Home / Romance / The Missing Piece / Chapter 141 - Chapter 150

All Chapters of The Missing Piece: Chapter 141 - Chapter 150

191 Chapters

Chapter One hundred-forty-one

DINIG NA DINIG ni Jacob ang ginawang pagwawala ni Michaela dahil nang lumabas siya ng pintuan ng silid nito, ay nanatili lang muna siya sa labas ng pintuan para pakiramdaman kung kakainin ba nito ang dinala niyang pagkain para rito.Ngunit labis na pagkadismaya ang naramdaman niya nang marinig niya ang sunud-sunod na paglagabog ng mga bagay na alam niyang galing sa mga dinala niya. Pinaghirapan pa naman niyang lutuin iyon dahil walang restaurant o kahit na anong fast food na mabibilhan dahil nasa isang private island sila kung saan, ay pagmamay-ari niya.Dito siya pumupunta at naglalagi kapag may mabigat siyang problema at pinagdaraanan. Mini mansion ang pagkakagawa ng bahay niya. Walang ibang nakakapunta roon kundi siya lamang. At bago ka man makarating doon, ay sasakay ka muna ng chopper.Kaya naisipan niyang dito dalhin si Michaela para kahit makaisip man itong tumakas, ay hindi nito basta-basta magagawa dahil napapalibutan ito ng karagatan. Iyong nasa bandang likod naman ay kaguba
last updateLast Updated : 2025-02-23
Read more

Chapter One hundred-forty-two

HINDI ALAM ni Michaela kung tama ba siya ng pandinig dahil parang naririnig niya ang boses ni nanay Minerva mula sa labas ng pintuan ng kanyang silid. Kumakatok ito at tinatawag ang kanyang pangalan.Para makasigurado ay dahan-dahan siyang lumapit sa pinto. Malinaw na malinaw sa kanyang pandinig na si nanay Minerva nga ito. Nagkaroon siya ng pag-asa at lumukso ang puso niya sa kaalamang pwede niya ito maging kakampi.Mabilis niyang binuksan ang pinto at namilog ang mga mata niya ng mabungaran ang matanda nang may pag-aalala sa mukha. Muntikan pa itong mawalan ng balance kung hindi agad ito nakahawak sa hamba ng pinto dahil bigla na lamang niya itong sinunggaban ng yakap.“Nanay Minerva! Maraming salamat at nandito ka! May makakausap na ‘ko at may kakampi!” maluha-luha niyang sambit sa matanda.Pagkatapos ay mabilis niya itong hinawakan sa kamay at hinila papasok sa kanyang silid sabay lock ng pinto.“Anak Micah, hindi ka pa raw kumakain simula nung dumating kayo rito,” malumanay na sa
last updateLast Updated : 2025-02-24
Read more

Chapter One hundred-forty-three

PARANG kutsilyong tumutusok sa kanyang dibdib ang mga salitang binitiwan ng dalaga para sa kanya. Nang katukin kasi ni nanay Minerva kanina ang dalaga, ay sinundan niya ito. Nang pumasok ito ay saka siya pumunta sa may pinto at pilit na pinapakinggan ang pag-uusap ng mga ito.Ang huling pagkikita pala nilang dalawa ang labis nitong dinamdam. Hindi niya naman talaga ito sasaktan nung mga panahon na sinasabi nito sa kanya na hindi niya anak si Venisse. Hinawakan lang naman niya ito sa magkabilaang balikat at niyugyog ng hindi kalakasan. Dahil siguro sa lalaki siya at malakas, ay nasaktan ito sa ginawa niya.Doon pala ito mas natakot at iniisip din nito na baka mas malala pa roon ang nagawa niya kung hindi lang ito nakatakas. Akala pa naman niya, ay katulad pa rin ito ng dati na kapag nakalipas na ang ilang araw ay lalambot na ulit ito at mapapatawad na siya. ang dating maunawain at mapagpasensiya niyang kasintahan ay bigla na lamang nagbago ngayon.Wala siyang magagawa kundi ang hintay
last updateLast Updated : 2025-02-24
Read more

Chapter One hundred-forty-four

NASASABIK na hinihintay ni Michaela na bumalik si nanay Minerva sa kanyang silid. Dahil sa pagdating nito ay nagkaroon siya ng pag-asa na makaalis sa lugar na kinaroroonan niya kasama ang binatang kinamumuhian.Napatingin siya sa pintuan ng bumukas ito, at iniluwa niyon si nanay Minerva na may dalang malaking tray na punung-puno ng pagkain. Bigla tuloy siyang naglaway at natakam. Parang ngayon lang niya naramdaman ang gutom simula nang dalhin siya rito ng binata.Pagkalapag ni nanay Minerva ng tray sa lamesa ay halos hindi na siya makapaghintay na lantakan ang mga nakakatakam na pagkaing nakikita niya sa kanyang harapan. Hindi nan ga niya hinintay na alukin pa siya nito, kusa na siyang dumampot ng pagkain at agad na isinubo.Sunud-sunod ang naging pagsubo niya at halos malimutan na niyang nguyain ang bawat pagkaing ipinapasok niya sa kanyang bibig. Dahil doon ay nasamid siya at sunud-sunod ang naging pag-ubo niya. Halos mapaluha siya dahil halos hindi na siya makahinga sa sunud-sunod
last updateLast Updated : 2025-02-26
Read more

Chapter One hundred-forty-five

PAKIRAMDAM ni Jacob ay napahiya siya kanina sa harap ng dalaga dahil sa ginawang pagtanong sa kanya ni nanay Minerva. Wala naman kasi siyang ideya na ngayon mismo yayayain ng matanda na mamasyal ang dalaga sa labas kaya umuwi siyang walang pakialam kung ano ba ang hitsura niya.Habang nagsisisigaw kasi siya kanina ay sinabayan niya ng pagsipa at paghiga sa buhanginan. Mabuti nga at iyong sa pantalon at paa lang niya ang nakita ng mga ito. Paano pa kaya kung nakita ng mga ito ang mga buhanging kumpit sa kanyang likod at buhok? Nakita niya ang lihim na pagngisi kanina ng dalaga. At alam niyang para sa kanya iyon kahit na hindi siya nito pinapansin. Ngisi na para bang pinagtatawanan siya at iniisip na baliw siya at tanga. Ramdam na ramdam din niya ang pag-iwas nito sa kanya.Pero hindi niya ito susukuan. Siya ang gumawa ng gulo, kaya siya rin ang tatapos. Pagpasok niya sa kanyang silid ay agad siyang dumiresto sa banyo at naligo. Pagkatapos niyang maligo ay dinampot ang kanyang cellphone
last updateLast Updated : 2025-02-26
Read more

Chapter One hundred-forty-six

HINDI sinasadyang nagtagpo ang mga mata nila ng dalaga. Wala siyang kahit anumang emosyon na nasasalamin sa mga mata nito. At wala rin siyang ideya kung ano ang nasa isipan nito. Ilang segundo rin ang itinagal ng pagtatama ng kanilang mga mata. Pero ito na mismo ang kusang umiwas ng tingin.Dahil sa pagkapahiyang naramdaman niya, ay binalingan na lamang niya si nanay Minerva at niyaya itong kumain na sila ng hapunan.“Nanay, mag early dinner na kaya tayo? Baka kasi lumamig ‘tong mga niluto ko. Mas msarap kasing kumain kapag mainit pa lalo na itong beef bulalo,” suhestiyon niya sabay turo sa mga pagkaing nasa lamesa na kanina lang ay pinagkaabalahan niyang lutuin.Dumako naman ang tingin ni nanay Minerva sa lamesa, at namilog ang mga mata nito sa dami ng pagkaing nakahain. Marahil ay hindi nito iyon napansin kanina pagpasok. Samantalang ang dalaga ay inaabala ang sarili sa pagpapagpag ng suot na damit na hindi niya alam kung may dumi ba o ano kasi wala naman siyang nakikita.“Ang dami
last updateLast Updated : 2025-02-27
Read more

Chapter One hundred-forty-seven

HABANG nasa banyo at kasalukuyang naliligo, ay hindi niya maiwasang mag-isip ng kung anu-ano. Iniisip niya kung kumusta na ba ang kanyang kaibigan at ang mga magulang nito sa probinsiya. Lalong-lalo na ang tiyahin nito na siyang tinirahan niya nang siya ay ma-kidnap.Siguro nag-report na ang mga ito sa pulis sa biglaan niyang pagkawala. Maisip pa lang niya ang sobrang pag-aalala ng mga ito sa kanya habang pinaghahanap siya ay halos mapapikit siya dahil sa sobrang konsensya. Nang dahil sa nangyari sa kanya, ay maraming tao siyang nadadamay.Naisip din niya ang pinapasukang eskwelahan. Kumusta na kaya si Albert na kaibigan niya? alam niyang nag-aalala rin iyon sa kanya lalo na at bigla na lang siyang hindi pumasok. Di bale, kapag okay na ang lahat, ay dadalawin niya lahat ng mga taong naging parte ng buhay niya sa maikling panahon.Pinatay na niya ang shower at ipinulupot sa katawan ang tuwalya. Paglabas niya ng banyo ay siya namang pagbukas ng pintuan ng kanyang silid. Iniluwa niyon si
last updateLast Updated : 2025-02-27
Read more

Chapter One hundred-forty-eight

MAY SUMISILAY na kakaibang ngiti sa mga labi ni Geneva habang masamang nakatingin sa kaibigang si Vanessa habang mahimbing itong natutulog sa kanyang kama. Tatlong araw na itong namamalagi sa bahay niya dahil sa hindi pagtanggap dito ng mga tao sa mansyon ng binatang kinababaliwan nito…kinababaliwan nilang dalawa…si Jacob.Highschool pa lamang sila ay naguumapaw na ang galit niya sa malanding kaibigan. Pekeng kaibigan pala. Pareho naman sila ng katayuan sa buhay, ‘yon nga lang, ay mas maganda ito sa kanya kaya mas sikat ito at pansinin ng mga tao na siyang nakasungkit din sa puso at pagmamahal ng matagal na niyang lihim na itinatangi, si Jacob Perkins.Bago pa man dumating sa buhay nito ang binata, ay magkaibigan na sila. Hindi rin lingid dito ang paghangang nararadaman niya para sa binata dahil open siya rito. Halos lahat ng ganap niya sa buhay ay ipinapaalam niya rito. Ngunit nagulat na lang siya ng isang araw, ay nagsabi ito sa kanya na official nang kasintahan nito si Jacob.Hindi
last updateLast Updated : 2025-02-27
Read more

Chapter One hundred-forty-nine

NABIGLA siya sa inaasal ng kaibigan niya sa kanya. Wala naman siyang naiisip na dahilan para magkaganoon ito. Sumasabay pa talaga ang init ng ulo nito sa dami ng problema niya na hanggang ngayon ay wala pa rin siyang solusyon.“Ano ba kasi ang ipinagpuputok ng butse mo riyan? At saka, anong reyna-reynahan at pagiging pekeng kaibigan ang sinasabi mo riyan? May sinat ka ba? O, naka dr*ga ka?!” sinubukan niya itong biruin dahil madalas ay ganito talaga sila mag-usap.“Huwag mo ‘kong itulad sa ‘yo! Kaya ka nga nabuntis ng ibang lalaki dahil sa pagiging malandi at ad*k mo!”“Wow, personalan na ‘yan, ha?!“Kaya lang naman ako naging masamang katulad mo dahil sa mga ipinapagawa at iniuutos mo sa ‘kin para lang maging consistent ang pagkakaibigan natin. Sikat ka kasi, eh! Maganda, matalino, mayaman! Nasa iyo na ang lahat! Kaya nga pati atensyon at pagmamahal ni Jacob ay napunta na rin sa ‘yo kahit na in the first place, ay alam mong patay na patay ako roon sa tao!”“Aha! So, kaya ka pala nagk
last updateLast Updated : 2025-02-28
Read more

Chapter One hundred-fifty

“Walanghiya kang babae ka, h*yop kaaa! Pinagkatiwalaan kita pero ikaw lang pala ang ta-traydor sa ‘kin!” nanggagalaiti niyang sigaw habang mahigpit ang pagkakakapit sa buhok nito.Lumalaban din ito sa kanya at mas malakas ang pagkakahatak nito sa buhok niya. Kinakalmot din nito ang kanyang mukha. Ramdam niya ang hapdi sa sugat na iniwanan nito ng bakas ng mahahaba nitong kuko.“Masyado ka kasing busy sa pagyayabang at paglalandi at pagpapasikat! Kaya hindi mo na namamalayan na tinatraydor na kita! Hahahaha!” para itong baliw sa pandinig niya sa tuwing tumatawa ito.Ngunit hindi niya napaghandaan ang sumunod na ginawa nito. Bigla siya nitong itinulak ng malakas dahilan para mawalan siya ng balanse at tumama ang kanyang tagiliran sa kanto ng mini table nito. Halos mapahiyaw siya sa sakit. Hindi na niya nagawang bumangon pa dahil pakiramdam niya ‘y nabalian siya ng buto.Nakadapa siya habang hawak ang kanyang tagiliran at itinukod niya ang isang siko dahil sinusubukan niyang makatayo ng
last updateLast Updated : 2025-02-28
Read more
PREV
1
...
1314151617
...
20
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status