Share

Chapter 064

Author: Author Rain
last update Huling Na-update: 2025-03-13 15:24:43

"Magready ka iha. Ipapasundo kita sa driver para makapag-usap kayo ng maayos ni Caleb," iyon ang sinabi ni Mrs. Lopez kay Andrea sa telepono habang hinihintay na dumating ang kanyang panganay na anak. Nakita ng ginang kung gaano nasaktan ang mamanugangin sa inasal ni Caleb sa engagement party ng mga ito, at siya man ay hindi napigilan ang anak sa ginawa nito. Mas inasikaso pa nito ang impostora na 'yun kaysa sa mapapangasawa niyang si Andrea. "Hindi ako papayag na maagaw ng iba ang atensiyon ng anak ko."

"Thank you po, mommy. Kaya lang baka magalit po sa akin si Caleb kung basta na lang ako susulpot diyan sa inyo," nangingiming sagot ni Andrea. Sabado ngayon at walang pasok sa office ang binata, pero ang sabi ng mommy nito ay umalis daw saglit dahil binisita daw nito ang hospital na pagmamay-ari ng kanilang pamilya. "Ayoko po na sumama ang loob sa akin ng anak niyo, at baka iyon pa ang maging mitsa para hindi matuloy ang kasal namin."

Kagabi lamang ay nagsumbong siya dito ng mga hinan
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter
Mga Comments (4)
goodnovel comment avatar
Ling Macabago
update pa please
goodnovel comment avatar
Ling Macabago
more update pa please author
goodnovel comment avatar
Pedrasa Bustamante Lourdes
uusok na naman tenga ni andeng... waiting for next chapter
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

  • I am your Legal Wife   Chapter 065

    Paglabas ni Caleb ay nagulat pa siya nang makitang may babae nang nakahiga sa kanyang kama. 'Anong drama nang babaeng ito at nagtulog-tulugan pa. Akala niya ay mag-uusap lamang sila pero paano kung ganito ang inaasta ng babaeng ito?.'Napailing na lamang siya habang kinukuskos ng malinis na tuwalya ang kanyang buhok, pero bigla siyang natigilan nang mapansing suot ng dalaga ang regalo niyang dress noong 18th birthday nito. Hindi niya akalain na nagsusuot pala ito ng lumang damit.Naglakad siya papunta sa kanyang closet para kumuha ng damit nang biglang marinig ang dalaga na umuungol. Paglingon niya dito ay siya namang pagbiling nito paharap sa kanya, dahilan para malilis ang suot nitong dress at tumambad ang napakakinis nitong mga hita."Shit!" Napalunok siya at naramdaman na lamang niyang nagising ang kanyang natutulog na pagkalalake. Kitang-kita iyon sa pagbakat nito sa tuwalyang tanging nakabalot lamang sa kanyang katawan.Narinig niyang muli ang pag-ungol ng dalaga kaya naman nagl

    Huling Na-update : 2025-03-14
  • I am your Legal Wife   Chapter 066

    Dahil sa kanyang panaginip ay gustong-gusto ni Nathalie na maging totoo na lamang ang lahat ng nangyari para maisampal niya sa kanyang pinsan ang katotohanang nakipagsiping siya sa boyfriend nito sa ikalawang pagkakataon.Pero pagmulat ng kanyang mga mata ay hindi niya nakita ang pamilyar na sala ng mga Mondragon, kung hindi isang kuwarto na minsan na niyang nakita. Dinala siya dito noong nahimatay siya sa engagement party nina Caleb at Andeng. Hindi siya maaaring magkamali. Kuwarto it ng binata!Pero bakit? Papaano siya napunta dito? Di ba nasa sala lang siya at nag-iinom, tapos nalasing siya at nakatulog. Tapos nanaginip siya na may nangyari sa kanila.Natutop niya ang bibig nang mapansing wala ni isa mang saplot ang kanyang katawan sa ilalim ng puting kumot. Shit! Totoo ba ang nangyari kagabi? Ibig bang sabihin nito...Bigla siyang bumangon ngunit napahawak naman siya sa kanyang noo dahil biglang sumakit ang kanyang ulo. Napapikit muli siya at isang malalim na buntong-hininga ang k

    Huling Na-update : 2025-03-15
  • I am your Legal Wife   Chapter 067

    "Five million pesos," alok ni Caleb kay Nathalie at muling hinawakang ang baba nito nang mas mahigpit kaysa kanina na ikinagulat ng dalaga. Sobrang laking pera na nun pero hindi pa rin matatapalan ng pera ang binabalak niyang paghihiganti sa mga mayayamang Mondragon."Five million dollars to keep your mouth shut!"Ipinikit-pikit ang mga mata para pigilan ang mga luha at mabilis na iniiwas ang tingin dito. Kung sana ganito kadaming pera ang mayroon siya noong nabubuhay pa ang kanyang ama, eh di sana hindi sila naghirap. Sana hindi sila nagpakaalipin sa mga tiyuhin niya. Sana buhay pa ang tatay niya at sana masaya sila ngayon at naninirahan sa probinsiya.Napakadaming sana. Pero wala. Huli na ang lahat. Wala nang silbi ang perang iyon sa kanya ngayon. Wala na siyang paggagamitan pa nito, at kung meron man, siguro ay ipagpapatuloy niya ang pag-aaral niya para kahit papaano ay matuwa naman ang tatay niya na alam niyang nasa itaas na ngayon.Alam niyang hindi ito natutuwa sa mga pinaggagawa

    Huling Na-update : 2025-03-16
  • I am your Legal Wife   Chapter 068

    Nagpahatid lang si Nathalie hanggang sa may labas ng village. "Sigurado po ba kayo na hanggang dito na lang po kayo, Miss Andrea?" tanong sa kanya ni Honorio.Tumango lang siya biglang tugon dito. Akmang bababa ang driver para ipagbukas siya ng pinto ay inunahan na niya ito. "Salamat po." sabi niya at saka isinarado ang pinto bago naglakad papunta sa may sakayan ng dyip.Habang naghihintay ng masasakyan ay naalala niyang wala nga pala siyang dalang pera. Ang tanging hawak lamang niya ay ang cheke na may nakasulat na limang milyong piso. Napabuntong-hininga na lamang siya ng malalim habang nakatitig dito. Hindi naman niya pwedeng ibayad ito sa dyip at baka isipin ng driver na nababaliw na siya.Napailing na nagsimula na siyang maglakad. Siguro ay nasa mahigit isang oras din ang bubunuin niya mula sa kinatatayuan niya hanggang sa bahay ng mga Mondragon.Nasa sampung minuto na siyang naglalakad nang makakita ng isang fast-food restaurant. Biglang kumalam ang sikmura niya sa amoy ng mas

    Huling Na-update : 2025-03-17
  • I am your Legal Wife   Chapter 069

    Napahimas na lamang si Nathalie sa kanang pisngi para maibsan kahit papaano ang sakit na nararamdaman dahil sa sobrang lakas ng pagkakasampal sa kanya ni Andeng. Pag-angat niya ng tingin ay ngumisi siya dito. "May problema ba tayo, Andeng?" maang-maangan niyang tanong sabay irap."Ikaw ang problema ko!" bulyaw nito sa kanya habang pinagduduro siya. "Ang landi-landi mo talaga! Nabubwisit na ako sa'yo! Bakit ba kasi bumalik ka pa dito!""Ano na naman bang pinagsasabi mo?" natatawa siya na ewan dahil sa itsura nito. Lumalaki ang butas ng ilong pati na ang mga mata, at ang mukha nito ay pulang-pula sa galit. Malamang na ang ipinagpuputok ng butse nito ay dahil hindi natuloy ang date nito at ni Caleb. At nalaman siguro nito na siya ang sinundo ng driver at hindi siya.Kuyom naman ang mga palad ni Andeng habang nanlalaki ang mga mata sa galit habang nakatingin kay Natnat. Kahapon habang tinutulungan siya ni Nadya na pumili ng isusuot na damit para sa date nila ni Caleb ay nagkuwento ito tun

    Huling Na-update : 2025-03-18
  • I am your Legal Wife   Chapter 070

    "Pagkatapos pinagbabasag niya ang mga imported na alak ng daddy niyo, Miss Andrea. 'Yung isang bote, inubos niya kaya nalasing siya ng todo at bigla na lang nagwala dito sa loob ng bahay. Hindi ko siya kayang pigilan. Galit na galit siya. Sigaw ng sigaw kaya natakot ako," pagpapatuloy ni Nadya sa pagkukuwento kay Andrea na ngayon ay nagpupuyos na sa galit."Where is she? Where is that fucking bitch?" akmang tatayo siya mula sa kinauupuan sa gilid ng kama nang pigilan siya ni Nadya."Mamaya na lang po ninyo kausapin baka naghihintay na po sa inyo Sir Caleb. Baka mapurnada pa ang date niyo dahil sa babaeng iyon." wika ni Nadya. "Ito po bagay na bagay sa inyo ang dress na 'to! Isukat niyo na, dali!"Isang pulang spaghetti strap dress na hapit na hapit sa kanyang katawan ang napili ng katulong na ipasuot sa kanya. Kitang-kita ang cleavage niya dito at kapag yumuko naman siya ay makikita na halos ang panty niya sa likod sa sobrang iksi nito. "Perfect!" nakangising saad ni Andrea habang pa

    Huling Na-update : 2025-03-19
  • I am your Legal Wife   Chapter 071

    "Anong pinagsasabi ko? Talaga ba Natnat? Tinatanong mo sa akin kung anong mga pinagsasabi ko?" sigaw ni Andeng kay Natnat. "Huwag ka nang magmaang-maangan pa diyan dahil alam na alam mo kung ano ang mga sinasabi ko, you filthy whore!""Ganun ba?" ngumisi si Natnat bago pinagsalikop ang mga braso. "Ano 'yun? Enlighten me, please...!" maarteng sagot niya na lalong nagpainit sa ulo ni Andeng."Siraulo ka! Nagpanggap ka na ako, hindi ba?" sagot nito. "Inakit mo ang boyfriend ko at may nangyari sa inyo kagabi!" mangiyak-ngiyak nitong anas. "May nangyari na naman sa inyo kagabi dahil inakit mo siya!""Really? How did you know na may nangyari sa amin?" tanong niyang muli dito dahil natutuwa siyang nakikita itong nasasaktan. Pero hindi pa siya nakukuntento. Kulang pa ito sa lahat ng ginawa niya sa kanyang ama. "Malay ko ba na tatanga-tanga 'yung boyfriend mo. Akalain mo 'yun? Hindi niya alam ang pagkakaiba natin. O baka naman alam niyang ako 'yun pero itinuloy niya pa rin? Ano sa tingin mo ha

    Huling Na-update : 2025-03-20
  • I am your Legal Wife   Chapter 072

    Kakatapos lamang ideposit ni Nathalie ang cheke na ibinigay sa kanya ni Caleb at habang nag-aabang ng taxi sa labas ng banko ay biglang tumunog ang kanyang cellphone.Kumunot ang kanyang noo dahil hindi niya kilala ang number na nasa screen pero sinagot niya pa rin ito. "Hello? Sino 'to?""Hello, Natnat!" Agad niyang nabosesan kung sino ang nasa kabilang linya. Si Jasmine. "Sabi ko na nga ba hindi mo sinave ang number ko!" May pagtatampo sa boses na saad nito."Pasensiya ka na. Alam mo namang madami akong iniisip ngayon," mahinang sagot niya at pinara ang taxi na dumaan sa harap niya bago nagmamadaling sumakay."Saan tayo, Miss?" Tanong ng driver, at ibinigay ang address sa bahay ng mga Mondragon bago binalikan si Jasmine."Bakit ka nga pala napatawag?" Tanong niya habang nakatingin sa labas ng bintana."Alam ko na marami kang iniisip, pasensiya ka na ha, pero sobrang kailangan ko ng tulong mo ngayon," sagot nito."Bakit? Anong nangyari?" Hindi niya maiwasang hindi mag-alala. Baka mam

    Huling Na-update : 2025-03-22

Pinakabagong kabanata

  • I am your Legal Wife   Chapter 113

    Habang busy ang mga Mondragon sa pagbibihis ay naiinis namang bumangon si Nathalie mula sa pagkakahiga sa kama dahil sa ingay ni nililikha ng mga ito mula sa taas. Dinig na dinig niya ang pagsigaw ni Andeng at ang pagpadyak ng takong ng sapatos nito. "Mommy, I need help! Alin ba dito ang susuotin ko? Help me choose which one is better, please?"Pabagsak na nahiga siyang muli sa kama at tinakpan ng kumot ang kanyang mukha, pero dinig pa din niya ang ingay ng mga ito mula sa first floor. Naiinis na bumangon siya at nagtungo na lang sa banyo para maligo. Kailangan lumamig ang ulo niya dahil baka hindi niya mapigilan ang sarili at pagsabihan ang mga ito.Actually, may pasok siya sa school ngayong araw. Namili siya ng mga gamit noong linggo, at noong lunes nga ay ang unang araw ng klase niya. Sabado na ngayon pero may klase pa rin siya, at pinili niyang hindi pumasok. Binabalak niya kasing pumunta sa birthday party ni Mrs. Lopez kahit na hindi siya imbitado.Alam niyang ayaw din siyang pap

  • I am your Legal Wife   Chapter 112

    Isang oras pagkatapos ng kababalaghang ginawa ng mag-asawa ay nakalabas din sa wakas si Nathalie sa kuwarto ng mga ito. Hindi na muna niya kinuha ang urn dahil malalaman nila na pumasok siya sa kuwarto ng mga ito ng walang paalam kapag nakita nilang nawawala ang urn.Pagdating sa baba ay mabilis na nagpunta siya sa kusina at kumuha ng mga pagkain sa ref. Maghapon siyang walang kain kahapon, at ngayon lang ulit niya naramdaman ang pangangalam ng sikmura. Ilang oras na lamang ay magigising na ang mga katulong para magtrabaho. Butbit ang isang karton ng fresh milk, isang balot ng tinapay at isang apple ay nagmamadaling bumalik sa kanyang kuwarto si Nathalie, at doon nga ay kinain niya ang mga kinuha sa ref. Habang nagpapababa ng kinain ay naglinis siya ng kuwarto. At nang mapagod ay nakaramdam siya ng antok, kaya humiga na siya sa kama at natulog.********Dumating na ang pinakahihintay na kaarawan ni Mrs. Lopez at ang mga tauhan sa malaking bahay ng mga ito ay naging busy sa paghahanda

  • I am your Legal Wife   Chapter 111

    Inunang chineck ni Nathalie ang walk-in closet ni Andeng at isa-isa niya itong binuksan. Hinawi niya ang mga damit nito na nakahanger at pinagbubuksan ang mga drawer nito. Tinignan niya din kung nasa taas ba ito, pero wala siyang makita ni anino ng urn.Pagkatapos niya sa mga damitan nito ay sa lagayan naman ng mga sapatos siya nagcheck gamit ang flashlight ng cellphone, pero negative pa rin. Dumapa siya at naghanap din sa ilalim ng sofa at mesa sa loob ng kuwarto, pati na rin sa ilalim ng kama nito, pero wala talaga. Tatayo na sana siya mula sa pagkakadapa nang bigla niyang marinig na may nagbubukas ng pinto ng kuwarto. Agad niyang pinatay ang flashlight, at mabilis na gumulong siya sa ilalim ng kama para magtago.“Andrea?” boses iyon ni Daphne. “Andrea, what are you doing? Gabing-gabi na, ano na naman ang kinakalikot mo? Ang ingay-ingay, hindi ako makatulog.”Pero walang sumagot dito, kaya pumasok ito sa loob ng kuwarto ni Andeng, at napatakip naman siya sa bunganga niya habang si

  • I am your Legal Wife   Chapter 110

    Nabigla man si Nathalie sa ginawa ni Andeng sa kanya ay sisiguraduhin niyang hindi siya magpapatalo dito kahit nakaharap pa ang mga magulang nito.Mabilis na iwinasiwas niya ang kanyang bag at nasapol sa mukha ang pinsan, dahilan para mabitawan nito ang buhok niya, bago buong pwersang itinulak ito, at malalaglag na sana siya sa hagdan pababa sa basement kung hindi lang ito nasalo ni Tonyo na mabilis na tumakbo papunta sa kanila."Andrea!" nanlalaki ang mga matang sumugod din si Daphne at mabilis na niyakap ang stepdaughter pagkatapos itong mailigtas ni Tonyo. "Are you okay, sweetie? Oh my God, muntikan ka nang mahulog!""No, mommy, I'm not okay! Look at my face, it hurts!" Itinuro nito ang mukha na tinamaan ng kanyang bag at saka ito umatungal ng iyak at yumakap sa mag-asawa."Kung may gusto kang malaman sa akin tungkol sa mga nangyari sa amin ni Caleb, siguraduhin mo muna na marunong kang makipag-usap ng maayos at maging mabait sa akin!" pag-ismid niya dito, bago taas ang noong iniwa

  • I am your Legal Wife   Chapter 109

    Namumula ang mukha na umalis sa pagkakaupo sa kandungan ni Caleb si Nathalie at mabilis na dinampot ang kanyang bag bago binuksan ang pinto ng kotse. Narinig niya pa ang malalim na pagbuntong-hininga ng binata bago siya bumaba at pabagsak na isinarado ang pinto.Ano na naman itong ginawa niya? Dumadami na talaga ang kasalanan niya kay Andeng. Feeling niya ay pinagtataksilan niya ito, kahit na isa talaga ito sa plano niya at parte ng kanyang paghihiganti. Ang paluhain silang lahat ng dugo, pero bakit parang nakukonsensiya siya?Itinulak niya ang pinto ng gate at nakahinga siya ng maluwag nang mapagtantong bukas ito, kaya walang lingon-likod na dire-diretso siyang pumasok sa loob ng bahay kahit nakita niya na hindi pa umaalis ang kotse ni Caleb. Pagsarado niya ng gate ay saka lang niya narinig na umalis na ito.Pagpasok sa sala ay sakto namang pababa sa hagdan si Andrea na nakasuot pa ng pajama at mukhang nagmamadali ito. Narinig siguro nito na may dumating na sasakyan kaya dali-dali it

  • I am your Legal Wife   Chapter 108

    Bumaba sila ni Mrs. Lopez na magkahawak ang mga kamay papunta sa dining room, at doon nga ay nakita ulit niya ang tatay ni Caleb na kamukhang-kamukha nito na nakapwesto sa pinakapuno ng mahabang mesa. Napakagaan ng awra ng mukha nito at hindi niya maiwasang maalala na naman ang tatay niya.Agad na ibinaba nito ang newspaper na hawak at tinignan sila ng may ngiti sa mga labi. "Good morning to both of you," bati nito sa kanila bago ito humalik sa asawa, at isang mahinang good morning naman ang isinagot niya dito.Nakaupo sa kaliwa nito ang babaeng anak ng mga ito na si Diane, at walang kangiti-ngiti sa mga labi nito na pinagmamasdan siya.Bigla siyang nailang sa paraan ng pagtitig nito kaya nag-iwas siya ng tingin at itinuon ang pansin kay Caleb na agad silang ipinaghila ng upuan nang makita silang pumasok sa dining room at nang magtama ang mga paningin nila ay nang-aasar pang kinindatan siya nito.Pinandilatan niya ito ng mga mata at natatawang umupo ito sa tabi ni Diane."Dito ka mau

  • I am your Legal Wife   Chapter 107

    Nang maramdaman ni Caleb ang pantay na paghinga ni Nathalie, katunayan na nakatulog na ito ay dahan-dahan niyang inihiga ito sa kama. Pinagmasdan niya muna ang mukha nito ng ilang segundo, bago umakyat ang kanyang kamay at masuyong hinaplos ito.Magkamukha sila ni Andrea, pero mas maamo ang aura ni Nathalie. Nakuha man nitong kopyahin ang mukha ng pinsan,pero hindi nito maitatago ang inosenteng personalidad nito. Ang ngiti nitong napakaganda, ang mga labi nitong kaakit-akit sa paningin niya, at kaysarap halikan, at ang mga mata nitong parang nang-aakit kapag tinititigan siya.Caleb didn’t know how to hide his feelings from this girl anymore. No matter how much he tried to stop his heart from beating towards her, he had no idea why, but he just couldn’t.He tried his hardest to distract himself with work for the past few days, but no matter how much work he did, Nathalie would always slip into his mind. And it was starting to drive him crazy, kaya naman minabuti niyang magtrabaho sa ta

  • I am your Legal Wife   Chapter 106

    Pag-akyat ni Nathalie sa taas ay hawak-hawak ni Caleb ang kamay niya, at wala siyang magawa dahil nakatingin sa kanila ang nanay nito. Pero pagpasok nila sa kuwarto ng binata at nang maisarado ang pinto ay mabilis niyang hinila ang kamay at matalim ang mga matang tinignan ito.“Bakit ba ipinagpipilitan mo sa mommy mo na ako si Andrea?”singhal niya dito.“Ako?” itinuro ni Caleb ang sarili.”Ako ba talaga? Eh ikaw nga itong nag-umpisa, tapos ako ang sisisihin mo?” napapailing na saad nito bago naghubad ng damit sa harap niya.“A-anong ginagawa mo?” tanong niya dito bago umiwas ng tingin at humalukipkip.“As if namang hindi mo pa ito nakikita.” pinaikot nito ang mga mata. “But I have to tell you that my offer still stands. Be my wife, Nathalie.”Haharap na sana siya dito nang bigla itong maghubad ng pantalon. “Ayoko.” matigas na sagot niya. Hinding-hindi ako magpapakasal sa’yo.” “Sigurado ka na ba diyan?” narinig na naman niya ang nang-aasar na tono nito,at napalunok siya nang marinig ang

  • I am your Legal Wife   Chapter 105

    Nakaramdam ng sari-saring emosyon si Nathalie habang pauwi sila sa bahay ng mga Lopez at nakaupo siya sa likod ng kotse ng mga ito katabi ang ginang. Kakuwentuhan niya si Mrs. Lopez habang hawak ang kamay niya na giliw na giliw sa kanya. Paminsan-minsan ay nagtatanong ito at sinasagot naman niya ito ng may pilit na ngiti sa mga labi.At si Caleb na nakaupo sa harap nila ay pangiti-ngiti lang at palingon-lingon sa kanila na parang natutuwa pa ito sa nangyayari habang siya ay sobrang nerbiyos na at hindi mapakali sa kanyang kinauupuan.Kalahating oras ang itinagal ng biyahe nila bago sila nakarating sa malaking bahay ng mga Lopez. Isang maid ang nagbukas ng gate at maluwang ang ngiti na sinalubong sila nito at iginiya sa loob ng magara at malaking sala.Nagulat pa siya nang dalawa pang maid ang bumungad sa sala at may bitbit na mga tray. Ang isa ay mga baso na may lamang juice at iba pang inumin ang dala, samantalang ang isa naman ay iba’t ibang cookies and pastries ang laman ng dalang

Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status