Home / Romance / I am your Legal Wife / Chapter 31 - Chapter 40

All Chapters of I am your Legal Wife: Chapter 31 - Chapter 40

52 Chapters

Chapter 031

Bago pa makapagsalita si Nathalie ay hinila na siya ni Daphne papasok sa loob ng kuwarto nito at ng asawa, bago pasalyang binitawan ang dalaga at pabalibag na isinarado ang pinto."Anong kalokohan ito? Anong ginagawa mo dito? Di ba sinabi ko na sa'yo na hintayin mo ako sa apartment mo pagkatapos ng ipinapagawa namin sa'yo!" nanggigil na sigaw nito habang kuyom ang mga kamao."Nasaan ang tatay ko? Bakit mo siya dinala sa bahay kanlungan? Ang sabi mo nandito lang siya sa bahay mo at nagpapahinga!" ganting-sigaw niya dito. "Anong ginawa mo sa tatay ko? Sinungaling ka!""Huwag mo akong pagsasalitaan ng ganyan! Hindi ako sinungaling!" Galit na dinuro siya nito sa mukha. "At kanino mo naman nalaman ang bagay na 'yan?"Hindi niya pwedeng sabihin na si Lara ang nagsabi nito sa kanya. Siguradong mapapahamak ito at ayaw niyang mangyari iyon. Naging mabait din ito sa kanya kagaya ni Claire, pero hindi sila naging masyadong close, pero hindi niya hahayaan na mawalan ito ng trabaho, kaya imbis na
last updateLast Updated : 2025-02-07
Read more

Chapter 032

"Ang tagal mo naman. Kanina pa ako naghihintay sa'yo dito. Alam mo bang tumatakbo ang metro ko." masungit na sambit ng taxi driver pagpasok niya sa loob ng sasakyan nito."Pasensiya na po. Babayaran ko po kayo." Nawala ang lahat ng tapang niya pagkalabas niya mula sa malaking bahay. Kung kanina ay palaban siya dahil kaharap niya ang mga taong umaapi sa kanila ng tatay niya, ngayon ay nanghihina siya at nanginginig pa habang umaayos ng upo.Sa harap lang ni Daphne at ng pamilya nito siya matapang dahil kailangan niyang lumaban. Kailangang ipakita niya sa mga ito na hindi siya magpapatalo at magpapaapi sa mga ito, dahil kung hindi, ay malamang na baka mas lalo pa silang abusuhing mag-ama.Inabot niya sa driver ang dalawang libong piso para tumahimik na ito, at tumango-tango naman na tinanggap ang pera mula sa kamay niya."Pwede po ba pakihatid niyo na lang po ako sa bahay-kanlungan sa Makati." wika niya at agad namang sumunod ang driver at pinaandar na nito ang sasakyan.Habang daan ay
last updateLast Updated : 2025-02-08
Read more

Chapter 033

Habang nakatayo sa harap ng pintuan ng kwarto ng kanyang ama ay ramdam ni Nathalie na basang-basa na sa pawis ang mga kamay niya dahil sa sobrang nerbiyos. Hindi niya pa alam kung ano ang mga sasabihin dito. Wala pa siyang maisip na dahilan kung bakit naisipan ni Andrea na dalawin ang tiyuhin nito, dahil sabi nga ni Daphne ay hindi kailanman ito dumalaw sa tatay niya.'Bahala na.' bulong niya sa sarili, at akmang kakatok na siya sa pinto nang bigla na lamang itong bumukas, dahilan para siya ay mapatda sa kinatatayuan."Sino ka? Anong kailangan mo?" tanong sa kanya ng isang babaeng mukhang caregiver dahil nakasuot ito ng puting scrubs. Nakataas ang isang kilay nito, at ang mga braso ay nakahalukipkip sa ibabaw ng dibdib nito."Ahmmm, dadalawin ko lang po sana ang tiyuhin ko, si Tiyo Berto. Ako po si Andrea." sagot niya nang may matipid na ngiti. "Pwede po ba akong pumasok sa loob?"Nakita niya kung paano nito pinaikot ang mga mata bago binuksan ng maluwang ang pinto at binigyan ng espa
last updateLast Updated : 2025-02-09
Read more

Chapter 034

Habang pauwi sa apartment na tinutuluyan ay tinawagan ni Nathalie si Daphne ngunit hindi ito sumasagot. Hindi lang siguro sampung beses niya itong tinawagan pero sadyang matigas ang bruha. Sa sobrang inis niya ay nagsend siya ng mesage dito. "Kapag hindi mo sinagot ang tawag ko, didiretso ako kay Caleb Lopez at sasabihin ko ang lahat-lahat sa kanya."Ilang sandali lamang ay nakita niya ang pangalan nito sa kanyang screen. Ito na mismo ang tumatawag sa kanya."Anong kailangan mo?" Pasigaw na bungad nito. "Pera na naman ba? Magkano?""Oo kailangan ko ng pera." mahinahong sagot niya pero may matagumpay na ngisi sa mga labi. "Pero may isa pa akong kailangan?""At ano na naman iyon?""Kailangan mo nang ipagawa ulit ang mukha ko. Tutal tapos naman na ang misyon ko. Siguro naman ay pwede nang ibalik ang dati kong mukha. Hindi na ako pwedeng humarap ng ganito sa tatay ko baka makahalata na siya." paliwanag niya dito, ngunit nagulat siya sa sagot ng tiyahin."May idea ka ba kung magkano ang nag
last updateLast Updated : 2025-02-10
Read more

Chapter 035

Andrea felt breathless, her heart racing as she gazed up at her fiance'. "Caleb, what's wrong? Why did you stop? May problema ba?""What perfume are you wearing?" he asked, scrunching up his nose. His once gentle tone now seemed distant. "Oh, I...'' she tilted down her head and sniffed her collar. "Kakabili ko lang nito kaninang umaga. It's a limited edition from Versace. Hindi mo ba gusto ang amoy?"Napakuyom ng palad ang binata at mabilis na dumistansiya sa dalaga na para bang napaso sa pagkakadikit ng mga balat nila. Parang mayroong hindi tama. Parang mayroong kulang na hindi niya malaman kung ano. Pero isa lang ang nasa isip niya.Ang babaeng kaniig niya nang gabing iyon ay hindi gumamit ng kahit na ano mang pabango. Ang amoy nito ay natural lamang na mayroong kaunting amoy ng baby powder na sobrang nakakaadik at hinahanap-hanap pa din niya hanggang ngayon. Gusto niya ulit masamyo ang ganoong amoy mula sa babae pero dahil gumamit ito ng mamahaling pabango ay bigla siyang nawalan
last updateLast Updated : 2025-02-11
Read more

Chapter 036

"Is this the right place?" tanong ni Caleb kay David pagkababa nila ng sasakyan. Mayroon siyang binibiling lupa sa Pampanga dahil plano niyang magtayo ng branch ng Hotel Lopez doon, pero wala sa anak ng may-ari ang deed of sale. Ang sabi nito ay itinatago ito ng kanyang tatay na nasa isang bahay-kanlungan ngayon.Kaya nandito sila ngayon para kausapin ang tatay nito. Sana lamang ay naalala pa nito kung saan nito dinala ang deed of sale, dahil base na rin sa anak nito na nakausap nila ay may alzheimer's daw ito.Caleb couldn't help but shake his head as he strode towards the entrance. Why need to take your parents to a nursing home when you can take care of them? Lalo na alzheimer's pa pala ang sakit nito. Mas lalong kailangan nito ang tulong ng pamilya kaysa sa ibang tao."Yes, sir. Ito 'yung address na sinend ng anak ni Mr. Cruz." sagot naman ni David na sumabay sa kanya sa paglalakad habang nakatingin sa cellphone.Pagdating sa receptionist's desk ay agad itong nagtanong sa babaeng n
last updateLast Updated : 2025-02-12
Read more

Chapter 037

Kasabay ng pagliwanag ng paligid ay ang pagbukas naman ng mga pinto ng elevator. Agad na nagsilabasan ang mga tao at nang akmang susunod siya sa mga ito ay dinakma ni Caleb ang pulsuhan niya at pinigilan siyang lumabas."Andrea?" tawag nito sa kanya, ngunit halata sa boses nito na wala itong kasiguraduhan sa pagbanggit sa kanyang pangalan dahil hindi nito kita ang kanyang mukha. Nagbase lamang ito sa amoy at sa buhok niya. "Andrea, is that you?" pag-uulit nito, na medyo lumuwag ang pagkakahawak sa kanya kaya naman sinamantala niya ang pagkakataon na iyon para pumuslit.Saktong paglabas niya ay sumara ulit ang pintuan. Nakahinga siya ng maluwag at nagmamadaling umikot paakyat sa hagdan at sinabayan ang mga kasamahang natrap kanina."David!" narinig niya ulit ang boses ni Caleb, at nanlalaki ang mga matang tumakbo siya paakyat at inunahan ang mga kasama. "Habulin mo 'yung babae!""Babae? Sinong babae, sir?" Nalilitong tanong ni David sa kanyang boss, na nagpalinga-linga sa paligid. Naki
last updateLast Updated : 2025-02-13
Read more

Chapter 038

"Uncle Rob, pwede po ba mamaya na lang tayo lumabas? Bigla pong sumakit ang puson ko." Siyempre, siya si Andeng sa harap ng tatay niya, kaya mag-aatitude muna siya, hindi dahil ginagaya niya ang pagkamaldita ng pinsan kung hindi dahil ayaw niya munang lumabas at baka pinapahanap pa siya ni Caleb sa kasama nito.Para makumbinsi pang lalo ang tatay niya na masakit talaga ang puson niya ay nahiga pa siya sa kama nito at saka bumaluktot, at nagtakip ng kumot mula ulo hanggang paa. Ganito kasi ang ginagawa niya sa probinsiya dati. Nahihiga siya sa sofa sa sala at babaluktot, pero ang tatay niya na ang magkukumot sa kanya."May dalaw ka ba ngayon, iha?" tanong sa kanya ng ama, ang tinig ay may bahid ng pag-aalala."Yes, uncle. It really hurts." maarte niyang sagot. "Kanina lang umaga dumating. Per mamaya po mawawala din naman ito, and I promise you that we'll have a tour in the garden kapag okay na ang pakiramdam ko. Ipapahinga ko lang po ito saglit. I'm really sorry, uncle." Kagat ang iba
last updateLast Updated : 2025-02-15
Read more

Chapter 039

It was too late for Nathalie to step back because David already saw her."Miss Andrea?" tawag nito at pati si Caleb ay napalingon na rin sa kanya. Makikilala talaga siya nito dahil wala siyang suot na face mask at shades. Inilapag niya kanina ang mga ito sa ibabaw ng mesa katabi ng paperbag na dala niya. "Miss Andrea, ikaw nga!""Hi, David!" bati niya sa lalaki, pero hindi siya sigurado kung ito nga ang pangalan niya. Pero iyon ang narinig niyang tawag ni Caleb dito kanina. Wala na siyang choice kundi humarap na sa mga ito. Huling-huli na siya sa akto."David, wait for me in the car. Susunod ako." utos ni Caleb, ang mukha nito ay seryosong-seryoso. "Yes, sir." sagot naman ng kanyang personal assistant bago ito kumaway kay Nathalie, na sinagot naman niya ng matipid na ngiti na may kasamang pagtango.Naramdaman niya ang mabilis na pagtibok ng kanyang dibdib nang tuluyang humarap sa kanya si Caleb at titigan sa mukha. Ang kanyang mga kamay na may hawak sa wheelchair ay namamawis na sa s
last updateLast Updated : 2025-02-16
Read more

Chapter 040

Habang biyahe pabalik sa kumpanya ay napansin ni David na tahimik ang kanyang amo at nakatanaw lang ito sa labas ng bintana. Hindi maipinta ang mukha nito at parang malalim ang iniisip."Sir, are you okay?" hindi niya na maiwasang itanong dahil ngayon lamang ito umakto ng ganito. Usually, he was talkative---asking about his schedule for today, and let him explain the minutes of the upcoming meeting. "'Yung tungkol po sa emergency meeting---""Did you notice something different about Andrea when you saw her?" putol ng binata sa sinasabi niya. "Like that flower-like tattoo on her right shoulder?""Tattoo?" nakakunot-noong tanong ni David. Madalas niyang makita si Miss Andrea na nakasuot ng tube top or sleeveless na damit, pero wala siyang napapansin na tattoo sa balikat nito. "Baka bagong lagay lang, sir."Ngayon lang din naalala ni Caleb na noong gabing nagsiping sila ay may naramdaman siya at nahawakang maliit na umbok sa balikat nito. His tongue even ran on it. Now he realized that i
last updateLast Updated : 2025-02-17
Read more
PREV
123456
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status