NANG sumapit ang gabi ay naroon pa rin ang kaibigan niya. Doon na raw ito magpapalipas ng gabi. Magkatabi silang nakahiga ngayon sa kama habang nag-uusap.“Be, sa tingin ko, siguro magpalipas ka muna nang isang buwan bago ka maglalalabas. Kasi, kailangan muna nating pag-aralan kung paano ka makakalabas at makakagalaw ng hindi ka nakikita ni sir Jacob. Pero sa tingin ko, wala namang problema kung makita ka man ni sir Jacob kasi wala namang gagawing masama iyon sa sa ‘yo. Tingin ko nga, miss na miss ka na nung tao. Ang nakakatakot, ay kung sina Geneva at Vanessa ang makakita sa ‘yo. Iyon, tiyak na kapahamakan ang kasasadlakan mo sa kanila,” paliwanag ng kaibigan sa kanya.“Tss! Paano mo naman nasasabing na mi-miss ako noon, eh halos masaktan niya na ‘ko dahil sa sinubukan kong sabihin sa kanya ang mga katotohanang natuklasan ko. sinasabi ko ‘yon sa kanya hindi dahil gusto kong akin lang siya, ayaw ko lang na mamuhay siya kasama ang taong pinaniniwala siya na tama ang mga kasinungalingan
“Bilisan mo na! Huwag mo ‘kong binibitin!” nandidilat ang mga matang sambit niya rito.“Ay, demanding yern?”Napapikit siya at napakagat labi para pigilan na huwag tuluyang magalit sa kaibigan niya. Kunting-kunti na lang ay sasabog na siya. Maikli pa naman ang pasensiya niya.“Alam mo ba, alam ko na kung nasaan si Michaela,” mahinang sambit nito kasabay nang pagsilay ng kakaibang ngiti sa labi.Bigla na lang na parang bulang nawala ang galit na nararamdaman niya at napalitan iyon ng excitement.“Ta-talaga? Saan? At paano mo nalaman?” excited niyang tanong dito.Sakto namang dumating ang order nito. Agad itong sumubo pagkalagay na pagkalagay pa lang ng waiter sa pagkaing in-order nito. Napangiwi tuloy siya, hindi ito nagsisinungaling sa sinabi nitong wala pa itong kain. Sunud-sunod ang naging pagsubo nito bago siya nagawang sagutin nito.“Alam mo namang hindi tumutigil ang mga taong inutusan ko sa paghahanap sa kanya. And boom! Kahapon ay nakita na nila ang target natin!”“And???” nabi
NASA Maynila ngayon si Jacob at iniwan niya muna sa pangangalaga ni nanay Minerva si Venisse. Dahil simula nang pinayagan niya si Vanessa na lumabas, ay hindi na ito umuuwi at palagi na lang tumatawag sa kanya para ipaalam na sa isang kaibigan ito matutulog at sobrang busy ito dahil sa pinaplano nitong pagpapatayo ng negosyo kasama si Geneva.Mas pabor nga iyon sa kanya dahil ayaw niya itong makasama sa mansyon o kahit ang makita man lang. At isa pa, sa pamamagitan nito ay mahahanap niya si Michaela.Nasa isang five star hotel siya ngayon at kasalukuyang nakaupo sa couch na naroon sa silid na kinaroroonan niya. May importante kasi siyang kikitain na tao at doon niya naisipang papuntahin ito.Maya-maya lang ay may kumatok sa kanyang pintuan. Nang buksan niya ito, ay ang taong pakay niya ang bumungad sa kanya. Inalok niya itong pumasok at pinaupo sa couch na kanina ‘y inuupuan niya.“So, paano ba natin sisimulan ang pag-uusap, Mr. Baltazar?” panimula niya.“Depende sa ‘yo, sa kung paano
“Kung ayaw niya sa ‘kin, kahit man lang sana ang pagiging ama ko sa anak naming ay bigyan niya naman sana ako ng karapatan. Miss na miss ko na ang anak namin,” doon ay hindi nito napigilan ang hindi pumiyok.Nakita niyang may tumakas na luha sa mga nito. Kahit siya ang nasa katayuan nito, ay ganoon din ang mararamdaman niya.“Huwag kang mag-alala, dahil makakasama mo na ang anak mo. Hindi ako papayag na ipgakait sa ‘yo ni Vanessa ang anak ninyo lalo na ‘t hindi naman siya responsableng ina. Naroon sa mansyon si Venisse. Mula nang doon ko sila patirahin dahil na-kidnap si Venisse na kagagawan at plano lang din pala ni Vanessa para lang makuha ulit ako at bumalik sa kanya, ay palagi naman siyang wala sa tabi ng anak ninyo. Madaling araw palang ay umaalis na at minsa ‘y hindi pa umuuwi. Kaya nararapat siguro na ibigay ko muna sa pangangalaga mo si Venisse dahil ikaw naman ang tunay niyang ama.”Nagulat ito sa sinabi niya at hindi makapaniwala. Bakas ang saya sa mukha nito.“Ta-talaga, Mr
AGAD siyang bumiyahe pabalik sa mansyon. Halos paliparin na niya ang sasakyan makarating lamang agad doon. Pagdating niya ‘y agad niyang kinausap si nanay Minerva sa kung ano ang mangyayari. Sumang-ayon naman ito at maging ang mga kasamahan nitong kasambahay ay sinabihan din nito.Pagsapit nga ng umaga ay dumating nag si Raymond, ang tunay na ama ni Venisse. Nahirapan pa siyang kumbinsihin ang bata na sumama rito at panay ang iyak nito. Nakahinga iya nang maluwag ng sa wakas, ay mismong si Raymond ang nakakumbinsi rito na sumama.Sobra-sobrang pasasalamat ang narinig niya mula rito bago ito tuluyang umalis. Gumaan ang kanyang pakiramdam ng sa wakas ay naibigay na niya sa tunay na ama ang bata.NAIINIP na sa loob ng bahay si Michaela kaya napagpasiyahan niyang magduyan sa likod bahay. Sa umaga kasi hanggang tanghali, ay wala ang tita Marites ni Claire at ang asawa nito. Pumupunta kasi ang mga ito sa kabilang bayan para mag-alaga ng apo.Hindi naman siya pwedeng sumama kahit gusto ng ma
KASALUKUYANG nasa loob ng kanyang silid si Jacob at nakaupo sa paanan ng kanyang kama habang sapo ang mukha ng kanyang dalawang kamay nang biglang tumunog ang kanyang cellphone. Pangalan ni Troy ang nakarehistro kaya agad niya itong sinagot.“Yes?”“Sir, naunahan po tayo. Nakuha na ng mga tauhan ni Vanessa at Geneva si Michaela sa bahay ng tiyahin ng kaibigan niya ngayon pa lang. Hindi naman namin alam na agad-agad silang kikilos!” Mabilis na sambit sa kanya nito.“What?!!! Paanong hindi niyo natunugan ‘yon? Dapat sinundan ninyo kung saan nila dadalhin si Michaela!” Pabulyaw na tugon niya rito.“Kasalukuyan kaming nakasunod sa kanila ngayon. Papunta sila ng Maynila.”“Sige at susunod ako sa inyo. Galingan ninyo ang pagsunod at huwag niyong hahayaang mawala sa paningin ninyo ang sinasakyan nila!”“Yes, boss!”Basta na lang niya ibinaba ang cellphone na hindi man lang napapatay ang tawag. Mabilis siyang nagbihis ng kasuotan at dali-daling dinampot ang susi ng sasakyan at mabilis na buma
ISANG malakas na sampal ang ibinigay ng tiyuhin niya sa kanya. Halos matulig siya sa sobrang lakas dagdagan pa ng mabigat at magaspang nitong kamay. Nagngangalit ang mga ngipin nito at nagaapoy din sa galit ang mga nito habang nakatingin sa kanya.“Walanghiya ka! Pinahiya mo ang pamilya ko kay congressman higit lalo ako! Kung hindi dahil sa ‘min, ay wala ka sana sa mundong ito! Sa tingin mo, saan ka kaya nung mga panahon na narito ka sa ‘min kung hindi ako napilitang kupkupin ka?” Panunumbat nito sa kanya.Patuloy lang na namamalisbis ang kanyang masaganang luha sa kanyang pisngi na halos hindi na rin niya maramdaman. Para itong tinurukan nang pampamanhid sa lakas ng pagkakasampal sa kanya ng tiyuhin. Pakiramdam niya ‘y magang-maga na ang kanyang pisngi. Muli sana siya nitong sasampalin ngunit pinigilan na ito ng kanyang tiyahin.“Tama na ‘yan, Ronaldo! Hindi ‘yan pwedeng magkaroon ng pasa at galos dahil bukas nang madaling araw ang kasal nila ni congressman. Nakakahiya naman kung ang
MATAMANG nagmamasid si Jacob sa bahay na pinagdalhan nina Geneva kay Michaela. Ayon sa tauhan niya, ito ang dating tinitirahan ng dalaga at bahay ng tiyahin nito. Kasalukuyan siyang nasa loob ng isang simpleng apartment na malapit lamang sa bahay na siyang minamasdan niya.Alas dos na nang madaling araw at kahit ni isang segundo ay hindi siya umalis sa kinapupwestuhan niyang silid na kung saan, ay tanaw niya ang kabuuan ng kabayan. Ayaw niyang may lumagpas na kahit maliit na pangyayari sa kanyang mga mata.Nakita pa niya ang paglabas nina Geneva at Vanessa at ang pagsakay nito sa puting van na siyang ginamit sa pag-kidnap kay Michaela. Sa ngayon ay hindi niya muna ito pagtutuunan ng pansin, ibibigay na muna niya ang buong atensyon niya para mabawi si Michaela.Ayon na rin sa tauhan niya, ay ikakasal ngayong madaling araw si Michaela kay congressman, at hinding-hindi siya papayag na mangyari iyon. Natimbrehan na niya ang kanyang mga tauhan at napapalibutan na nila ang buong kabahayan.
NAGULAT na lang si Claire nang biglang bumukas ang pintuan ng silid nila ni Michaela. Pumasok pala ito ngunit napansin agad niya na umiiyak ito. Agad itong dumapa sa kama at doon ay malakas na umiyak, ni hindi man lang napansin ang kanyang presenisya.Napailing-iling na lang siya. Nakakatakot pala magbuntis, kung totoo mang buntis nga ito, nakakabago ng ugali. Itinigil niya ang ginagawang pagbabasa ng libro at nilapitan ito, susubukan niya itong kausapin. Kanina ay okay pa naman ang kaibigan niya bago umalis papuntang ospital, masaya pa nga itong nagpaalam sa kanya at ipinaalalang muli na huwag ipagsasabi ang sikreto nila na alam na nito ang tungkol sa sariling pagbubuntis. Tapos ngayon naman ay umuwi naman itong umiiyak.Umupo siya sa gilid nito at nagsimulang magsalita. “Be, kumusta pala ang checkup mo? Ano ba ang resulta?” malumanay na tanong niya rito para hindi na madagdagan pa ang kung anomang ikinasasama ng loob nito.Ibinigay nito sa kanya ang isang maliit na envelop habang nak
HABANG nagmamaneho si Jacob ng sasakyan ay hindi man lang siya iniimikan ng dalaga. Nakabusangot ito at nagkakandahaba na rin ang nguso. Hindi naman niya ito direktang tinitingnan kundi sa sulok lang ng kanyang mga mata dahil baka bigla na namang makatikim ng palad ang kanyang pisngi. Hindi tuloy niya malaman kung totoo ngang buntis ito dahil ayaw naman sa kanyang ibigay at ipakita ang resulta ng checkup.Gusto niyang matawa sa nakikitang reaksyon sa mukha nito pero natatakot siyang ngumiti dahil baka masamain na naman nito. Ngunit nagulat siya nang bigla itong magsalita.“Anong tinitingin-tingin mo riyan, ha?! Akala mo ba hindi ko alam na pasimple mo akong tinitingan? At saka, bakit hindi ka ngumiti, ‘yon bang mapupunit na ‘yang bibig mo para naman ma-satisfy ka sa saya?! Huwag mong pigilan, sige lang! gusto mo humalakhak ka na rin, punuin mo ng boses at hininga mo itong sasakyan, ano?!” nanlalaki ang mga matang wika nito sa kanya.Grabe na talaga. Pati iyon ay nakita pa nito? Mala-l
“CONGRATULATIONS, Ms. Gomez! Isang buwan ka nang buntis!” masayang sambit ng babaeng doctor na siyang tumingin sa kanya.Kahit naman na alam na niyang posible ngang buntis siya ay sobra pa rin siyang natuwa. Hanggang ngayon ay tanging sila lang ng kaibigan niyang si Claire ang nakakaalam na alam na niyang posibleng buntis nga siya.Kanina nang sabihin sa kanya ni Jacob na kailangan niyang magpatingin sa doctor, ay tinanong niya ito kung bakit, sinusubukan niya kung magsasabi ba ito. Pero ang isinagot lang nito sa kanya ay dahil sa pagbabago ng kanyang ugali, baka raw may sakit na siya na siyang nakakaapekto rito.Kung sa ibang pagkakataon lamang na hindi pa niya nahuhulaan ang sariling kalagayan, ay baka todo tanggi pa siya at baka nga mauwi pa sa pag-aaway. Iyon nga lang, pagdating sa private hospital kung saan siya nito dinala para mapatingnan sa doctor, ay gusto nitong sumama sa loob ng silid kung saan siya susuriin.Gusto siguro nito na makita siyang nasusurpresa. Pero dahil nakais
TUWANG-TUWA si Michaela at lihim na kinikilig dahil sa ginagawang pagsisilbi sa kanya ni Jacob. Siguro kaya naging mainitin ang ulo niya dahil sa tagal na hindi ito nakita. May ideya na siya kung bakit ganoon ang kanyang pakiramdam, at nakumpirma niya iyon nang aksidente niyang marinig ang usapan ng tatlo sa kusina.Balak kasi niyang hilahin si Jacob pabalik sa kwarto dahil gusto niya itong masolo kaya bumalik siya, pero iyon na ang eksenang narinig niya. Akala ng mga ito ay wala siyang ideya sa nangyayari sa kanya at nararamadaman niya.Kaya nga nakokonsensiya siya sa nagawang hindi pagimik minsan kay nanay Minerva at pagsusungit kay Claire. Inaasahan naman talaga niya na mabubuntis siya dahil hindi gumagamit ng proteksyon si Jacob kapag may nangyayari sa kanila.Inaakala pa ng mga ito na baka hindi niya matanggap kung sakali mang buntis siya dahil lang sa bata pa siya. Hindi lang alam ng mga ito kung gaano siya kasaya kung totoo mang buntis siya dahil handa siyang maging isang ina la
TAKANG-TAKA si Jacob kung bakit ganoon ang inaasal ni Michaela. Parang may nagbago rito dahil hindi naman iyon ganoon dati.“Claire, kailan pa siya naging ganiyan?” tanong niya sa kaibigan nito na hanggang ngayon ay naroroon pa rin sila sa kusina.“Siguro po, mga one-week na po, Sir. Kahit nga po ako ay nagtataka na rin sa mga ikinikilos niya. Hindi naman siya dating ganyan, eh. Halos araw-araw palagi nga siyang excited gumising para maglakad-lakad kami sa tabing-dagat. At saka dati, ayaw niya ng may natitirang pagkain kasi nasasayangan siya. Pero ngayon nag-iba na siya, eh. Kahit nga ang dating biruan namin kapag ginagawa ko sa kanya ngayon, galit na galit na siya at bigla na lang hindi iimik. Minsan naman, bigla na lang mag wa-walk out at saka iiyak sa kwarto ng mag-isa. Kaya hindi ko na rin po mahulaan, eh,” mahabang litanya nito.“Sige-sige, salamat. Kakausapin ko na lang siya mamaya,” sagot niya.“Hijo, palagay ko ‘y buntis si Michaela,” wika ni nanay Minerva na bigla na lang pum
NAGTATAKA na si Michaela kung bakit halos isang buwan na ang nakalilipas pero hindi pa rin bumabalik si Jacob sa isla. Miss na miss na niya ito at hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit labis-labis ang pagnanais niya na makita ito.Naiinis siya at nagagalit sa tuwing naiisip niya na dapat ay nasa tabi niya ito ngayon. Lalo na ngayong hindi maganda ang kanyang pakiramdam. Madalas siyang mahilo at humihilab din ang kanyang sikmura.Kaninang umaga nga ay sumuka siya ng sumuka sa banyo pero parang wala namang lumalabas. Matamlay din siya at walang ganang kumain. Ang tanging gusto lang niya sa mga sandaling ito ay ang presensiya ni Jacob.“Hoy, Be. Pinapatawag ka ni nanay Minerva, kumain ka na raw kasi hindi ka raw kumain ng maayos kanina,” wika ng kaibigan niya.Kasalukuyan siyang nasa terrace habang nakapangalumbaba, na wari ‘y ang tanawin na lang doon ang nakapagbibigay sigla sa kanya.“Wala nga akong ganang kumain, eh. Ang gusto ko, si Jacob. Kailan ba ulit darating iyong tauhan
“HOY BABAE! Ipaliwanag mo nga sa ‘kin kung bakit ang sungit-sungit mo kagabi? At saka, ang sabi mo, baka matagalan ka lang doon, eh buong gabi kang naroon, eh! Tsk!” bungad agad sa kanya ng kaibigang si Claire pagkapasok niya ng silid.Maaga siyang nagising kaya nagpasya siyang bumalik na sa sariling silid para maligo. Pakiramdam kasi niya ‘y nanlalagkit ang buo niyang katawan dahil pinagpawisan sila kagabi ni Jacob dahil sa nakakapagod at nakakaantok na ginawa nila.“Ano ka ba, wala lang iyong pagtataray ko sa ‘yo kahabi, ‘no? Nainis lang talaga kasi ako kay Jacob dahil sa maling akala ko. Nadamay ka pa tuloy sa inis ko,” paliwanag niya.“Bakit hindi ka na nakabalik dito kagabi? May ginawa kayo, ‘no?” mapang-asar nitong tanong.“Eh ano naman sa ‘yo kung may ginawa kami? Bakit, inggit ka?” pang-aasar din niya rito.“Ako, maiinggit?” turo pa nito sa sarili. “Hindi kaya! Sapat na sa ‘kin sina nanay at tatay, pati na rin si kuya para maging masaya at kontento ako sa buhay.”Bigla siyang
NANG MAKABAWI si Jacob mula sa panghihina dulot ng ginawang pagpapaligaya sa kanya ni Michaela, ay ito naman ang pinahiga niya sa kama. Magmamatigas pa sana ito pero wala rin itong nagawa dahil mas malakas siya rito.“Ang sarap ng ginawa mo, ha? Saan mo ba iyon natutunan?” tanong niya rito habang kinakagat-kagat ang punung tainga nito.“Bakit, lahat naman ng bagay ay kayang matutunan kapag gusto, ‘di ba?” may himig pamimilosopo sa tinig nito.“Ang ibig kong sabihin, paano? Saan? Eh, ngayon mo lang naman ito ginawa sa ‘kin?”“Sa mga kaklase kong babae sa eskwelahan. Madalas silang manood ng p*rn kapag vacant period namin. At saka, nagkukwento rin sila ng mga karanasan nila sa sex dahil karamihan sa mga kaklase ko ay may mga asawa ‘t anak na,” paliwanag nito.“Akala ko, may ibang lalaki ka nang pinagpraktisan.”“Ang kapal mo, ha? Ikaw lang ang lalaking nakasiping ko, ‘no? Wala nang iba!” inis na sagot nito.“Bakit ka nagagalit? Akala ko lang naman ‘yon,” pagkatapos ay dumausdos ang halik
GULAT NA GULAT si Jacob nang pagbukas niya ng pintuan ng banyo dahil katatapos lang niyang maligo, ay nakatayong si Michaela ang nabungaran niya. Seryoso itong nakatingin sa kanya, at nararamdaman niyang may bahid iyon ng galit.“Ela, sweetheart. May…problema ba? Ginulat mo naman ako,” wika niya rito.“Sabihin mo nga sa ‘kin ang totoo, naaawa ka ba at nakokonsensiya kay Vanessa kung makukulong man siya?” seryosong tanong nito. Sinundan pa siya nito hanggang sa walk-in closet.Kahit na tinanggal na niya ang tuwalyang nakapulupot sa katawan niya, ay hindi man lang ito natinag. Patuloy pa rin ito sa pagsasalita.“Sagutin mo ang tanong ko, Jacob!” galit na sambit nito.Kunut-noo siyang napalingon dito dahil parang kakaibang Michaela ang kaharap niya ngayon. Iba yata ang galit na pinapakita nito.“Sweetheart, ano ba ang nangyayari sa ‘yo? ano ba ang ikinagagalit mo? Bakit ka nagkakaganyan?” malumanay na tanong niya at sinubukang yakapin ito ngunit mabilis itong lumayo sa kanya.“Jacob, aya