Semua Bab The Missing Piece: Bab 131 - Bab 140

191 Bab

Chapter One hundred-thirty-one

“Kung ayaw niya sa ‘kin, kahit man lang sana ang pagiging ama ko sa anak naming ay bigyan niya naman sana ako ng karapatan. Miss na miss ko na ang anak namin,” doon ay hindi nito napigilan ang hindi pumiyok.Nakita niyang may tumakas na luha sa mga nito. Kahit siya ang nasa katayuan nito, ay ganoon din ang mararamdaman niya.“Huwag kang mag-alala, dahil makakasama mo na ang anak mo. Hindi ako papayag na ipgakait sa ‘yo ni Vanessa ang anak ninyo lalo na ‘t hindi naman siya responsableng ina. Naroon sa mansyon si Venisse. Mula nang doon ko sila patirahin dahil na-kidnap si Venisse na kagagawan at plano lang din pala ni Vanessa para lang makuha ulit ako at bumalik sa kanya, ay palagi naman siyang wala sa tabi ng anak ninyo. Madaling araw palang ay umaalis na at minsa ‘y hindi pa umuuwi. Kaya nararapat siguro na ibigay ko muna sa pangangalaga mo si Venisse dahil ikaw naman ang tunay niyang ama.”Nagulat ito sa sinabi niya at hindi makapaniwala. Bakas ang saya sa mukha nito.“Ta-talaga, Mr
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-02-17
Baca selengkapnya

Chapter One hundred-thirty-two

AGAD siyang bumiyahe pabalik sa mansyon. Halos paliparin na niya ang sasakyan makarating lamang agad doon. Pagdating niya ‘y agad niyang kinausap si nanay Minerva sa kung ano ang mangyayari. Sumang-ayon naman ito at maging ang mga kasamahan nitong kasambahay ay sinabihan din nito.Pagsapit nga ng umaga ay dumating nag si Raymond, ang tunay na ama ni Venisse. Nahirapan pa siyang kumbinsihin ang bata na sumama rito at panay ang iyak nito. Nakahinga iya nang maluwag ng sa wakas, ay mismong si Raymond ang nakakumbinsi rito na sumama.Sobra-sobrang pasasalamat ang narinig niya mula rito bago ito tuluyang umalis. Gumaan ang kanyang pakiramdam ng sa wakas ay naibigay na niya sa tunay na ama ang bata.NAIINIP na sa loob ng bahay si Michaela kaya napagpasiyahan niyang magduyan sa likod bahay. Sa umaga kasi hanggang tanghali, ay wala ang tita Marites ni Claire at ang asawa nito. Pumupunta kasi ang mga ito sa kabilang bayan para mag-alaga ng apo.Hindi naman siya pwedeng sumama kahit gusto ng ma
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-02-17
Baca selengkapnya

Chapter One hundred-thirty-three

KASALUKUYANG nasa loob ng kanyang silid si Jacob at nakaupo sa paanan ng kanyang kama habang sapo ang mukha ng kanyang dalawang kamay nang biglang tumunog ang kanyang cellphone. Pangalan ni Troy ang nakarehistro kaya agad niya itong sinagot.“Yes?”“Sir, naunahan po tayo. Nakuha na ng mga tauhan ni Vanessa at Geneva si Michaela sa bahay ng tiyahin ng kaibigan niya ngayon pa lang. Hindi naman namin alam na agad-agad silang kikilos!” Mabilis na sambit sa kanya nito.“What?!!! Paanong hindi niyo natunugan ‘yon? Dapat sinundan ninyo kung saan nila dadalhin si Michaela!” Pabulyaw na tugon niya rito.“Kasalukuyan kaming nakasunod sa kanila ngayon. Papunta sila ng Maynila.”“Sige at susunod ako sa inyo. Galingan ninyo ang pagsunod at huwag niyong hahayaang mawala sa paningin ninyo ang sinasakyan nila!”“Yes, boss!”Basta na lang niya ibinaba ang cellphone na hindi man lang napapatay ang tawag. Mabilis siyang nagbihis ng kasuotan at dali-daling dinampot ang susi ng sasakyan at mabilis na buma
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-02-18
Baca selengkapnya

Chapter One hundred-thirty-four

ISANG malakas na sampal ang ibinigay ng tiyuhin niya sa kanya. Halos matulig siya sa sobrang lakas dagdagan pa ng mabigat at magaspang nitong kamay. Nagngangalit ang mga ngipin nito at nagaapoy din sa galit ang mga nito habang nakatingin sa kanya.“Walanghiya ka! Pinahiya mo ang pamilya ko kay congressman higit lalo ako! Kung hindi dahil sa ‘min, ay wala ka sana sa mundong ito! Sa tingin mo, saan ka kaya nung mga panahon na narito ka sa ‘min kung hindi ako napilitang kupkupin ka?” Panunumbat nito sa kanya.Patuloy lang na namamalisbis ang kanyang masaganang luha sa kanyang pisngi na halos hindi na rin niya maramdaman. Para itong tinurukan nang pampamanhid sa lakas ng pagkakasampal sa kanya ng tiyuhin. Pakiramdam niya ‘y magang-maga na ang kanyang pisngi. Muli sana siya nitong sasampalin ngunit pinigilan na ito ng kanyang tiyahin.“Tama na ‘yan, Ronaldo! Hindi ‘yan pwedeng magkaroon ng pasa at galos dahil bukas nang madaling araw ang kasal nila ni congressman. Nakakahiya naman kung ang
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-02-18
Baca selengkapnya

Chapter One hundred-thirty-five

MATAMANG nagmamasid si Jacob sa bahay na pinagdalhan nina Geneva kay Michaela. Ayon sa tauhan niya, ito ang dating tinitirahan ng dalaga at bahay ng tiyahin nito. Kasalukuyan siyang nasa loob ng isang simpleng apartment na malapit lamang sa bahay na siyang minamasdan niya.Alas dos na nang madaling araw at kahit ni isang segundo ay hindi siya umalis sa kinapupwestuhan niyang silid na kung saan, ay tanaw niya ang kabuuan ng kabayan. Ayaw niyang may lumagpas na kahit maliit na pangyayari sa kanyang mga mata.Nakita pa niya ang paglabas nina Geneva at Vanessa at ang pagsakay nito sa puting van na siyang ginamit sa pag-kidnap kay Michaela. Sa ngayon ay hindi niya muna ito pagtutuunan ng pansin, ibibigay na muna niya ang buong atensyon niya para mabawi si Michaela.Ayon na rin sa tauhan niya, ay ikakasal ngayong madaling araw si Michaela kay congressman, at hinding-hindi siya papayag na mangyari iyon. Natimbrehan na niya ang kanyang mga tauhan at napapalibutan na nila ang buong kabahayan.
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-02-19
Baca selengkapnya

Chapter One hundred-thirty-six

MULING bumalik sa silid na kinaroroonan niya ang kanyang tiyahin at tiyuhin. Nakita pa niya sa sulok ng kanyang mga mata na tumaas ang isang sulok ng labi ng kanyang tiyahin nang makita nitong hindi man lang niya ginalaw at kinain ang pagkaing ibinigay ng mga ito.“Aba, matigas ka, ha! Ayaw mo talagang kumain? Sige, ikaw din!” Mapang-uyam na sambit ng kanyang tiyahin.Lumapit naman sa kinaroroonan niya ang kanyang tiyuhin at tinanggal ang pagkakatali sa kanyang mga paa. Napangiwi siya nang bigla siya nitong hawakan ng mahigpit sa kanyang baba.“Dahil mas pinili mo ang magmatigas, pwes, magdusa ka! Ito na rin naman ang huling araw mo na makakasama mo kami!” Malakas na sambit ng kanyang tiyuhin sa mukha niya. Pagkatapos ay padaskol nitong binitiwan ang kanyang baba kaya napabaling siya. Pakiramdam niya ‘y lumagatok ang buto niya sa leeg sa ginawa nito. “Ayusin mo ang sarili mo dahil nariyan na ang mag-aayos sa ‘yo!” Huling sabit nito bago tuluyang tumalikod.Sumunod naman dito ang kanya
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-02-19
Baca selengkapnya

Chapter One hundred-thirty-seven

KASALUKUYANG binabaybay ng bridal car na sinasakyan nila ang kalsada patungong simbahan nang bigla na lang may humarang na itim na sasakyan sa kanilang harapan. Pagkatapos ay may lumabas mula rito ang mga armadong lalaki na matatangkad at malalaki ang mga pangangatawan at pinalibutan ng mga ito ang kanilang sinasakyan.Balot na balot ng kulay itim na kasuotan ang buong katawan ng mga ito. Pati mga mukha ay pawang nakabalot ng kulay itim na maskara. Kung sa ibang pagkakataon siguro iyon nangyari, ay baka naihi at nahimatay na si Michaela sa sobrang takot. Pero sa pagkakataong iyon, ay wala pa rin siyang pakialam kahit na nagkakaputukan na sa paligid at natataranta na ang kanyang mga kasamahan. Pumutok ang isang gulong ng bridal car na kinaroroonan nila nang puntiyahin itong paputukan ng isa sa mga aramadong lalaki kaya gumalaw ang sasakyan. Todo sigaw naman ang kanyang tiyahin at pinsan samantalang ang kanyang tiyuhin ay nanginginig na nakatanaw lamang sa binatana nang pakubli-kubli.
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-02-19
Baca selengkapnya

Chapter One hundred-thirty-eight

ABOT langit ang ngiti ni Vanessa nang sa wakas, ay maihatid na siya ng kaibigang si Geneva sa mansyon. Inihinto nito ang sasakyan hindi kalayuan sa gate ng mansyon at agad-agad naman siyang bumaba pagkahintong-pagkahinto nito sa sasakyan.Pagod na pagod na siya at antok na antok dahil sa buong magdamag na walang tulog pero hindi niya alinatana iyon dahil ang mahalaga, ay naisakatuparan na niya ang kanyang mga plano.“Bye, girl! Magkita na lang tayo sa ibang araw! Pahinga na muna tayo ngayon, masyado akong napagod dahil sa ginawa natin! Hahaha!” Paalam niya sa kaibigang hindi na nag-abalang bumaba ng sasakyan at sinabayan pa niya ng malutong na halakhak na parang halakhak ng isang taong nagtagumpay sa kanyang nais.“Oo. Kailangan din natin mag lie low dahil baka mahalata tayo ni Jacob my loves mo! Okay pa naman na kayo. Baka mamaya, bigla na naman magbago ang isip no’n at bigla ka na namang hindi pansinin!” sagot ng kaibigan niya.“Naku, hindi na mangyayari ‘yon, ‘no? Kasi, bumalik na
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-02-21
Baca selengkapnya

Chapter One hundred-thirty-nine

“Venisse, anak! Nandito na si mommy! Lumabas ka naman, isama mo ang daddy mo!!!” Patuloy siya sa pagsigaw kahit na namamaos na ang kanyang boses. Nagtataka siya dahil ngayon lang niya tinawag ang anak na hindi ito lumapit sa kanya.“Wala na ang anak mo rito, kahapon pa,” Pairap na sambit sa kanya ni nanay Minerva.“Ano?!!! Paanong wala, eh nandito lang siya kahapon iniwan ko kasama ng daddy Jacob niya!”“Haaay, ang hirap mong pagsabihan. Masyado ka kasing matabil, at nakakarindi rin ‘yang bunganga mo. Ano kaya kung makinig ka muna sa sasabihin ko at saka ka na lang magdada-dada riyan, hahayaan kitang magsumigaw dito kahit magdamag pa hanggang sa maubusan ka ng boses!” tila nauuyam na saad sa kanya ng matanda.“Dami pang sinasabi bakit hindi mo na lang sabihin ng isahan!”“Makinig ka, ha?! Huwag kang sasagot o dudugtong kapag hindi pa ‘ko tapos! Dahil isang beses ko lang itong sasabihin at hindi ko na uulitin pa!”Hindi niya alam kung bakit nakaramdam siya ng kakaibang takot at kaba sa
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-02-21
Baca selengkapnya

Chapter One hundred-forty

GISING na ang diwa ni Michaela pero nanatili pa rin siyang nakapikit at pinapakiramdaman ang sarili. Base sa naririnig niyang tunog mula sa kanyang kinaroroonan, ay hampas ng mga alon sa dagat at malakas na hangin ang siyang nangingibabaw sa kanyang pandinig.Napakunot-noo siya, nasaan ba siya kung ganoon? Saan ba siya dinala ng binata? Nasa barko ba siya? O nasa bahay siya malapit sa tabing dagat? Para msagot ang katanungan sa kanyang isip, ay tuluyan na niyang iminulat ang mga mata.Pagdilat niya ‘y puting kisame ang bumungad sa kanyang paningin, pagkatapos ay inilibot niya sa kabuuan ng silid na kinaroroonan niya ang kanyang mga mata para malaman kung nasaan ba siya.Nasa isang malaking silid siya na purong puti ang pintura. Nakahiga siya sa isang queen size bed na sobrang lambot. Pinagmasdan niya ang sarili, nakahinga siya ng maluwag nang mapansin niyang ganoon pa rin ang kanyang suot. Suot pa rin niya ang wedding gown.Dahan-dahan siyang bumaba sa kama at tinungo ang bintanang sa
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-02-23
Baca selengkapnya
Sebelumnya
1
...
1213141516
...
20
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status