Semua Bab The Secret of His Obsession (POSSESSIVE BOYS SERIES 2): Bab 11 - Bab 20

143 Bab

Kabanata 09: Hindi Maalalang Pangyayari

Hindi maipaliwanag ni Azriel ang nararamdaman niya sa sandaling iyon. Para siyang nakuryente sa pagyakap ni Zarraeah—parang may kakaibang init na dumaloy sa kanyang katawan. Hindi niya maintindihan kung bakit siya naapektuhan nang ganoon. Pakiramdam niya ay bumilis ang tibok ng kanyang puso, kaya’t agad niyang hinawakan ang magkabilang balikat ni Zarraeah at marahang inilayo ito. Nagulat naman ang dalaga sa naging kilos niya. "Wala iyon, Zarraeah," aniya, pilit na pinapanatili ang kanyang boses na kalmado. Pero hindi niya maitago ang pamumula ng kanyang pisngi kaya napayuko na lang siya. Napangiti naman si Zarraeah. "Sobra akong nag-enjoy ngayon! Salamat ulit, Azriel," aniya bago tuluyang bumitaw sa kanya. "Anything for you," sagot ni Azriel, bahagyang umiwas ng tingin. "Tara na, gabi na. Baka hinahanap ka na ng magulang mo." “Sige po.” Sumakay na sila sa sasakyan, at habang nagmamaneho, hindi maiwasan ni Azriel na sulyapan ang dalaga. May kakaiba sa kanya—isang misteryong hindi
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-01-06
Baca selengkapnya

Kabanata 10: Strong Independent Woman

Chapter 10Pagmulat pa lang ng kanyang mga mata, agad na bumungad kay Zephyrine ang matinding sakit sa kanyang katawan. Parang binagsakan siya ng mabigat na bato—ang bawat kalamnan niya ay tila nagrereklamo sa bawat kilos na kanyang gawin.“Ouch…” daing niya, marahang hinaplos ang kanyang nananakit na pisngi.Napangiwi siya habang dahan-dahang bumangon mula sa kama. Pakiramdam niya ay parang hindi siya nakapagpahinga nang maayos kahit na mahaba naman ang oras ng kanyang tulog. Ngunit ang mas nakakainis ay hindi niya maalala kung anong nangyari bago siya nakatulog. Bakit parang bugbog ang katawan niya? Bakit pakiramdam niya ay may nangyari kagabi na hindi niya maalala?Napailing siya at pilit na inalis ang gumugulo sa kanyang isipan. Siguro ay napagod lang siya nang husto.Dahan-dahan siyang tumayo at nagtungo sa banyo para maligo. Ang malamig na tubig mula sa shower ay bahagyang nagbigay ng ginhawa sa kanyang namamagang katawan, ngunit hindi nito tuluyang nawala ang kirot na bumabalot
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-01-06
Baca selengkapnya

Kabanta 11:Between Azriel and Zephyrine

Pagkarating ni Zephyrine sa klinika ni Aiden, agad siyang sinalubong nito. Nakatayo ang binata sa may pinto, suot ang puting coat na lalong nagpapatingkad sa kanyang pagiging psychiatrist. May bahagyang kunot sa kanyang noo, tila may iniisip na malalim. “There you are,” anito, nakatingin sa kanya na para bang may gusto itong sabihin pero nag-aalangan. Naupo sila sa malambot na sofa ng clinic, at ramdam ni Zephyrine ang pag-aalalang bumabalot kay Aiden. “So, bakit mo ako pinatawag? Hindi pa naman ngayon ang schedule ng session ko sa'yo,” tanong niya, pilit pinapanatili ang normal na tono ng boses. Aiden sighed, his fingers tapping lightly against the armrest of the couch. “Noong hinatid kita sa party, lumabas si Zarraeah. She wasn’t comfortable with what you were wearing, so we went to the department store to buy her clothes.” Tumigil ito saglit bago nagpatuloy, “Then, bigla na lang siyang nawala. The next thing I knew, nakita siya ni Azriel.” Nanlamig ang pakiramdam ni Zephyrine s
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-01-07
Baca selengkapnya

Kabanata 12: Arrange Marriage

"W-Well, kahit kasal tayo, hindi naman tayo close. Besides, we don't live under the same roof. So I guess I don’t have a reason to introduce my sister to you," paliwanag ni Zephyrine habang pinipilit na gawing casual ang kanyang tono. Tinitigan siya ni Azriel, para bang sinusuri ang bawat salitang lumalabas sa kanyang bibig. Isang manipis na smirk ang sumilay sa labi ng lalaki bago ito muling bumaling sa mga papel na inaayos sa kanyang mesa. "You have a point," maikli nitong sagot. "So, anything else? Yun lang ba ang ipinunta mo rito?" Napalunok si Zephyrine at pinilit pigilan ang kaba sa kanyang dibdib. Hindi siya maaaring magpakita ng alinmang senyales ng pagkabalisa. Kailangan niyang panatilihing maayos ang kanyang facade. “Bakit mo ako hinanap kahapon sa bahay?” diretsong tanong niya. "Mom told me you came looking for me." Mabilis na napaiwas ng tingin si Azriel, ngunit agad din niya itong binawi at muling bumalik sa kanyang seryosong ekspresyon. "D-Do I have a reason para ha
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-01-07
Baca selengkapnya

Kabanata 13: The Proposal.

FLASHBACK – CONTINUATION Sinalubong siya ng isa sa mga receptionist ng restaurant. “Kaninong reservation po kayo, ma’am?” tanong nito na may mahinhing ngiti. “Kay Mr. Dela Vega,” matipid na sagot ni Zephyrine habang pinipilit itago ang kaba sa kanyang dibdib. “This way po.” Habang sinusundan ang receptionist papunta sa private table, natanaw niya mula sa malayo ang likuran ni Azriel. Nakaupo ito nang maayos, may hawak na baso ng kape habang seryosong nakatingin sa hawak nitong dokumento. Napahinto siya. "I need to go to the restroom first." Nagpaalam siya at mabilis na nagtungo sa CR. Wala siyang konkretong plano kung paano niya mapapaatras si Azriel sa kasal, pero isa lang ang sigurado—ayaw niyang matuloy ito. Dala ang isang paper bag na may ekstrang damit, mabilis siyang nagpalit. Mula sa kanyang eleganteng cream blouse at trousers, sinuot niya ang isang mas radikal na porma—isang itim na sando na kita ang cleavage, maikling leather skirt, butas-butas na stocking, at itim n
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-01-08
Baca selengkapnya

Kabanata 14: The Unexpected Visitor.

Maghapon nang nakaupo si Azriel sa kanyang swivel chair, ang mga mata ay nakatutok sa monitor ng kanyang computer, pero wala naman siyang naiintindihan sa mga dokumentong nasa harapan niya. Kahit ilang ulit niyang subukang ibaling ang atensyon sa trabaho, hindi niya maalis sa isip si Zarraeah. Ang ngiting ‘yon—malaya, walang bahid ng pagpapanggap. Ang mga matang nagniningning sa tuwa tuwing tumatawa siya. Ang paraan ng pagsasalita niya, parang isang musika na gustong-gusto niyang pakinggan nang paulit-ulit. Napabuntong-hininga si Azriel at bahagyang napailing. "Ano ba ‘to, Azriel? Magtrabaho ka nga nang maayos." pinagsabihan niya ang sarili. Ilang araw pa lang simula nang makita niya si Zarraeah, pero tila ba na-obsess na siya rito. He wanted to see her again. The problem was, he had no idea how to find her. Wala siyang contact details nito, at kung totoo man ang sinabi ni Zephyrine na bihira itong lumabas, baka mahirapan siyang makita uli ito. Napatingin siya sa relo. 5:00 PM na.
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-01-08
Baca selengkapnya

Kabanta 15: Aso at Pusa

Napaka-awkward ng ambiance sa dining room. Bagama’t puno ang hapag ng masasarap na pagkain, tila hindi kayang tunawin ng mga tiyan ang bigat ng tensyon sa pagitan ni Azriel at Zephyrine. Sa bawat galaw at sulyap nila sa isa’t isa, para bang may hindi nakikitang labanan na nagaganap. Nang hindi na nila matagalan ang tensyon, tumayo sina Luis at Estella. "Maiwan na namin kayo rito, may mga dapat pa kaming tapusin," paalam ni Luis, na para bang may gusto siyang takasan. Saktong isusubo ni Zephyrine ang pagkain nang magsalita si Azriel. "Mind if I stay the night?" casual na tanong ni Azriel, pero ang epekto nito sa paligid ay tila isang bomba na sumabog. Napatingin agad si Zephyrine sa kanya, punong-puno ng pagkagulat at inis. "Bakit ka matutulog dito? May bahay ka naman!" mariing sabi ni Zephyrine habang pasimpleng napalakas ang lagapak ng kutsara niya sa plato. Bago pa man makasagot si Azriel, si Luis na mismo ang tumugon. "Of course, you are welcome to stay here at your convenie
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-01-09
Baca selengkapnya

Kabanta 16: A Suggestion

Naglakad-lakad si Azriel sa sala habang hawak ang kanyang laptop, pero hindi talaga siya makapag-focus sa trabaho. Hindi ito ang dahilan kung bakit siya narito. Hindi rin ito ang dahilan kung bakit siya nanatiling gising. Kada may bababa ng hagdan, napapatingin siya agad, umaasang si Zarraeah ang makikita niya. Ilang beses na siyang napasilip sa orasan, ngunit patuloy lang ang paglipas ng oras at wala pa rin itong paramdam. Muling bumuntong-hininga si Azriel at napatingin sa itaas ng hagdan. "Katokin ko na kaya siya sa kwarto?" mahina niyang bulong sa sarili. Pero agad din niyang tinimbang ang ideya. Kung sasadyain niyang puntahan si Zarraeah, tiyak na magdududa ang iba. Lalo pa't alam niyang pilit nitong iniiwasang malaman ng kahit sino na nagkakausap na silang dalawa. Napakuyom siya ng kamao. "Kailangan ko siyang makita." Habang nag-iisip ng paraan, napatingin siya sa dingding kung saan nakasabit ang mga larawan ng pamilya Rivera. Isa-isang pinagmasdan ni Azriel ang mga litrato
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-01-09
Baca selengkapnya

Kabanata 17: Business Trip

“Shhh, relax. Ako ‘to,” bulong ni Azriel habang mahigpit na tinatakpan ang bibig ni Zarraeah. Ramdam niya ang mabilis na paghinga nito—halata ang takot at gulat sa mga mata. Ilang segundo ang lumipas bago unti-unting huminahon ang babae. Dahan-dahan niyang inalis ang kamay niya sa bibig nito. "A-anong ginagawa mo dito? Anong ginawa mo sa akin?" nagtatakang tanong ni Zarraeah, ang boses nito’y nanginginig. Napakamot si Azriel ng ulo at bumuntong-hininga. “Sshhh, wala akong ginawa sa’yo. Promise! Hindi ko rin alam kung bakit ako nandito. Ang alam ko, sa kwarto ni Zephyrine ako natulog kagabi.” Nakita niya ang pagdududa sa mukha ni Zarraeah, kaya bahagya siyang ngumiti, nagtatangkang palambutin ang tensyon sa pagitan nila. Pero halata pa rin sa kilos nito ang kaba. Tumayo siya mula sa kama at naglakad palapit sa pinto. “Saan ka pupunta?” tanong ni Zarraeah, may halong pag-aalala sa tinig. “Lalabas lang ako,” sagot niya, inilagay ang kamay sa doorknob. Tila nag-alinlangan s
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-01-11
Baca selengkapnya

Kabanata 18: First Time

“No, hindi pwede!” bulalas ni Estella na para bang nag-aalala siya. "I need to find her. Now. This trip... it's not going to work without her. You know what happens when things don't go according to plan." sabi niya na parang may pamamanta. Napa-hinga nalang ng malalim ang matanda at napakuyom ang mga kamao na para bang nagpipigil sa galit. “Okay, you can bring Zarraeah, but make sure na ibabalik mo siya bukas,” saad ni Luis na ikinagulat ni Estella at Zarraeah. “Sure pa,” sabi naman ni Azriel. “Pero Luis-” kokontra pa sana si Estella. “Zarraeah, go to your room and prepare your things.” saad naman ni Luis saka siya umalis at sinundan naman siya ni Estella. “Zarraeah, let’s talk!” sabi ni Estella at nakita naman ni Azriel na parang natatakot si Zarraeah pero wala siyang magawa. Gusto niyang pigilan pero wala siyang karapatan. Samantala nagtungo si Zarraeah sa kwarto niya kasama ang mama niya para ihanda ang dadalhin niya. Hindi maipaliwanag ni Zarraeah ang nararamdaman dahil nat
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-01-11
Baca selengkapnya
Sebelumnya
123456
...
15
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status