NANG sumapit ang gabi ay sa silid na nga ng mag-ina siya natulog. Pero nasa gitna nila si Venisse. Nagpanggap siyang tulog na tulog na at sinabayan pa niya ng pekeng paghilik.Maya-maya ‘y narinig niyang tumunog ang cellphone nito. Kinuha nito iyon at saglit na tumingin sa direksyon niya na para bang sinisigurado na tulog na siya at saka lumabas ng kwarto. Palihim niya naman itong sinundan. Todo ingat siyang huwag makalikha ng kahit na anong ingay na makakapag-agaw sa atensyon nito. Sa likod ng mansyon sa garden ito pumunta.“Hello, ano? Alam mo na ba kung saan nagtatago ang babae ni Jacob?” Narinig niyang tanong nito sa kung sinumang kausap nito sa kabilang linya. “Ano?! Wala ka pa ring alam kung nasaan nagtatago ang babaeng iyon? Kailangan nating maunahan si Jacob sa paghahanap sa kanya para hindi na muling mawala ang atensyon niya sa ‘kin! Nagkaayos na kami kanina lang at nasa kwarto namin siya ng anak ko natutulog ngayon. Ayaw ko nang may magbago pa sa kung anumang nangyayari sa ‘
SUMASAKIT na ang ulo ni Jacob sa pagsagot sa kaliwa’t kanang tawag mula sa limang bagong branch na ipinapatayo niyang private resorts at fine dining restaurants. Araw-araw ganoon siya kaabala. Sa edad na dalawampu’t apat, siya ay naging ganap na bilyonaryo bunga ng pagtyatyaga at dedikasyon na sumunod sa yapak ng kanyang mga magulang.Kapag ganitong sunod-sunod na ang natatanggap niyang tawag na puro problema ang ibinabalita ay lumalabas talaga ang pagiging masungit niya. Kanina pa nag-iinit ang ulo niya sa kausap na engineer sa kabilang linya. Habang kausap niya ito ay paroo’t parito siya sa loob ng opisina at sinasabayan pa ng pagkumpas ng isang kamay.Hindi sinasadyang natuon ang paningin niya sa CCTV footage dahil sa isang babaeng nakatayo sa harap ng restaurant na kinaroroonan niya. Saglit siyang nagpaalam sa kausap para tawagan ang gwardya sa labas.“Roger, papasukin mo nga ‘yang isang aplikante,” utos niya sa gwardya na nakabantay sa labas.“Sige po, Sir.”Pinagmasdan niya ang
IGINALA ni Michaela ang paningin sa kabuuan ng kwartong pinasukan. Namangha siya sa laki at ganda nito. Medyo nagtataka lang siya dahil parang sobra-sobra naman ang laki nito para sa isang tao, at naka-aircon pa.Lumapit siya sa kama at umupo. Tatlong tao ang kasya rito kung tutuusin. Ipinagpapasalamat na lamang niya na kung hindi dahil sa lalaki kanina ay baka sa lansangan siya matutulog at hindi sa ganito kagandang kwarto.Kahit naman para sa kanya ay hindi maganda ang ugali nito, hindi niya maitatangging ito pa rin ang dahilan kung bakit siya nagkaroon ng trabaho at magandang tirahan ngayon.Patapos na siyang mag-ayos ng mga gamit nang may kumatok sa pintuan.“Tuloy po, bukas ‘yan!”Pumasok ang babaeng sumalubong at nag-asikaso sa kanya kanina nang dumating siya. Ito ang namamahala sa staff house ayon dito.“Pagkatapos mo diyan ay dumiretso ka na lang sa pantry. Oras na kasi ng pananghalian. At kung may iba ka pang kailangan, magsabi ka lang at huwag kang mahihiya. Ibinilin ka sa ‘
HINDI mapigilang mapangiti ni Jacob habang inaalala ang nangyari kanina sa kanyang opisina nang interview-hin niya ang dalaga. Pangalan lang talaga nito ang gusto niyang malaman, at higit sa lahat, kung may kasintahan na ba ito.Kaya nang makuha niya ang sagot na gusto niya ay agad niyang tinapos ang interview at agad din itong pinalabas kahit na hindi pa niya nasasabi rito kung ano ang magiging posisyon nito sa trabaho. Alam niyang nagtataka ang babae kung bakit ganoon ang naging takbo ng interview.Para siyang may sayad sa utak na nakangiti habang nagsa-shower. Hanggang sa pagtulog, ay ang tagpong iyon pa rin ang nasa kanyang isipan.Kinabukasan ay maganda ang naging gising ni Jacob na ipinagtaka naman ng mga kasambahay sa mansyon. Pasipol-sipol pa siya habang naghahanda papuntang opisina at nakangiti ring umalis.Pagdating niya sa restaurant ay agad niyang namataan ang babaeng laman ng kanyang isipan. Naka suot ito ng white polo shirt na naka tacked-in sa pang ibaba nitong black pa
NAPAGPASYAHAN ni Michaela na maglakad na lang pauwi sa tinutuluyang staff house dahil ilang kanto lang naman ang distansya nito mula sa restaurant na pinapasukan. Mas gusto niyang maglakad kaysa maghintay na mapuno ang shuttle service.Malayo-layo na siya sa restaurant nang may humintong sasakyan sa tapat niya. Hindi niya maaninag ang nasa loob dahil tinted ang salamin nito. Nahigit niya ang paghinga nang bumaba ang salamin ng bintana ng sasakyan at makilala ang taong nagmamaneho nito.“Ms. Gomez! Bakit ka naglalakad? Hindi mo ba alam na may shuttle service ang restaurant?”Tanong nang taong walang iba kundi ang kanyang boss, si Jacob.“Huwag kang mag-alala, Sir, okay lang po ako. Alam ko naman po na may shuttle service, pero mas gusto ko po kasing maglakad. Exercise na rin po.”“Exercise? Eh, maghapon kang nakatayo, hindi pa ba exercise ‘yon? Halika, ihahatid na kita sa staff house, dadaanan ko rin naman kasi ‘yon.”“Naku, Sir, huwag na po. Okay lang po talaga sa ‘kin ang maglakad.”
HINDI makapaniwala si Michaela na magiging magkaibigan at malapit sila sa isa’t isa ng kanyang boss na si Jacob. Hindi naman pala talaga masama ang ugali nito katulad nang iniisip niya. Sadyang iyon lang ang naging tingin niya rito katulad nang tingin nito sa kanya nang una silang magkita.Halos araw-araw ay inihahatid na siya nito sa kanyang tinutulayang staff house at kung minsan naman, ay dinadaanan na rin siya nito sa umaga para sabay silang pumasok sa restaurant. Hindi tuloy niya maiwasang makaramdam nang kaunting pag-asa na baka may nararamdaman din ito sa kanya. Na baka pareho sila nang nararamdaman sa isa’t isa.Malapit nang matapos ang kanyang shift at ilang minuto na lang ay out niya na, pero wala pa ang kanyang magiging kapalitan kaya hindi siya pwedeng basta na lang umuwi lalo’t napakaraming customer. Sa waitress siya napiling i-assign ng manager dahil ito ang pinaka kailangan sa restaurant.Mag-a-alas siyete na nang dumating ang kanyang kapalitan na babae. Dapat ay hangga
AGAD na may kumislap na ideya sa isip ni Mickaela nang madaanan nila ang kaliwa’t kanang nagtitinda ng street foods. Mas lalo tuloy siyang nagutom dahil paborito niya ang ganoong klase ng pagkain.“Sir, huwag na po kaya tayong maghanap ng sosyal na restaurant? Diyan na lang tayo kumain, oh!” sabay turo niya sa mga nagtitinda.Binagalan nito ang pagpapatakbo ng sasakayan bago itinuon ang paningin sa itinuro niya.Kumunot ang noo nito bago nag-aalinlangang sumagot.“Ano bang klaseng kainan ‘yan? Masarap ba diyan? Paano tayo kakain diyan, eh, ni wala ngang upuan at lamesa.”“Hindi lang masarap Sir, kundi sobrang sarap! Paborito ko ang mga ‘yan simula bata pa ‘ko! Kaya huwag ka nang mag-isip ng kung ano diyan. Halika na!”Hindi na niya hinintay na sumagot ito, kusa na siyang bumaba ng sasakyan kaya wala itong nagawa kundi ang sumunod sa kanya.Kumikislap ang mga mata niya sa lahat nang nadadaanang mga iba’t ibang klase ng pagkain. Nandoon lahat ng paborito niya; kikiam, fishball, isaw, in
HABANG binabaybay nila ang daan patungo sa dagat ay palihim na napapangiti si Jacob. Ramdam niya ang inis na nararamdaman ng dalaga dahil halatang-halata niya ang reaksyon sa mukha nito.Parang ayaw nitong may lumalapit na ibang babae sa kanya. Ibig sabihin, may gusto rin ito sa kanya. Dahil sa mga naiisip ay mas lalong lumawak ang pagkakangiti niya na hindi naman nakaligtas sa mata ng dalaga. Magkapanabay kasi sila habang naglalakad at manaka-naka siyang sinusulyapan nito.“Ay! Nabaliw ka na talaga, Sir! Sana hindi na lang kita niyayang kumain doon. Nakakasira pala ng utak ang pagkain ng street foods.”“Grabe ka naman sa ‘kin, Ms. Gomez. Hindi na ba ako pwedeng maging masaya paminsan-minsan?”“Ah! Ikinasisiya mo pala ‘yong nangyari kanina. Sige, araw-araw tayong pupunta roon para araw-araw ka na ring masaya.”“Ikaw naman, hindi na mabiro. Halika, upo tayo rito sa buhanginan,” yaya niya sa dalaga nang sa wakas ay nakarating na sila sa tabing dagat.Nauna siyang umupo at tumabi naman i
NANG sumapit ang gabi ay sa silid na nga ng mag-ina siya natulog. Pero nasa gitna nila si Venisse. Nagpanggap siyang tulog na tulog na at sinabayan pa niya ng pekeng paghilik.Maya-maya ‘y narinig niyang tumunog ang cellphone nito. Kinuha nito iyon at saglit na tumingin sa direksyon niya na para bang sinisigurado na tulog na siya at saka lumabas ng kwarto. Palihim niya naman itong sinundan. Todo ingat siyang huwag makalikha ng kahit na anong ingay na makakapag-agaw sa atensyon nito. Sa likod ng mansyon sa garden ito pumunta.“Hello, ano? Alam mo na ba kung saan nagtatago ang babae ni Jacob?” Narinig niyang tanong nito sa kung sinumang kausap nito sa kabilang linya. “Ano?! Wala ka pa ring alam kung nasaan nagtatago ang babaeng iyon? Kailangan nating maunahan si Jacob sa paghahanap sa kanya para hindi na muling mawala ang atensyon niya sa ‘kin! Nagkaayos na kami kanina lang at nasa kwarto namin siya ng anak ko natutulog ngayon. Ayaw ko nang may magbago pa sa kung anumang nangyayari sa ‘
LABIS ang pagpipigil ni Jacob sa kanyang emosyon na huwag siyang sumabog sa galit sa mga natuklasan. Kung paiiralin niya ang galit ay baka iyon lang ang makaapekto sa mga gusto pa niyang malaman tungkol sa mga masasamang hidden agenda ni Vanessa.Isang plano ang nabuo sa kanyang isipan. Kung magaling man sa aktingan at pagkukunwari si Vanessa, pwes, sasakyan niya ito. At magsisimula siya ngayong araw mismo.Tinawagan niya ang private investigator na inatasan niyang mag imbestiga kay Vanessa. Pagkatapos ay sunud-sunod na mga files ang ipinadala nito sa kanyang email.Natuwa siya dahil napakadetalyado nang pagkakagawa nito sa mga files na ipinadala sa kanya. Bawat larawan ni Vanessa ay may nakalagay kung anong taon at kung anong petsa.Natawa na lang siya nang mapakla sa mga nakita niya. Kahit kailan, hinding-hindi nagbago ang babaeng minsan na siyang nabulag sa pagmamahal dito.Hindi niya nga pala talaga anak si Venisse. Base sa nakikita at nababasa niya ngayon sa mga files na nasa har
“Oh, ikaw pala ‘yan, babe,” sambit ni Vanessa sa kanya habang matamis na nakangiti.Kung noon ay kilig na kilig siya kapag tinatawag siya nito sa ganoong paraan, ngayon naman ay iritang-irita siya. Tuluyan na nga talagang nawala ang pagmamahal niya rito.“Magpapaalam lang ako kay Venisse,” malamig na tugon niya rito.“Sa anak ka lang natin magpapaalam? At sa ‘kin, hindi? Kung sa gano’n, ano na lang ako sa buhay mo?”“Ayaw ko ng drama ngayong umaga, Vanessa,” seryosong saad niya rito. “Baby?” Pagtawag niya sa anak.Lumapit naman ito sa pintuan katabi ng ina.“Ye, daddy?” Inosenteng tanong ni Venisse sa kanya.“Aalis na ulit si daddy para magtrabaho. Behave ka lang palagi rito, ha?” Malambing na sambit niya sa anak sabay haplos sa buhok nito sa likod ng ulo.“Palagi naman po akong behave, daddy.”“Then very good!” Yumuko siya para mapantayan ito at saka hinalikan ito sa noo.“Bye for now, baby. See you later!”Kumaway naman ito sa kanya nang magsimula na siyang maglakad. Pagkatapos ay d
BUMALING si Vanessa sa kanya nang marinig nito ang boses niya mula sa likuran nito. Natagalan pa nga ito bago sumagot sa kanya dahil natulala ito nang makita siyang halos hubad na sa harapan nito.“Ah, eh ito kasi, eh!” Sabay turo nito sa guard. “Ayaw akong palabasin! Eh male-late na ‘ko sa usapan naming ni Geneva.”“Utos ko ‘yan sa kanya kaya wala kang magagawa. Ang dapat mong gawin ngayon ay bumalik ka sa kwarto ninyo at tabihan mo ang anak natin sa pagtulog. Wala kang ibang gagawin mamula ngayon kundi ang alagaan ang anak natin. Hindi ka na makakalabas ng mansyon maliban kapag sinbi ko o kung kasama ako.”“Ano?!!! Hindi ko yata kakayanin ‘yan! Huwag mo namang gawin sa ‘kin to, Jacob!”Iniwan niya itong nagngangangawa sa labas at hindi na pinagtuunan pa ng pansin na sagutin pa ito. Masasayang lang ang oras niya rito sa walang kwentang pag-uusap.Nawala na tuloy ang antok niya dahil sa ingay nito. Kaya wala siyang nagawa kundi ang pumasok sa banyo para maligo.Pagkatapos ay bumaba si
UMALIS si Jacob mula sa pagtanaw sa terrace at bumaba sa living area. Napailing siya nang makitang pasuray-suray na naglalakad si Vanessa papasok ng mansyon. Humahawak pa ito sa pader para kumuha ng suporta para hindi ito mitumba.“Gawain ba ‘yan ng isang matinong ina? Iyong anak mo kanina pa naghihintay sa pagdating mo at halos wala ka nang oras sa kanya! Ano ba ‘ng pinagkakaabalahan mo ‘t hindi ka mapigil-pigil sa pag-alis mo araw-araw? Matutuwa pa ‘ko kung naghahanap ka ng trabaho. Eh kaso, hindi eh! Puro ka lang lakwatsa at party-party! Gumising ka na sa katotohanan na hindi na ikaw ang dating Vanessa na sunod sa luho! At isa pa, may anak ka na na dapat pinagtutuunan ng pansin!” Mahabang sermon niya rito.Natigil naman ito sa paglalakad at dahan-dahang humarap sa kanya habang namumungay ang mga mata gawa ng kalasingan. Tumawa ito ng pagak at saka nagsalita.“Wow! Sa tingin mo, ano ‘ng dahilan kaya araw-araw akong umaalis at nagpapakalasing? Dahil lang naman wala na ‘kong halaga sa
HABANG nakatayo si Jacob sa terrace ng kanilang mansyon at pinagmamasdan ang harapan nito, ay siya namang paglapit ng kanyang anak.“Daddy, daddy, let ‘s play!” Sambit nito sa kanya habang hinihila ang laylayan ng kanyang damit.Binalingan niya ito at kina-usap.“Baby, later na lang kapag dumating na si mommy mo, ha? Wala kasi sa mood si daddy makipaglaro sa ‘yo ngayon dahil marami akong iniisip at problema sa work,” mahinahong sambit niya sa anak.Bigla na lang lumungkot ang kanina ‘y masigla nitong mukha. Pero tumango naman ito sa sinabi niya.“Okay po, daddy. I’ll wait mommy na lang,” tugon nito bago tumalikod at bumalik sa kwarto.Napabuntung-hininga siya at napahaplos sa sariling buhok. Madalas umalis si Vanessa na hindi man lang isinasama ang kanilang anak.Alam naman nitong palagi siyang busy at wala na siyang oras pa para makipaglaro sa anak. Hindi rin naman makuhang makipaglaro rito ng mga kasambahay niya dahil busy rin ang mga ito sa kanya-kanyang trabaho.Problemado talaga
“Wala po ‘yon, nanay. Ang mahalaga naman sa ‘kin ay natupad ko ang kahilingan ninyo. Masaya ako dahil masaya kayo,” tugon niya kay nanay Myrna.“Hay naku, kumain na muna kaya tayo dahil baka sobrang lamig na nang mga pagkaing inihanda namin ni Micah! Kanina pa ‘yan nakahain diyan! Tama na muna ang drama! Kainan na muna!” Pabirong sambit ng kanyang kaibigan.Magkakasunod naman silang dumulog sa hapagkainan at masayang nagkukwentuhan habang kumakain. Masaya siya sa nakikitang kasiyahan ng pamilya ng kanyang kaibigan.Kung ganito rin lang naman ang pamilyang titirahan niya ‘y mukhang hindi na siya mangungulila sa tunay niyang mga magulang dahil ang mga ito pa lang ay sapat na sapat na sa kanya.Naramdaman niya sa piling ng mga ito kung ano ang pakiramdam ng magkaroon ng masaya at kumpletong pamilya. Pakiramdam nang may kapatid na nag-aalala sa ‘yo at mga magulang na mapagmahal.Habang kumakain ay kaliwa ‘t kanan ang ibinabatong katanungan ng pamilya ng kanyang kaibigan dito.“Bunso, kumu
BAGO pa man dumating ang tanghali ay nakaayos na sa lamesa ang mga pagkaing kasama sa pasurpresa ng kanyang kaibigan para sa pamilya nito.Sa sobrang excited ng kaibigan niya ay hindi na nagawa nitong magpahinga o kahit ang umidlip man lang kahit ilang minuto.Pagkatapos nitong mag-almusal kanina ay nagmadali silang lumuwas ng bayan para bumili ng mga pagkain katulad ng letson manok, cake, at iba pang pagkaing luto na para hindi na sila mapagod.At saka, kung magluluto pa sila ay kakapusin na sila sa oras dahil mag a-alas siete na dumating ang kaibigan niya kanina at kumain pa ito.Pagpunta pa lang sa bayan ay bawas na ang kanilang oras kaya iyon na lang ang naisipan nilang gawin, ang bumili ng mga luto nang pagkain.Saktong alas onse na nang matapos sila sa paghahanda ng mga pagkain sa lamesa. Napag-usapan na nila kung ano ang gagawin pagdating ng pamilya nito.Mag a-alas dose na nang magkakasunod na pumasok sa kabahayan ang tatlo. Sina nanay Myrna, tatay Diego at Carlo.Nagulat pa a
MULING may sumaging ideya sa kanyang isip. Muli siyang bumalik sa restaurant at hiningi niya kay Ms. Glydel ang susi nang locker room.Binuksan niya ang locker ni Michaela at nagbabasakaling may makita siyang bakas roon kung nasaan man ito.Pagbukas niya ‘y tumambad sa kanya ang nakatupi nitong uniform sa restaurant at isang hindi kalakihang kahon na naka-packing tape.Alam niyang masama ang mangialam sa gamit ng iba pero nangangati ang kanyang kamay na buksan ang kahon.Pagbukas niya ng kahon ay nakita niya roon ang lahat ng mga ibinigay niya sa dalaga. Ang kwintas at hikaw na pinalagyan niya ng device alarm ay kasama sa mga naroon.Nanghihina niyang ibinalik sa kahon ang mga iyon at wala sa oras na napaupo siya sa pahabang upuan na naroon. Naglayas ba talaga ito o umalis? Ano ba ‘ng pinagkaiba ng dalawa?Kung umalis man ito, ano ang dahilan? Wala naman siyang ibang nakikitang dahilan kundi ang pag-aaway nila tungkol kay Vanessa.Doon niya naalala ang lahat nang mga ipinangako niya p