Habang biyahe pabalik sa kumpanya ay napansin ni David na tahimik ang kanyang amo at nakatanaw lang ito sa labas ng bintana. Hindi maipinta ang mukha nito at parang malalim ang iniisip."Sir, are you okay?" hindi niya na maiwasang itanong dahil ngayon lamang ito umakto ng ganito. Usually, he was talkative---asking about his schedule for today, and let him explain the minutes of the upcoming meeting. "'Yung tungkol po sa emergency meeting---""Did you notice something different about Andrea when you saw her?" putol ng binata sa sinasabi niya. "Like that flower-like tattoo on her right shoulder?""Tattoo?" nakakunot-noong tanong ni David. Madalas niyang makita si Miss Andrea na nakasuot ng tube top or sleeveless na damit, pero wala siyang napapansin na tattoo sa balikat nito. "Baka bagong lagay lang, sir."Ngayon lang din naalala ni Caleb na noong gabing nagsiping sila ay may naramdaman siya at nahawakang maliit na umbok sa balikat nito. His tongue even ran on it. Now he realized that i
"I don't think that's a good idea, Mr. Saavedra." Caleb scoffed as he leaned his back against his seat, staring at the middle-aged man. "You can't just turn a nursing home into a hotel.""Why not?" Nakaismid na tanong ni Mr. Saavedra. "Ibinebenta na nila ang lupang kinatatayuan ng building. I think it's getting bankrupt dahil hindi na nagbibigay ng pondo ang gobyerno dito, and also the relatives of those old people don't care about them anymore. Don't act as if you care. Ni hindi mo nga sila kaano-ano."Napailing na lamang ang binata sa tinuran nito. This man really lacked compassion toward other people, especially the old ones. Eh doon na rin naman papunta ito sa edad na 57.Ngunit mariin pa rin ang pagtanggi ng binata. "Okay, let's just say we're going to buy the property. Then tell me, saan natin dadalhin ang mga matatanda?""We can talk to their relatives one by one and negotiate with them. Either ilipat nila sa ibang bahay-kanlungan ang mga tatay at nanay nila, or iuwi sa bahay n
"Kailan kaya ako dadalawin ng anak ko?" tanong ni Berto kay Nathalie habang dahan-dahan niyang itinutulak ang wheelchair na sinasakyan ng kanyang ama pababa.Agad niyang kinagat ang kanyang ibabang labi para pigilan ang pamumuo ng luha sa kanyang mga mata. Hindi pa nito pwedeng malaman ang totoo. Hindi niya pa naibabalik ang kanyang dating mukha."She's still busy with her studies, uncle." mahina niyang sagot dito. "Don't worry, kapag nakita ko siya ay sasabihan ko na dalawin niya kayo. Kilala niyo naman ang anak niyo, masyadong masipag at matalino. Hindi niya pwedeng ipagsawalang-bahala ang oportunidad na makapag-aral siya. It's for your own future naman, uncle Rob. Huwag ka nang magworry diyan."Tuwing ginagaya niya kung paano magsalita ang pinsan ay napapangiwi siya. Hindi niya kailanman pinangarap maging si Andeng, lalo na ngayon na kailangan niyang magsinungaling sa harap ng tatay niya.Sobrang nakokonsensiya na siya at naiinis kay Daphne dahil hindi ito tumupad sa pinag-usapan n
Hindi maiwasan ni Nathalie ang manginig sa takot at manlaki ang mga mata dahil sa nakikitang galit sa mukha ng kanyang ama. Ngayon lang niya ito nakitang magalit ng ganito kalala sa kanya."Anong nangyayari?" tanong ulit nito. "Bakit dalawa kayo? Bakit magkamukha kayo?"Mukh nalilito na rin ang kanyang ama, ngunit mas nangingibabaw ang galit nito, at mas lamang ang atensiyon sa kanya kaysa kay Andeng."Hello, uncle Rob," nakangisi namang bati ni Andeng dito, at tinignan niya ito ng masama habang nangangati ang kanyang mga palad na sampalin ang makapal nitong mukha. "Sa pagkakaalam ko, sa puso ka naoperahan. Pero bakit parang naapektuhan yata 'yang mga mata at utak mo. Hindi mo na matukoy kung sino sa aming dalawa ang tunay na Andrea? Nakakalungkot, naman uncle Rob. Akala ko pa naman ay kilalang-kilala mo na ang pamangkin mo, dahil ikaw na halos ang nagpalaki sa akin, hindi pala. Nagkamali pala ako."Sabay hagalpak nito ng tawa at tinignan siya mula ulo hanggang paa nang may pang-uuyam
Amoy? Anong amoy?Nang makitang pinagulong ng kanyang tatay ang wheelchair papalapit sa kanila ay hinawakan niya ang braso ni Andre at hinila ito palayo. "Pwede ba Andeng, umalis ka na!""Hindi ako aalis!" galit na hinila ang kamay mula sa pagkakahawak niya at napangisi pa nang makitang palapit sa kanila ang tatay niya. "Bakit? Natatakot kang malaman niya kung ano ang ginawa mo? Hindi mo sinabi 'no? Gusto mo tulungan kitang sabihin sa kanya kung pano mo inakit ang lalaking papakasalan ko! Kung paano ka lumandi at sumiping sa kama niya!""Tumahimik ka, Andeng! Wala akong inaakit!" mababa ang tinig ngunit may galit ang kanyang boses na saad niya dito."Eh di layuan mo si Caleb!" sigaw nito sa kanya. "Layuan mo ang mapapangasawa ko!"Siya naman ngayon ang napangisi bago pinagsalikop ang mga braso sa dibdib. "Hindi ko na kasalanan kung ang hinahanap-hanap ng mapapangasawa mo ay ang babaeng kasama niya noong gabing iyon. Malamang ako 'yun!"Nanggagalaiting pinanlisikan siya ng mga mata nit
At sinabi niya nga ang lahat lahat sa tatay niya. Inumpisahan niya ang kanyang kuwento mula sa lalaking nakamotor na humabol sa kanya hanggang sa babaeng sumira ng kanyang mukha sa club na pinasukan niya. Ikinuwento niya rin dito kung papaano siyang inalok ni Daphne na tutulungan siyang ayusin ang kanyang mukha at babayaran ang operasyon ng kanyang ama basta magpanggap lamang siya na si Andeng kapalit ng isang gabi, para lamang mapatunayan kay Caleb Lopez na birhen pa ang mapapangasawa nito.Sa sandaling natapos niya ang kanyang kuwento ay hilam sa luha ang mukha ng tatay niya, at sobrang nawasak ang kanyang puso dahil nakikita niya kung gaano itong nasasaktan para sa kanya. Wala na siyang choice kundi sabihin dito ang totoo. Ayaw na niyang magsinungaling pa dahil hindi na kinakaya ng konsensiya niya. Pero bakit parang mas nasaktan niya ito dahil sa pagsasabi niya ng totoo?"Sino ang lalaking humabol sa'yo? Kilala mo ba siya? Namukhaan mo ba?" sunod-sunod na tanong nito sa kanya na an
"I just talked to Mr. Saavedra, and he was so furious. He said you never approved any of his proposals. Is it true?" Iyon ang bungad ng kanyang ama pagpasok pa lang ni Caleb sa bahay ng mga ito. Naisipan niyang dalawin ito dahil halong isang buwan na rin silang hindi nagkikita, and also with the purpose of talking to him about Mr. Saavedra's proposal, but it seemed that the old man had already talked to his father. But he was ready. He gathered all the copies of the proposals Mr. Saavedra had submitted, and he printed them with the help of David, of course."Nakausap mo na pala siya, dad." walang-ganang sagot niya bago ipinatong sa coffee table ang folder na dala at saka sumalampak sa sofa. "Tinotoo talaga niya ang banta niya sa akin ha. I can't believe it.""I want to be fair, son. Ayoko naman agad magdesisyon na hindi naririnig ang magkabilang panig," Mr. Lopez said as he sat across from him and put down his cup of coffee.May sariling negosyo ang kanyang ama. Isang coffee shop na
At ipinakita nga ni Caleb sa kanyang ama ang kanyang cellphone habang naka-play ang isang video kung saan isang babae ang nakaupo sa loob ng isang office at isang lalaki naman na nakasuot ng suit ang nasa likod nito at minamasahe ang kanyang balikat. Maya-maya lamang ay bumaba ang mga kamay nito patungo sa dibdib ng babae at nilamas ang mga ito. Napapitlag ang babae at akmang manlalaban ngunit bigla siyang sinabunutan ng lalaki at saka binulungan sa tenga. Hindi malinaw sa video kung ano ang ibinulong nito, ngunit sigurado si Caleb na isa itong pagbabanta dahil hindi na makagalaw ang babae habang ipinapasok ng lalaki ang kamay nito papasok sa blusa ng babae.Wala na itong nagawa pa kung hindi ang lumuha na lamang ng tahimik habang hinahayaan ang lalaki sa ginagawa nito sa katawan niya.Napatiim-bagang si Caleb nang hilahin ng lalake patayo ang babae at itinulak ito palayo sa camera.Ang lalaking nasa video ay walang iba kung hindi si Mr. Saavedra, at ang babae naman ay ang nakaraang
Inunang chineck ni Nathalie ang walk-in closet ni Andeng at isa-isa niya itong binuksan. Hinawi niya ang mga damit nito na nakahanger at pinagbubuksan ang mga drawer nito. Tinignan niya din kung nasa taas ba ito, pero wala siyang makita ni anino ng urn.Pagkatapos niya sa mga damitan nito ay sa lagayan naman ng mga sapatos siya nagcheck gamit ang flashlight ng cellphone, pero negative pa rin. Dumapa siya at naghanap din sa ilalim ng sofa at mesa sa loob ng kuwarto, pati na rin sa ilalim ng kama nito, pero wala talaga. Tatayo na sana siya mula sa pagkakadapa nang bigla niyang marinig na may nagbubukas ng pinto ng kuwarto. Agad niyang pinatay ang flashlight, at mabilis na gumulong siya sa ilalim ng kama para magtago.“Andrea?” boses iyon ni Daphne. “Andrea, what are you doing? Gabing-gabi na, ano na naman ang kinakalikot mo? Ang ingay-ingay, hindi ako makatulog.”Pero walang sumagot dito, kaya pumasok ito sa loob ng kuwarto ni Andeng, at napatakip naman siya sa bunganga niya habang si
Nabigla man si Nathalie sa ginawa ni Andeng sa kanya ay sisiguraduhin niyang hindi siya magpapatalo dito kahit nakaharap pa ang mga magulang nito.Mabilis na iwinasiwas niya ang kanyang bag at nasapol sa mukha ang pinsan, dahilan para mabitawan nito ang buhok niya, bago buong pwersang itinulak ito, at malalaglag na sana siya sa hagdan pababa sa basement kung hindi lang ito nasalo ni Tonyo na mabilis na tumakbo papunta sa kanila."Andrea!" nanlalaki ang mga matang sumugod din si Daphne at mabilis na niyakap ang stepdaughter pagkatapos itong mailigtas ni Tonyo. "Are you okay, sweetie? Oh my God, muntikan ka nang mahulog!""No, mommy, I'm not okay! Look at my face, it hurts!" Itinuro nito ang mukha na tinamaan ng kanyang bag at saka ito umatungal ng iyak at yumakap sa mag-asawa."Kung may gusto kang malaman sa akin tungkol sa mga nangyari sa amin ni Caleb, siguraduhin mo muna na marunong kang makipag-usap ng maayos at maging mabait sa akin!" pag-ismid niya dito, bago taas ang noong iniwa
Namumula ang mukha na umalis sa pagkakaupo sa kandungan ni Caleb si Nathalie at mabilis na dinampot ang kanyang bag bago binuksan ang pinto ng kotse. Narinig niya pa ang malalim na pagbuntong-hininga ng binata bago siya bumaba at pabagsak na isinarado ang pinto.Ano na naman itong ginawa niya? Dumadami na talaga ang kasalanan niya kay Andeng. Feeling niya ay pinagtataksilan niya ito, kahit na isa talaga ito sa plano niya at parte ng kanyang paghihiganti. Ang paluhain silang lahat ng dugo, pero bakit parang nakukonsensiya siya?Itinulak niya ang pinto ng gate at nakahinga siya ng maluwag nang mapagtantong bukas ito, kaya walang lingon-likod na dire-diretso siyang pumasok sa loob ng bahay kahit nakita niya na hindi pa umaalis ang kotse ni Caleb. Pagsarado niya ng gate ay saka lang niya narinig na umalis na ito.Pagpasok sa sala ay sakto namang pababa sa hagdan si Andrea na nakasuot pa ng pajama at mukhang nagmamadali ito. Narinig siguro nito na may dumating na sasakyan kaya dali-dali it
Bumaba sila ni Mrs. Lopez na magkahawak ang mga kamay papunta sa dining room, at doon nga ay nakita ulit niya ang tatay ni Caleb na kamukhang-kamukha nito na nakapwesto sa pinakapuno ng mahabang mesa. Napakagaan ng awra ng mukha nito at hindi niya maiwasang maalala na naman ang tatay niya.Agad na ibinaba nito ang newspaper na hawak at tinignan sila ng may ngiti sa mga labi. "Good morning to both of you," bati nito sa kanila bago ito humalik sa asawa, at isang mahinang good morning naman ang isinagot niya dito.Nakaupo sa kaliwa nito ang babaeng anak ng mga ito na si Diane, at walang kangiti-ngiti sa mga labi nito na pinagmamasdan siya.Bigla siyang nailang sa paraan ng pagtitig nito kaya nag-iwas siya ng tingin at itinuon ang pansin kay Caleb na agad silang ipinaghila ng upuan nang makita silang pumasok sa dining room at nang magtama ang mga paningin nila ay nang-aasar pang kinindatan siya nito.Pinandilatan niya ito ng mga mata at natatawang umupo ito sa tabi ni Diane."Dito ka mau
Nang maramdaman ni Caleb ang pantay na paghinga ni Nathalie, katunayan na nakatulog na ito ay dahan-dahan niyang inihiga ito sa kama. Pinagmasdan niya muna ang mukha nito ng ilang segundo, bago umakyat ang kanyang kamay at masuyong hinaplos ito.Magkamukha sila ni Andrea, pero mas maamo ang aura ni Nathalie. Nakuha man nitong kopyahin ang mukha ng pinsan,pero hindi nito maitatago ang inosenteng personalidad nito. Ang ngiti nitong napakaganda, ang mga labi nitong kaakit-akit sa paningin niya, at kaysarap halikan, at ang mga mata nitong parang nang-aakit kapag tinititigan siya.Caleb didn’t know how to hide his feelings from this girl anymore. No matter how much he tried to stop his heart from beating towards her, he had no idea why, but he just couldn’t.He tried his hardest to distract himself with work for the past few days, but no matter how much work he did, Nathalie would always slip into his mind. And it was starting to drive him crazy, kaya naman minabuti niyang magtrabaho sa ta
Pag-akyat ni Nathalie sa taas ay hawak-hawak ni Caleb ang kamay niya, at wala siyang magawa dahil nakatingin sa kanila ang nanay nito. Pero pagpasok nila sa kuwarto ng binata at nang maisarado ang pinto ay mabilis niyang hinila ang kamay at matalim ang mga matang tinignan ito.“Bakit ba ipinagpipilitan mo sa mommy mo na ako si Andrea?”singhal niya dito.“Ako?” itinuro ni Caleb ang sarili.”Ako ba talaga? Eh ikaw nga itong nag-umpisa, tapos ako ang sisisihin mo?” napapailing na saad nito bago naghubad ng damit sa harap niya.“A-anong ginagawa mo?” tanong niya dito bago umiwas ng tingin at humalukipkip.“As if namang hindi mo pa ito nakikita.” pinaikot nito ang mga mata. “But I have to tell you that my offer still stands. Be my wife, Nathalie.”Haharap na sana siya dito nang bigla itong maghubad ng pantalon. “Ayoko.” matigas na sagot niya. Hinding-hindi ako magpapakasal sa’yo.” “Sigurado ka na ba diyan?” narinig na naman niya ang nang-aasar na tono nito,at napalunok siya nang marinig ang
Nakaramdam ng sari-saring emosyon si Nathalie habang pauwi sila sa bahay ng mga Lopez at nakaupo siya sa likod ng kotse ng mga ito katabi ang ginang. Kakuwentuhan niya si Mrs. Lopez habang hawak ang kamay niya na giliw na giliw sa kanya. Paminsan-minsan ay nagtatanong ito at sinasagot naman niya ito ng may pilit na ngiti sa mga labi.At si Caleb na nakaupo sa harap nila ay pangiti-ngiti lang at palingon-lingon sa kanila na parang natutuwa pa ito sa nangyayari habang siya ay sobrang nerbiyos na at hindi mapakali sa kanyang kinauupuan.Kalahating oras ang itinagal ng biyahe nila bago sila nakarating sa malaking bahay ng mga Lopez. Isang maid ang nagbukas ng gate at maluwang ang ngiti na sinalubong sila nito at iginiya sa loob ng magara at malaking sala.Nagulat pa siya nang dalawa pang maid ang bumungad sa sala at may bitbit na mga tray. Ang isa ay mga baso na may lamang juice at iba pang inumin ang dala, samantalang ang isa naman ay iba’t ibang cookies and pastries ang laman ng dalang
"Hoy, Nathalie!" sigaw naman ng isa pang babae dito. "Ang bait ng pamilya ng pinsan mo sa'yo! Pinatuloy ka nila sa bahay nila at pinag-aral pa, tapos ito lang ang igaganti mo? Tignan mo nga 'yang suot mo. Binilhan ka pa ng mga branded na damit. Mas mabuti siguro kung ibalik mo na lang 'yung dati mong mukha at umalis ka na sa kanila. Hindi ka ba nahihiya na kinokopya mo ang lahat nang meron si Andrea?"Hindi sila pinansin ni Andrea, at nagpatuloy na lumapit sa kanila habang nakatitig ito kay Caleb. Pero ni hindi man lamang siya tinapunan ng tingin ng binata."Tignan mo. Bakit ganyan siya makatingin sa boyfriend ng pinsan niya? Parang nang-aakit." bulong ng isa pang babae, at alam ni Nathalie na dinig iyon ni Andrea at ng ibang tao doon."What are you doing here?" tanong dito ni Caleb nang makalapit siya, at halos manlumo siya sa malamig na tono ng kasintahan. "Di ba dapat nasa school ka pa ngayon at nag-aaral?"Kinagat ni Andrea ang pang-ibabang labi bago pailalim at matalim na tinigna
Mabilis ang mga kilos na nagsuot ng sapatos si Nathalie. Habang wala si Caleb ay pupuslit siya. Dadalawin niya si Jasmine at titignan niya kung tinupad nga ng kanyang tiyuhin ang nakasulat sa papel. Magaling lang ito sa salita, pero hindi ito tumutupad sa usapan.Akala siguro ng tiyuhin niya ay mababasa ni Caleb ang sulat nito sa kanya kaya nagpapagood shot na naman ito. Itinapon na niya sa basurahan ang sulat nito noong nakaraang araw at baka mabasa pa ito ng binata. Inayos niya ng dress at tumayo mula sa kama. Sana lang ay mamaya pa ang balik ng binata sa kuwarto niya. Hindi kasi siya makagalaw kapag nandito ang binata. Halos lahat ng galaw niya ay bantay na bantay nito. Ginagawa siyang parang bata. Dito na rin halos ito nagtatrabaho dahi lagi itong may bitbit na laptop. Kung tutuusin nga ay dapat noong isang araw pa siya nakalabas dahil hilom na halos lahat ng sugat niya, at nagfefade na rin ang mga marka sa balat niya.Mabuti na lamang at naisipang magdala ni Caleb ng make-up ka