Home / Romance / Seductress Unforgotten / Chapter 101 - Chapter 110

All Chapters of Seductress Unforgotten: Chapter 101 - Chapter 110

211 Chapters

Seductress Unforgotten Chapter 100

Bumangon si Apple mula sa kanyang upuan at mabilis na naglakad palayo kay Lance. "Nagpapatawa ka ata, Lance! Anak ang gusto mo, di ba? Bakit hindi ka humingi ng anak kay Mirasol? Bakit mo pa ginugulo ang tahimik kong buhay! Matagal na tayong wala! At hindi mo anak si Amara; sa akin lamang siya!"Ang mga mata ni Lance ay sumik sa galit at pagkadismaya. “Hindi pa tapos ang laban, Apple. Hindi ka pwedeng umalis sa akin.”Sabay silang tumingin sa isa't isa, at naramdaman ni Apple ang sakit ng nakaraan. Pero sa mga salitang iyon, alam niyang may katapusan na ang lahat.Humihingal si Apple, ngunit pinipilit niyang panatilihin ang kanyang kalmado habang tumatalon ang puso niya sa galit at takot. Hindi na siya pwedeng magpatalo kay Lance, hindi sa pagkakataong ito. Hindi na siya pwedeng magpatawad o magbigay ng kahit anong pagkakataon.“Wala na tayong dapat pag-usapan, Lance!” sigaw ni Apple, ang tinig niya’y puno ng poot. “Wala na akong pakialam sa mga plano mo! Nasa akin na si Amara, at hin
last updateLast Updated : 2025-02-08
Read more

Seductress Unforgotten Chapter 101

Mabigat ang hakbang ni Lance papasok sa opisina ng kanyang abogado. Sa loob, nakaupo na si Atty. Roman, nakataas ang isang kilay habang binabasa ang mga dokumentong inilatag niya sa mesa."Gusto mong mag-file ng petition for paternity?" tanong ng abogado, malamig ang boses.Tumango si Lance. "Kung kinakailangan, oo."Humalukipkip si Atty. Roman. "Kung gusto mong patunayan na ikaw ang ama ng bata, kailangang pumayag si Apple sa isang DNA test. Kung tumanggi siya, kakailanganin mong dumaan sa korte.""At kung mapatunayan kong ako ang ama?""Pwede kang humingi ng visitation rights o joint custody. Pero depende pa rin sa sitwasyon. Kung mapapatunayang hindi ka mabuting impluwensya sa bata, pwedeng hindi ito pabor sa'yo."Matalim ang tingin ni Lance. "Bakit naman hindi ako magiging mabuting impluwensya?"Tumingin si Atty. Roman sa kanya, may bahid ng pang-uusig sa mga mata nito. "Lance, sigurado ka bang ginagawa mo ito para kay Amara? O ginagawa mo ito dahil gusto mong ipakita kay Apple na
last updateLast Updated : 2025-02-09
Read more

Seductress Unforgotten Chapter 102

Sa kabila ng lahat, umasa siyang matitinag pa niya si Lance. Umasa siyang may natitira pang konsensya ang lalaking minsan niyang minahal. Pero hindi. Hindi siya titigilan nito."Mama?"Napalingon siya sa maliit na boses na pumukaw sa kanyang ulirat. Nakatayo sa tabi niya si Amara, nakatingin sa kanya ng may pagtataka. Walang kamuwang-muwang ang bata sa kung anong gulong pinasok ng kanyang ina.Napayuko si Apple at mahigpit na niyakap ang anak. "Anak… anong gagawin ko?" bulong niya habang tumutulo ang kanyang luha.Alam niyang hindi niya pwedeng takasan ito. Kapag sumuway siya, baka lalo pang lumala ang sitwasyon.Isang Araw Bago ang Deadline…Madilim ang paligid nang huminto ang sasakyan sa harapan ng isang gusali. Humugot ng malalim na hininga si Apple bago bumaba, dala ang mabigat na pasya sa kanyang dibdib.Pagpasok niya sa loob ng isang law firm, isang sekretarya ang sumalubong sa kanya."Magandang araw po, ma’am. May appointment po ba kayo?""Oo. Nandito ba si Atty. Samson?""San
last updateLast Updated : 2025-02-09
Read more

Seductress Unforgotten Chapter 103

"Alam mo, Lance… hindi niya basta-basta isusuko ang bata sa'yo," seryosong saad ni Atty. Roman habang nakamasid kay Apple na papalabas ng klinika kasama ang kanyang anak.Matalim ang titig ni Lance habang sinusundan ng tingin si Apple at Amara. Kitang-kita niya kung paano mahigpit na niyakap ni Apple ang anak nila—tila ba sinasabi nitong hindi niya ito basta-basta ipapasa sa kanya."Wala akong balak kunin si Amara sa kanya," sagot ni Lance, ngunit may bahid ng lungkot at pangungulila ang kanyang tinig. "Gusto ko lang ng pagkakataon. Karapatan kong makilala ang anak ko."Huminga nang malalim si Atty. Roman. "Kung gano’n, dapat mong ipakita sa korte na karapat-dapat kang magkaroon ng visitation rights—o kahit joint custody."Lance clenched his jaw. Alam niyang hindi madali ang labanang ito, lalo na kung si Apple mismo ang kalaban niya. Pero hindi siya papayag na tuluyan siyang mawala sa buhay ng anak niya."Kung gano’n, dapat mong ipakita sa korte na karapat-dapat kang magkaroon ng visi
last updateLast Updated : 2025-02-10
Read more

Seductress Unforgotten Chapter 104

Sa wakas, lumabas na ang doktor at kinausap si Lance na 99% na tumpak ang DNA."Dok, kelan namin malalaman ang resulta?" tanong ni Lance, hindi maitago ang kaba sa kanyang tinig.Tiningnan siya ng doktor bago sumagot. "Mr. Martin, tapos na ang pagsusuri. The results are 99.9% accurate—ikaw ang biological na ama ng bata."Para bang huminto ang mundo ni Lance sa narinig."Anong… anong sabi mo, Dok?"Ngumiti ang doktor at muling inulit, "Congratulations, Mr. Montemayor. Walang duda—anak mo si Amara."Para siyang natulala, hindi agad makapagsalita. Ilang beses niyang inulit-ulit sa isip ang sinabi ng doktor. Hindi siya makapaniwala. Sa wakas, may hawak na siyang ebidensya.Ang kanyang dugo… ang kanyang laman… si Amara ay tunay niyang anak.Dahan-dahan siyang napaupo sa bangko, pilit nilalamon ang emosyon. Naramdaman niyang nanginginig ang kanyang mga kamay, ngunit hindi niya alam kung dahil sa saya o sa bigat ng katotohanang ito."Salamat, Dok," mahina niyang sabi bago tumayo.Nagmadali s
last updateLast Updated : 2025-02-10
Read more

Seductress Unforgotten Chapter 105

Tahimik ang buong gusali maliban sa tunog ng orasan sa dingding. Maghahatinggabi na, pero nananatili pa rin si Lance sa kanyang opisina, nakatutok sa laptop habang tinatapos ang mga dokumentong kailangang pirmahan.Ngunit isang malakas na katok ang pumunit sa katahimikan.Napakunot-noo siya. Sino ang pupunta rito nang ganitong oras?Tumayo siya at lumakad patungo sa pinto. Pagkabukas niya, isang pamilyar na mukha ang bumungad sa kanya—si Monique.Namumugto ang kanyang mga mata, halatang ilang beses nang umiyak. Kahit gano’n, hindi maitatanggi ang kagandahan niya sa suot niyang fitted na dress, ngunit ang mas nangingibabaw ay ang desperasyon sa kanyang ekspresyon."Lance..." Mahina ngunit puno ng emosyon ang tinig nito.Mariing pumikit si Lance bago bumuntong-hininga. "Anong ginagawa mo rito, Monique?"Humakbang ito papasok, hindi inalintana kung gusto siyang patuluyin o hindi. "Kailangan kitang makausap."Agad siyang hinarangan ni Lance. "Monique, hindi ito ang tamang lugar o oras par
last updateLast Updated : 2025-02-11
Read more

Seductress Unforgotten Chapter 106

Pinagmasdan siya ni Lance—isang babaeng dati niyang minahal, pero ngayon ay isa na lang sakit sa kanyang buhay. "Dahil mali ang relasyon natin, Monique. Hindi na tayo masaya.""Hindi ako masaya dahil iniwan mo ‘ko!" Napahawak si Monique sa dibdib niya, hingal sa pag-iyak. "Lance, please... Baka hindi mo lang iniisip nang maayos. Baka may problema ka lang, kaya mo ‘ko nilalayuan. Hayaan mo akong tulungan ka!""Ang kailangan ko, Monique, ay tuluyan kang mawala sa buhay ko."Nanlaki ang mga mata ni Monique, parang tinaga sa dibdib. "H-hindi mo ‘yan sinasabi nang totoo..." bulong niya, nanginginig ang labi. "Hindi mo ‘ko kayang iwan. Hindi mo ako kayang mawala.""Kung hindi mo ako kayang mawala, problema mo na ‘yon."Napapikit si Monique, humihikbi nang malakas. Maya-maya’y nag-angat siya ng tingin, puno ng desperasyon ang kanyang mga mata. "Paano kung magpakamatay na lang ako? Ha, Lance? Paano kung hindi na lang ako mabuhay?! Matutuwa ka ba?!"Biglang nanlamig ang dugo ni Lance. Alam niy
last updateLast Updated : 2025-02-11
Read more

Seductress Unforgotten Chapter 107

Nanginginig si Monique, pilit na pinoproseso ang sakit ng mga salitang binitawan ni Lance. Bigla siyang tumalikod at tumakbo palabas ng opisina.Habang naglalakad si Monique sa kalsada, hindi niya napansin ang mga sasakyang dumadaan. Tila wala siya sa sariling mundo—malalim ang iniisip, nawawalan ng dahilan para mabuhay."Hindi niya na ako mahal..."Paulit-ulit na umuugong sa isip niya ang tinig ni Lance. Ang paningin niya'y lumalabo dahil sa luha, at hindi niya namalayang nasa gitna na siya ng kalsada.Isang malakas na busina ang pumunit sa katahimikan ng kanyang isip."Miss! Tabi!" sigaw ng isang naglalakad na tao sa sidewalk.Bago pa niya napagtanto ang nangyayari, isang dambuhalang truck ang paparating na sa kanya—sobrang bilis, at huli na para umiwas.BAGGGG!Tumilapon ang kanyang katawan sa ere, bumagsak siya sa matigas na semento.Nakita ng mga tao ang pagsabog ng dugo sa kalsada. Nagkagulo ang lahat. May mga sumisigaw, may tumatawag ng ambulansya."Diyos ko! May naaksidente!"
last updateLast Updated : 2025-02-12
Read more

Seductress Unforgotten Chapter 108

Tuluyan nang bumagsak ang mundo ni Monique. Ang sakit ay parang tinutusok ang puso niya ng paulit-ulit. Hinang-hina siyang napatingin sa kisame. "Kaya pala... Kaya pala kahit anong gawin ko, hindi mo ako kayang mahalin. Hindi ko pala kailanman mapapalitan si Apple."Tumulo ang isang luha sa pisngi ni Lance, pero agad niya itong pinunasan. Ayaw niyang makita ni Monique ang pag-aalalang nasa mga mata niya. "Monique… Hindi mo kailangang ipilit ang sarili mo sa akin. Deserve mo rin ang pagmamahal na totoo, ‘yung hindi mo kailangang ipaglaban ng mag-isa.""Pero paano kung ayaw ko? Paano kung ikaw lang ang gusto ko?" humihikbing tanong ni Monique.Mahigpit na pumikit si Lance bago bumuntong-hininga. Pagkatapos, tumayo siya at marahang hinawakan ang kamay ng dalaga."Patawarin mo ako, Monique. Pero hindi ako ang taong makakapagpasaya sa’yo.""Umalis ka na.Pinapangako ko wala ka ng makikita at maririnig na Monique sa buhay mo.Tandaan mo yan Lance.Kung ano mangyari sa akin Lance sisihin mo ang
last updateLast Updated : 2025-02-12
Read more

Seductress Unforgotten Chapter 109

Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ni Apple habang yakap-yakap ang mahimbing na natutulog na si Amara. Nanginginig ang kanyang mga kamay habang marahang hinahaplos ang buhok ng anak. Hindi niya alam kung paano haharapin ang kinakatakutan niya-ang posibilidad na mawala si Amara sa kanya.Dahil alam na ni Lance ang totoo.At ngayon, dumating na ang kinatatakutan niyang sandali.Isang mensahe mula sa abogado ni Lance ang natanggap niya kanina."Ms. Apple Navarro, nais ipaalam sa inyo na may itinakdang pag-uusap tungkol sa custody rights ng batang si Amara. Kayo ay inaasahang dumalo sa meeting kasama si G. Lance Montemayor upang mapag-usapan ang mga legal na aspeto ng usaping ito. Hinihiling namin ang inyong pakikiisa para sa kapakanan ng bata. Salamat."Tila gumuho ang mundo ni Apple matapos mabasa ang mensahe."Hindi... Hindi ito puwedeng mangyari..."Mahigpit niyang niyakap ang anak, pinipilit pigilan ang pag-agos ng kanyang luha.Alam niyang darating ang araw na ito-ang
last updateLast Updated : 2025-02-13
Read more
PREV
1
...
910111213
...
22
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status