Habang nakatayo sa harap ng pintuan ng kwarto ng kanyang ama ay ramdam ni Nathalie na basang-basa na sa pawis ang mga kamay niya dahil sa sobrang nerbiyos. Hindi niya pa alam kung ano ang mga sasabihin dito. Wala pa siyang maisip na dahilan kung bakit naisipan ni Andrea na dalawin ang tiyuhin nito, dahil sabi nga ni Daphne ay hindi kailanman ito dumalaw sa tatay niya.'Bahala na.' bulong niya sa sarili, at akmang kakatok na siya sa pinto nang bigla na lamang itong bumukas, dahilan para siya ay mapatda sa kinatatayuan."Sino ka? Anong kailangan mo?" tanong sa kanya ng isang babaeng mukhang caregiver dahil nakasuot ito ng puting scrubs. Nakataas ang isang kilay nito, at ang mga braso ay nakahalukipkip sa ibabaw ng dibdib nito."Ahmmm, dadalawin ko lang po sana ang tiyuhin ko, si Tiyo Berto. Ako po si Andrea." sagot niya nang may matipid na ngiti. "Pwede po ba akong pumasok sa loob?"Nakita niya kung paano nito pinaikot ang mga mata bago binuksan ng maluwang ang pinto at binigyan ng espa
Habang pauwi sa apartment na tinutuluyan ay tinawagan ni Nathalie si Daphne ngunit hindi ito sumasagot. Hindi lang siguro sampung beses niya itong tinawagan pero sadyang matigas ang bruha. Sa sobrang inis niya ay nagsend siya ng mesage dito. "Kapag hindi mo sinagot ang tawag ko, didiretso ako kay Caleb Lopez at sasabihin ko ang lahat-lahat sa kanya."Ilang sandali lamang ay nakita niya ang pangalan nito sa kanyang screen. Ito na mismo ang tumatawag sa kanya."Anong kailangan mo?" Pasigaw na bungad nito. "Pera na naman ba? Magkano?""Oo kailangan ko ng pera." mahinahong sagot niya pero may matagumpay na ngisi sa mga labi. "Pero may isa pa akong kailangan?""At ano na naman iyon?""Kailangan mo nang ipagawa ulit ang mukha ko. Tutal tapos naman na ang misyon ko. Siguro naman ay pwede nang ibalik ang dati kong mukha. Hindi na ako pwedeng humarap ng ganito sa tatay ko baka makahalata na siya." paliwanag niya dito, ngunit nagulat siya sa sagot ng tiyahin."May idea ka ba kung magkano ang nag
Andrea felt breathless, her heart racing as she gazed up at her fiance'. "Caleb, what's wrong? Why did you stop? May problema ba?""What perfume are you wearing?" he asked, scrunching up his nose. His once gentle tone now seemed distant. "Oh, I...'' she tilted down her head and sniffed her collar. "Kakabili ko lang nito kaninang umaga. It's a limited edition from Versace. Hindi mo ba gusto ang amoy?"Napakuyom ng palad ang binata at mabilis na dumistansiya sa dalaga na para bang napaso sa pagkakadikit ng mga balat nila. Parang mayroong hindi tama. Parang mayroong kulang na hindi niya malaman kung ano. Pero isa lang ang nasa isip niya.Ang babaeng kaniig niya nang gabing iyon ay hindi gumamit ng kahit na ano mang pabango. Ang amoy nito ay natural lamang na mayroong kaunting amoy ng baby powder na sobrang nakakaadik at hinahanap-hanap pa din niya hanggang ngayon. Gusto niya ulit masamyo ang ganoong amoy mula sa babae pero dahil gumamit ito ng mamahaling pabango ay bigla siyang nawalan
"Is this the right place?" tanong ni Caleb kay David pagkababa nila ng sasakyan. Mayroon siyang binibiling lupa sa Pampanga dahil plano niyang magtayo ng branch ng Hotel Lopez doon, pero wala sa anak ng may-ari ang deed of sale. Ang sabi nito ay itinatago ito ng kanyang tatay na nasa isang bahay-kanlungan ngayon.Kaya nandito sila ngayon para kausapin ang tatay nito. Sana lamang ay naalala pa nito kung saan nito dinala ang deed of sale, dahil base na rin sa anak nito na nakausap nila ay may alzheimer's daw ito.Caleb couldn't help but shake his head as he strode towards the entrance. Why need to take your parents to a nursing home when you can take care of them? Lalo na alzheimer's pa pala ang sakit nito. Mas lalong kailangan nito ang tulong ng pamilya kaysa sa ibang tao."Yes, sir. Ito 'yung address na sinend ng anak ni Mr. Cruz." sagot naman ni David na sumabay sa kanya sa paglalakad habang nakatingin sa cellphone.Pagdating sa receptionist's desk ay agad itong nagtanong sa babaeng n
Kasabay ng pagliwanag ng paligid ay ang pagbukas naman ng mga pinto ng elevator. Agad na nagsilabasan ang mga tao at nang akmang susunod siya sa mga ito ay dinakma ni Caleb ang pulsuhan niya at pinigilan siyang lumabas."Andrea?" tawag nito sa kanya, ngunit halata sa boses nito na wala itong kasiguraduhan sa pagbanggit sa kanyang pangalan dahil hindi nito kita ang kanyang mukha. Nagbase lamang ito sa amoy at sa buhok niya. "Andrea, is that you?" pag-uulit nito, na medyo lumuwag ang pagkakahawak sa kanya kaya naman sinamantala niya ang pagkakataon na iyon para pumuslit.Saktong paglabas niya ay sumara ulit ang pintuan. Nakahinga siya ng maluwag at nagmamadaling umikot paakyat sa hagdan at sinabayan ang mga kasamahang natrap kanina."David!" narinig niya ulit ang boses ni Caleb, at nanlalaki ang mga matang tumakbo siya paakyat at inunahan ang mga kasama. "Habulin mo 'yung babae!""Babae? Sinong babae, sir?" Nalilitong tanong ni David sa kanyang boss, na nagpalinga-linga sa paligid. Naki
"Uncle Rob, pwede po ba mamaya na lang tayo lumabas? Bigla pong sumakit ang puson ko." Siyempre, siya si Andeng sa harap ng tatay niya, kaya mag-aatitude muna siya, hindi dahil ginagaya niya ang pagkamaldita ng pinsan kung hindi dahil ayaw niya munang lumabas at baka pinapahanap pa siya ni Caleb sa kasama nito.Para makumbinsi pang lalo ang tatay niya na masakit talaga ang puson niya ay nahiga pa siya sa kama nito at saka bumaluktot, at nagtakip ng kumot mula ulo hanggang paa. Ganito kasi ang ginagawa niya sa probinsiya dati. Nahihiga siya sa sofa sa sala at babaluktot, pero ang tatay niya na ang magkukumot sa kanya."May dalaw ka ba ngayon, iha?" tanong sa kanya ng ama, ang tinig ay may bahid ng pag-aalala."Yes, uncle. It really hurts." maarte niyang sagot. "Kanina lang umaga dumating. Per mamaya po mawawala din naman ito, and I promise you that we'll have a tour in the garden kapag okay na ang pakiramdam ko. Ipapahinga ko lang po ito saglit. I'm really sorry, uncle." Kagat ang iba
It was too late for Nathalie to step back because David already saw her."Miss Andrea?" tawag nito at pati si Caleb ay napalingon na rin sa kanya. Makikilala talaga siya nito dahil wala siyang suot na face mask at shades. Inilapag niya kanina ang mga ito sa ibabaw ng mesa katabi ng paperbag na dala niya. "Miss Andrea, ikaw nga!""Hi, David!" bati niya sa lalaki, pero hindi siya sigurado kung ito nga ang pangalan niya. Pero iyon ang narinig niyang tawag ni Caleb dito kanina. Wala na siyang choice kundi humarap na sa mga ito. Huling-huli na siya sa akto."David, wait for me in the car. Susunod ako." utos ni Caleb, ang mukha nito ay seryosong-seryoso. "Yes, sir." sagot naman ng kanyang personal assistant bago ito kumaway kay Nathalie, na sinagot naman niya ng matipid na ngiti na may kasamang pagtango.Naramdaman niya ang mabilis na pagtibok ng kanyang dibdib nang tuluyang humarap sa kanya si Caleb at titigan sa mukha. Ang kanyang mga kamay na may hawak sa wheelchair ay namamawis na sa s
Habang biyahe pabalik sa kumpanya ay napansin ni David na tahimik ang kanyang amo at nakatanaw lang ito sa labas ng bintana. Hindi maipinta ang mukha nito at parang malalim ang iniisip."Sir, are you okay?" hindi niya na maiwasang itanong dahil ngayon lamang ito umakto ng ganito. Usually, he was talkative---asking about his schedule for today, and let him explain the minutes of the upcoming meeting. "'Yung tungkol po sa emergency meeting---""Did you notice something different about Andrea when you saw her?" putol ng binata sa sinasabi niya. "Like that flower-like tattoo on her right shoulder?""Tattoo?" nakakunot-noong tanong ni David. Madalas niyang makita si Miss Andrea na nakasuot ng tube top or sleeveless na damit, pero wala siyang napapansin na tattoo sa balikat nito. "Baka bagong lagay lang, sir."Ngayon lang din naalala ni Caleb na noong gabing nagsiping sila ay may naramdaman siya at nahawakang maliit na umbok sa balikat nito. His tongue even ran on it. Now he realized that i
Namumula ang mukha na umalis sa pagkakaupo sa kandungan ni Caleb si Nathalie at mabilis na dinampot ang kanyang bag bago binuksan ang pinto ng kotse. Narinig niya pa ang malalim na pagbuntong-hininga ng binata bago siya bumaba at pabagsak na isinarado ang pinto.Ano na naman itong ginawa niya? Dumadami na talaga ang kasalanan niya kay Andeng. Feeling niya ay pinagtataksilan niya ito, kahit na isa talaga ito sa plano niya at parte ng kanyang paghihiganti. Ang paluhain silang lahat ng dugo, pero bakit parang nakukonsensiya siya?Itinulak niya ang pinto ng gate at nakahinga siya ng maluwag nang mapagtantong bukas ito, kaya walang lingon-likod na dire-diretso siyang pumasok sa loob ng bahay kahit nakita niya na hindi pa umaalis ang kotse ni Caleb. Pagsarado niya ng gate ay saka lang niya narinig na umalis na ito.Pagpasok sa sala ay sakto namang pababa sa hagdan si Andrea na nakasuot pa ng pajama at mukhang nagmamadali ito. Narinig siguro nito na may dumating na sasakyan kaya dali-dali it
Bumaba sila ni Mrs. Lopez na magkahawak ang mga kamay papunta sa dining room, at doon nga ay nakita ulit niya ang tatay ni Caleb na kamukhang-kamukha nito na nakapwesto sa pinakapuno ng mahabang mesa. Napakagaan ng awra ng mukha nito at hindi niya maiwasang maalala na naman ang tatay niya.Agad na ibinaba nito ang newspaper na hawak at tinignan sila ng may ngiti sa mga labi. "Good morning to both of you," bati nito sa kanila bago ito humalik sa asawa, at isang mahinang good morning naman ang isinagot niya dito.Nakaupo sa kaliwa nito ang babaeng anak ng mga ito na si Diane, at walang kangiti-ngiti sa mga labi nito na pinagmamasdan siya.Bigla siyang nailang sa paraan ng pagtitig nito kaya nag-iwas siya ng tingin at itinuon ang pansin kay Caleb na agad silang ipinaghila ng upuan nang makita silang pumasok sa dining room at nang magtama ang mga paningin nila ay nang-aasar pang kinindatan siya nito.Pinandilatan niya ito ng mga mata at natatawang umupo ito sa tabi ni Diane."Dito ka mau
Nang maramdaman ni Caleb ang pantay na paghinga ni Nathalie, katunayan na nakatulog na ito ay dahan-dahan niyang inihiga ito sa kama. Pinagmasdan niya muna ang mukha nito ng ilang segundo, bago umakyat ang kanyang kamay at masuyong hinaplos ito.Magkamukha sila ni Andrea, pero mas maamo ang aura ni Nathalie. Nakuha man nitong kopyahin ang mukha ng pinsan,pero hindi nito maitatago ang inosenteng personalidad nito. Ang ngiti nitong napakaganda, ang mga labi nitong kaakit-akit sa paningin niya, at kaysarap halikan, at ang mga mata nitong parang nang-aakit kapag tinititigan siya.Caleb didn’t know how to hide his feelings from this girl anymore. No matter how much he tried to stop his heart from beating towards her, he had no idea why, but he just couldn’t.He tried his hardest to distract himself with work for the past few days, but no matter how much work he did, Nathalie would always slip into his mind. And it was starting to drive him crazy, kaya naman minabuti niyang magtrabaho sa ta
Pag-akyat ni Nathalie sa taas ay hawak-hawak ni Caleb ang kamay niya, at wala siyang magawa dahil nakatingin sa kanila ang nanay nito. Pero pagpasok nila sa kuwarto ng binata at nang maisarado ang pinto ay mabilis niyang hinila ang kamay at matalim ang mga matang tinignan ito.“Bakit ba ipinagpipilitan mo sa mommy mo na ako si Andrea?”singhal niya dito.“Ako?” itinuro ni Caleb ang sarili.”Ako ba talaga? Eh ikaw nga itong nag-umpisa, tapos ako ang sisisihin mo?” napapailing na saad nito bago naghubad ng damit sa harap niya.“A-anong ginagawa mo?” tanong niya dito bago umiwas ng tingin at humalukipkip.“As if namang hindi mo pa ito nakikita.” pinaikot nito ang mga mata. “But I have to tell you that my offer still stands. Be my wife, Nathalie.”Haharap na sana siya dito nang bigla itong maghubad ng pantalon. “Ayoko.” matigas na sagot niya. Hinding-hindi ako magpapakasal sa’yo.” “Sigurado ka na ba diyan?” narinig na naman niya ang nang-aasar na tono nito,at napalunok siya nang marinig ang
Nakaramdam ng sari-saring emosyon si Nathalie habang pauwi sila sa bahay ng mga Lopez at nakaupo siya sa likod ng kotse ng mga ito katabi ang ginang. Kakuwentuhan niya si Mrs. Lopez habang hawak ang kamay niya na giliw na giliw sa kanya. Paminsan-minsan ay nagtatanong ito at sinasagot naman niya ito ng may pilit na ngiti sa mga labi.At si Caleb na nakaupo sa harap nila ay pangiti-ngiti lang at palingon-lingon sa kanila na parang natutuwa pa ito sa nangyayari habang siya ay sobrang nerbiyos na at hindi mapakali sa kanyang kinauupuan.Kalahating oras ang itinagal ng biyahe nila bago sila nakarating sa malaking bahay ng mga Lopez. Isang maid ang nagbukas ng gate at maluwang ang ngiti na sinalubong sila nito at iginiya sa loob ng magara at malaking sala.Nagulat pa siya nang dalawa pang maid ang bumungad sa sala at may bitbit na mga tray. Ang isa ay mga baso na may lamang juice at iba pang inumin ang dala, samantalang ang isa naman ay iba’t ibang cookies and pastries ang laman ng dalang
"Hoy, Nathalie!" sigaw naman ng isa pang babae dito. "Ang bait ng pamilya ng pinsan mo sa'yo! Pinatuloy ka nila sa bahay nila at pinag-aral pa, tapos ito lang ang igaganti mo? Tignan mo nga 'yang suot mo. Binilhan ka pa ng mga branded na damit. Mas mabuti siguro kung ibalik mo na lang 'yung dati mong mukha at umalis ka na sa kanila. Hindi ka ba nahihiya na kinokopya mo ang lahat nang meron si Andrea?"Hindi sila pinansin ni Andrea, at nagpatuloy na lumapit sa kanila habang nakatitig ito kay Caleb. Pero ni hindi man lamang siya tinapunan ng tingin ng binata."Tignan mo. Bakit ganyan siya makatingin sa boyfriend ng pinsan niya? Parang nang-aakit." bulong ng isa pang babae, at alam ni Nathalie na dinig iyon ni Andrea at ng ibang tao doon."What are you doing here?" tanong dito ni Caleb nang makalapit siya, at halos manlumo siya sa malamig na tono ng kasintahan. "Di ba dapat nasa school ka pa ngayon at nag-aaral?"Kinagat ni Andrea ang pang-ibabang labi bago pailalim at matalim na tinigna
Mabilis ang mga kilos na nagsuot ng sapatos si Nathalie. Habang wala si Caleb ay pupuslit siya. Dadalawin niya si Jasmine at titignan niya kung tinupad nga ng kanyang tiyuhin ang nakasulat sa papel. Magaling lang ito sa salita, pero hindi ito tumutupad sa usapan.Akala siguro ng tiyuhin niya ay mababasa ni Caleb ang sulat nito sa kanya kaya nagpapagood shot na naman ito. Itinapon na niya sa basurahan ang sulat nito noong nakaraang araw at baka mabasa pa ito ng binata. Inayos niya ng dress at tumayo mula sa kama. Sana lang ay mamaya pa ang balik ng binata sa kuwarto niya. Hindi kasi siya makagalaw kapag nandito ang binata. Halos lahat ng galaw niya ay bantay na bantay nito. Ginagawa siyang parang bata. Dito na rin halos ito nagtatrabaho dahi lagi itong may bitbit na laptop. Kung tutuusin nga ay dapat noong isang araw pa siya nakalabas dahil hilom na halos lahat ng sugat niya, at nagfefade na rin ang mga marka sa balat niya.Mabuti na lamang at naisipang magdala ni Caleb ng make-up ka
Ilang araw ding nag-stay si Nathalie sa hospital. Pero pagkagising niya isang araw ay sobrang sakit pa rin ng buong katawan niya. Mukhang nawala na ang epekto ng gamot na isinaksak sa kanya at wala na rin ang tube na nakakabit sa likod ng kamay niya pero medyo okay na ang pakiramdam niya. Hindi kagaya noong mga nakaraang araw na pati ang paghinga ay masakit dahil bawat paglanghap niya ng hangin ay kumikirot ang mga sugat niya.Dahan-dahan siyang bumangon at saka nagtungo sa banyo. Doon ay naghubad siya ng damit, at ngayon lang niya napagmasdan ang buong katawan niya sa salamin. Nanlumo at napasinghap siya sa nakita sa repleksiyon niya. Halos matumba siya nang mapagmasdan ang kanyang hitsura. Mabuti na lamang at nakakapit siya sa lababo at naibalance niya ang katawan niya kaya hindi siya natumba.Punong-puno ng pasa ang buong katawan niya. Ang mga bakat ng latigo ng tiyuhin niya ay nagmarka sa balat niya, sa mga braso, at sa likod niya. Kahit naghilom na ang mga tahi ay bakas pa rin an
"Okay ka na ba, Nathalie?" tanong ni Andrea sa kanya kaya napilitan siyang tumingin dito. "Masakit pa ba ang mga sugat mo? Pwede tayong kumuha ng ibang doctor kung gusto mo.""Huwag kang mag-alala, Andeng. Hindi pa ako mamamatay," sagot niya dito nang may nakakalokong ngiti. "Malakas pa ako, oh. Tignan mo. Hinding-hindi niyo ako mapapabagsak. Sabihin mo 'yan sa tatay mo. Lalabanan ko kayo, kaya huwag ka munang magpakasaya."Nagulat ito sa sagot niya, at parang naiiyak na ikinurap-kurap nito ang mga mata na parang iiyak. Pinaikot niya ang mata dahil sa kaartehan nito."Ano bang sinasabi mo? Walang may gusto nitong nangyari sa'yo. Huwag mo namang isipin na masaya ako sa ginawa sa'yo ni daddy, at saka nagsisisi na siya sa pananakit niya sa'yo," sabi nito at umupo pa talaga sa tabi niya. Mabilis niyang itinago ang mga kamay sa ilalim ng kumot at baka hawakan nito ang mga iyon bilang pandagdag sa drama nito. "Sabi niya, mahal ka daw niya bilang isang anak kaya dinidisiplina ka niya. Ayaw k