Home / Romance / The Missing Piece / Chapter 151 - Chapter 160

All Chapters of The Missing Piece: Chapter 151 - Chapter 160

191 Chapters

Chapter One hundred-fifty-one

NANG sa wakas ay makabawi na siya ng lakas, ay unti-unti siyang tumayo at naglakad palayo sa harapan ng bahay ng dating kaibigan. Sa ngayon ay palalampasin niya muna ang ginawa nito, pero ipinapangako niya sa sarili na babalikan at gagantihan niya ito. Mas malala pa ang ibabalik niya rito.Malakas na ang loob nito dahil halos wala na siyang kakampi. Alam nito na kahit ang mga magulang niya ay hindi na siya suportado, dagdagan pa ng tuluyan na siyang tinalikuran ng binata. At ang pinakamasaklap, ay nawala na rin sa kanya ang kanyang anak. At wala siyang ideya kung saan ito dinala ng ama nitong si Ethan.Kaya aminado siya sa sarili na hindi niya alam kung ano ang gagawin niya. Kung anong hakbang ba ang uunahin. Ang hanapin ang anak o ang binata? Paano rin niya ipapaliwanag sa mga magulang ang nangyari sa kanyang anak? Ang paalam kasi niya sa mag-asawa, ay magbabakasyon lang sila ng anak sa isang kilalang kaibigan. Hindi niya sinabi sa mga ito na pinatira silang mag-ina ni Jacob sa mansy
last updateLast Updated : 2025-02-28
Read more

Chapter One hundred-fifty-two

INAYOS muna niya ang buhok niyang gulo-gulo at buhol-buhol na rin gamit ang suklay. Kinuha niya ang salamin na bumagsak kanina sa harapan niya habang ibinabato ng mommy niya ang mga gamit niya kanina.Tiningnan niya ang sariling repleksyon mula rito. May natuyong kulay pulang mantsa sa kanyang mukha na may mga kalmot ni Geneva. Talagang ibinaon nito sa kanyang maputi at makinis na mukha ang mahahaba nitong mga kuko. Namamaga rin ang magkabilaan niyang pisngi. Putok rin ang kanyang labi at namamaga ang dalawang mga mata.Pero hindi iyon ang nagbibigay sa kanya ng malaking problema ngayon, kundi ang kadahilanang saan siya tutuloy ngayong gabi dahil hapon na. Maya-maya lang ay sasapit na ang gabi. Isa-isa niyang inilabas ang mga maleta kung saan nakasilid ang lahat ng mga damit niya sa gate ng bahay.Nang may dumaang taxi ay pinara niya ito. Habang umaandar ang taxi ay iniisip niya kung saan ba siya pwedeng magpalipas ng gabi. Mabuti na lang at may pera pa naman siyang naitatabi sa isang
last updateLast Updated : 2025-02-28
Read more

Chapter One hundred-fifty-three

NALULUNGKOT at nasasaktan siya sa kaalamang sobra siyang kinamumuhian ng dalaga. Para siyang sinaksak ng libo-libong kutsilyo sa sobrang sakit ng nararamaman niya lalo na nung narinig mismo niya mula rito ang mga salitang iyon. Pero kailangan niyang pagtiisan iyon dahil nararapat lang iyon sa kanya.Hihintayin na lang niya ang panahon na maubos ang galit nito sa kanya at handa na siyang patawarin. Napabuntung-hininga siya ng malalim. Marami pa naman siyang niluto ngayong umaga sa pag-aakalang baka okay na ito at baka pwede na niya itong makasabay sa pagkain. Bumalik lang ito sa dati ng umalis si nanay Minerva. Sana pala hindi na muna niya ito pinayagang umalis.Lalo na ngayon na hindi niya alam kung paano pakikitunguhan ang dalaga. Paano kung hindi na naman ito kumain? Namomroblema tuloy siya. Tinakpan na lamang niya ang mga niluto at nagpasyang lumabas. Doon na lang muna siya magpapalipas ng buong araw. ***
last updateLast Updated : 2025-03-04
Read more

Chapter One hundred-fifty-four

NGISING aso ang pinapakawalan ni Geneva sa kawalan habang inaalala kung paano magmakaawa sa kanya si Vanessa habang sinasaktan niya ito. Nakaramdam siya ng satisfaction nang makita niya itong sobrang nasasaktan sa ginawa niya lalo na nung kaladkarin niya ito palabas.Napahalakhak pa siya na parang nababaliw sa isiping wala na itong kakampi at malalapitan. Ito na ang pinakahihintay niyang mangyari, ang bumagsak ito. Kaya ngayon, ay malaya na siyang makakagalaw at maisasakatuparan na niya ang matagal ng plano, ang makuha ng buo si Jacob.Nasira lang naman ang imahe niya rito dahil sa ipinapagawa sa kanyang masasama ni Vanessa. Pero ngayon, papakitaan niya ito ng magandang gawi para magiba ang tingin nito sa kanya. Sa paraang iyon, ay madali niyang makukuha ang atensyon ng binata. Isang ideya ang biglang kumislap sa kanyang utak Kaya agad siyang nagbihis at nag-ayos para puntahan ito sa mansyon.Babaliktarin niya si Vanessa, ilalagay niya lahat sa babae ang sisi at magkukunwaring makikip
last updateLast Updated : 2025-03-04
Read more

Chapter One hundred-fifty-five

HABANG kumakain ng pananghalian si Vanessa ay naisipan niyang mag-open ng social media account para na rin malibang-libang siya. Ngunit hindi niya inaasahan ang balitang tumambad sa kanya pagkabukas na pagkabukas niya ng account.Laman ng nasabing balita ang dating kaibigan niyang si Geneva. Nahulog ang minamaneho nitong sinasakyan sa bangin dahil hinahabol daw ito ng mga pulis sa salang pag-kidnap sa nagngangalang Michaela Gomez. At ang masaklap pa, nabanggit din ang pangalan niya na kasabwat nito. Ibig sabihin ay pinaghahanap na rin siya ng mga pulis ngayon.Kusa niyang nabitiwan ang cellphone at bumagsak ito sa sahig. Nataranta siya at hindi malaman ang gagawin. Kailangan na niyang umalis ngayon din sa hotel na kinaroroonan niya dahil alam niyang madali siyang matutunton ng mga pulis. Agaran niyang isinilid sa isang maleta ang mga mahahalagang bagay at iniwan na niya ang iba.Bitbit ang kaisa-isahang maleta, ay walang lingon siyang umalis sa hotel na pinaglagian. Walang direksyon a
last updateLast Updated : 2025-03-05
Read more

Chapter One hundred-fifty-six

“E-ETHAN, unang-una sa lahat, gusto kong humingi ng tawad sa ‘yo, sa mga ginawa ko sa ‘yo noon. Simula sa pagtataboy ko sa ‘yo hanggang sa pagtatago ko kay Venisse para lang hindi ka niya makilala. Sa pagtanggal ko sa ‘yo ng karapatan na maging ama sa anak natin. I-I’m really, really sorry,” hindi niya napigilan ang pumiyok kaya napayuko siya.Ewan ba niya at parang ngayon lang niya naisip lahat ng mga kamalian at kasalanan niyang nagawa. Ngayon lang tumatak sa kanyang isipan ang lahat-lahat. Nang dahil sa pagiging desperada niya na muling makuha ang loob ni Jacob, ay kung ano-anong masasamang bagay na ang mga nagawa niya.Naisip niyang hindi pa naman siguro huli ang lahat para baguhin niya ang nakasanayang ugali. Marami na siyang nadadamay. Kahit sa anak niya ‘y nawawalan na siya ng oras para bantayan at alagaan ito ng maayos.“A-alam ko-kong…hindi madali para sa ‘yo ang paniwalaan ako. Na ang isang Vanessa Lawrence na nasa kanya na ang lahat, pera, katanyagan at kung anu-ano pa, ay
last updateLast Updated : 2025-03-06
Read more

Chapter One hundred-fifty-seven

“SIGE, sabihin mo lang.”“Alam ko naman na, hindi lingid sa ‘yo na pinaghahanap na ‘ko ng mga pulis ngayon, dahil laman ako ngayong araw ng balita at ang kaibigan kong si Geneva. Pero sad to say, itinakwil niya na rin ako. Gu-gusto ko lang humiling sa ‘yo na, handa naman akong sumuko sa mga pulis, ako mismo ang susuko ng sarili ko sa kanila, bigyan mo lang ako ng kaunting panahon na makasama ang anak ko bago man ako makulong. Pangako, dahil ayaw ko rin naman na pati ikaw, ay madamay pa sa mga kasalanan ko,” nagmamakaawang sambit niya.“Actually oo, alam ko na nga. Kaya nga nagulat ako kanina nung makita kita, nasa isip ko, baka babawiin mo na ang anak natin para isama siya sa pagtakas.”“No, wala sa isip ko ‘yan. Ang gusto ko lang ay makita siya. Wala na ‘kong intensyon na kunin pa siya sa ‘yo dahil alam kong mas mapapabuti ang lagay niya rito kaysa sa ‘kin. Ako ang babae pero ako ang naging pabaya. Sinayang ko ang mga panahon na dapat kasama ko ang anak ko. Na dapat kasama ka, kumple
last updateLast Updated : 2025-03-06
Read more

Chapter One hundred-fifty-eight

NASA TERRACE ng kanyang mini mansion si Jacob, nakatayo at nakatanaw sa maalong dagat habang paunti-unting tumutungga ng alak. Natatanaw niya ang dagat dahil sa sinag ng buwan na nagbibigay nang liwanag. Dito siya nagpapalipas ng oras tuwing gabi. Pero sinigurado niya muna na wala roon ang dalaga, madalas din kasi itong tumambay doon kapag ganitong oras.Makulimlim ang kalangitan dahil sa nagbabadyang ulan. Panaka-naka rin ang pagguhit ng mumunting kidlat na siyang nagbibigay ng sasaglit na liwanag sa kanyang kinaroroonan. Ganito siya gabi-gabi. Kailangan niya munang lasingin ang sarili para makatulog nang mahimbing. Samu ‘t sari na kasi ang laman ng kanyang isipan.Kung siya ang tatanungin, ayaw niya naman talagang dalhin dito ang dalaga para makulong lang sa isla. Pero kailangan niyang gawin iyon para sa kaligtasan nito. Dahil dito sa isla ang alam niyang lugar na pinakaligtas para rito. Nangangalahati na ang alak sa bote na iniinom niya nang marinig niyang may nagbukas ng pinto.K
last updateLast Updated : 2025-03-08
Read more

Chapter One hundred-fifty-nine

SAMANTALANG nagngi- ngitngit naman si Michaela sa galit nang iwanan siyang mag-isa ni Jacob sa terrace. Babawian niya sana ito ngayon sa pamamagitan ng mga salita dahil mukhang may gana siyang kausapin ito nang pasumbat.Pero mukhang siya ang nabawian dahil mukhang hindi ito interesadong kausapin siya. Akala ba niya ay gusto nitong kausapin niya ito? Ano ang nangyari at iniwanan siya?“Bwisit!” sigaw na lang niya habang ipinapadyak ang mga paa sa sobrang inis sa binata.Sobra talagang nag-iinit ang ulo niya ngayon at parang hindi niya kayang lumipas ang gabi ng hindi niya naaaway ang binata. Kaya ang ginawa niya ‘y tinungo niya ang direksyon patungo sa kwarto nito at malalakas na katok ang pinakawalan niya sa pintuan. Hindi naman nagtagal at binuksan naman nito ang pintuan.“Ano? May kailangan ka ba?” malumanay na tanong nito at nakatingin sa kanya ang namumungay nitong mga mata. Siguro dahil nakainom ito.“Oo! Marami! Kailangan kong ilabas lahat ng sama ng loob ko sa ‘yo! Ang kapal m
last updateLast Updated : 2025-03-11
Read more

Chapter One hundred-sixty

KINABUKASAN ay maagang nagising si Michaela. Hindi niya alam kung bakit nakakaramdam siya ng excitement sa kaisipang balak na niyang kausapin ng maayos si Jacob. At hihingi rin siya ng paumanhin sa mga hindi magandang salitang nabitiwan niya rito.Paglabas niya ng silid ay dumiretso agad siya patungo sa silid ng binata. Kumatok siya sa pintuan nito. Ngunit nagulat siya nang si nanay Minerva ang nagbukas ng pintuan.“Nanay Minerva, kailan po kayo dumating?” tanong niya sa matanda.“Kaninang madaling araw lang, hija. May kailangan ka ba kaya ka naparito sa kwarto ni Jacob?”“Ah, gusto ko po sanang kausapin si Jacob,” nahihiyang pag-amin niya rito.“Naku anak, kanina pa siya umalis pagdating ko rito! Bakit, hindi pa ba kayo nagkakausap simula nang umalis ako?”Yumuko lang siya sa halip na sagutin ang tanong nito.“Halika, pumasok ka muna,” paanyaya nito sa kanya.Pumasok naman siya. Iginala niya ang buong paningin sa kabuuan ng silid, malinis ito at kaunti lamang ang mga naroong gamit. M
last updateLast Updated : 2025-03-11
Read more
PREV
1
...
1415161718
...
20
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status