Semua Bab The Missing Piece: Bab 121 - Bab 130

191 Bab

Chapter One hundred-twenty-one

“Oh, ikaw pala ‘yan, babe,” sambit ni Vanessa sa kanya habang matamis na nakangiti.Kung noon ay kilig na kilig siya kapag tinatawag siya nito sa ganoong paraan, ngayon naman ay iritang-irita siya. Tuluyan na nga talagang nawala ang pagmamahal niya rito.“Magpapaalam lang ako kay Venisse,” malamig na tugon niya rito.“Sa anak ka lang natin magpapaalam? At sa ‘kin, hindi? Kung sa gano’n, ano na lang ako sa buhay mo?”“Ayaw ko ng drama ngayong umaga, Vanessa,” seryosong saad niya rito. “Baby?” Pagtawag niya sa anak.Lumapit naman ito sa pintuan katabi ng ina.“Ye, daddy?” Inosenteng tanong ni Venisse sa kanya.“Aalis na ulit si daddy para magtrabaho. Behave ka lang palagi rito, ha?” Malambing na sambit niya sa anak sabay haplos sa buhok nito sa likod ng ulo.“Palagi naman po akong behave, daddy.”“Then very good!” Yumuko siya para mapantayan ito at saka hinalikan ito sa noo.“Bye for now, baby. See you later!”Kumaway naman ito sa kanya nang magsimula na siyang maglakad. Pagkatapos ay d
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-02-11
Baca selengkapnya

Chapter One hundred-twenty-two

LABIS ang pagpipigil ni Jacob sa kanyang emosyon na huwag siyang sumabog sa galit sa mga natuklasan. Kung paiiralin niya ang galit ay baka iyon lang ang makaapekto sa mga gusto pa niyang malaman tungkol sa mga masasamang hidden agenda ni Vanessa.Isang plano ang nabuo sa kanyang isipan. Kung magaling man sa aktingan at pagkukunwari si Vanessa, pwes, sasakyan niya ito. At magsisimula siya ngayong araw mismo.Tinawagan niya ang private investigator na inatasan niyang mag imbestiga kay Vanessa. Pagkatapos ay sunud-sunod na mga files ang ipinadala nito sa kanyang email.Natuwa siya dahil napakadetalyado nang pagkakagawa nito sa mga files na ipinadala sa kanya. Bawat larawan ni Vanessa ay may nakalagay kung anong taon at kung anong petsa.Natawa na lang siya nang mapakla sa mga nakita niya. Kahit kailan, hinding-hindi nagbago ang babaeng minsan na siyang nabulag sa pagmamahal dito.Hindi niya nga pala talaga anak si Venisse. Base sa nakikita at nababasa niya ngayon sa mga files na nasa har
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-02-12
Baca selengkapnya

Chapter One hundred-twenty-three

NANG sumapit ang gabi ay sa silid na nga ng mag-ina siya natulog. Pero nasa gitna nila si Venisse. Nagpanggap siyang tulog na tulog na at sinabayan pa niya ng pekeng paghilik.Maya-maya ‘y narinig niyang tumunog ang cellphone nito. Kinuha nito iyon at saglit na tumingin sa direksyon niya na para bang sinisigurado na tulog na siya at saka lumabas ng kwarto. Palihim niya naman itong sinundan. Todo ingat siyang huwag makalikha ng kahit na anong ingay na makakapag-agaw sa atensyon nito. Sa likod ng mansyon sa garden ito pumunta.“Hello, ano? Alam mo na ba kung saan nagtatago ang babae ni Jacob?” Narinig niyang tanong nito sa kung sinumang kausap nito sa kabilang linya. “Ano?! Wala ka pa ring alam kung nasaan nagtatago ang babaeng iyon? Kailangan nating maunahan si Jacob sa paghahanap sa kanya para hindi na muling mawala ang atensyon niya sa ‘kin! Nagkaayos na kami kanina lang at nasa kwarto namin siya ng anak ko natutulog ngayon. Ayaw ko nang may magbago pa sa kung anumang nangyayari sa ‘
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-02-12
Baca selengkapnya

Chapter One hundred-twenty-four

MADALING araw pa lamang ay gising na si Jacob para bumalik sa kanyang sariling silid. Agad niyang tinawagan ang taong inutusan niyang mag-install ng mga secret camera sa bawat sulok ng mansyon.Siya na rin mismo ang kusang nagsabi kay Vanessa na pwede itong lumabas at gumala kahit saan man nito gustong pumunta na labis naman nitong ikinagulat. Pag-alis nito ‘y saka niya pinapunta ang taong magkakabit ng mga camera.Dadahan-dahanin niya ang pag-iipon ng mga ebidensiya laban kay Vanessa nang sa gano’n, ay wala itong kawala kapag nabuking na niya ito. Pinapakilos na rin niya ang kanyang mga tauhan na bantayan ng maigi ang bawat mga kilos ni Vanessa.Napatawa na lang siya dahil wala itong kamalay-malay sa mga ginagawa niya para rito. Kasalaukuyan siyang nasa silid ng mag-ina para samahan at makipaglaro kay Venisse. Naaawa niya itong pinagmasdan.Wala itong kamalay-malay na hindi siya ang tunay nitong ama. Alam niyang matalino ito at advance mag-isip kaya isang ideya ang pumasok sa kanyang
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-02-13
Baca selengkapnya

Chapter One hundred-twenty-five

UMAALINGAWNGAW ang malakas na iyak ni Venisse sa kabuuan ng silid kaya agad niyang tinawag si nanay Minerva. Humahangos pa itong bumungad sa pintuan.“Anong nangyari, hijo? Ano ba ang ginawa mo riyan at umiiyak nang ganyan kalakas?” Humahangos na tanong nito.“Nanay, wala po akong ginagawa sa kanya. Sinusubukan ko lang naman sabihin sa kanya na…na…” Hindi niya maituloy-tuloy ang sinasabi dahil baka mas lalo pang umiyak si Venisse kapag narinig na naman nito ang sasabihin niya.“Na ano?” tanong sa kanya ni nanay Minerva.“Nanay, tulungan mo na lang muna akong patahanin siya, pagkatapos ay saka ko na lang sa ‘yo sasabihin,” paki-usap niya sa matanda.“O, siya, alis na riyan at ako na ang bahala sa kanya. Ano ba naman kasi ang ginawa mo, nag iisip bata ka na naman siguro at pinatulan mo itong anak mo,” paninisi pa nito sa kanya.Hindi na siya sumagot pa sa matanda at pinili na lang niyang pumasok sa sariling silid. Nang hindi na niya naririnig na umiiyak si Venisse, ay lumabas na siya at
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-02-13
Baca selengkapnya

Chapter One hundred-twenty-six

ILANG segundo ang nakalipas bago niya muling sinagot ang kaibigan.“Alam mo be, kaibigan talaga kita. Kasi alam na alam mo ang nasa isipan at nararamdaman ko. Pero paano nga ba ako makakabalik diyan ng hindi magtatagpo ang mga landas namin ni Jacob? Sayang naman ng halos isang taon na pagtatago ko rito sa inyo kung agad-agad niya akong makikita pagbalik ko riyan.”“At saka na natin ‘yan pag-isipan kapag nandito ka na. Doon ka na muna kina tita, sa kapatid ni mama na inuuwian nila kapag lumuluwas sila rito. Hindi ka naman agad mapapansin kahit na malapit lang iyon sa restaurant kung hindi ka muna masyadong maglalalabas.”“Sabagay, magandang ideya ‘yan. Pwede rin naman akong magpanggap na lalaki katulad nang ginawa ko nang umalis ako riyan, ‘di ba?”“Tamaaa! Ewan ko na lang kung makikilala ka pa niya sa ganoong suot!” Pag sang-ayon nito sa sinabi niya.“So ibig bang sabihin nito, ay magpapaalam na ‘ko sa pamilya mo? Nalulungkot tuloy ako na iiwan ko na sila. Kailangan ko na talaga na ha
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-02-14
Baca selengkapnya

Chapter One hundred-twenty-seven

PAGDATING ng bus na sinasakyan niya sa terminal na bababaan niya ay madilim pa ang buong paligid dahil alas kwatro pa lang nang madaling araw. Pagbaba niya ‘y agad niyang iginala ang paningin sa paligid.Hindi nagtagal ay namataan niya sa isang tabi ang kanyang kaibigan na may kasamang isang babae na medyo bata-bata pa kumara sa kay nanay Myrna. Ito na siguro ang sinasabi nitong tiyahin na tutuluyan niya.Lumapit siya sa mga ito at tinawag ang kaibigan dahil mukhang hindi siya nito nakilala dahil sa suot niya. Suot kasi niya ang jacket ni Carlo na sobrang laki sa kanya kaya nakakatulong pa ang hood nito para maikubli ang kanyang mukha. Ibinigay ito ni Carlo sa kanya dahil nag-alala ito nab aka lamigin siya sa kanyang byahe.“Be, ako na ito.” Kalabit niya sa kaibigan na hanggang ngayon ay humahaba pa rin ang leeg sa pagtanaw sa mga taong bumaba sa bawat dumarating na bus.“Anak ng…! Nakakagulat ka naman, Be. At saka, bakit kasi ganyan ang suot mo, kaya tuloy hindi kita nakilala. At sak
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-02-14
Baca selengkapnya

Chapter One hundred-twenty-eight

NANG sumapit ang gabi ay naroon pa rin ang kaibigan niya. Doon na raw ito magpapalipas ng gabi. Magkatabi silang nakahiga ngayon sa kama habang nag-uusap.“Be, sa tingin ko, siguro magpalipas ka muna nang isang buwan bago ka maglalalabas. Kasi, kailangan muna nating pag-aralan kung paano ka makakalabas at makakagalaw ng hindi ka nakikita ni sir Jacob. Pero sa tingin ko, wala namang problema kung makita ka man ni sir Jacob kasi wala namang gagawing masama iyon sa sa ‘yo. Tingin ko nga, miss na miss ka na nung tao. Ang nakakatakot, ay kung sina Geneva at Vanessa ang makakita sa ‘yo. Iyon, tiyak na kapahamakan ang kasasadlakan mo sa kanila,” paliwanag ng kaibigan sa kanya.“Tss! Paano mo naman nasasabing na mi-miss ako noon, eh halos masaktan niya na ‘ko dahil sa sinubukan kong sabihin sa kanya ang mga katotohanang natuklasan ko. sinasabi ko ‘yon sa kanya hindi dahil gusto kong akin lang siya, ayaw ko lang na mamuhay siya kasama ang taong pinaniniwala siya na tama ang mga kasinungalingan
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-02-17
Baca selengkapnya

Chapter One hundred-twenty-nine

“Bilisan mo na! Huwag mo ‘kong binibitin!” nandidilat ang mga matang sambit niya rito.“Ay, demanding yern?”Napapikit siya at napakagat labi para pigilan na huwag tuluyang magalit sa kaibigan niya. Kunting-kunti na lang ay sasabog na siya. Maikli pa naman ang pasensiya niya.“Alam mo ba, alam ko na kung nasaan si Michaela,” mahinang sambit nito kasabay nang pagsilay ng kakaibang ngiti sa labi.Bigla na lang na parang bulang nawala ang galit na nararamdaman niya at napalitan iyon ng excitement.“Ta-talaga? Saan? At paano mo nalaman?” excited niyang tanong dito.Sakto namang dumating ang order nito. Agad itong sumubo pagkalagay na pagkalagay pa lang ng waiter sa pagkaing in-order nito. Napangiwi tuloy siya, hindi ito nagsisinungaling sa sinabi nitong wala pa itong kain. Sunud-sunod ang naging pagsubo nito bago siya nagawang sagutin nito.“Alam mo namang hindi tumutigil ang mga taong inutusan ko sa paghahanap sa kanya. And boom! Kahapon ay nakita na nila ang target natin!”“And???” nabi
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-02-17
Baca selengkapnya

Chapter One hundred-thirty

NASA Maynila ngayon si Jacob at iniwan niya muna sa pangangalaga ni nanay Minerva si Venisse. Dahil simula nang pinayagan niya si Vanessa na lumabas, ay hindi na ito umuuwi at palagi na lang tumatawag sa kanya para ipaalam na sa isang kaibigan ito matutulog at sobrang busy ito dahil sa pinaplano nitong pagpapatayo ng negosyo kasama si Geneva.Mas pabor nga iyon sa kanya dahil ayaw niya itong makasama sa mansyon o kahit ang makita man lang. At isa pa, sa pamamagitan nito ay mahahanap niya si Michaela.Nasa isang five star hotel siya ngayon at kasalukuyang nakaupo sa couch na naroon sa silid na kinaroroonan niya. May importante kasi siyang kikitain na tao at doon niya naisipang papuntahin ito.Maya-maya lang ay may kumatok sa kanyang pintuan. Nang buksan niya ito, ay ang taong pakay niya ang bumungad sa kanya. Inalok niya itong pumasok at pinaupo sa couch na kanina ‘y inuupuan niya.“So, paano ba natin sisimulan ang pag-uusap, Mr. Baltazar?” panimula niya.“Depende sa ‘yo, sa kung paano
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-02-17
Baca selengkapnya
Sebelumnya
1
...
1112131415
...
20
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status