kanya.Si Zephyrine.Agad siyang natigilan, ramdam ang biglaang pagsikip ng dibdib niya. Mula sa saya, napalitan iyon ng lungkot at panghihinayang. Akala niya, magtatagal pa si Zarraeah—akala niya, may oras pa siya para bumawi, para iparamdam dito kung gaano niya ito kamahal.Nang mapansing gising na ito, nagdahan-dahan siyang lumapit, pilit na tinatago ang sakit na nararamdaman. Pero bago pa siya makapagsalita, nakita niya ang pagbabago sa ekspresyon ni Zephyrine—halata ang gulat sa kanyang mukha.Dahan-dahan itong bumangon, hinila ang kumot upang takp
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-02-23
Baca selengkapnya

Chapter 106

Nanatiling magkalapit ang kanilang mga mukha. Nakatitig si Azriel kay Zephyrine—sa mga matang punong-puno ng pag-aasam, sa bahagyang nanginginig nitong labi na kanina lang ay buong tapang siyang hinalikan. Pero sa kabila ng init ng gabi, isang matinding bigat ang dumagan sa kanyang dibdib.Alam niyang gusto niya si Zarraeah. Alam niyang ito ang babaeng mahal niya. Pero heto siya ngayon, yakap-yakap si Zephyrine, hinuhubaran siya, sinusubukang iparamdam sa kanya na siya ang nandito, na siya ang dapat niyang piliin.Hinawakan niya ang mga kamay nito, pinigilan ang ginagawa nito habang unti-unting kumakawala sa yakap nito. "Zephyrine…"Napatingala ito sa kanya, halatang naguguluhan. "Why? Ayaw mo ba?"Napakuyom siya ng kamao. Kung ibang sitwasyon lang ito, kung ibang babae lang ito—siguro, matagal na niyang sinunggaban ang pagkakataong ito. Pero hindi ito basta-basta lang. Hindi lang ito simpleng gabi ng pagnanasa.Ito si Zephyrine.At masyado nang magulo ang lahat."Hindi sa ayaw ko…" m
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-02-23
Baca selengkapnya

Chapter 107

Pagkarating nila sa Pilipinas, tahimik ang buong biyahe mula airport hanggang sa mansion. Walang imikan, tila kapwa nangangapa sa susunod na hakbang.Si Zephyrine, mahigpit na hawak ang kamay ni Bree habang patuloy na nilalabanan ang bigat sa kanyang dibdib. Ayaw niyang ipahalata, pero hindi niya maalis ang pakiramdam ng panlalamig ni Azriel.Samantala, si Azriel naman ay tahimik lang na naglalakad sa kanilang tabi, pero hindi maikakaila ang pagiging malayo ng isip nito.Pagpasok nila sa mansion, sinalubong agad sila ng ilang kasambahay, nagmano kay Azriel, at kinuha ang ibang gamit nila. Ang yaya ni Bree naman ay agad itong inasikaso, inihatid sa kwarto para makapagpahinga.Naiwan silang dalawa ni Azriel sa sala. Tahimik. Walang kahit anong tunog maliban sa mahihinang yabag ng mga tauhan sa paligid.Si Zephyrine ang unang bumasag ng katahimikan."Magpapahinga na ako." Mahinang saad niya, hindi man lang siya tumingin kay Azriel.Alam niyang wala namang dahilan para manatili siya roon.
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-02-23
Baca selengkapnya

Chapter 108

Nasa gitna ng isang masayang araw, habang nag-uusap si Azriel at Zarraeah sa sala ng kanilang bahay, bigla siyang nakaramdam ng matinding sakit sa ulo. Nagsimula itong dahan-dahang dumating, una'y parang may pagkabigat na pakiramdam, ngunit hindi nagtagal, ang sakit ay dumami at parang may punit sa bawat galaw ng kanyang katawan. Agad niyang naramdaman ang hindi mapigilang sakit sa kanyang ulo na parang may pumipigil sa kanyang hininga, may mga panginginig na nagmumula sa kanyang kalamnan.Nagkaamoy na ng pagkabahala si Azriel nang mapansin niyang hindi siya makakilos nang maayos. Tinutok niya ang mga mata kay Zarraeah, na unti-unting nanghihina, ang mga mata ay nagiging malabo at parang nawawala ang liwanag sa mga mata nito."Zarraeah...?" Hinawakan ni Azriel ang kamay ni Zarraeah na nanginginig, ang kanyang boses ay puno ng kaba. Hindi na niya kayang kontrolin ang takot na nararamdaman niya. "Zarraeah, please, look at me!"Mabilis na lumuhod si Azriel sa harap ni Zarraeah, ngunit hi
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-02-23
Baca selengkapnya
Sebelumnya
1
...
910111213
...
15
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status