Napaka awkward ng ambiance. Kumakain sila pero parang hindi ka matutunawan sa paraan ng pag-uusap nila. Para bang may malaking elepante sa gitna ng dining room na hindi nila xmaalis-alis.Hindi na tinapos nina Luis at Estella ang pagkain at sabay na silang tumayo.“Maiwan na namin kayo rito ha, may mga dapat pa kaming tapusin.” paalam ni Luis.“Mind if I stay the night?” tanong ni Azriel na mas lalong ikinagulat ng tatlo dahil nagkaroon ng kaunting katahimikan. Parang nag-freeze ang lahat.“Bakit ka matutulog dito? May bahay ka naman!” naiinis na tanong ni Zephyrine. ‘Well,”- hindi na naituloy na ni Azriel ang sasabihin ng nagsalita si Luis.“Of course, you are welcome to stay here at your convenience,” sagot naman ni Luis.“Pa,” kontra ni Zephyrine.“Please feel free to sleep in your wife’s room, Azriel,” dagdag naman ni Luis kaya wala ng nagawa si Zephyrine. Napangisi naman si Azriel sa sinabi ni Luis kaya nakita niyang mas nanggalaiti sa inis si Zerphyrine.Nang sila na la
Nagtungo muna si Azriel sa may sala at inilabas ang kanyang laptop. Nagbabakasakaling lumabas ng kwarto ang babaeng hinahanap nya. Hindi sya mapakali at kunwaring gumagawa ng trabaho sa sala. Kada may baba ng hagdan ay mapapalingon sya.“Katokin ko na kaya sya sa kwarto nya?” sabi nya sa sarili nya.Pero naisip nyang kung sasadyain nyang puntahan si Zarraeah baka magduda ang iba lalo na at ayaw ni Zarraeah ipaalam na medyo close na silang dalawa sa iba.“Ano kaya ang gagawin ko?” bulong niya sa sarili. “Kailangan ko syang makita.”Napatingin siya sa mga pictures na nakasabit sa dingding. Napansin nyang puro si Zephyrine lang ang at ang magulang nito ang nasa mga pictures. Wala man lang syang makitang picture ni Zarraeah, Nakaramdam tuloy sya ng awa lalo nang maalala nya ang mga kinuwento sa kanya ni Zarraeah na wala man lang daw may gusto sa kanya. Medyo napagtatagpi-tagpi na nya ang mga pangyayari.“Kainis, gusto ko na syang makita. Anong gagawin ko?”bulong nya sa sarili.Naramdaman
“Bakit naman biglang umulan ngayon!” reklamo ni Azriel, pinupunasan ng kamay ang kanyang braso na basang-basa ng ulan. Kanina lang ay naglalakad sila ni Zaraeah sa isang maaliwalas na daan, ngunit bigla na lang bumuhos ang ulan. Mabilis silang tumakbo para maghanap ng masisilungan, ngunit wala namang nakita agad.“Kaya nga po eh,” tugon naman ni Zaraeah. Napalingon si Azriel sa kanya. Napansin niyang basang-basa na rin ng ulan ang damit na suot ni Zaraeah, anupat nakikita na ang panloob na damit nito.Agad na iniwas ni Azriel ang kanyang mga mata. Hindi niya maintindihan, pero muli siyang napatingin kay Zaraeah habang pinupunasan nito ng panyo ang kanyang basang katawan. Parang nag-slow motion ang eksena para sa kanya. Nakaramdam siya ng pagbilis ng tibok ng kanyang puso, at napahawak na lamang siya sa kanyang dibdib.“Azriel, basang-basa ka na rin!” bulalas ni Zaraeah. Nakita ni Azriel si Zaraeah na kumuha ng tissue sa bag nito at pinunasan ang dibdib ni Azriel.Mas lalong bumilis an
“Ang iniiit eeeeh,” reklamo ni Zaraeah.“Naku po! Ilayo nyo po ako sa tukso.” bulong nito habang nakapikit na nakahawak sa magkabilang palapulsuan ni Zarraeah. Hindi na niya alam ang gagawin kaya bahagya nya itong itinulak.Namula ang mukha ni Azriel at napaiwas ito ng tingin. Dinampot niya ang kumot na nasa tabi nila at inihagis sa katawan ni Zaraeah upang matakpan ang katawan nito dahil kitang-kita na ang panloob niya dahil nakabukas na ang butones ng damit niya.“Ayoookooo nitooo,” wika niya at inalis din niya ang kumot na itinapon sa kanya ni Azriel. Mas lalong nataranta si Azriel sa sitwasyon nila kaya naman pinilit niyang huwag tignan ang dalaga. Pulang pula na ang kanyang mukha at butil butil na rin ang pawis na inilalabas ng kanyang katawan.“Bakit ka namumula?” wika ni Zaraeah na parang may tonong pang-aasar.Napaatras naman ng bahagya si Azriel nang maramdaman niyang dumikit ang malambot na dibdib ng dalaga sa mga braso niya. Bumilis ang tibok ng puso niya, nakaramdam siya
**************TWO MONTHS AGO************Sa gitna ng magarbong bulwagan, ang malaking chandelier na kristal ay nagbigay ng isang maputlang liwanag sa paligid ng silid. Nakatayo si Azriel sa tabi ng wine area, ang kanyang mamahaling suit ay nagbibigay ng isang aura ng kapangyarihan. Panay ang tingin niya sa kanyang relo, tila ba may hinihintay. Kasama naman niya ang matalik niyang kaibigan na si Dylan.“Sa loob ng 3 years hindi ka talaga nagkaroon ng feelings sa kanya?” tanong ni Dylan, bahagyang nakakunot ang noo.“Paano naman ako magkaka-feelings sa babaeng ‘yun, bro? Eh halos ayaw nga magpatalo. Akala mo laging nakikipag-kompetensya. Isa pa, hindi ko kasi talaga type ang mga gaya ni Zephyrine. Masyado siyang matapang para sa akin, magka-clash at magka-clash lang kami. Aside from that, alam mo naman, bro, na wala akong time sa mga love life na ‘yan. Sakit lang sa ulo,” tugon naman ni Azriel, bahagyang napailing. Para sa kanya, pera lang at ang pamangkin niya ang mahalaga at wala ng i
Sa gitna ng musika at mga taong nagsasayawan, nakaramdam si Zephyrine ng pananakit ng ulo. Pakiramdam niya’y sasabog sa sakit ang ulo niya. Napahawak siya sa ulo niya at ang mga tuhod niya ay nagsimulang manghina.“Wag naman ngayon,” bulong niya sa sarili, ang boses niya ay halos hindi marinig dahil sa ingay ng paligid. Para kay Zephyrine, hindi siya pwedeng magpakita ng kahinaan sa lalaking ito. Kailangan niyang magpakita ng tapang, kahit na deep inside, nagsisimula na siyang mag-alala dahil sa nararamdaman niya.Nakita ni Zephyrine na napansin ata ni Azriel ang pagsama ng pakiramdam niya kaya inalalayan siya nito.“Are you okay?” tanong nito, ang boses ay bahagyang lumambot, at nakapagitna siya sa bisig nito para sa suporta. Mabilis siyang pinaupo ni Azriel sa isang silya, nakita niyang ang mga mata ni Azriel ay parang nakatingin sa kanya na parang nag-aalala pero hindi niya iyon pinansin dahil alam niyang pakitang-tao lamang ito.“Hindi, parang nahihilo ako,” tugon niya sa binata,
Pinilit niyang bumaba ng hagdan para makalabas. Nang tumingin siya sa paligid, nakita niya ang madilim na alleyway, ilang hakbang lang ang layo. Alam niyang mapanganib ang gagawin niya, pero wala na siyang ibang pagpipilian. Mabilis niyang ipinadala ang kanyang lokasyon kay Aiden, ang mga daliri niya ay kumikimkim habang tinatype ang address.Samantala, si Aiden ay nagmamadaling nagmamaneho patungo sa lugar na ipinadala ni Zephyrine. Nanginginig ang mga kamay niya sa sobrang kaba. Hindi niya alam kung ano ang pwedeng mangyari sa kaibigan, at alam niyang kailangan niyang tulungan ito.Nang makarating siya sa lugar na sinend ni Zephyrine, dali-dali niyang nilibot ang paningin para mahanap ito. Maya-maya’y nakita niya rin ito sa wakas, nakatayo sa isang sulok, hirap na hirap maglakad at parang nanghihina. Dali-dali niyang nilapitan, ang puso niya ay nagmamadaling tumitibok dahil sa pag-aalala.Huminga siya nang malalim, nagtipon ng lakas. “Zephyrine,” sabi niya, “Halika na.” Lumapit siya
Ilang sandali pa, napagpasyahan niyang sundan ang babaeng pamilyar. Pero maya-maya'y nawala na siya sa paningin niya, sinubukan nyang hanapin ito. Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit gusto nyang mahanap ang babaeng iyon pero matapos ang ilang minutong paghahanap ay hindi nya talaga mahanap kaya hinayaan na lang niya ito.Bumalik nalang sya sa teddy bear station, bigla siyang nabigla sa nakita niya. Muli niyang nakita ang babaeng kamukha ni Zephyrine nasa loob ng shop ng teddy bear, ang kanyang mga mata ay nakatingin sa mga nakapilang teddy bears, parang isang bata na naghahanap ng paboritong laruan. Pero hindi nya matukoy kung asawa ba nya ang babaeng ito o hindi dahil iba ang kilos nito. Parang may iba sa kanya.Nakita nyang nakangiti at masaya ang babae habang pinagmamasdan ang mga teddy bears na nasa shop. Ang mga ngiti ng babae, ang mga mata nitong kumikinang, ngayon niya lang ito nakita sa kanya. Pero gusto nyang makasigurado kung si Zephyrine nga ang nakikita nya kaya
Nagtungo muna si Azriel sa may sala at inilabas ang kanyang laptop. Nagbabakasakaling lumabas ng kwarto ang babaeng hinahanap nya. Hindi sya mapakali at kunwaring gumagawa ng trabaho sa sala. Kada may baba ng hagdan ay mapapalingon sya.“Katokin ko na kaya sya sa kwarto nya?” sabi nya sa sarili nya.Pero naisip nyang kung sasadyain nyang puntahan si Zarraeah baka magduda ang iba lalo na at ayaw ni Zarraeah ipaalam na medyo close na silang dalawa sa iba.“Ano kaya ang gagawin ko?” bulong niya sa sarili. “Kailangan ko syang makita.”Napatingin siya sa mga pictures na nakasabit sa dingding. Napansin nyang puro si Zephyrine lang ang at ang magulang nito ang nasa mga pictures. Wala man lang syang makitang picture ni Zarraeah, Nakaramdam tuloy sya ng awa lalo nang maalala nya ang mga kinuwento sa kanya ni Zarraeah na wala man lang daw may gusto sa kanya. Medyo napagtatagpi-tagpi na nya ang mga pangyayari.“Kainis, gusto ko na syang makita. Anong gagawin ko?”bulong nya sa sarili.Naramdaman
Napaka awkward ng ambiance. Kumakain sila pero parang hindi ka matutunawan sa paraan ng pag-uusap nila. Para bang may malaking elepante sa gitna ng dining room na hindi nila xmaalis-alis.Hindi na tinapos nina Luis at Estella ang pagkain at sabay na silang tumayo.“Maiwan na namin kayo rito ha, may mga dapat pa kaming tapusin.” paalam ni Luis.“Mind if I stay the night?” tanong ni Azriel na mas lalong ikinagulat ng tatlo dahil nagkaroon ng kaunting katahimikan. Parang nag-freeze ang lahat.“Bakit ka matutulog dito? May bahay ka naman!” naiinis na tanong ni Zephyrine. ‘Well,”- hindi na naituloy na ni Azriel ang sasabihin ng nagsalita si Luis.“Of course, you are welcome to stay here at your convenience,” sagot naman ni Luis.“Pa,” kontra ni Zephyrine.“Please feel free to sleep in your wife’s room, Azriel,” dagdag naman ni Luis kaya wala ng nagawa si Zephyrine. Napangisi naman si Azriel sa sinabi ni Luis kaya nakita niyang mas nanggalaiti sa inis si Zerphyrine.Nang sila na la
Maghapon nang nakaupo si Azriel sa kanyang swivel chair, ang mga mata ay nakatuon sa monitor ng kanyang computer, pero hindi naman nakasentro ang kanyang isip sa kanyang trabaho. Sa halip, ang imahe ni Zaraeah ang nasa isipan niya. Parang isang malakas na magnet na hindi niya maalis sa isipan, ang nakakatawang ngiti, ang mga mata niyang nagniningning, at ang paraan ng pagtawa nito. Gustong-gusto niyang makita uli si Zaraeah pero hindi niya alam kung paano dahil wala naman siyang contact dito. “Kailan kaya kita makikita ulit?” bulong niya sa sarili. “Ano ba yan Azriel magfocus ka nga sa trabaho mo!.” sabi nya sa sarili.Naisip niyang magpunta uli sa mansyon ng Rivera mamaya pag-uwi niya. Nakaramdam siya ng excitement kaya tingin siya ng tingin sa relo niya dahil excited na siyang umuwi. Napansin naman siya ng kaibigan niyang si Noah na nakaupo dumalaw sa opisina nya ang ikinikilos ng kaibigan. “Pre, anong meron? Bakit ka tingin ng tingin sa relo mo? Parang excited kang umu
Sinalubong naman siya ng isa sa mga receptionist ng restaurant.“Kaninong reservation po kayo maam?” tanong ng receptionist.“Kay Mr. Dela Vega,” saad naman ni Zephyrine.“This way po.” Ginuide naman ng receptionist si Zephyrine sa table ni Azriel. Sa malayo ay nakita na nya ang likuran ni Azriel. Nakaramdam sya ng pag aalinlangan pero hindi nya pwdeng sawayin ang mga magulang nya.Habang naglalakad, napahinto sya.“I need to go to the restroom first.” sabi nya sa receptionist kaya naman nagtungo muna sya sa CR.Hindi alam ni Zephyrine kung paano nya mapapaatras sa kasal si Azriel pero yun talaga ang plano nya. May dala syang paper bag na may lamang damit. Mula sa sopistikadang at eleganteng porma ay nagpalit sya ng damit. Pinalitan nya ang kanyang cream na blouse ng black sando white na kita ang cleavage. Inalis nya ang trouser nya at pinalitan ng maikling Leather skirt. Nagsuot rin sya ng itim na stocking na may butas butas at booths. Kumuha sya ng mga accessories gaya ng danglin
“W-well, kahit kasal tayo hindi naman tayo close. Besides. We don't live on the same roof. So I guess I don’t have a reason to introduce my sister to you.” paliwanag ni Zephyrine.“You have a point, so anything else? Yun lang ba ang ipinunta mo rito?” walang emosyon nyang tanong.“Bakit mo ako hinahanap kahapon sa bahay? Mom told me na pumunta ka raw sa bahay at hinahanap mo ako.” tanong naman ni Zephyrine. Napaiwas naman ng tingin si Azriel pero agad naman niyang binawi tungo sa seryosong mukha ang expression ng kanyang itsura.“D-do I have a reason para hanapin ang asawa ko?” Sarkastiko naman nyang sabi.“Oh c'mon, we’re not the lovey dovey couple na maghahanapan sa isa't isa. So tell me, anong kailangan mo?”“Nothing, baka namissed lang kita.” Pang-aasar nito habang nakangisi.“Kinikilabutan ako sa mga sinasabi mo!” nagsimula na siyang mainis kaya iniwan niya na si Azriel at hindi naman siya pinansin ng lalake.Nang makaalis na si Zephyrine sa opisina, napahinto sya at muli nyang
Nang makarating sa clinic ni Aiden, agad siyang sinalubong ng matalik niyang kaibigan. Nakasuot ito ng puting coat, na nagbibigay diin sa kanyang pagiging psychiatrist.“There you are,” sabi ni Aiden.Naupo sila sa sofa at magkatabi na nag usap.“So bakit mo ako pinatawag? Hindi pa naman ngayon ang schedule ng session ko sayo?” tanong ni Zephyrine.“Noong time na sinundo kita sa party, lumabas kasi si Zaraeah and nagpunta kami sa department store para bilhan sya ng damit since hindi sya komportable sa suot nya then bigla syang nawala. Tapos nakita ko nalang na aksidente syang nakita ni Azriel.” Nagulat si Zephyrine sa ibinalita ni Aiden. Kinabahan sya dahil never pang nakikita ni Azriel ang katauhan nyang si Zaraeah na pinipilit nyang itago.“ So what happened?” nag aalalang tanong nya.“Like what we used to do, ipinakilala ko sya bilang kambal mo.” mas lalong nabakas sa mukha nya ang pag aalala nya. Ang kanyang mga mata ay nag-aalala habang kinagat niya ang kanyang kuko, ang kany
"Salamat," sagot ni Zephyrine.Pumasok si Zephyrine sa dining area. Naka-handa na ang hapag kainan. May sariwang prutas, pancit, at kape."Magandang umaga, anak," bati ng kanyang ina."Magandang umaga, Ina," sagot ni Zephyrine.Umupo siya sa mesa at nagsimula nang kumain. Habang kumakain, binasa niya ang mga balita sa kanyang tablet. Bilang isang sikat na social media influencer, mahalaga sa kanya na laging updated sa mga pangyayari sa mundo.Matapos ang almusal, nagsuot siya ng kanyang mga paboritong shades at naglakad palabas ng bahay. Papunta siya sa isang fashion show. Isa siya sa mga invited guest.Habang naglalakad sa daan, napansin niya ang maraming mga tao na tumitingin sa kanya. Ngumiti siya ng matamis, tulad ng lagi niyang ginagawa. Alam niyang kilala siya ng mga tao. Alam niyang may mga nagmamahal at may mga napopoot sa kanya. Pero hindi niya iyon pinapansin. Ang mahalaga sa kanya ay ang kanyang trabaho. Ang kanyang pasyon. Ang pagiging isang socia
Hindi maipaliwanag ni Azriel ang nararamdaman niya sa sandaling iyon. Para siyang nakuryente. Parang may kakaibang init na naglalakbay sa kanyang katawan. Hindi niya alam kung bakit siya naapektuhan ng sobra sa pagyakap sa kanya ni Zaraeah. Pakiramdam nya ay aatakihin na sya sa puso kaya hinawakan nya ang magkabilang balikat ni Zarraeah at inilayo nya ito sa pagkakayakap sa kanya.Halata namang nagulat si Zarraeah sa ginawa ni Azriel."Wala iyon, Zaraeah," sabi ni Azriel, pero hindi niya maitago ang pamumula ng kanyang pisngi kaya naman nakayuko lang ito.“Sobra akong nag enjoy ngayon! Salamat ulit, Azriel,” sabi ni Zaraeah at binitawan na sya ni Azriel.“Anything for you, tara na gabi na baka hinahanap ka na ng magulang mo” wika ni Azriel.“Sige po.” Sumakay na sila sa sasakyan. Habang nasa sasakyan hindi naman mapigilan ni Azriel na mapatingin sa dalaga.“Azriel, dito mo nalang ako ibaba sa malayo sa bahay. Baka kasi mag isip ng kung ano sila mama kapag inihatid mo pa ako sa loob
““Nagugutom ka na ba?” tanong ni Azriel sa dalaga. Napansin niyang napaiwas ng tingin ang dalaga, na tila nahihiya magsabi.“O-okay lang, hindi pa naman po,” pautal-utal nitong sabi. Pero isang malakas na tunog ang narinig ni Azriel mula sa tiyan ng dalaga kaya nakita niyang namula si Zaraeah at napahawak sa tiyan niya.“Pero mukhang hindi iyan ang sinasabi ng tiyan mo?” nang-aasar na sabi ni Azriel kaya nakita niyang mas lalong nahiya ang dalaga kaya hindi na siya nakapagsalita.“Hahaha,” hindi na napigilan ni Azriel na matawa. “Sige na, tara na. Kumain tayo.”Dinala naman ni Azriel si Zaraeah sa isang Japanese restaurant. Nakita niya ang reaksyon ni Zaraeah; napatulala siya. “Ang dami! Hindi ko alam kung ano ang oorderin.”“Sige, pili ka lang,” sabi ni Azriel, nakangiti. “Kung ano ang gusto mo, kunin mo.”Nag-order si Zaraeah ng tempura, sushi, at ramen. Habang naghihintay ng kanilang pagkain, tinanong ni Azriel si Zaraeah. “May gusto ka pang kainin?”“Wala na, Kuya,” sagot ni Zarae