Home / Romance / I am your Legal Wife / Chapter 51 - Chapter 60

All Chapters of I am your Legal Wife: Chapter 51 - Chapter 60

88 Chapters

Chapter 051

Hindi na nakapunta pa si Nathalie para dalhin ang nilutong ulam at makasabay sa pagkain ng almusal ang kanyang tatay dahil sumama siya sa kanyang tiyo Tonyo para pagbigyan ito sa huling pagkakataon para magpanggap bilang si Andeng.Ngunit bago iyon ay sinamahan muna siya nitong ipapalit ang cheke para makasigurado siya na hindi ito tatalbog. Nag-open na rin siya ng bagong account para doon muna ideposito ang kanyang pera."Oh ano, naniniwala ka ngayon s akin?" nakangising tanong dito ng kanyang tiyuhin at irap lang ang isinagot niya dito. Wala pa rin siyang tiwala sa mga ito.Sari-saring emosyon ang nararamdaman niya habang nakatayo sa likod ng entablado kung saan hinihintay niyang tawagin siya ng kanyang tiyuhin. Kasalukuyan na kasi itong iniinterview ng mga reporters tungkol sa pagtakbo niya sa election bilang Mayor. Naririninig din niya ang iba na isinisingit ang pagtatanong tungkol sa scandal ni Andeng, pero isa man sa mga ito ay walang isinagot ang mag-asawa.Iyon ang dahilan kun
last updateLast Updated : 2025-02-28
Read more

Chapter 052

Paglabas ni Nathalie ay parang tumigil ang mundo niya nang makita kung gaano kadami ang taong naghihintay para makita siya. Napahinto naman ang lahat sa kanilang mga ginagawa. Lahat ng tao sa paligid niya ay napasinghap sa pagkabigla at ang kanilang mga mata ay nagpalipat-lipat sa pagitan nila ni Andrea, at hindi maikakaila sa mukha ng mga ito na halatang nagulat dahil sa nasaksihan. Natahimik ang paligid, at ang mga reporters ay namangha sa pagiging kalmado niya, pero lingid sa kaalaman ng mga ito ay sobrang lakas ng kabog ng kanyang dibdib. At sa patuloy na pagkislap ng mga camera ay nagsimulang sumakit ang kanyang mga mata kaya naman tumalikod siya sa mga ito.Muli siyang humarap nang marinig ang tanong ng isang reporter."Sino ka? Bakit mo ginagaya ang mukha ni Miss Andrea? Ikaw ba talaga ang babae na nasa viral video?" tanong ng isang matabang reporter.Saglit siyang nag-alinlangan bago sinulyapan si Tonyo, na binigyan siya ng babalang tingin. Huminga muna siya ng malalim, at na
last updateLast Updated : 2025-03-01
Read more

Chapter 053

Bakit nandito si Caleb? Nandoon din ba siya sa loob noong sinabi ko na ako 'yung nasa video? Naniniwala kaya siya doon?Base sa ekspresyon ng mukha nito habang nanlilisik ang mga matang nakatunghay sa kanya ay biglang nanlambot si Nathalie. Pero hindi niya inakalang ililigtas pa rin siya nito kahit nalaman nito na isa siyang maruming babae na sadyang wala namang katotohanan. At ngayon pa lamang ay ipinangako niya na sa sarili na iiwasan ang lalaking ito simula ngayon.Pinunasan niya ang kanyang basang mukha gamit ang likod ng kanyang kamay. Wala na siyang pakialam kung ano ang itsura niya sa harap ng lalakeng ito. Kanina bago siya humarap sa mga press ay pinintahan ang mukha niya ng pagkakapal-kapal na make-up kaya naman ngayong humulas na ito dahil sa ulan ay sigurado siyang nakakatawa ang itsura niya."Hey, are you okay?" tanong sa kanya ni Caleb, pero wala siyang maramdaman ni katiting na pag-aalala mula sa boses nito. Biglang lamig ng pakikitungo nito sa kanya, ibang-iba noong ang
last updateLast Updated : 2025-03-02
Read more

Chapter 054

"'Tay!" nanginginig ang buong katawan na sigaw niya. "Nasaan ang tatay ko? Ilabas niyo ang tatay ko!"Hindi siya naniniwalang patay na ito. Malakas pa ito noong huli silang magkita. Nakakatayo na nga ito eh. Malapit na itong gumaling. Actually, magaling na ito. Nanghihina lang ito dahil wala itong ginagawa at nasa loob lang lagi ng kwarto."Nanay Rosa, sabihin mo sa akin na hindi totoo ang sinasabi mo." kinuha niya ang dalawang kamay ng matanda at mahigpit na hinawakan ang mga ito. "Nanay Rosa, ikaw palagi ang kausap ng tatay ko. Masaya na siya dahil dinalaw ko di ba? Bakit 'nay? Sabihin mo sa akin kung anong nangyari?""Anak, makinig ka," nanginginig ang boses na sagot ng matanda. "Kahapon masayang-masaya pa kami ng tatay mo pagkagising at sobrang excited niya. Ang sabi niya maaga ka daw pupunta dito dahil sabay kayong mag-aalmusal. Ipagluluto mo daw siya ng paborito niyang kare-kareng balat at laman ng baka. Pagkatapos..." nauutal na ang matanda dahil sa pagpipigil nitong humagulgol
last updateLast Updated : 2025-03-03
Read more

Chapter 055

Paglabas ng kuwarto bitbit ang box ay napaupo sa isang sulok si Nathalie habang patuloy pa rin sa pag-iyak habang yakap ang box. Hindi niya kayang tignan ng matagal ang tatay niya. Kanina habang yakap-yakap niya ang katawan nito at habang humahagulgol siya ay hindi niya maiwasang maghinanakit dito.Madaming katanungan ang gumugulo sa isip niya. Bakit siya iniwang mag-isa? Ano ang nagtulak dito para gawin iyon? Bakit nito kinitil ang buhay nito?Kailangan niyang malaman ang katotohanan. Kailangan niya malaman ang dahilan kung bakit niya ginawa iyon. Kaya naman agad niyang pinunasan ang luha sa kanyang mga pisngi at binuksan ang box kung saan nandodoon ang lahat ng gamit ng tatay niya.May nakita siyang mga susi, wallet, at pati na din ang wedding ring nito na hindi nito tinanggal kahit kailan. Mayroon din siyang nakitang mga tuyong bulaklak. Ang bulaklak na ibinigay niya noong unang beses niya itong dinalaw sa bahay kanlungan.Naghalungkat pa siya sa loob ng box at naagaw ng atensiyon
last updateLast Updated : 2025-03-04
Read more

Cahpter 056

Sa mismong oras din na iyon ay inilabas mula sa kwarto ang tatay ni Nathalie. At ilang minuto lamang ang lumipas ay may ipinasok naman na isa pang pasyente sa kuwarto na ginamit nito.Agad na inayos ni Caleb ang lahat ng kakailanganin para madala agad ito sa Amerika gamit ang private jet ng mga Lopez."David, please take good care of the man. Ikaw na muna ang bahala sa kanya, okay? Kapag hindi na ako busy ay susunod ako sa Amerika. I need to be there at the engagement party tonight." utos niya kay David. Nasa airport na sila kasama ang limang doctor at tatlong nurse para mag-asikaso sa pasyente. "But sir, hindi niyo ba pwedeng ipostpone na muna ang engagement? Akala ko ba hindi pa kayo sigurado kay Miss Andrea?" nagtatakang tanong ni David sa kanya. "Everything's already prepared, David. Wala nang atrasan pa ito." he said, gently patting his personal assistant's shoulder. "Give me updates from time to time, okay?""Yes, sir." sagot ni David bago ito tumalikod at umakyat na sa privat
last updateLast Updated : 2025-03-05
Read more

Chapter 057

"Really man? Tuloy-tuloy na ba talaga ang kasal mo? Baka magsisi ka?" pabirong saad ni Daniel bago tinapik-tapik ang balikat ni Caleb na parang nakakaloko. "Baka matulad ka sa akin ha? Akala ko kasi kapag naikasal na, siya na talaga ang babae para sa akin habang-buhay.""Huwag mo akong itulad sa'yo. Babaero ka kasi." natatawa at napapailing na lamang ang binata sa tinuran ng kaibigan."Ako, babaero? Look who's talking!" sagot naman nito."Shut up! Nagbago na ako!" pabirong batok niya dito. Alam niyang umattend lang ng engagement party ang kaibigan para asarin siya."Nasaan nga pala si David?" tanong nito habang inililibot ang mga mata sa bulwagan habang salubong ang mga kilay nito at inisa-isa ang mga bisita sa loob. Ang lahat ay nakasuot ng magagarbong damit---mapa-dress or gown man ito, o mamahaling mga suit. Walang gustong magpatalo. Walang gustong masapawan.Hindi agad nakasagot si Caleb. Hindi pwedeng malaman ni Daniel ang pagpapadala niya sa lalaking nagligtas sa kanya sa Amerik
last updateLast Updated : 2025-03-06
Read more

Chapter 058

Dahan-dahang tinanggal ni Caleb ang pagkakakawit ng braso ni Andrea sa kanya kaya naman nagtatakang napatingin siya ng dalaga. Ngunit bago pa siya makalapit sa babaeng sentro ng atensiyon ngayon ay nakita niyang malakas na dinunggol ni Daphne sa balikat ang asawa nito at narinig na lamang niyang sumisigaw si Anthony habang masama ang tingin nito sa pamangkin."Anong ginagawa mo dito? Hindi ka imbitado sa okasyong ito! Sinong nagpapasok sa'yo, at saka bakit ganyan ang itsura mo?" sigaw ni Anthony, ang boses nito ay dumadagundong sa buong paligid na nagpatahimik sa lahat ng mga bisita. Naghihintay ang mga ito ng susunod na gagawin nito sa pamangkin na nakatayo lamang doon at tahimik na nagmamasid at hindi pinapansin ang tiyuhin. "Natnat, umuwi ka na! Ayusin mo ang sarili mo! Nakakhiya itong ginagawa mo! Pati ang pamilya ko ipinapahiya mo!"Sa pagkabigla ng lahat, bigla na lamang itong humalakhak ng malakas at ikinapitlag ng tiyuhin nito. "At sino ka para utusan ako?" ganting bulyaw nito
last updateLast Updated : 2025-03-07
Read more

Chapter 059

"Halika na. Tumayo ka na diyan." Hindi naman nagpatinag si Andrea sa pang-iinsulto sa kanya ng pinsan. Hindi ang isang pipitsuging babae lamang ang makakasira sa pangarap niya. Ang pangarap niyang maikasal sa lalaking minamahal niya ng buong puso at ng buong buhay niya. "Umuwi na tayo para makapag-usap tayo ng maayos."Pagkasabi ng mga salitang iyon ay niyakap niya ng mahigpit si Nathalie, at parang iyon lamang ang hinihintay ng dalaga para kumawala ang lahat ng nararamdaman niya. Isang balikat na maiiyakan.At umatungal na nga siya ng iyak sa balikat ni Andrea. "Ssshhh, huwag ka nang umiyak. Alam kong masakit sa'yo ang mga nangyari. Hindi ka namin pababayaan. Masakit din naman para sa amin na nawala si uncle Robert, pero kailangan nating tanggapin ang lahat lahat ng nangyari dahil nakatadhana na ito. Wala na tayong magagawa pa."Gumanti ng yakap si Nathalie, at dahil nakaharap ito kay Caleb ay kitang-kita ng binata kung paano kumawala ang isang nakakalokong ngiti habang kunwaring hum
last updateLast Updated : 2025-03-08
Read more

Chapter 060

Nagising si Nathalie sa isang silid na sobrang dilim at liwanag lamang mula sa buwan na tumatagos sa mula sa bintana ang nagbigay ilaw para makita niyang hindi pamilyar ang silid na kinaroroonan niya. Pero ang naaamoy niyang pabango ng isang lalaki ay napakapamilyar sa kanya. Sinubukan niyang umupo ngunit pakiramdam niya ay umiikot ang buong paligid niya kaya nahiga siyang muli."Nasaan ako?" bulong niya habang hinihilot ang kanyang mga sentido. Ang huling naalala niya ay ang kanyang pag-iyak sa bangkay ng kanyang ama sa ospital at ang pagbabasa ng sulat ni Andeng sa kanyang ama.May naaninag siyang bulto ng lalaki na nasa may tabi ng bintana pero hindi niya makilala kung sino ito dahil medyo malabo pa ang paningin niya. Ang tiyuhin niya ba ito?Umiling siya at ipinikit pikit ang mga mata at sinasanay ito sa kadiliman."I'm glad you're finally awake," isang malalim na boses ang pumutol sa katahimikan, na halos nagpatalon sa kanya sa sobrang gulat. Inipon niya ang kanyang lakas at daha
last updateLast Updated : 2025-03-09
Read more
PREV
1
...
456789
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status