NANG sa wakas ay makabawi na siya ng lakas, ay unti-unti siyang tumayo at naglakad palayo sa harapan ng bahay ng dating kaibigan. Sa ngayon ay palalampasin niya muna ang ginawa nito, pero ipinapangako niya sa sarili na babalikan at gagantihan niya ito. Mas malala pa ang ibabalik niya rito.Malakas na ang loob nito dahil halos wala na siyang kakampi. Alam nito na kahit ang mga magulang niya ay hindi na siya suportado, dagdagan pa ng tuluyan na siyang tinalikuran ng binata. At ang pinakamasaklap, ay nawala na rin sa kanya ang kanyang anak. At wala siyang ideya kung saan ito dinala ng ama nitong si Ethan.Kaya aminado siya sa sarili na hindi niya alam kung ano ang gagawin niya. Kung anong hakbang ba ang uunahin. Ang hanapin ang anak o ang binata? Paano rin niya ipapaliwanag sa mga magulang ang nangyari sa kanyang anak? Ang paalam kasi niya sa mag-asawa, ay magbabakasyon lang sila ng anak sa isang kilalang kaibigan. Hindi niya sinabi sa mga ito na pinatira silang mag-ina ni Jacob sa mansy
INAYOS muna niya ang buhok niyang gulo-gulo at buhol-buhol na rin gamit ang suklay. Kinuha niya ang salamin na bumagsak kanina sa harapan niya habang ibinabato ng mommy niya ang mga gamit niya kanina.Tiningnan niya ang sariling repleksyon mula rito. May natuyong kulay pulang mantsa sa kanyang mukha na may mga kalmot ni Geneva. Talagang ibinaon nito sa kanyang maputi at makinis na mukha ang mahahaba nitong mga kuko. Namamaga rin ang magkabilaan niyang pisngi. Putok rin ang kanyang labi at namamaga ang dalawang mga mata.Pero hindi iyon ang nagbibigay sa kanya ng malaking problema ngayon, kundi ang kadahilanang saan siya tutuloy ngayong gabi dahil hapon na. Maya-maya lang ay sasapit na ang gabi. Isa-isa niyang inilabas ang mga maleta kung saan nakasilid ang lahat ng mga damit niya sa gate ng bahay.Nang may dumaang taxi ay pinara niya ito. Habang umaandar ang taxi ay iniisip niya kung saan ba siya pwedeng magpalipas ng gabi. Mabuti na lang at may pera pa naman siyang naitatabi sa isang
NALULUNGKOT at nasasaktan siya sa kaalamang sobra siyang kinamumuhian ng dalaga. Para siyang sinaksak ng libo-libong kutsilyo sa sobrang sakit ng nararamaman niya lalo na nung narinig mismo niya mula rito ang mga salitang iyon. Pero kailangan niyang pagtiisan iyon dahil nararapat lang iyon sa kanya.Hihintayin na lang niya ang panahon na maubos ang galit nito sa kanya at handa na siyang patawarin. Napabuntung-hininga siya ng malalim. Marami pa naman siyang niluto ngayong umaga sa pag-aakalang baka okay na ito at baka pwede na niya itong makasabay sa pagkain. Bumalik lang ito sa dati ng umalis si nanay Minerva. Sana pala hindi na muna niya ito pinayagang umalis.Lalo na ngayon na hindi niya alam kung paano pakikitunguhan ang dalaga. Paano kung hindi na naman ito kumain? Namomroblema tuloy siya. Tinakpan na lamang niya ang mga niluto at nagpasyang lumabas. Doon na lang muna siya magpapalipas ng buong araw. ***
NGISING aso ang pinapakawalan ni Geneva sa kawalan habang inaalala kung paano magmakaawa sa kanya si Vanessa habang sinasaktan niya ito. Nakaramdam siya ng satisfaction nang makita niya itong sobrang nasasaktan sa ginawa niya lalo na nung kaladkarin niya ito palabas.Napahalakhak pa siya na parang nababaliw sa isiping wala na itong kakampi at malalapitan. Ito na ang pinakahihintay niyang mangyari, ang bumagsak ito. Kaya ngayon, ay malaya na siyang makakagalaw at maisasakatuparan na niya ang matagal ng plano, ang makuha ng buo si Jacob.Nasira lang naman ang imahe niya rito dahil sa ipinapagawa sa kanyang masasama ni Vanessa. Pero ngayon, papakitaan niya ito ng magandang gawi para magiba ang tingin nito sa kanya. Sa paraang iyon, ay madali niyang makukuha ang atensyon ng binata. Isang ideya ang biglang kumislap sa kanyang utak Kaya agad siyang nagbihis at nag-ayos para puntahan ito sa mansyon.Babaliktarin niya si Vanessa, ilalagay niya lahat sa babae ang sisi at magkukunwaring makikip
HABANG kumakain ng pananghalian si Vanessa ay naisipan niyang mag-open ng social media account para na rin malibang-libang siya. Ngunit hindi niya inaasahan ang balitang tumambad sa kanya pagkabukas na pagkabukas niya ng account.Laman ng nasabing balita ang dating kaibigan niyang si Geneva. Nahulog ang minamaneho nitong sinasakyan sa bangin dahil hinahabol daw ito ng mga pulis sa salang pag-kidnap sa nagngangalang Michaela Gomez. At ang masaklap pa, nabanggit din ang pangalan niya na kasabwat nito. Ibig sabihin ay pinaghahanap na rin siya ng mga pulis ngayon.Kusa niyang nabitiwan ang cellphone at bumagsak ito sa sahig. Nataranta siya at hindi malaman ang gagawin. Kailangan na niyang umalis ngayon din sa hotel na kinaroroonan niya dahil alam niyang madali siyang matutunton ng mga pulis. Agaran niyang isinilid sa isang maleta ang mga mahahalagang bagay at iniwan na niya ang iba.Bitbit ang kaisa-isahang maleta, ay walang lingon siyang umalis sa hotel na pinaglagian. Walang direksyon a
“E-ETHAN, unang-una sa lahat, gusto kong humingi ng tawad sa ‘yo, sa mga ginawa ko sa ‘yo noon. Simula sa pagtataboy ko sa ‘yo hanggang sa pagtatago ko kay Venisse para lang hindi ka niya makilala. Sa pagtanggal ko sa ‘yo ng karapatan na maging ama sa anak natin. I-I’m really, really sorry,” hindi niya napigilan ang pumiyok kaya napayuko siya.Ewan ba niya at parang ngayon lang niya naisip lahat ng mga kamalian at kasalanan niyang nagawa. Ngayon lang tumatak sa kanyang isipan ang lahat-lahat. Nang dahil sa pagiging desperada niya na muling makuha ang loob ni Jacob, ay kung ano-anong masasamang bagay na ang mga nagawa niya.Naisip niyang hindi pa naman siguro huli ang lahat para baguhin niya ang nakasanayang ugali. Marami na siyang nadadamay. Kahit sa anak niya ‘y nawawalan na siya ng oras para bantayan at alagaan ito ng maayos.“A-alam ko-kong…hindi madali para sa ‘yo ang paniwalaan ako. Na ang isang Vanessa Lawrence na nasa kanya na ang lahat, pera, katanyagan at kung anu-ano pa, ay
“SIGE, sabihin mo lang.”“Alam ko naman na, hindi lingid sa ‘yo na pinaghahanap na ‘ko ng mga pulis ngayon, dahil laman ako ngayong araw ng balita at ang kaibigan kong si Geneva. Pero sad to say, itinakwil niya na rin ako. Gu-gusto ko lang humiling sa ‘yo na, handa naman akong sumuko sa mga pulis, ako mismo ang susuko ng sarili ko sa kanila, bigyan mo lang ako ng kaunting panahon na makasama ang anak ko bago man ako makulong. Pangako, dahil ayaw ko rin naman na pati ikaw, ay madamay pa sa mga kasalanan ko,” nagmamakaawang sambit niya.“Actually oo, alam ko na nga. Kaya nga nagulat ako kanina nung makita kita, nasa isip ko, baka babawiin mo na ang anak natin para isama siya sa pagtakas.”“No, wala sa isip ko ‘yan. Ang gusto ko lang ay makita siya. Wala na ‘kong intensyon na kunin pa siya sa ‘yo dahil alam kong mas mapapabuti ang lagay niya rito kaysa sa ‘kin. Ako ang babae pero ako ang naging pabaya. Sinayang ko ang mga panahon na dapat kasama ko ang anak ko. Na dapat kasama ka, kumple
NASA TERRACE ng kanyang mini mansion si Jacob, nakatayo at nakatanaw sa maalong dagat habang paunti-unting tumutungga ng alak. Natatanaw niya ang dagat dahil sa sinag ng buwan na nagbibigay nang liwanag. Dito siya nagpapalipas ng oras tuwing gabi. Pero sinigurado niya muna na wala roon ang dalaga, madalas din kasi itong tumambay doon kapag ganitong oras.Makulimlim ang kalangitan dahil sa nagbabadyang ulan. Panaka-naka rin ang pagguhit ng mumunting kidlat na siyang nagbibigay ng sasaglit na liwanag sa kanyang kinaroroonan. Ganito siya gabi-gabi. Kailangan niya munang lasingin ang sarili para makatulog nang mahimbing. Samu ‘t sari na kasi ang laman ng kanyang isipan.Kung siya ang tatanungin, ayaw niya naman talagang dalhin dito ang dalaga para makulong lang sa isla. Pero kailangan niyang gawin iyon para sa kaligtasan nito. Dahil dito sa isla ang alam niyang lugar na pinakaligtas para rito. Nangangalahati na ang alak sa bote na iniinom niya nang marinig niyang may nagbukas ng pinto.K
“SI GENEVA, naaksidente siya habang tumatakas sa mga pulis. Nahulog ang minamaneho niyang sasakyan sa bangin. At…sabi ni sir Jacob, putol daw ang dalawang paa nito at bali ang isang braso. Marami rin daw na na-dislocate na buto sa mukha nito. Kaya sa pagkakaalam ko, hindi na niya itutuloy ang pagpapakulong kay Geneva. Dahil ang nangyari raw sa kanya ay kalabisan ng bayad sa mga ginawang kasalanan niya sa ‘yo.”Biglang bumagal ang kanyang pagnguya sa sinabi nito. Iba talaga magsingil ang karma, sobra-sobra pa.“At si Vanessa naman, nagbabago na raw. Humihingi pa nga ng isang buwang palugit para makasama ang anak bago siya makulong. Ang bilis lang ng panahon, ‘no? Dati, sila ang nasa taas, ngayon sila naman ang nasa ibaba.”“Ganoon talaga ang buhay, masama man siguro ang magsalita ng deserve naman nila iyon, pero panahon na mismo ang gumawa ng paraan para mamulat sila sa katotohanang mali na ang kanilang ginagawa. Malungkot man ako sa nangyari sa kanila, ay wala na ‘kong magagawa. Iyon
ABALA si Michaela sa paghahanda ng mga kakailanganing pansahog sa lulutuin niyang adobong baboy at sinigang. Napagkasunduan nila ni nanay Minerva na siya ngayon ang gagawa sa kusina at ito naman ang maglilinis sa buong kabahayan.Muntikan na niyang mabitiwan ang hawak na sandok nang biglang may sumigaw sa gawing likuran niya. “Micaaaaah!!!” Nagulat siya nang mapagsino ito, si Claire, ang kanyang kaibigan.Mabilis niyang binitiwan ang sandok na hawak at patakbo niya itong sinugod ng yakap sa may pintuan.“Claire! Anong ginagawa mo rito?!” gulat na tanong niya sa kaibigan. Hindi talaga siya makapaniwala na nandito ito ngayon sa harapan niya.“Naku, mahabang paliwanag! Pwede ba munang magpahinga kahit saglit? Promise, mamaya sasabihin ko rin sa ‘yo ang dahilan,” nagtaas pa ito ng kanang palad.“O siya, maupo ka muna rito,” sabay hila niya nang upuan sa ilalim ng lamesa. “Panoorin mo na lang muna ako habang nagluluto, mabilis lang ito. Maya-maya lang kakain na tayo,” sambit niya sa kaibig
“ANG MGA walang hiyang ‘yon! Ang sasama talaga ng mga budhi nila! Ano pa bang ikina-iinggit nila sa kaibigan ko, eh wala namang kayamanan iyon! Hindi na sila nakuntento sa kung anong mayroon sila!” malakas na sambit nito na akala mo ‘y nasa harapan lang nito ang dalawang babaeng kinamumuhian.“Relax ka lang. Dahil nakuha na nila ang kabayaran sa mga ginawa nila,” pagpapakalma niya rito.“Bakit po, ano ang ibig ninyong sabihin?” kunot-noo nitong tanong. Pero mababakas pa rin ang galit sa mukha nito.“Sad to say, naaksidente si Geneva dahil sa pagtatangkang tumakas sa mga pulis na humahabol sa kanya. Kaya ayon, nahulog ang minamaneho niyang sasakyan sa bangin. Pinuntahan ko ang kinaroroonan niyang ospital, pero hindi ako nagpakita sa kanya. Putol ang dalawang paa nito, at bali ang isang braso. May na-dislocate rin na mga buto sa kanyang mukha. Kaya para na siyang mawawala sa katinuan niya dahil hindi niya matanggap ang nangyari sa kanya,” mahabang litanya niya.Napasinghap ito sa gulat
“HINDI ba dapat ako ang nagtatanong sa ‘yo ng ganyan?” tanong niya kay Claire sa mababang tono. Gusto niyang malaman ang dahilan nito kaya ayaw niyang masindak ito sa kanya.Nakita niya ang pagdaan ng takot sa buong sistema nito. Bahagya rin itong nanginig at hindi na mapakali sa pagkakaupo. Hindi siguro nito inaasahan ang itatanong niya, kaya hindi nito iyon napaghandaan. Hindi na muna niya sinegundahan ang tanong, bagkus ay hinintay niya muna itong sumagot.“Si-Sir…paano…pero…” kandautal na sambit nito na hindi matapos-tapos ang nais na isatinig.Tuluyan na niyang inalis ang atensyon sa pagpipirma ng mga papeles para harapin ito.“Bakit wala kang sinabi sa ‘kin? Alam mo kung gaano ako nag-alala sa kanya, nakita mo naman, ‘di ba? Halos hindi na ‘ko makatulog nang maayos at makakain nang maayos sa kaiisip sa kanya kung nasaan ba siya, kung kumakain pa ba siya, kung nasa mabuti ba siyang lugar at kalagayan. Saksi ka, alam ko iyon. Ngayon, gusto kong marinig ang paliwanag mo tungkol doo
GABI. Malungkot na nakatanaw si Michaela sa dagat habang nakatayo sa may terrace. Iniisip niya kung kailan ba babalik si Jacob. Miss na miss na niya ito. Hindi na siya makapaghintay na muli itong makita.Maya-maya ay naramdaman niya ang presensiya ni nanay Minerva. Tumabi ito sa kanya at tumanaw din sa payapang dagat.“Nami-miss mo siya, ‘no? Babalik din iyon, huwag kang mag-alala. Baka marami lang inaasikaso kaya hindi agad nakabalik,” panimula nito sa usapan.“Hindi ko naman po ide-deny na sobra ko na siyang na mi-miss. Tama po kayo. At saka, alam ko naman po na kapag nasa trabaho iyon, talagang doon naka-focus ang kanyang atensyon. Wala akong ibang gustong mangyari sa ngayon, kundi ang umuwi na siya at ng makita at mayakap ko na siya,” sambit niya sa malungkot na tinig.“Mangyayari rin iyan, maghintay ka lang. Malay mo bukas o makalawa ay nandito na siya. ibaling mo muna sa ibang bagay ang atensyon mo para hindi ka mainip sa paghihintay sa kanya.”“Eh paano naman po, saan?”“Naku,
ISANG LINGGO na ang nakalilipas mula nang umalis si Jacob sa isla. Gusto na niyang bumalik para masilayan man lang si Michaela, pero kapag naiisip niyang labis siya nitong kinamumuhian ay bigla siyang umaatras. Natigil siya sa pagmumuni-muni nang tumunog ang kanyang cellphone.Tiningnan niya kung sino ang tumatawag, ang private investigator na inatasan niyang mag-imbestiga sa masasama at tiwaling gawain ni congressman Lagdameo. Desidido na siyang banggain ito at ipakulong.Kinakailangan lang niya ng maraming ebidensiya para mangyari ang kanyang gusto. At ngayon na siguro ang pinakahihintay niyang araw. Pinindot niya ang answer button at sinagot ang nasa kabilang linya.“Hello? Any update?”“Yes, Sir! At siguradong hindi na siya makakalabas pa ng kulungan sa mga ebidensiyang nakalap ko. Kailan niyo ba balak kunin sa ‘kin ang mga ito?” tukoy nito sa mga ebidensiyang hawak.“Ngayon din. Hindi na ‘ko makapaghintay na masampahan siya ng kaso,” nakangising sagot niya sa kausap na para bang
MASAYANG-MASAYA si Vanessa sa balita na sinabi sa kanya ni Ethan. Kahit na alam niyang darating din ang araw na makukulong siya, ay sapat na ang pagpayag ni Jacob sa suhestiyon niya kay Ethan na bigyan siya ng isang buwan para makasama ang anak.Kahit malaki ang pagkakasala niya rito ay nagawa pa rin siyang pagbigyan. Kaya hindi niya sasayangin ang pagkakataon na pwede pa siyang magbago. Handa na siyang harapin ang bagong buhay na naghihintay sa kanya sa kulungan. At hindi niya alam kung makakalabas pa ba siya dahil alam niyang mabigat na kaparusahan ang katumbas nang ginawa niyang kasalanan sa batas.Habang iniisip niya ang mga bagay na iyon ay may ngiti siya sa labi habang nakatanaw sa hardin sa harap ng bahay ni Ethan. Maya-maya ay bigla na lang itong nagsalita sa likuran niya.“Kanina pa kita hinahanap, nandito ka lang pala! Mukhang malalim ang iniisip mo, ah!” nakangiting bati nito sa kanya sabay upo sa tabi niya.“Sino ba ang hindi lalalim ang isip sa sobrang daming ganap sa buh
HABANG binabaybay ni Jacob ang daan patungo sa kanyang restaurant ay isang hindi kilalang numero ang rumehistro sa kanyang tumutunog na cellphone. Agad niya itong dinampot at sinagot.“Hello? Sino ‘to?”“Hello, Mr. Perkins! Pwede ba tayong magkita ngayon? May importante lang akong sasabihin sa 'yo, at kailangan ay personal. Sana ‘y mapagbigyan mo ako,” boses ni Raymond sa kabilang linya.“Actually, I’m on my way sa restaurant, doon na lang tayo magkita,” sagot niya rito.“Sige Mr. Perkins, thank you!”Agad na niyang ibinaba ang cellphone pagkatapos na putulin nito ang tawag. Nagtataka siya kung ano pa ba ang kailangan nito sa kanya. Hindi na niya ito pinagtuunan pa masyado ng pansin. Malalaman din naman niya ito mamaya.Nagtaka pa siya nang maabutan niyang naroroon na si Raymond. Bumaba ito ng sasakyan nang makitang pumarada na ang kanyang sasakyan.“Naunahan mo pa ‘ko, ha? Sobrang importante ba ng sasabihin mo?”“Yes, Mr. Perkins!”Niyaya niya itong sa opisina na lang niya sila magus
NASA MANSYON ngayon si Jacob at kasalukuyang nasa kanyang silid. Nabalitaan niya ang nangyari kay Geneva. Paunti-unti na itong sinisingil ng karma. Pinuntahan niya ang kinaroroonan nitong ospital hindi para tingnan at kumustahin ang kalagayan nito, kundi para ipaalala rito na naaksidente man ito, ay hindi pa rin ito makakatakas sa batas. Hihintayin niya munang gumaling ito bago niya ipakulong.Ngunit nagulat siya sa nakitang hitsura nito. Nakasilip siya sa salamin ng pintuan sa kinaroroonan nitong silid sa ospital. Putol ang dalawa nitong mga paa habang nakasemento naman ang isang braso. Halos hindi niya ito makilala sa mga tinamong pasa at sugat sa mukha nito.Paano niya pa ito ipakukulong kung mas malala pa sa pagpapakulong ang tinamo nito? Kahit siguro sino ang makakita sa hitsura nito, ay tutubuan ng awa at konsensiya sa puso. Mas lalo pa siyang nagulat sa mga narinig mula rito. Kausap kasi nito ang ina at ama at nagwawala, pilit naman na inaawat ito ng mag-asawa.“Mommy, daddy, h