Maghapon nang nakaupo si Azriel sa kanyang swivel chair, ang mga mata ay nakatutok sa monitor ng kanyang computer, pero wala naman siyang naiintindihan sa mga dokumentong nasa harapan niya. Kahit ilang ulit niyang subukang ibaling ang atensyon sa trabaho, hindi niya maalis sa isip si Zarraeah. Ang ngiting ‘yon—malaya, walang bahid ng pagpapanggap. Ang mga matang nagniningning sa tuwa tuwing tumatawa siya. Ang paraan ng pagsasalita niya, parang isang musika na gustong-gusto niyang pakinggan nang paulit-ulit. Napabuntong-hininga si Azriel at bahagyang napailing. "Ano ba ‘to, Azriel? Magtrabaho ka nga nang maayos." pinagsabihan niya ang sarili. Ilang araw pa lang simula nang makita niya si Zarraeah, pero tila ba na-obsess na siya rito. He wanted to see her again. The problem was, he had no idea how to find her. Wala siyang contact details nito, at kung totoo man ang sinabi ni Zephyrine na bihira itong lumabas, baka mahirapan siyang makita uli ito. Napatingin siya sa relo. 5:00 PM na.
Napaka-awkward ng ambiance sa dining room. Bagama’t puno ang hapag ng masasarap na pagkain, tila hindi kayang tunawin ng mga tiyan ang bigat ng tensyon sa pagitan ni Azriel at Zephyrine. Sa bawat galaw at sulyap nila sa isa’t isa, para bang may hindi nakikitang labanan na nagaganap. Nang hindi na nila matagalan ang tensyon, tumayo sina Luis at Estella. "Maiwan na namin kayo rito, may mga dapat pa kaming tapusin," paalam ni Luis, na para bang may gusto siyang takasan. Saktong isusubo ni Zephyrine ang pagkain nang magsalita si Azriel. "Mind if I stay the night?" casual na tanong ni Azriel, pero ang epekto nito sa paligid ay tila isang bomba na sumabog. Napatingin agad si Zephyrine sa kanya, punong-puno ng pagkagulat at inis. "Bakit ka matutulog dito? May bahay ka naman!" mariing sabi ni Zephyrine habang pasimpleng napalakas ang lagapak ng kutsara niya sa plato. Bago pa man makasagot si Azriel, si Luis na mismo ang tumugon. "Of course, you are welcome to stay here at your convenie
Naglakad-lakad si Azriel sa sala habang hawak ang kanyang laptop, pero hindi talaga siya makapag-focus sa trabaho. Hindi ito ang dahilan kung bakit siya narito. Hindi rin ito ang dahilan kung bakit siya nanatiling gising. Kada may bababa ng hagdan, napapatingin siya agad, umaasang si Zarraeah ang makikita niya. Ilang beses na siyang napasilip sa orasan, ngunit patuloy lang ang paglipas ng oras at wala pa rin itong paramdam. Muling bumuntong-hininga si Azriel at napatingin sa itaas ng hagdan. "Katokin ko na kaya siya sa kwarto?" mahina niyang bulong sa sarili. Pero agad din niyang tinimbang ang ideya. Kung sasadyain niyang puntahan si Zarraeah, tiyak na magdududa ang iba. Lalo pa't alam niyang pilit nitong iniiwasang malaman ng kahit sino na nagkakausap na silang dalawa. Napakuyom siya ng kamao. "Kailangan ko siyang makita." Habang nag-iisip ng paraan, napatingin siya sa dingding kung saan nakasabit ang mga larawan ng pamilya Rivera. Isa-isang pinagmasdan ni Azriel ang mga litrato
“Shhh, relax. Ako ‘to,” bulong ni Azriel habang mahigpit na tinatakpan ang bibig ni Zarraeah. Ramdam niya ang mabilis na paghinga nito—halata ang takot at gulat sa mga mata. Ilang segundo ang lumipas bago unti-unting huminahon ang babae. Dahan-dahan niyang inalis ang kamay niya sa bibig nito. "A-anong ginagawa mo dito? Anong ginawa mo sa akin?" nagtatakang tanong ni Zarraeah, ang boses nito’y nanginginig. Napakamot si Azriel ng ulo at bumuntong-hininga. “Sshhh, wala akong ginawa sa’yo. Promise! Hindi ko rin alam kung bakit ako nandito. Ang alam ko, sa kwarto ni Zephyrine ako natulog kagabi.” Nakita niya ang pagdududa sa mukha ni Zarraeah, kaya bahagya siyang ngumiti, nagtatangkang palambutin ang tensyon sa pagitan nila. Pero halata pa rin sa kilos nito ang kaba. Tumayo siya mula sa kama at naglakad palapit sa pinto. “Saan ka pupunta?” tanong ni Zarraeah, may halong pag-aalala sa tinig. “Lalabas lang ako,” sagot niya, inilagay ang kamay sa doorknob. Tila nag-alinlangan s
“No, hindi pwede!” bulalas ni Estella na para bang nag-aalala siya. "I need to find her. Now. This trip... it's not going to work without her. You know what happens when things don't go according to plan." sabi niya na parang may pamamanta. Napa-hinga nalang ng malalim ang matanda at napakuyom ang mga kamao na para bang nagpipigil sa galit. “Okay, you can bring Zarraeah, but make sure na ibabalik mo siya bukas,” saad ni Luis na ikinagulat ni Estella at Zarraeah. “Sure pa,” sabi naman ni Azriel. “Pero Luis-” kokontra pa sana si Estella. “Zarraeah, go to your room and prepare your things.” saad naman ni Luis saka siya umalis at sinundan naman siya ni Estella. “Zarraeah, let’s talk!” sabi ni Estella at nakita naman ni Azriel na parang natatakot si Zarraeah pero wala siyang magawa. Gusto niyang pigilan pero wala siyang karapatan. Samantala nagtungo si Zarraeah sa kwarto niya kasama ang mama niya para ihanda ang dadalhin niya. Hindi maipaliwanag ni Zarraeah ang nararamdaman dahil nat
"P-pero bakit mo ginawa yun? Hindi ba't may asawa ka na? Sabi ni Mama mag-asawa daw kayo ni Zephyrine," tanong ni Zarraeah, hindi maitago ang gulat sa kanyang mga mata. "About that, Me and Zephyrine have a secret. I'll tell you honestly, our marriage with Zephyrine is just a contract. It's a 3-year contract, and it's almost 3 months before it ends," sagot ni Azriel, hindi na nagtangkang magtago ng alinlangan sa kanyang mga salita. Nagkatinginan sila ni Zarraeah, at hindi mapigilan ni Zarraeah ang magulat sa sinabi ni Azriel. Ang mga salitang iyon ay nagbigay sa kanya ng kakaibang pakiramdam. Isang uri ng ginhawa, at medyo kalituhan din. "M-mahal mo ba siya?" tanong ni Zarraeah, na parang hindi niya rin maintindihan kung bakit iyon ang una niyang nasabi. Pati siya ay naguguluhan sa sarili. "Honestly? Nah, I don't have any feelings for her. And she probably doesn't have any for me either," sagot ni Azriel. "We both know kung sino ang talagang puso niya, di ba? For the past 3 years of
Bigla na lang parang tumalon ang puso ni Azriel. Hindi siya makagalaw sa ginawa ni Zarraeah. Ang init ng mukha niya at ang kabog ng puso niya ay parang sumabog. Pakiramdam niya ay aatakehin na siya sa puso. Maya-maya, bumitaw na si Zarraeah. Nagbow siya sa kanya, parang humihingi ng tawad. "Sorry! Sorry kung kiniss kita ng walang paalam! Sinubukan ko lang ‘yung napapanood ko sa TV. Feeling ko kasi matamis ‘yung lips mo." Sabi ni Zarraeah, habang para siyang estatwa sa pagkakatulala si Azriel. Hindi siya makapagsalita. Tumayo na si Zarraeah at mabilis na nagsalita, "SORRY ULI! Magbibihis na ako!" Sabay takbo niya papunta sa kwarto. Naiwan si Azriel, tulala pa rin at hindi makapaniwala sa nangyari. Ang totoo, iyon ang unang halik na naranasan niya sa buong buhay niya. Sa edad na 35, iyon na ang unang beses na hinalikan siya ng babae. Tulala pa siya habang lumabas ng kwarto. Agad niyang tinawagan si Dylan. "Hello?" sabi ni Dylan sa kabilang linya. "Dylan pare, hindi na virgin ‘yung
Napahinto si Azriel sa kanyang paglalakad. Parang tumigil ang mundo sa kanyang paligid. “Anong ginagawa ng lalaking ‘yan?” Tanong niya sa sarili. Parang may hindi maipaliwanag na galit na umusbong sa kanyang dibdib. Ayaw niyang may lumalapit na ibang lalaki kay Zarraeah, at hindi niya kayang itago ang nararamdaman. Hinawakan niya ang sarili at pinilit magpatahimik. Huminga ng malalim, iniwasan ang mga hindi magandang iniisip. Pero habang pinagmamasdan ang dalawa, hindi na niya kayang pigilan ang nararamdaman. Parang may apoy na dahan-dahang kumakalat sa kanyang dibdib. Wala siyang ibang nagawa kundi lumapit na lang sa kanila at pilit na ngumiti. “Zarraeah?” tawag niya sa pangalan ng dalaga. Napalingon si Zarraeah at ngumiti ng matamis. “Azriel, andito ka na pala!” Sabay ngiti na parang walang kaalam-alam sa nararamdaman ni Azriel. “Oo, bumili lang ako ng maiinom, may kasama ka na agad na iba?” tanong ni Azriel na may bahid ng inis sa tono ng kanyang boses. Tumingin siya sa lalaki
Tahimik na pumasok si Zarraeah sa bahay ni Azriel. Madilim pa ang paligid, ngunit alam niyang gising pa ito. Napansin niyang nakaupo ito sa balkonahe, nakatingin sa kawalan na parang may hinihintay. Nang marinig ang kanyang mga yapak, agad itong napalingon.Hindi na nagdalawang-isip si Azriel. Agad siyang tumayo at niyakap siya nang mahigpit, parang takot na baka bigla siyang maglaho."I thought you wouldn't come back," mahina niyang bulong habang nakayakap pa rin.Napapikit si Zarraeah, hinayaang maramdaman ang init ng katawan nito. “Sinabi ko sa’yo, babalik ako, ‘di ba?”Bahagyang lumayo si Azriel upang tingnan siya sa mata, hinawakan ang kanyang mukha at pinag-aralan ang bawat bakas ng pagod sa kanyang ekspresyon.“Zarraeah… tell me the truth.”“Anong totoo?” pilit niyang inilayo ang tingin.Hinaplos ni Azriel ang pisngi niya, waring hinihikayat siyang huwag umiwas. “Something feels off. Every time I see you, it feels like you're slipping away. I don’t know why, but it scares me. W
Chapter 55Tahimik ang buong bahay ni Azriel nang gabing iyon. Wala siyang ibang kasama kundi ang alak sa kanyang lamesa at ang walang katapusang pag-iisip tungkol kay Zarraeah. Ilang araw na siyang halos hindi makatulog, hindi makakain ng maayos—wala siyang ibang hinahanap kundi siya.Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon, isang mahina ngunit pamilyar na pagkatok ang umalingawngaw sa kanyang pintuan.Agad siyang bumangon, ang puso niya’y biglang bumilis ang tibok. Hindi maaaring siya iyon… Imposible.Dahan-dahan niyang binuksan ang pinto, at sa pagbukas nito, tumambad sa kanya ang isang imahe na matagal na niyang hinahangad na makita.Si Zarraeah.Nakatayo ito sa harapan niya, nakasuot ng manipis na puting dress, ang kanyang mahahabang buhok ay malayang nilalaro ng hangin. Ang kanyang mga mata—ang mga matang matagal nang sumasagi sa panaginip ni Azriel—ay nakatitig sa kanya nang may halong pangungulila at pananabik.“Azriel…” mahina niyang tawag.Para bang tumigil ang mundo ni Azrie
Ilang araw nang hindi lumalabas ng kwarto si Zephyrine, kaya naman nagdesisyon si Aiden na bisitahin siya. Pagdating niya sa bahay, nakita niyang parang napabayaan na ang hitsura ni Zephyrine—halatang hindi siya natutulog ng maayos at matagal nang nakatambay sa kwarto, parang napuno na siya ng bigat. Pakiramdam niya, overwhelmed na siya sa lahat ng nangyari.Dahan-dahan siyang pumasok sa kwarto at nakita niyang nakahiga lang si Zephyrine, ang mata’y malalim, tila wala nang ganang gumalaw. Nang makita siya, lumapit si Aiden at tinanong ito. "Zephyrine, anong nangyari? Alam kong may mabigat kang dinadala. Huwag mong itago sa’kin."Napansin ni Zephyrine ang mga mata ni Aiden na puno ng malasakit. Nahihiya siya, lalo na’t alam niyang may nangyari sa pagitan nila ni Azriel. Hindi niya kayang aminin kay Aiden ang lahat ng nangyari, natatakot siyang magbago ang tingin nito sa kanya.“Zephyrine,” Aiden said softly, "I’m here. Just tell me what’s going on. You don’t need to carry this alone."
Chapter 53 (Revised)Nagmamadali si Azriel papunta sa mansyon ng Rivera, ang bawat hakbang ay mabigat, ngunit determinado. Alam niyang galit na galit ang mga magulang ni Zephyrine sa kanya, at kahit na alam niyang magkakaroon ng consequences, wala siyang pakialam. Ang tanging mahalaga sa kanya ay si Zarraeah. Wala nang ibang gusto kundi makita siya, maramdaman siyang buhay, at alam niyang handa niyang gawin ang lahat para sa kanya.Pagdating niya sa mansyon, agad siyang sinalubong ni Luis, ang mukha nito ay puno ng galit. Bago pa siya makapagsalita, isang malakas na suntok ang tumama sa kanyang panga. Hindi na nakapagsalita si Azriel, tumilapon siya sa gilid at naramdaman ang sakit ng suntok. Pero kahit na ang mukha niya’y masakit, ang nararamdaman niyang sakit sa puso ang pinakamabigat—ang takot na baka tuluyan na siyang mawala si Zarraeah.“Wala kang karapatan dito!” sigaw ni Luis, tinutukod siya ng lakas. “Ang lakas ng loob mong humarap dito after everything?!”Nagngangalit si Azri
Chapter 52Pagpasok ni Zephyrine sa bahay, agad na sinalubong siya ni Luis, na puno ng alala. "Zephyrine, anak, saan ka ba nagpunta? Dalawang araw kang nawawala. Si Zarraeah, wala ring balita. Anong nangyari?" tanong ni Luis, puno ng pag-aalala.Hindi makatingin si Zephyrine. Nasa ilalim pa siya ng matinding emotional turmoil. Pinagtagpi-tagpi niyang mga alaalang nangyari, at hindi pa siya makapaniwala sa lahat ng nangyari. Dahan-dahan siyang umupo sa sofa."Pa... Ma," nagsimula siya, "I have to tell you the truth... about Azriel and Zarraeah."Nag-angat ng tingin si Estella, ang mukha’y puno ng tanong at hindi maipaliwanag na galit. "Ano ang ibig mong sabihin?""I... I know the real reason why Azriel wants to separate from me," Zephyrine continued. "He doesn’t want me anymore. He wants Zarraeah."Puno ng gulat si Luis, hindi makapaniwala sa mga salitang narinig. "What? Azriel, the man you’ve been married to all these years... he wants... her?" tanong niya, ang boses ay puno ng kalitu
Tahimik ang gabi, tanging ang banayad na paggalaw ng kurtina ang maririnig habang pumapasok ang malamig na simoy ng hangin mula sa bahagyang nakabukas na bintana. Sa loob ng dimly lit na kwarto ni Azriel, ang gintong liwanag mula sa bedside lamp ay lumilikha ng mahabang anino sa dingding, sumasayaw gaya ng mga hindi masabing damdamin sa pagitan nilang dalawa.Nakayakap si Zarraeah kay Azriel, ang daliri niya’y nagdodrawing ng patterns sa hubad nitong dibdib. Nakikinig siya sa rhythmic beat ng puso nito, ninanamnam ang init ng katawan niyang nakapulupot sa kanya. Parang ang moment na ito ay isang panaginip—silang dalawa lang, nakakulong sa katahimikan ng gabi. Pero sa loob niya, isang bagyong hindi niya kayang pigilan.Ito na ang huling gabi.Ayaw niyang masayang ang kahit isang segundo.Dahan-dahan siyang gumalaw, hinalikan ang gitna ng dibdib ni Azriel, ang hininga niya’y dumadampi sa balat nito. Napakislot si Azriel, mas hinigpitan ang yakap sa kanya habang ang daliri niya’y marahan
Nagising si Azriel sa malambot at mainit na pakiramdam ng katawan sa tabi niya. Unti-unti niyang iminulat ang kanyang mga mata, at ang unang bumungad sa kanya ay si Zarraeah—nakangiti habang pinagmamasdan siya.Napakurap siya at bahagyang napangiwi, hindi sigurado kung gising na ba talaga siya o nananaginip pa rin. "You're staring at me," bulong niya, ang kanyang tinig paos pa mula sa pagtulog. "Don't tell me you stayed up all night just watching my handsome face?"Natawa si Zarraeah, ang kanyang mga mata kumikislap sa saya. "Maybe I did," biro niya, saka ginamit ang daliri upang iguhit ang hugis ng kanyang kilay. "You're actually quite fun to look at, you know?"Azriel smirked and pulled her closer, ang isang braso ay mahigpit na yumakap sa kanyang baywang. "Flattering me this early in the morning, huh? I like it."Napangiti si Zarraeah, hinayaan ang sarili na masarapan sa init ng katawan ni Azriel. Ilang beses na silang nagising sa magkaibang mundo—siya bilang Zarraeah at si Zephyri
Tahimik ang paligid nang pumasok sina Azriel at Zarraeah sa loob ng kanyang mansyon. Ang malambot na liwanag mula sa chandelier ay nagbibigay ng romantikong kinang sa buong sala, ngunit sa kabila ng engrandeng disenyo ng bahay, may kung anong pangungulila ang bumabalot dito. Ngunit ngayong gabi, hindi na iyon mahalaga.Dahan-dahang naupo si Zarraeah sa sofa, habang si Azriel ay tumayo sa harapan niya, pinagmamasdan siya nang hindi matukoy kung ano ang tumatakbo sa kanyang isipan. Hinubad niya ang kanyang coat at inalis ang top button ng kanyang damit, saka bahagyang yumuko upang ipatong ang kanyang kamay sa sandalan ng sofa."You said you wanted to stay," bulong ni Azriel, ang kanyang tinig ay mababa ngunit puno ng damdamin. "So tell me, what do you really want, Zarraeah?"Napatingin si Zarraeah sa kanya, ang kanyang dibdib ay mabilis na bumibilis sa kaba at excitement na hindi niya maipaliwanag. Ito na ang huling gabing makakasama niya si Azriel bilang siya. Alam niyang pagdating ng
Maagang dumating si Zarraeah sa opisina ni Azriel. Suot niya ang isang itim na blazer at puting blusa, simple ngunit pormal—isang kasuotan na nagtatago ng bigat sa kanyang dibdib. Sa loob-loob niya, pinipilit niyang panindigan ang desisyong ginawa niya kagabi. Hindi madali, ngunit alam niyang ito ang tamang gawin.Huminga siya nang malalim bago siya pumasok sa loob ng main building ng Dela Vega Corporation. Agad siyang sinalubong ng mga empleyado na tila nagulat sa kanyang presensya. Ilang araw rin siyang hindi nagpakita, at ngayon, heto siya, tahimik ngunit determinadong tapusin ang lahat.Nang marating niya ang opisina ni Azriel, sinalubong siya ng kanyang secretary. "Ms. Rivera, good morning po. Hindi po kayo naka-schedule ngayon, pero—""Kailangan ko siyang makausap," malamig niyang tugon.Agad namang tumango ang secretary at tinawagan si Azriel sa intercom. Ilang segundo lang ang lumipas bago nito ibinaba ang telepono at sinenyasan siyang pumasok. "Pinapapasok na po kayo, Ma'am."