"Really man? Tuloy-tuloy na ba talaga ang kasal mo? Baka magsisi ka?" pabirong saad ni Daniel bago tinapik-tapik ang balikat ni Caleb na parang nakakaloko. "Baka matulad ka sa akin ha? Akala ko kasi kapag naikasal na, siya na talaga ang babae para sa akin habang-buhay.""Huwag mo akong itulad sa'yo. Babaero ka kasi." natatawa at napapailing na lamang ang binata sa tinuran ng kaibigan."Ako, babaero? Look who's talking!" sagot naman nito."Shut up! Nagbago na ako!" pabirong batok niya dito. Alam niyang umattend lang ng engagement party ang kaibigan para asarin siya."Nasaan nga pala si David?" tanong nito habang inililibot ang mga mata sa bulwagan habang salubong ang mga kilay nito at inisa-isa ang mga bisita sa loob. Ang lahat ay nakasuot ng magagarbong damit---mapa-dress or gown man ito, o mamahaling mga suit. Walang gustong magpatalo. Walang gustong masapawan.Hindi agad nakasagot si Caleb. Hindi pwedeng malaman ni Daniel ang pagpapadala niya sa lalaking nagligtas sa kanya sa Amerik
Dahan-dahang tinanggal ni Caleb ang pagkakakawit ng braso ni Andrea sa kanya kaya naman nagtatakang napatingin siya ng dalaga. Ngunit bago pa siya makalapit sa babaeng sentro ng atensiyon ngayon ay nakita niyang malakas na dinunggol ni Daphne sa balikat ang asawa nito at narinig na lamang niyang sumisigaw si Anthony habang masama ang tingin nito sa pamangkin."Anong ginagawa mo dito? Hindi ka imbitado sa okasyong ito! Sinong nagpapasok sa'yo, at saka bakit ganyan ang itsura mo?" sigaw ni Anthony, ang boses nito ay dumadagundong sa buong paligid na nagpatahimik sa lahat ng mga bisita. Naghihintay ang mga ito ng susunod na gagawin nito sa pamangkin na nakatayo lamang doon at tahimik na nagmamasid at hindi pinapansin ang tiyuhin. "Natnat, umuwi ka na! Ayusin mo ang sarili mo! Nakakhiya itong ginagawa mo! Pati ang pamilya ko ipinapahiya mo!"Sa pagkabigla ng lahat, bigla na lamang itong humalakhak ng malakas at ikinapitlag ng tiyuhin nito. "At sino ka para utusan ako?" ganting bulyaw nito
"Halika na. Tumayo ka na diyan." Hindi naman nagpatinag si Andrea sa pang-iinsulto sa kanya ng pinsan. Hindi ang isang pipitsuging babae lamang ang makakasira sa pangarap niya. Ang pangarap niyang maikasal sa lalaking minamahal niya ng buong puso at ng buong buhay niya. "Umuwi na tayo para makapag-usap tayo ng maayos."Pagkasabi ng mga salitang iyon ay niyakap niya ng mahigpit si Nathalie, at parang iyon lamang ang hinihintay ng dalaga para kumawala ang lahat ng nararamdaman niya. Isang balikat na maiiyakan.At umatungal na nga siya ng iyak sa balikat ni Andrea. "Ssshhh, huwag ka nang umiyak. Alam kong masakit sa'yo ang mga nangyari. Hindi ka namin pababayaan. Masakit din naman para sa amin na nawala si uncle Robert, pero kailangan nating tanggapin ang lahat lahat ng nangyari dahil nakatadhana na ito. Wala na tayong magagawa pa."Gumanti ng yakap si Nathalie, at dahil nakaharap ito kay Caleb ay kitang-kita ng binata kung paano kumawala ang isang nakakalokong ngiti habang kunwaring hum
Nagising si Nathalie sa isang silid na sobrang dilim at liwanag lamang mula sa buwan na tumatagos sa mula sa bintana ang nagbigay ilaw para makita niyang hindi pamilyar ang silid na kinaroroonan niya. Pero ang naaamoy niyang pabango ng isang lalaki ay napakapamilyar sa kanya. Sinubukan niyang umupo ngunit pakiramdam niya ay umiikot ang buong paligid niya kaya nahiga siyang muli."Nasaan ako?" bulong niya habang hinihilot ang kanyang mga sentido. Ang huling naalala niya ay ang kanyang pag-iyak sa bangkay ng kanyang ama sa ospital at ang pagbabasa ng sulat ni Andeng sa kanyang ama.May naaninag siyang bulto ng lalaki na nasa may tabi ng bintana pero hindi niya makilala kung sino ito dahil medyo malabo pa ang paningin niya. Ang tiyuhin niya ba ito?Umiling siya at ipinikit pikit ang mga mata at sinasanay ito sa kadiliman."I'm glad you're finally awake," isang malalim na boses ang pumutol sa katahimikan, na halos nagpatalon sa kanya sa sobrang gulat. Inipon niya ang kanyang lakas at daha
Bumalik si Nathalie sa ospital nang araw din na iyon pagkagaling niya sa bahay ni Caleb. Pagpasok nito sa trabaho ay tumalilis siya at hindi na nagpaalam sa mga kasambahay. Nang dalhin ng katulong ang damit niya ay agad niya itong isinuot at lumabas ng kuwarto. Ngunit pagbaba niya ng hagdan ay nagulat siya nang makitang sa bahay ng mga magulang siya nito dinala dahil naulinigan niyang nag-uusap ang mga ito sa dining room. Ang akala niya ay may sariling condo ang lalaki. Hindi niya akalain na nakikitira pa din pala ito sa mga magulang niya.Dahan-dahang lumabas siya ng bahay ng mga ito at lumabas ng gate nang wala man lamang nakakapansin sa kanya. Nakahinga siya nang maluwag nang sa wakas ay nakalabas siya ng village. Sanay siyang maglakad nang malayo kaya hindi siya nabahala nang walang makitang pampublikong sakayan sa lugar na iyon.Paglabas nga ng village ay saka siya pumara ng taxi pauwi sa kanyang apartment. Nagbihis lang siya saglit at umalis na rin papunta sa ospital bitbit ang
Dahil sa narinig ay napahinto si Nathalie at unti-unting sumilay ang ngiti sa kanyang mga labi. Muntik niya nang makalimutan na kukunin niya nga pala ang loob nito para makaganti kay Andeng. Bakit nga ba niya ito sinusungitan?Napakunot-noo naman si Caleb sa reaction ng dalaga. Mukhang may binabalak na naman itong hindi maganda. "Forget what I said!" he snapped and turned around, but Nathalie caught his arm. "Don't touch me!""Ano ba! Ang sungit sungit mo naman!" saad ng dalaga. Kung kanina ay nagsusungit ito, ngayon ay may kalakip nang lambing ang boses nito.Kahit na may pagdududa ay hindi pa rin mawaglit sa isip niya na ginagamit nito ang katawan para makakalap ng pera. Naiiling na lumayo siya dito at mabibigat ang mga hakbang na nagtungo sa office ng hospital.Kanina lamang ay tinawagan siya ni David at inianunsiyo ang masamang balita. "Sir, ang sabi ng mga doctor, hindi daw nila sigurado kung mabubuhay pa ang taong ito, pero gagawin daw nila ang lahat para maisalba ang buhay niya
Pag-uwi sa kanyang apartment ay nagulat si Nathalie nang makitang isang magarang sasakyan ang nakaparada sa harap, at nadatnan ang dalawang lalaki na nakaitim na suit at natatakpan ng shades ang mga mata habang naghihintay sa kanya sa labas. Agad niyang nakilala ang mga ito. Mga bodyguard ito ng kanyang tiyuhin. Mula nang ianunsiyo nito ang pagtakbo sa pagka-mayor ay naghire na din ang asawa nito ng bodyguard."Anong kailangan niyo sa akin?" nakaismid na tanong niya habang mahigpit na yakap ang urn. Hindi siya papayag na kuhanin sa kanya ang tatay niya."Pinapasabi ni Sir Anthony na dun ka na daw titira sa mansion mula sa araw na ito." sagot ng mas matangkad na bodyguard. "Sinabi niya sa isang press conference na siya na ang magiging legal guardian mo mula ngayon at gagawin ang lahat para madisiplina ka.""Talaga lang ha?" Hindi napigilan ni Natnat na paikutin ang mga mata habang binubuksan ang apartment. So ginagawa niya lang ito dahil gusto niyang ipakita sa mga tao na isa siyang mab
"Magready ka iha. Ipapasundo kita sa driver para makapag-usap kayo ng maayos ni Caleb," iyon ang sinabi ni Mrs. Lopez kay Andrea sa telepono habang hinihintay na dumating ang kanyang panganay na anak. Nakita ng ginang kung gaano nasaktan ang mamanugangin sa inasal ni Caleb sa engagement party ng mga ito, at siya man ay hindi napigilan ang anak sa ginawa nito. Mas inasikaso pa nito ang impostora na 'yun kaysa sa mapapangasawa niyang si Andrea. "Hindi ako papayag na maagaw ng iba ang atensiyon ng anak ko.""Thank you po, mommy. Kaya lang baka magalit po sa akin si Caleb kung basta na lang ako susulpot diyan sa inyo," nangingiming sagot ni Andrea. Sabado ngayon at walang pasok sa office ang binata, pero ang sabi ng mommy nito ay umalis daw saglit dahil binisita daw nito ang hospital na pagmamay-ari ng kanilang pamilya. "Ayoko po na sumama ang loob sa akin ng anak niyo, at baka iyon pa ang maging mitsa para hindi matuloy ang kasal namin."Kagabi lamang ay nagsumbong siya dito ng mga hinan
"We're hungry and exhausted, and we almost died on the island, tapos ganyan pa ang iisipin mo sa amin?" mahina ngunit matigas ang pananalita niya habang kausap si Andrea. "Aren't you worried about your cousin? It looks like you're only worried about me, and I don't understand why.""Of course I do! I was worried about her as well! Hindi kami babalik sa islang iyon kung hindi ko siya inaalala. Besides, what would my parents think about me kung basta ko na lang siya papabayaan?" defensive na sagot nito. "At saka may boyfriend naman siya, at nangako si Adrian na aalagaan niya ang pinsan ko. So, we have nothing to worry about now."After hearing what Andrea said---na may boyfriend si Nathalie, which was his tito---napailing siya at saka huminga muna ng malalim bago lumabas ng elevator. Mabilis ang mga hakbang na tinungo niya ang kanyang kwarto at binuksan ito. Pumasok siya sa loob at huminto sa may paanan ng kama.Narinig na lamang niya ang pag-click ng lock ng kanyang pinto, at nakapamey
Paglabas ng elevator ay magkahawak-kamay sina Adrian at Nathalie na pumasok sa restaurant ng resort. At least ngayon, panatag na siya at hindi na mangingiming humawak dito dahil may mahal naman pala itong iba. Hindi siya mag-aalala na baka tinitake advantage siya nito. Mukhang kaibigan lang talaga ang tingin nito sa kanya, at ganun din naman siya."Wala pa sila," bulong niya habang patungo sila sa bakanteng mesa na ang tinutukoy nito ay sina Caleb at Andrea. "Baka may ginagawa pang milagro," nangingiting sabi nito bago siya ipinaghila siya ng upuan, at pagkatapos niyang umupo ay saka naman ito umupo sa tapat niya. "What do you want to order?" tanong nito habang kinakawayan ang waiter. Nagpalinga-linga muna siya, nagbabakasakaling makikita ang dalawa ngunit wala pa rin ang mga ito. "Pwede bang hintayin muna natin sila?" hindi niya alam kung bakit hindi siya mapakali dahil sa sinabi ni Adrian. Wala siyang karapatang magselos, pero bakit parang sasabog ang dibdib niya sa naisip na posi
"Nathalie!" narinig niya ang pagtawag sa kanya ni Adrian kaya naman isang ngisi din ang pinakawalan niya habang nakatingin sa kanya si Caleb, at patakbong sinalubong ang tiyuhin nito. Nang makalapit siya dito ay isang mahigpit na yakap ang ibinigay nito sa kanya. "Are you okay? I'm so sorry, akala namain nakabalik na kayo sa resort. Hindi kami nakabalik agad dito dahil sobrang lakas na ang ulan. Thank God, you're both safe.""It's okay, Adrian. Huwag ka nang mag-alala, okay naman ako," salamat sa pamangkin mo, inalagaan niya ako. Nais niyang sabihin ang mga katagang iyon pero nagpigil siya. Kumalas siya sa pagkakayakap dito at tumingin sa singkit na mga mata nito. "Okay din naman si Caleb. Salamat at binalikan niyo kami.""Of course! Hinding-hindi kita papabayaan, Nathalie. Ako ang nagpumilit na isama ka dito kaya kargo de konsensiya kita. Hindi ako papayag na hindi balikan ang girlfriend ko sa isla na ito," pagkarinig sa salitang girlfriend ay tumawa siya at muli itong niyakap."Nath
Paglabas ni Caleb ng bahay ay nakita niya ang dalaga na naglalakad sa dalampasigan habang nakabuka ang dalawang kamay. Ninanamnam at sinasamyo nito ang sariwang hangin na nagmumula sa dagat. Humupa na ang ulan. Ang araw ay sumikat na, pero hindi pa naman ito gaanong masakit sa balat dahil maaga pa.Napakaganda ng lugar. Ang kulay asul na tubig-dagat ay napakalinis, pati na rin ang puting buhangin na tinatapakan nila. Maririnig din ang huni ng mga ibon at ibang insekto sa paligid na para bang tuwang-tuwa dahil sa paghinto ng ulan.Hindi niya binigyang-pansin ang kanyang paligid, bagkus ay pinanood niya ang dalaga na ngayon ay parang batang tumatakbo sa dalampasigan. Ang hangin na isinasayaw ang kanyang buhok at ang kanyang dress na punit ang laylayan habang inililipad ng hangin ay nagbibigay ng inosenteng awra dito.He couldn't help but smile as he watched her play like a little girl while giggling. "Ang ganda!" Nathalie exclaimed as she ran around the beach while looking up at the blu
For the past twenty-six years of his life, Caleb never felt out of control. Pero dahil lang sa isang babae---sa pinsan pa ng babaeng papakasalan niya ay halos mabaliw-baliw siya. Hindi lang isa o dalawa, kundi tatlong beses niya itong nakasiping.Hangga't maaari ay ayaw na niyang maulit pa ito, pero bakit hindi niya mapigilan ang sariling hangaan ang dalaga? Kung tutuusin ay iisa lang ang mukha nito at ni Andrea, pero kapag tumitingin siya sa mga mata ni Nathalie ay ang inosente at magandang dilag na napagkamalan niyang katulong ang nakikita niya. Hindi na dapat siya sumunod dito nag lumayo ito sa grupo. He really shouldn't have allowed her to get under his skin like that. He felt pretty foolish for trying to protect her from that snake and ending up getting bitten himself.Sinundan niya ng tingin ang dalaga habang nagdadabog na naglakad patungo sa maliit na papag, at doon nga ay nahiga ito kahit na basang-basa pa ang mga damit nito.Umiling siya at saka tumayo, bago sumunod dito. Pi
Ahas.Isang berdeng ahas ang nakita niya sa kanyang likuran at nakapulupot sa isang tuyong sanga ng punongkahoy at nakatanghod sa kanya. Isang galaw lamang niya ay siguradong tuutklawin nito ang likuran niya. Sanay siyang nakakakita ng mga ahas sa bukid nila. Iba't ibang klase ang mga ito. May makamandag, at mayroong hindi. At ang isang ito ay hindi niya sigurado kung may kamandag ba dahil naiiba ang kulay at itsura nito.Pero nagkaroon siya ng phobia noong makagat siya habang tinutulungan ang kanyang tatay na maglinis at magtanggal ng mga damo sa kanilang bukirin.Naramdaman niya ang init ng palad ng kamay ni Caleb sa likuran niya dahil sa higpit ng pagkakalapat nito, kaya naman sa paggalaw ng ulo ng ahas ay humarap siyang muli kay Caleb at isinubsob ang mukha sa dibdib ng binata at yumakap din dito. Mabilis nitong sinipa ang sanga ng kahoy palayo sa kanila, bago hinaplos ang kanyang likod habang hinahalik-halikan ang kanyang buhok."Are you okay?" He asked when he felt her body tr
"Ano ba kasing kailangan mo sa akin?" nakataas ang kilay na tinitigan ni Nathalie ng masama si Caleb nang ibaba siya nito mula sa pagkakabuhat. Humalukipkip siya at sumandal sa malaking punong-kahoy bago pinaikot ang mga mata. "May gagawin kang masama sa akin ano?"Hindi sumagot ang binata, bagkus ay tinignan siya nito sa mga mata, pababa sa kanyang ilong, hanggang sa tumitig ito sa kanyang mga labi. Napalunok siya at iniiwas ang mga mata dito, ngunit nagulat na lamang siya nang bigla siya nitong hapitin sa bewang at saka marubdob na hinalikan sa mga labi.Gusto niyang lumaban at itulak ito palayo sa kanya, ngunit ang kanyang taksil na katawan ay parang nananadya at kusang tumutugon dito. Inilapat niya ang mga kamay sa dibdib nito, at handa na siyang itulak ang binata palayo. Gayunpaman, sa kanyang pagtataka, ay parang may mga isip na dahan-dahang umakyat ang mga kamay niya mula sa dibdib nito hanggang sa batok at pumaikot ito doon.Napasinghap siya nang ibaba nito ang mga strap ng da
"Wala kang pakialam!" hindi niya ito nilingon dahil alam na alam niyang si Caleb iyon, bagkus ay nagpatuloy pa rin siya sa paglalakad at ipinadyak ang mga paa sa mga tuyong dahon at kahoy sa lupa."Don't walk too far, you might get lost!" pigil nito sa kanya, pero hindi pa rin niya ito pinansin. "Hey! Are you listening to me? Hey! Bakit ba ang tigas ng ulo mo, ha!"Nang hawakan nito ang braso niya at puwersahang iniharap siya dito ay wala na siyang nagawa pa at nilingon ito. Doon nga ay napagtanto niya na malayo na nga sila at hindi na niya matanaw ang kanilang mga kasamahan."Ano ba?" agad niyang iwinaksi ang kamay nito na nakahawak sa kanya. Mukhang hindi pa rin ito maka-move on sa ginawa niya dito kagabi dahil sa matiim na pagtitig nito sa kanya. "Bakit hindi 'yung pinsan ko ang bantayan mo at hindi ako? Bakit hindi siya ang yayain mong makipag-sex?"Nang maalala na naman niya ang ginawa ni Andrea sa kanyang tatay ay bigla niyang naikuyom ang mga palad sa galit. Hindi niya pa rin n
Pagkatapos magshower ni Nathalie ay hindi na naman niya mahanap ang towel niya. Binuksan niya muna ang pinto at sinilip kung may tao sa labas, at naningkit ang kanyang mga mata nang makitang nakahiga si Adrian sa kama niya at nakapikit pa ang mga mata. Mukhang nakatulog na ang loko!"Adrian!" tawag niya dito, at agad naman itong nagmulat ng mga mata. "Pakiabot ng towel, please! Nakalimutan kong dalhin!""Okay, wait!" agad naman itong tumayo at binuksan ang closet. Dinampot nito ang isang puting towel at saka naglakad palapit sa kanya. "Here's your towel, my queen.""My queen ka diyan!" hinablot niya ang towel mula dito at saka muling isinara ang pinto. Dinig niya pa ang malakas pagtawa ng binata mula sa labas ng cr at naiiling na tinuyo niya ang buhok at katawan at saka ibinalot ang towel paikot sa kanya bago muling binuksan ang pinto. Nakita niyang wala na si Adrian sa kuwarto. Malamang ay lumabas muna ito para bigyan siya ng privacy para makapagbihis.Mabilis siyang nagbihis, at nag